Four

1547 Words
*****Four***** Ian POV Monday morning back to work. "Goodmorning sir" bati ng mga empleyado ko. I smiled and greet them back "Goodmorning". Good mood ako today. Dahil nakuha ko na at naibigay ko na rin sa wakas ang engagement ring na para sa kapatid ko sa kanyang soon to be fiance. Wala na akong problema. Kinikilig naman ang bawat madaanan ko na mga empleyadong babae. "Ang gwapo talaga ni sir" bulong ng isang empleyado sa kasama nya. "Yay nginitian ako ni sir" sabi naman ng isa pa. I think this day will be a great day. Maganda ang weather at smooth ang takbo ng business. Sumakay ako sa private elevator na nakalaan lang sa mga big boss ng company. Kasama ko ang mga executives at ang secretary ko na si Perry with my body guards. Ayaw ko nga sana ng body guards kaya lang mapilit si Daddy , masyado daw laganap ang krimen sa Manila kaya each member in our family ay mayroong bodyguards. Tahimik kaming lahat sa loob ng elevator parang walang may balak na magsalita. Natatakot siguro sa akin ang mga executives na kasama ko. Aaminin ko na may pagka mahigpit ako pagdating sa trabaho ayoko sa mga taong pabaya sa kanilang tungkulin. Ting! Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na kami. "Goodmorning sir " bati ng assistant ni Perry bukod sa secretary ko ay may secretary din si Perry. Bale tumatayong personal assistant ko si Perry dahil sa mga lakad sa labas si Perry ang laging kasama ko. "Goodmorning " bati ko rin. "Ayos na ba ang conference room?" "yes sir" sagot nya ng nakangiting , halatang nagpapacute. Sa ngayon papalagpasin ko ang pagpapacute nya pero sa susunod ay hindi na kasi kaya nga sya nandito para magtrabaho hindi para magpacute sa boss nya. "Okay Gentleman let's have our meeting" sabi ko sa mga executives na kasama ko at pumasok na kami sa loob ng conference room . I know that it will be a tiring day but for me it still a great day. After three hours na meeting pumasok na ako sa office ko. Medyo sumakit ang ulo ko sa pakikinig sa mga reports nila. Isinandal ko ang aking ulo at pumikit. "Ahm Sir can I disturb you?" alanganing tanong ni Perry sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata. "You're now actually disturbing me. What is all about?" kunot noong tanong ko. Maybe its somethi ng very important kasi hindi naman nya ako iistorbohin kung hindi. "Ah Sir look at this" inabot nya sa akin ang isang broadsheet. Nagtatakang kinuha ko . I wonder what's the latest news about. Maybe about stock exchange but when I looked at it. It's in entertainment section where you can read about the latest gossip in metro . "Perry I'm not interested in showbiz gossip " I said to him. I'm trying to calm myself." You disturbed me because of some crappy showbiz gossip?" I asked him with a bored look. I'm waiting for his explaination. "Ah Sir the gossip is about you" he said. Nagtatakang tiningnan ko uli ang broadsheet. Tungkol sa akin?Why? At bakit sa showbiz gossip? I searched to that certain gossip and boom. It's written there that a certain extra girl in a soap opera named Tammy Salcedo is my girlfriend and according to the showbiz reporter that I am so inlove with that Tammy Salcedo. Pakiramdam ko lalong sumakit ang ulo ko. Nagtataka ako kung paano nangyari na may lumabas na balita about sa akin at sa Tammy Salcedo na sinasabi dito sa broadsheet. As far as I remember sa airplane lang kami nagkasama ng babaing ito at worst pa ang nangyari. "Bakit may ganitong balita?" iritadong tanong ko kay Perry. "Sir remember noong pinapunta nyo kami sa taping?" alanganing sagot ni Perry. Kulang na lang ay sabunutan ko ang aking sarili sa sobrang pagkainis. I tried so hard para maging private ang pagkatao ko then suddenly may ganitong balita. I don't think so kung ano ang sasabihin ng pamilya ko pagnabasa nila ito. Ahh! isa pang problema ang pamilya ko. Paniguradong tuwang-tuwa na sila pagnabasa nila ito. Matagal na nilang gustong magkaroon ako ng girlfriend. Hindi na daw ako bumabata , kailangan ko na daw mag-asawa. Paniguradong kukulitin nila ako tungkol sa balitang ito. "Perry I want you to cancel all my appointments for today " I instructed to Perry. "I want to see this Tammy Salcedo and talk to her. Kailangang linawin nya ang balitang ito!" nanggigigil na sabi ko. Kailangang sa madaling panahon ay maitama ang balitang ito. "Okay Sir. Lalabas muna ako to cancel your appointments for today" paalam nya. Then lumabas na sya. Akala ko pa naman this is a great day , hindi pala. May pagmamadaling tumayo ako at inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mike. After ng ilang ring ay sumagot sya. "Mike pwede bang alamin mo kung nasaan ngayon si Miss Tammy Salcedo?" agad na sabi ko. "Tammy Salcedo? Is this about the latest gossip?" natatawang tanong nya. Sabi na nga ba alam nya na ang balita. Magtataka pa ba ako eh trabaho nya ang maging mausisa . "Yes" sagot ko sa kanya. Nakakainis ang tawa nya. "Will you fvking stop that laugh!" irritadong utos ko sa kanya. He is so annoying at alam nya na madali akong maasar. "Bahahahahhaha! Calm down. Okay. I call you if I found out where she is right now. But pare ang swerte mo. Ang ganda ni Miss Salcedo" pang-aasar nya pa. "And-----" bago pa nya maidagdag sa sasabihin nya ay inend ko na ang pag-uusap namin. Palakad-lakad ako para maikalma ko ang sarili ko. Lalong pinasakit ng balita ang aking ulo. Tiningnan ko uli ang balita then I look at her face. Tinitigan kong maigi. Tama nga ang sinabi ni Kris maganda nga si Miss Salcedo noon kasing nasa eroplano hindi ko gaanong napansin ang itsura nya. Isa pa mukha syang haggard noong time na iyon maybe dahil sa takot nya. But now in the photograph in the broadsheet ay masasabi kong maganda nga sya. May pagkatsinita ang kanyang mga mata dahil sa nakangiti sya sa picture. Mahirap idescribe pero para sa akin maganda sya. Teka bakit ko ba sya pinupuri. Dapat magalit ako sa kanya dahil ayon sa balita sya ang nagsabi na may relasyon kaming dalawa. Ang tagal namang tumawag ni Mike. Gusto ko nang makita ang babaeng ito at ipabawi sa kanya ang kasinungalingang nakasulat sa dyaryo. Nasira ang schedule ko ngayong araw na ito at kasalanan ni Miss Salcedo . Humanda sa akin ang babaeng ito. Narinig ko ang Chasing Cars na rington ko , dali-daling sinagot ko ang tawag. "Hey bro" bungad ng caller. Patay! Hindi si Mike ang tumawag. "Bakit?" walang ganang tanong ko , parang alam ko na kasi ang dahilan ng pagtawag ni Margie. "May girlfriend ka na pala . Alam mo nakakaasar ka bakit hindi mo sinabi kaagad sa amin , sa news pa" halatang nagdadamdam sya sa tono ng boses nya. And I know right now ay naka pout sya. "What? Anong news?" gulat na tanong ko. Hindi lang pala sa dyaryo pati sa news . "Yes dear brother napanood namin sa Unang hirit. Kailan mo sya ipapakilala sa amin.?" sagot nya . Mukhang napalitan naman ng excitement ang tono ng boses nya. Napahawak na lang ako sa noo ko" Wala akong ipapakilala sa inyo kasi hindi naman totoo ang balita." may diin na paglilinaw ko. "Awww! Maniwala ako. Ayaw mo lang syang ipakilala sa amin" galit na sabi nya." Basta sabi ni Mommy ipakilala mo daw sya sa madaling panahon bye!" Asar na patuloy nya then binabaan na ako. Ano kaya ang magandang gawin sa balitang ito? Idemanda ko kaya ang nagsulat ng balita? tanong ko sa sarili ko. Kailangan kong maayos ang balitang ito. Ayaw na ayaw ko pa naman na pinag-uusapan. Tumunog uli ang phone ko but this time tiningnan ko muna kung sino ang caller. Mahirap na baka si Mommy naman. Nakita ko na si Mike ang caller. "Where is she?" tanong ko agad. "Wow pare nagmamadali ka ah" pang-aasar na naman nya. "Bilis na sabihin mo na." galit na sabi ko. "Teka 'wag ka namang magalit.Ito na nga sasabihin na." "You better be kung hindi ibibigay ko ang number mo kay Zenea" pananakot ko sa kanya. "Ito na nga diba. 'Wag mong ibibibigay don ang number ko!" sigaw nya. "Hahahhahah!Ngayon ikaw naman ang naasar" balik ko sa kanya. Sabi na nga ba takot 'to kay Zenea. Si Zenea ay ang bestfriend ni Margie na head over heels daw na inlove kay Mike. "Okay . Makikita mo sya sa taping ng kanilang soap opera. Same address na binigay ko sa iyo." "Salamat pare. 'Wag kang mag-alala naibigay ko na pala ang number mo kay Zenea" pang-aasar ko sa kanya. Ngayong naibigay nya na ang kailangan ko sya naman ang lagot sa akin. "Ano!!!" sigaw nya. Ngunit bago pa sya makapagsalita ay pinagbabaan ko na sya. Hahahaha ! ngayon ako naman ang mang-aasar. Lumabas na ako ng opisina. "Perry let's go!" yaya ko kay Perry. Sumunod naman sya sa akin pati ang mga body guards. Lumulan kami sa elevator. Humanda ka sa akin Miss Tammy Salcedo! Kailangang bawiin mo ang balitang may relasyon tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD