4

1116 Words
"Sige. Wala nang bawian 'yan ha?" "Yes, dear. I'll give you the floor to choose the location and which restaurant we will go for lunch since hindi ako nakasama sa inyo ni Eden last week sa balak sa nating breakfast trip." Alam na alam talaga ng isang ito kung paano huhuliin ulit ang kiliti ko at kung paano makakabawi sa akin! "Sige, mamimili muna ako ng magandang resto. Text ko nalang sayo later kapag nakahanap at nakipili na ako. Okay?" "Okay po, maam." "You're not sleeping yet?" "Hindi pa naman ako inaantok eh. Gusto ko pa sanang makausap ka ng mas matagal... 'yon ay kung okay lang sayo at hindi ka pa rin inaantok?" Naku, hindi! Okay na okay nga, Lev! Even until midnight, I will be very please to talk with you over the phone. "Okay lang, Lev. Hindi pa naman ako inaantok eh." "Kung gano'n, sige ganito nalang; I'll talk to you when you drive yourself home 'til you arrive in your house to monitor that you are all safe all the way." Kinikilig na natatawa ako. Kaya na-in love ako sa kanya eh! He's very caring... maaalahanin talaga! "Sure ka? Hindi mo ibababa 'tong tawag hanggang sa makauwi ako sa bahay?" I teased him. "Hindi." paninindigan niya. "Sige. Ikaw, kung 'yan ang gusto mo." Since wala namang planong ibaba ni Lieven ang tawagan namin, minabuti kong bumalik sa table ni Chance para magpaalam na sa huli. "Chance?" I called him. Napangiti siya nang nilingon ako. "Natasya!" "Chance, I'm sorry I have to go now. Maiiwan na muna kita rito." "Ha? Gano'n ba?" nalungkot bigla ang boses niya. Tumango ako. "Oo eh. Una na muna ako ha? Just enjoy the night and enjoy your drinks. Order whatever you want and my workers are just there to serve you. Good night, Chance." Tinalikuran ko na siya at dali-dali na akong bumalik sa kabisera. Naupo ako sa isa sa mga upuan sa mahabang table. "Hello, Lev? Are you still there?" "Yes, I am." seryoso ang boses ni Lieven sa kabilang linya. "Sino 'yon, Natasya?" "Ha? Sino?" I played innocent. "Yung kausap mong lalaki bago lang, sino 'yon?" Napatamis na naman ang ngiti ko. Is he kind of some jealous or what? Minabuti kong sabihin ang totoo. "Ah, 'yon ba? Newly found friend ko 'yon. You know, regular customer ko dito sa bar. Alam mo naman, business minded akong tao kaya kailangang makipagkaibigan." Nakauwi ako sa bahay at tulad ng ipinangako niya, hindi niya binaba ang tawag hanggang sa nakahiga na ako sa kama ko sa kwarto at ready na matulog, nakikipagkwentuhan nalang sa kanya. "Sigurado kang kaibigan lang 'yon at alam nu'ng tao na kaibigan mo lang siya ha!" paulit-ulit pa rin niyang pagpapaalala. Kanina ko pa nga sinasabi na kaibigan ko lang si Chance. Regular customer sa bar ko pero ang cycle ng usapan namin ay naroon pa rin sa tao at paalala siya nang paalala at naninigurado talaga! "Oo nga po, kaibigan lang at alam din naman niya 'yon eh. You have nothing to worry about." "Siguradong pinipili mo 'yang mga kakaibiganin mo at mapagkakatiwalaan sila ha." "Yes, sir!" Bumuntong siya. "Alam mo namang nag-aalala lang ako for you, Nati... You know, you're beautiful, and you almost have it all. Para kang crystal sa akin na ayokong mabasag ng kung sino..." Parang hinaplos ang puso ko sa huling sinabi niya. Kaya talaga mahal na mahal ko siya eh kasi kung mag-alala siya para sa akin, ramdam na ramdam kong naroon ang sinsiridad... Naalala ko tuloy kung paano ko siya unang nagustuhan noon kahit no'ng unang pagkakakilala palang namin mga college students pa kami... Nasa library kami noon ni Eden, nagsusulat ng assignments namin sa isang minor subject. Abala kami sa pagsusulat nang marinig kong bumukas ang pinto ng library at nakitang pumasok ang isang lalaking talaga namang nakapukaw ng atensyon ko. Like us, he's also on his uniform. May dala siyang sariling libro, naupo sa bakanteng table sa kung saan kitang-kita at view na view ko siya. He started reading his book. He looks so serious and so passionate in his reading, I can see and I can sense it. "May fairy costume ka na for our role play tomorrow?" He's wearing an eye glasses. He's nerdy but I find him hot on it! First time ko yatang magkaka-crush dito sa University! "Hey, Natasya!" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mukha nang kinaway-kaway ni Eden ang kamay niya sa mga mata ko. "Ah, what is it again, Eden?" "Ang sabi ko, may costume ka na para sa role play natin sa Filipino bukas?" "Ah, oo mero'n na. Ikaw?" "Mero'n na din. Akala ko kasi wala ka pa, sasamahan sana kitang maghanap at bumili mamaya after class." "Hindi. Mero'n na, Den." sabi ko sabay sulyap ulit do'n sa lalaking nakasalamin. "Kanina ka pa pasulyap-sulyap at tulala diyan ha, ano bang tinitingnan mo?" puna niya. Bago ko pa man siya mapigilan sa paglingon ay nagawa na niya. Kinunutan niya ako ng noo. "You like that guy with eye glasses?" Pakiramdam ko pinamulahan bigla ako ng mukha. Friend's instinct nga naman oh! "Uhm, you know... I find him cute. What do you think?" pag-amin ko nalang. Ano pang magagawa ko? Alangan namang mag-deny pa ako gayong huli na ako sa akto! "So, you're having crush with Lieven..." it was a statement more than a question came from her mouth. Lieven? "Lieven's his name? Kilala mo siya?" "Pa'no ko siya hindi makikilala gayong kasama siya ng boyfriend ko sa football team!" ani Eden. Ah, kaya pala... Si Eden kasi ang tipong ma-boyfriend na babae. Ako naman 'yong pakeme, tumuntong nalang ng college na hindi pa nagkaka-boyfriend. Wala lang... ayoko lang muna talaga. Hindi naman kasi porket uso ay makikisabay na 'ko... Gusto ko kapag nagka-boyfriend ako, yung gustong-gusto ko talaga siya at gano'n din siya sa akin... Nagpatuloy si Eden sa pagsusulat samantalang ako, tinitigan ko pang maigi si Lieven. Madalas kaya siyang mag-isa? He looks so independent! Bago pa man ako makayuko para magpatuloy sa pagsusulat at umiwas na ng tingin sa lalaki ay nag-angat na ito ng tingin sa akin at nahuli akong nakatitig sa kanya. s**t, kakahiya! I heart melted when he smiled at me. Para akong hihimatayin sa kilig. He smiled at me! Nagpatuloy siya sa pagbabasa at ako nama'y wala sa sariling napatampal sa kamay ng kaibigan ko. "Ouch! What's your problem, Natasya!" maarteng singhal ni Eden sa akin. "He smiled at me! Lieven just smiled at me!" tuwang-tuwa kong sinabi. Napangisi na tuloy siya. "Really?" Hyper na tumango ako. "Really, Den!" She looked back to look at Lieven for a second and then got back to me. "Kinikilig ka naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD