"Wow! Haha. Talaga lang ha!"
Tumango ulit siya. "Yeah. It's more fun in the Philippines especially here in your bar. Thanks to Hades, he brought me here."
"Wow naman! Haha. So, dapat maging regular ko na kayong customers dito ha!" I kid as I promote my business.
"Sure. Lagi na akong pupunta dito lalo pa't alam kong kaibigan ko pala ang may-ari ng bar na 'to."
"Sus! Anyways, naghe-held din kami ng different occasions dito if you want... like birthday parties, stag party, bridal shower, victory celebration, etc... Baka lang interesado kayo, hindi man sa ngayon pero baka sooner or later." patuloy kong pakikipag-sales talking.
"That's noted. Hindi ko kakalimutan 'tong bar mo!"
"Je vous remercie!"
"Bienvenue!"
Nagtawanan kami at nagpatuloy siya sa pag-inom habang nasa tabi niya ako.
Tulad ng sinabi niya, tinutoo nga niya ang sinabing palagi nang pupunta dito sa bar dahil simula no'ng gabing 'yon, palagi at gabi-gabi na halos siyang nagagawi dito...
"Miss Natasya, may nagpapabigay po sa inyo, miss." ani Bambi, isa sa mga waitress ko, isang gabi habang nagmo-monitor ako ng lista ng mga inumin sa kabisera.
Tiningnan ko siya at nakita ang inaabot niyang mukhang mamahalin at sosyal na gift paper bag.
Tinanggap ko ito. "Ano 'to at kanino nanggaling?"
"Do'n po sa customer sa labas, miss. Hindi ko po alam kung ano 'yan basta ang sabi lang po sa akin, ibigay ko daw po sayo."
Bahagyang binuksan ko ang paper bag at sinilip kung anong nasa loob. Nakita kong imported at mamahaling chocolates ang laman nito.
Napansin ko din ang note na naka-attach sa paper bag.
Chocolats pour une fille douce...
(Chocolates for one sweet girl...)
Hindi ko naintindihan ang salita pero alam kong french ito... at isa lang ang alam kong nagsasalita ng french na gagawa ng ganito. Si Chance...
"Ang gwapo nga po niya, miss! Baka manliligaw n'yo po!" humagikhik si Bambi.
Hindi ko nalang pinansin ang kapilyahan ng waitress. "Where's him? Nasa labas siya?"
"Opo, miss, at mukhang mataman kayong hinihintay."
Nilapag ko sa table ang paper bag tapos lumabas na ako ng kabisera. Nakita ko kaagad si Chance sa isang table at nakita din niya ako, nginitian niya ako at bahagyang kinawayan.
Kinawayan ko rin at nilapitan na.
"Kanina ka pa rito, Chance?" nakangiting tanong-salubong ko sa kanya.
"Hindi naman." cool niyang sagot.
"Natanggap ko ang pinadala mong chocolates. Thank you ha?"
"You are most welcome, Natasya..."
***
"MISS Natasya, may nagpapabigay po sa inyo." anang isa sa mga waitress ko isang gabi na namang nasa trabaho ako.
Hindi na ako magtatanong pa kung kanino nanggaling ito dahil alam ko na kung sino na naman ang nagpapabigay.
Pour la jolie fille que j'ai connue...
(For the pretty girl I've known...)
Gabi-gabi na halos ito tuwing nagpupunta siya rito sa bar ko, walang gabi na wala siyang regalong pinabibigay sa akin.
Lahat din ng notes nakasulat in a french language, hindi ko maintindihan ang mga 'yon pero hindi ko na aalamin pa. Wala naman sigurong masama kung tumanggap ako ng gifts lagi galing sa kanya 'diba? We're friends after all!
I smiled at my worker then accepted the paper bag. "Salamat."
Lumabas ako ng kabisera at pinuntahan si Chance sa table niya.
"Natasya!" magiliw na aniya tapos sinalubong ako ng halik sa pisngi.
I showed him the paper bag he sent me today. "Nag-abala ka na naman. Maraming salamat dito ha."
Tumango siya. "Sinabi ko na 'diba? You are most and always welcome, Natasya."
"Ano kayang laman nito?" pilyang tanong ko habang binubuksan ang paper bag.
"Open it so you'll see it." pilyo din niyang sagot.
Tinulungan pa niya akong kuhanin ang staple sa gitna. As usual, he is gentleman enough to help me at every little thing like this.
Nang mabuksan nakita kong French-made chocolates na naman ito.
"Wow!" I smiled at him.
He nodded while smiling at me too.
"Almost two weeks mo na akong pinauulanan ng mamahalin at imported chocolates ah!"
Yes, it's been two weeks to three now since we first met, became friends, he became my regular party goer in this bar, and sending me chocolate gifts.
"Nagsasawa ka na ba sa chocolates? Come on, tell me. I can send you other gifts aside from chocolates."
Agaran akong umiling. Ako na nga itong nireregaluhan, magrereklamo at magde-demand pa ako! Grateful na 'kong masyado sa mga ginagawa at binibigay niya bilang bago kong kakilala at bagong kaibigan.
"Hindi, hindi naman sa gano'n, Chance."
Hindi siya nagsalita. Nakangiti lang siya sa akin...
"What I'm trying to say is that, baka masanay ako nito. Baka masanay akong laging may matatanggap na regalo kapag nagagawi ka dito sa bar gabi-gabi." I threw some humor.
"Then masanay ka. I'll be very happy sending you gifts everytime around." aniya na nakangiti pero ramdam ko ang kaseryosohan sa tono niya.
"Hala? Haha. I'm just kidding, Chance! Don't take it seriously."
Nakangiti pa rin siya nang umiling. "I... I am not kidding. Gusto kong napapasaya kita palagi tuwing pumupunta ako rito para makita ka."
Unti-unting napalitan ng awkward smile ang mapagbirong ngiti ko kanina... I can't understand but I think there's something wrong about him that I just can't explain... Ang seryoso kasi niya at parang ang deep niya kahit nakangiti...
Tititigan ko pa sana siya para tantiyahin ang kaseryosohan niyang taglay nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Lieven ang tumatawag.
"Uhm, excuse me for awhile ha." paalam ko saglit kay Chance.
Tumango siya. Tumalikod ako at medyo lumayo.
"Lieven?" I answered the call.
"Nati! Good evening!" hyper na bati niya mula sa kabilang linya.
Napangiti ako ng matamis. Ang hyper ngayon ng mahal ko ha!
"Good evening, Lev! Napatawag ka?"
"Wala. Nangangamusta lang. Bakit? Bawal na ba akong mangamusta sayo, ha?" lambing niya.
Kinilig naman ako. "Bakit sinabi ko ba? Hindi naman ah!"
Marahang tumawa siya. "Haha. Oo na, sige na. Panalo ka na po. Lagi naman eh. Anyways, kumusta ka na nga?"
"Still doing good. Ikaw?"
"Gano'n din. Nasa bar ka pa din ba ngayon?"
"Yes. I'm still here in work."
"You want me to go there and pick you up to drive you home?"
Napalawak pang lalo ang ngiti ko. So sweet! "Uhm, hindi na, Lev. Labas nalang tayo tomorrow for lunch or kaya for dinner. What do you think?"
"Tomorrow? Uhm, okay. I'm free tomorrow afternoon. Sige, let's have lunch together tomorrow afternoon."