2

1099 Words
"Ayusin n'yo 'yang maigi ha." instruksyon ko sa mga tauhan kong nagtatrabaho sa bar ko. "Yung table four, dalian n'yo nang i-mix ang order nila at madala na sa kanila dahil kanina pa 'yan sila d'yan." "Opo, maam." magalang na sagot ng mga waiters at waitresses ko. Naglakad-lakad pa 'ko sa bar para tingnan kung may kulang pa ba o ano... so far, mukhang maayos naman ang lahat. Everybody seems having fun and enjoying their drinks. Sa paglilibot ko ng mga mata ko sa mga tao sa paligid, nahagip bigla ng paningin ko ang taong pamilyar na nakaupo sa may hindi kalayuang table. "Chance?" Tiningnan kong maigi ang lalaki. Naka-side view ito mula sa akin, may kasamang kaibigan at nakikipag-inuman habang may kung anong pinagkukwentuhan. He seems like enjoying the drinks too! Napangiti ako at pinuntahan ko na nga. "Chance?" I called him nang makalapit ako sa table nila ng kasama niya. "Natasya?" natutuwang aniya nang makita ako. "Natasya, nice to see you here!" Lumapit siya sa akin para magaang yakapin ako at halikan sa pisngi tanda ng pagbati. A friendly greeting. "Nice to see you here too!" natutuwa ko ring sinabi. "Kanina pa kayo rito?" sumulyap ako sa kasama niya. Tulad niya'y may itsura din ito pero kung ako ang tatanungin, mas malakas pa din ang dating ni Chance. "Uhm, medyo. Ikaw ba? Kanina ka pa dito? With whom are you with?" "Oo, kanina pa 'ko rito. Gabi-gabi nga, actually ako dito." marahang natawa ako. He's clueless that I am the owner of this bar. "Wow! Si Eden? Hindi mo kasama?" Umiling ako. "No." "So, nagba-bar ka palang mag-isa! Madalas kang magsolo flight dito?" Tumango ako habang natatawa pa rin. "Yes, solo flight ako gabi-gabi rito with my workers." "Workers? You mean..." nagkaideya din siya sa wakas. "Oh no, don't tell me-" I cut him off as I've nodded. "Yes, I own this bar." "Wow!" natawa siya't parang hindi makapaniwala. "I'm so grateful I've made friends with the owner!" Umiling ako habang marahang nakangiti. "Oo na. So, how's your night and your drinks so far?" "Your bar's doing fine and your drinks are worth the cost." binalingan niya ang kasama. "'Diba, pare?" The man cooly nodded. "Yeah. I agree." "Really? Baka naman, sinasabi n'yo lang 'yan dahil ako ang kausap ninyo!" biro ko. "No, we're being honest here, Nat. Maniwala ka sa amin." Tumango nalang ako. Ipinakilala din niya ang kasama niya sa akin. His name's Hades and we shook hands. Nanatili ako sa kanila at nakikipag-usap ng kung anu-ano lang hanggang sa may humilang babae kay Hades para sumayaw kaya naiwan kaming dalawa ni Chance. "Hades! Hades Jameson? Ikaw nga!" anang babaeng sopistikada sa kaibigan ni Chance. "Vivian?" sagot naman ng lalaking mukhang tuwang-tuwa na nilapitan ng maganda at sosyal na sosyal na chick. "Hades, it's been a long time! Kumusta ka na?" "Heto, sa awa ng Diyos buhay pa. How are you, Vivs? I missed you!" The girl chuckled. "I'm doing well. Missed you too! Wanna dance with me?" "Uhm..." Hinila na nito ang kamay ng lalaki. "Come on, Hades! We've been apart for a long time! Let's dance now!" Walang nagawa si Hades kundi tatawa-tawang nagpahila sa babae para sumayaw sa dance floor. Natatawa nalang din kami ni Chance habang pinanunuod silang lumayo. "Your friend seems really enjoying the night! Chick na mismo lumapit sa kanya eh!" I threw humorously. Napapailing nalang sa mararahang tawa ang kasama ko. "I knew it. Kahit saan talaga kami magpunta, matinik sa mga babae 'yang si Hades!" "Talaga? How 'bout you? Why don't you enjoy the night the way your friend does?" "I am not as kicking ass as him... and besides," he tilted his head. "Hindi ako lapitin ng chicks. I'm not that attractive." "Sus! Nagpapa-humble ka lang eh!" tukso ko pa. Siya, hindi lapitin ng chicks at hindi attractive? No way! Sa totoo nga lang, mas gwapo at mas may dating siya kaysa sa kaibigan niya pero nagkataon lang siguro talagang yung si Hades ang nilapitan at hinila ng babae dahil 'yon ang kakilala... but I don't believe that Chance isn't attractive as his friend does, actually he is more attractive... Umiling nalang si Chance habang napapangiti at sumipsip ng kanyang inumin. "Maiba ako, dati na talaga kayong nagagawi dito sa bar ko? Ngayon ko lang kayo nakita eh... or should I say, ngayon ko lang siguro kayo napansin?" Nagpamulsa siya habang painom-inom sa alak niya. "Honestly, dalawang beses ko pa lang nakapunta rito magmula nang makauwi ako ng Pinas one month ago. Siguro si Hades, palaging napaparito, siya din nagdala sa akin dito eh." "Talaga? Saang bansa ka ba nanggaling?" "Paris France." "Wow. I pressume you speak French language?" I teased him. Humble na tumango siya. "Uhm, kinda'." "Sige nga, tingnan natin 'yang kinda' mong 'yan! Give me some samples of french words, yung mga simplehan lang ha!" I challenged him. He chuckled. "Sige." "Sige!" Nag-isip saglit siya. Ngumisi siya nang may naisip na. "Tu es beau..." Namilog ang bibig ko sa ganda ng accent niya tapos bagay na bagay sa baritonong boses niya ang French. Grabe, he sounds like real French people do! "Tu- what?" tawa ko kasi syempre hindi ko naintindihan 'yon. I've been into other European countries already but not yet to Paris France kaya wala akong kaalam-alam sa French! "Tu es beau... meaning 'You're beautiful'." "Wow! Thank you!" oh 'diba ang feeling ko lang na mag-assume na para sa akin 'yon! Haha. Tumango siya. "You are most welcome." "Ano nga palang 'Thank you' sa French? Pa'no sabihin 'yon?" "Je vous remercie." "Je...vous...remercie? Am I speaking it correctly?!" natatawa ako sa sarili ko. "Yes. Yes, you are. Je vous remercie!" "Je vous remercie!" hyper ko nang sinabi. Oh 'diba ang galing ko! Haha. "'Yon!" "Je vous remercie! Je vous remercie!" paulit-ulit ko pang sambit habang tuwang-tuwa. Mukhang tuwang-tuwa din ang kasama ko at tinatawanan na ako. "Bienvenue!" aniya. "Ano naman 'yang Bienvenue na 'yan?" interesadong-interesado kong tanong. I somehow find fun to this person huh! "Welcome!" "Ah 'yon pala 'yon! Now I know two french phrases 'Bienvenue at Je vous remercie'!" Tumango siya. Marunong talagang sumakay sa trip ko! "Seriously, ang galing mong magsalita ng french ha at ang ganda ng accent mo! Ilang taon ka bang namalagi doon sa France? Matagal-tagal din siguro 'no?" "Since I was high school... ngayon lang ulit ako nakauwi dito sa Pinas." "Talaga?" nagulat naman ako. "Ang tagal nga! Buti marunong ka pang magtagalog?" Tumango siya. "Hindi ko naman kayang kalimutan ang Pinas. I love Philippines and it's more fun in the Philippines… especially with you here!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD