Five

1579 Words
Five Ian POV Nandito na kami sa may parking lot ng QWERTY Station kung saan nagtataping daw si Miss Tammy Salcedo. Nauna na akong bumaba at sinabihan sila na huwag na silang sumama sa akin sa loob. Tutal sandali lang naman ako, kakausapin ko lang si Miss Tammy Salcedo. Nagtanong ako sa guard kung saan ang taping ng "Ang Mundo mo'y Sa iyo na" tinuro naman nya pero pinaiwan ang ID ko. Sumunod na lang ako sa mga sinabi nya dahil ayaw kong makakuha ng pansin sa mga tao. Ayaw kong malaman nila na ako na CEO ng Mackenzie Place ay nandito para kausapin ang napapabalitang girlfriend ko daw na walang iba kundi si Miss Salcedo. Bago nga pala ako pumunta dito ay nagpalit muna ako ng kulay itim na shirt at fitted naLevis jeans. Isinuot ko lang ang usual ko na damit pagwala ako sa office. Mahirap na baka makaagaw pa ng pansin kung naka coat and tie akong damit dito. Sabi ng guard nasa bandang garden daw ng station ang taping . Pinagmasdan ko ang paligid . Maganda ang interior design ng building na ito. Nagtanong ako sa nakasalubong kong lalaki at itinuro naman nya. Nagpasalamat ako at sumakay sa elevator. Ang garden pala na sinabi ng guard , ay sa rooftop ng building. Maraming tao sa may tapping. Iginala ko ang aking paningin para hanapin si Miss Salcedo. Hindi ko sya makita kaya nagtanong na naman ako sa lalaking nag-aayos ng mga props. Itinuro nya ang pwesto ni Miss Tammy Salcedo. Nakita ko sya na nakaupo sa isang bench, may mga kasama syang mga showbiz reporter. Hindi ako kaagad lumapit sa kanya. Tumayo muna ako sa isang tabi at pinagmasdan s'ya. Rinig ko ang mga sinasabi nya sa kanyang mga kasama n. Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang aking pangalan. Lumapit ako ng kaunti para marinig nang maayos ang mga sinasabi nya. Hindi ako tsismoso ah. Curious lang ako sapagkat napasali ang aking pangalan sa kanilang usapan. "Sweet ba si Mr. Mackenzie?" tanong sa kanya ng isang reporter. Napakunot ang aking noo, bakit ba nagtatanong ng ganito ang mga reporter na ito? "Oo napakasweet nya" sagot naman ni Miss Salcedo. Napabuntong hininga ako sa sagot nya. At the same time napangiti ako ng bahagya. Sweet pa la ako? Bakit hindi ko alam? "Saan kayo nagkasama?" tanong naman ng isa. Hinintay ko kung ano ang isasagot nya. "Ahh sa eroplano" medyo nahihiyang sagot nya. May tama s'ya doon. Sa loob nga ng eroplano kami nagkakilala tapos sinukahan nya ako. Pagnaiisip ko yun , gusto ko na ring masuka. Nakakadiri kaya ang masukahan. "Bakit sa eroplano ? Saan kayo galing?" intriga ng isa pa. Parang may ipinupunto 'tong reporter na ito ah? "Ahhhh secret" sagot nya tapos sinundan nya pa ng tawa. Ramdam ko ang pagkailang nya sa tanong. Pero yung mga kaharap nya parang hindi napansin yun kasi bigla silang naghiyawan. Tapos si Miss Salcedo naman ngumiti na akala mo nahihiya. Para may laman ang ngiti nya kaya lalong naghiyawan at tinukso sya ng mga ito. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa kaniya. Hindi tama naumakto sya nang ganito sa mga reporter. Sya mismo ang nagbibigay ng isipin ng mga ito na may relasyon talaga kaming dalawa. Mayamaya lang ay nagsipag-alisan na rin sila nang may mamataan silang artista yata. Hindi ako sigurado kasi hindi naman ako interesado sa mga artista . Naiwan syang nakaupo parin sa bench. Bago ako lumapit ay tiningnan ko syang maigi. Ibang-iba nga ang itsura nya noong makita ko sya sa eroplano. Natatandaan ko na nakatali ang kanyang buhok at nakajacket sya noon . Ngayon ay nakalugay ang kanyang may kahabaang buhok na pinaganda ng kulot sa dulo. Pa heartshape ang kanyang mukha. Mayroon syang mahahabang pilik mata at masasabi kong maganda ang kanyang mga mata. Mamula-mula ang kanyang mga labi. May kaliitan ang kanyang matangos na ilong. Masarap syang titigan. Hinamig ko ang aking sarili sapagkat para akong nababatobalani sa kanya. Masasabi kong magandang-maganda sya. Napasinghap ako nang mapadako ang tingin nya sa akin. Para akong mauubusan ng hininga. Ano ba itong nangyayari sa akin? Nandito ako para pagsabihan sya sa ginawa nya pero bakit parang nawala ako sa sarili ko? Parang biglang pumintig ang puso ko nang nginitian nya ako. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito sa kanya. Kumunot ang aking noo. Pinalapit nya ako sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay nya. At nagulat ako sapagkat para akong robot na lumapit naman sa kanya. "Anong kailangan mo?" tanong nya sa akin. She even smiled at me. "A-ahhh E-ehhhh" nabubuloy na nasabi ko. Parang walang gustong lumabas na salita sa aking bibig. Pakiramdam ko nalulunod ako sa presensya nya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kanya. Marami na akong nakasamang magagandang babae at halos ibigay na nila ang kanilang mga sarili sa akin pero sa ngiti nya parang bigla akong naging isang teenager na nakaharap ang crush. Gusto kong umalis na lang . Hindi dapat ganito, ipinaalala ko sa aking sarili kung ano ba ang ipinunta ko doon. "Ah alam ko na gusto mo ng autograph" kumuha sya ng picture nya at sharpie mula sa kanyang bagpack. "Anong name mo?" tanong nya at nginitian na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng pagkaslowmo ng mga nakapaligid sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit para akong nabatobalani sa kanya. "Ahh Mo....Mo?" gusto kong saktan ang sarili ko. Ano ba iyong pangalang naisip ko? Hindi kasi pwedeng sabihin ang totoong pangalan ko. Sinulatan nya ang picture sa likod. "Ito saiyo na" sabi nya at ibinigay nya sa akin ang picture nya. " Ang ganda ng pangalan mo MoMo" sabi nya pa. Natutulalang kinuha ko naman. Tiningnan ko ang inabot nya. Ang ganda ng ngite nya sa picture. Napailing ako. Ano ba itong nangyayari sa akin para akong hindi CEO ng isang corporation? Kakaibang pakiramdam. "Ah alam mo may itsura ka Momo. Gusto mo bang maging extra o kaya artista?" tanong nya sa akin habang sinisipat nyang maigi ang itsura ko. I smirked . Confident ako na maganda akong lalaki at natuwa ako dahil napansin nya iyon. "Alam ko na bigay mo sa akin ang number mo para kung sakaling may raket na available ay tatawagan kita" masayang sabi nya. Inilabas nya ang cellphone nya na galing sa kanyang bulsa. "Anong number mo?" tanong nya. Nag-isip ako kung ibibigay ko sa kanya. Pinagmasdan ko sya. Ang kanyang mga mata nagniningning. Parang may bumubulong sa aking tenga na dapat ibigay ko kasi gusto ko sya uling makita at makausap. "Wala ka bang cellphone ?" malungkot na tanong nya. Sa tagal kong sumagot akala nya wala akong cellphone. "M-mayroon" biglang sagot ko." Ah number ko 0927*******" " Sinave nya sa phone nya ang number ko. " Promise tatawagan o kaya ay itetext kita kapag may nahanap akong raket para saiyo" pangako nya. inagat nya pa ang kanyang ibabang labi. Pakiramdam ko bigla akong pinagpawisan. Ano bang ginagawa sa akin ng babaing ito? Bigla akong nawala sa sarili ko. "Tammy ikaw na daw sa susunod na eksena" sabi sa kanya ng isang matabang babae na lumapit sa amin. "Salamat Ate Lina" pasasalamat nya sa lumapit na babae. Tapos umalis na ang tinawag nyang Ate Lina. Humarap uli sya sa akin. "Alam mo ba kahapon lang extra pa ako pero dahil sa balitang boyfriend ko si Mr. Mackenzie nabigyan ako ng role dito sa soap opera" masayang bulong nya sa akin. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko kasi ang lapit ng mukha nya sa tenga ko . Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. "May secret ako pero sa iyo ko lang sasabihin . Pero promise mo hindi mo ipagsasabi ha" bulong nya pa. Tumango naman ako. "Ganito iyon , sasabihin ko sa iyo kasi ang gaan ng pakiramdam ko sa iyo pakiramdam ko soulmate kita" sabi nya pa. Napangiti ako sa sinabi nya. Soulmate! Tama parang ganoon din ang pakiramdam ko. Parang matagal na kaming magkakilala. Iyon siguro ang dahilan kaya biglang nawala ang inis ko sa kanya kaninang nabasa ko ang balita. "Ang gaan ng pakiramdam ko sa iyo" dagdag nya pa. " Ito ang secret ko hindi ko talaga boyfriend si Mr. Mackenzie" bulong nya. Tapos kinagat na naman nya ang ibabang labi nya. Napaharap ako sa kanya. "Bakit mo sinabi na boyfriend mo sya?" gusto kong malaman kung bakit. "K-Kasi sabi ni Direk bibigyan nya ako ng break sa showbiz " nahihiyang sagot nya. Napailing na lang ako. Tiningnan ko sya . mukha naman syang nahihiya at nagsisisi sa nagawa nya kaya hahayaan ko na lang. I admit nakakaramdam ako ng attraction sa kanya kaya madali sa akin na kalimutan na lang ang ginawa nya. Isa pa pansin ko na mukha naman syang mabait at kailangan nya lang ang trabaho kaya sige papatawarin ko na sya. "Secret lang iyon Momo ah. Promise naman na magsosorry ako kay Mr. Mackenzie" sabi nya tapos itinaas nya pa ang kanyang right hand na parang nanunumpa. "Tammy tawag kana ni derek!" tawag uli sa kanya ni Ate Lina. "Sige Momo tatawagan na lang kita" paalam nya at umalis na sya sa harapan ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Sinundan ko sya ng tingin habang papalayo sya. Miss Tammy Salcedo anong mayroon ka at nagawa mong patawarin kita? tanong ko na lang sa sarili ko. Ramdam ko na ang pagkatalo ko sa kanya. Maybe she's a witch and I was bewitch by her smile. *************************** Next time uli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD