REIGHN SELESTINE
“Bakit ka ba umiiyak? Hindi mo dapat siya iniiyakan. Ni hindi ka na nga niya maalala eh. Sinasayang mo lang ang mga luha mo sa kanya. Hindi niya deserve ang mga luha mo.” naiinis na saad ko sa sarili ko.
Naiinis ako dahil hanggang ngayon umiiyak pa rin ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil sobrang apektado ako sa pag-alis niya. Hindi ko dapat siya iniiyakan dahil nakalimutan na rin naman niya ako eh. Umaasa ako na tatawag siya sa akin o kahit magpapadala man lang ng mensahe na nakarating na siya sa kanila. Pero wala talaga. Siguro nga ay ako lang naman ang nag-aalala sa kanya.
Siguro nga hindi talaga ako mahalaga sa kanya. Nakakainis siya, naiinis ako sa kanya dahil nami-miss ko siya. Bakit ba kasi naging mabait pa siya sa akin? Bakit ba kasi inalagaan pa niya ako ng sobra? Kaya tuloy ngayon nalulungkot na naman ako kapag naalala ko siya?
“Baby, ready ka na ba?” tanong sa akin ni daddy.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko dahil ayaw ko na makita niya akong umiiyak. Ayaw ko rin na mag-alala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang daddy ko kaya ayaw ko siya na mag-alala sa akin. Marami na siyang iniisip at ayaw kong sumagdag pa.
“Opo, dad. Baba na po ako,” sagot ko sa kanya.
“Okay, hintayin ka namin sa baba.” sabi niya sa akin.
Ngayon kami pupunta sa mommy ko. I mean sa biological mommy ko. Gusto ko kasi siyang makita bago ako pumunta sa US. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Nakangiti akong sinalubong ni mommy.
“Are you ready?” nakangiti na sagot niya sa akin.
“Opo, mom.” malambing na sagot ko sa kanya.
“Okay ka lang ba?”
“Opo, I’m okay mom.”
Magkatabi si mommy at daddy sa harapan. Ako lang mag-isa dito sa backseat. Habang nasa daan kami ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi naman ako inaantok pero ayaw ko lang talagang gamitin ang phone ko.
Wala rin naman ang inaasahan ko na tatawag sa akin kaya bakit ko pa gagamitin. Habang nasa daan rin kami ay masayang nagkukwentuhan ang mommy at daddy ko. Habang nakikinig ako sa kanila ay bigla kong naisip na kapag nagmahal na ako ay gusto ko ang tulad sa love story nila. Higit sa lahat gusto ko ang tulad sa daddy ko.
Gusto kong magmahal ng lalaki na mas mahal ako. Pero sa ngayon ay hindi muna dahil bata pa ako. Mas priority ko muna ang pag-aaral ko.
Nakarating na kami sa pupuntahan namin. Habang naglalakad ako papunta sa mommy ko ay nakangiti ako. Malaki na kasi ang nagbago sa kanya. At masaya ako sa mga pagbabago na nangyayari sa kanya. Ibang-iba na siya sa mommy na nakilala ko.
“Sweetie,” nakangiti na sabi niya at niyakap niya ako.
“I miss you,” malambing na bulong niya sa akin.
Naiyak ako ng marinig ko ang salitang ‘yun.
“I miss you too, mom.”
“Kumusta ka? Ready ka na ba sa pag-alis mo?” Nakangiti na tanong niya sa akin.
“Opo, mom.”
“Ingat ka doon. Take care of yourself. Call me if you need someone to talk to.” sabi niya sa akin.
“Yes, mom. I’ll call you,” sabi ko sa kanya.
“I love you, sweetie. Sorry kasi maraming pagkukulang si mommy sa ‘yo. Sorry kasi hindi ako naging mabuting ina sa ‘yo.” Umiiyak na sabi niya sa akin.
This kind of conversation with my mom really hurts me. Nasasaktan ako na makita siyang umiiyak. Alam ko na nagsisisi na siya sa lahat ng mga ginawa niya. Pero nasasaktan lang ako dahil alam ko na hindi ito madali para sa kanya.
“Mom, kalimutan na po natin ‘yon. Let’s move on at ikaw maging masaya ka. Huwag mong pigilan ang sarili mo na sumaya dahil deserve mo na mahalin. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi. Pero alagaan mo palagi ang sarili mo. And always remember that I love you. I love you, mom.” sabi ko sa kanya.
Naging emosyonal kaming dalawa. Niyakap namin ang isa’t isa. Matagal ko itong hinintay. Matagal kong hinintay na marinig mula sa mommy ko na mahal niya ako.
Nag-usap pa kami at marami siyang kwento sa akin. Matiyaga akong nakikinig sa kanya kagaya ng matiyagang paghihintay sa akin ni daddy at mommy.
“Mommy, alis na po kami. Mami-miss po kita ng sobra. I love you, mom.” Muli ko siyang niyakap.
“Me too, sweetie. Alagaan mo ang sarili mo.” Sabi niya sa akin.
Pagkatapos naming magpaalam sa isa’t isa ay sumakay na ulit ako sa kotse. Hapon na kami umuwi ni mommy at daddy.
“Sweetie, may gusto ka pa bang gawin bago ka umalis?” Tanong sa akin ni daddy.
“Meron po.”
“What is it, sweetie?”
“Gusto ko po na sulitin ang mga araw na kasama ko kayo. Kasi matagal ko kayong hindi makakasama.” sagot ko sa kanya.
Nasanay ako na kasama ko sila. Kaya sigurado ako na mahohomeasick ako doon. Pero kakayanin ko.
*****
Lumipas pa ang mga araw at talagang sinulit naming tatlo ang mga araw na magkakasama.
At dumating na nga ang araw na kailangan ko ng umalis. Ang araw na ihahatid na ako ni daddy sa US. Sa totoo lang buong gabi na akong umiyak. Gustuhin ko man na manatili dito hanggang sa manganak si mommy ay hindi ko magawa.
Kailangan ko ng umalis para makapag-adjust pa ako doon. Nasasaktan ako na makita si mommy na umiiyak. Bawal siyang malungkot at umiyak lalo na buntis siya. Pinigilan ko ang mga luha ko at binibiro ko pa siya.
Habang nasa daan kami ni daddy ay si mommy ang iniisip naming dalawa. Pero alam rin namin pareho na malakas si mommy. Naninibago lang ang daddy mo dahil sanay siya na nasa tabi niya palagi ang asawa niya.
Pagkatapos ng isang mahabang biyahe ay nakarating na rin kami dito sa US. Doon na kami dumiretso sa tutuluyan ko.
“Daddy, magluluto po muna ako.” Sabi ko sa kanya.
“Ako na, sweetie.” Sabi niya sa akin.
“Daddy, paano ako matuto kung ganyan ka.” Pabiro na sabi ko sa kanya.
“Okay, sige ikaw na lang. Tatawagan ko muna ang mommy mo.” Nakangiti na sabi niya sa akin at lumabas na siya dito sa kusina.
Ako naman ay nagsimula ng magluto. Masaya ako dahil talagang tinandaan ko ang lahat ng tinuro sa akin ng mommy ko.
Sabay kaming kumain ni daddy at binibiro niya ako pero naasar rin ng biniro ko na puwede na akong mag-asawa.
“Sweetie, hindi pa ako ready bagay na ‘yan. Huwag ka munang mag-aasawa.” Sabi niya sa akin.
“Daddy, baka nakalimutan mo na 13 pa lang po ako.” Natatawa na sabi ko sa kanya.
“Lagot talaga sa akin ang mga manliligaw mo,” pabiro pa niya na sabi.
“Hahaha, love na love talaga ako ng daddy ko.” Natatawa na sabi ko.
“Naman, ikaw ang prinsesa ko.” Malambing na turan niya.
****
Sa loob ng isang linggo ay inasikaso namin ang lahat ng kailangan ko sa school at dito na rin sa apartment ko. Malungkot man ako na uuwi na si daddy sa Pilipinas ay kakayanin ko.
“Kaya mo ito, Ren-ren.” Saad ko sa sarili.
“Ren-ren? Hindi ikaw si Ren-ren. At hindi mo na dapat ginagamit ang nickname na ‘yan. Ikaw si Reighn, Reighn ang pangalan mo.” naiinis na sabi ko sa sarili ko.