Six

1054 Words
Six Ian POV Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang magpunta ako sa tapping ni Miss Tammy Salcedo. Mula nang araw na iyon ay hinayaan ko na lang ang mga balita tungkol sa aming dalawa. Maraming showbiz reporter ang tumatawag sa line ni Perry. Siya ang sumasagot sa lahat ng tawag na may kinalaman sa akin. Gusto nilang humingi ng private interview para malaman nila kung ano ang story sa side ko. Wala ni isa man sa kanila ang pinayagan ko na kumuha ng interview sa akin. Kung hindi rin lang tungkol sa business ay hindi sila makakakuha ng interview sa akin. Isa pa kung mayroon man na pinapayagan kong mag-interview ay walang lumalabas na larawan ko. I still remain private at ayaw kong magbago iyon. Isang linngo na rin na sa tv at mga print ads ko lang nakikita ang magandang mukha ni Miss Tammy Salcedo. Dahil sa balitang may relasyon kami ay gumanda ang takbo ng kanyang carreer. Maraming kumuha sa kanya bilang endoser at mga guesting. Napansin sya sa showbiz at ayaw kong sirain iyon. In the first place mayroon akong nararamdamang attraction sa kanya. Kaya natutuwa ako na nakakuha sya ng magandang break sa showbiz . Ngunit hindi ako handa na malaman nya kung sino ba akong talaga. Kaya nagtitiyaga na lang akong makita sya thru media. Busy ako sa pagbabasa ng mga documents na dapat kong pirmahan. Naramdaman ko na nagvibrate ang iPhone ko na nasa bulsa ng aking slacks. Inilabas ko at tiningnan ang text. From: 0927******* Hello Momo ako ito si Tammy. May nahanap na akong raket para sa iyo. Tawagan mo ako kung may load ka o kaya itext mo na lang. Hihintayin ko ang tawag mo :) Halos matawa ako sa text nya. Raket? Hmmm ano kaya iyon? Tinotoo nya ang sinabi nya sa akin na hahanapan nya ako ng raket. Kakaiba talaga sya. I dial her number. After ng isang ring... "Helloooo" sagot nya na pakanta. Pinigilan ko ang tawa ko. "Ahhh Hello Miss Salcedo" tanging nasabi ko kasi pinipigilan ko parin ang sarili kong tumawa. "O Momo . Kumusta ka na?" masayang tanong nya. "Ahh I'm okay" sagot ko. Sakit sa tenga ng Momo. Nagsisisi ako kung bakit iyon kaagad ang naisip kong pangalan. "Buti may load ka,"sya. "Ah , Oo mayroon," sagot ko. "Nakaunli ka siguro no?" tanong nya pa. Napakunot ang noo ko. Anong unli? Ang alam ko kasi nakaline ako. Tatanungin ko nga mamaya si Perry kung anong unli. "Ay oo nga pala , may nahanap na akong raket para sa iyo. Pwede ba tayong magkita mamayang six pm?" tanong nya. Halatang masaya sya. "Ah okay" sagot ko kasi wala naman akong alam na meeting mamayang six pm kaya pumayag na rin ako . Isa pa gusto ko uli syang makita ng harapan. "Sa ano na lang. Dito na lang sa may Market Market para malapit lang dito sa tapping namin. Kita tayo sa may tapat ng National Bookstore. Okay lang ba?" tanong nya pa. " Okay kita na lang tayo" sagot ko sa kanya. "Sige bye Momo" then she hang up. Nakatingin pa rin ako sa iPhone ko kahit wala na sya sa linya. Tama ba ang ginawa ko na magpanggap na ibang tao? Kung magpapakilala naman ako bilang CEO ng Mackenzie Place ay baka iwasan nya lang ako. Bahala na gusto ko syang makilala nang lubusan kaya hahayaan ko muna na makilala nya ako bilang si Momo. "Perry pasok ka dito" tawag ko sa kanya sa intercom. "Yo boss what's up?" tanong nya. Muntik na akong matawa sa kanya kasi para syang rapper. "May meeting ako kay Miss Salcedo mamayang six pm" sabi ko sa kanya. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa narinig nya. "Boss makikipagmeeting ka? " gulat na tanong nya. "Bilang si Momo o bilang si Mr. Ian Mackenzie?" dagdag na tanong nya. Kumunot ang aking noo. "Bakit mo naman tinatanong?" alam nya na nagpakilala ako bilang si Momo kay Miss Salcedo noong pinuntahan ko sya sa tapping nya. Naikwento ko rin sa kanya na hindi ko nagawang kausapin si Miss Salcedo tungkol sa balita sa aming dalawa. Pinagtawanan ako nitong si Perry kasi tiklop daw ako kay Miss Salcedo . Eh anong magagawa ko nadaan ako sa maganda nyang ngiti eh. Lumambot ang matigas kong puso sa ganda nya. "Kasi boss kung bilang si Momo hanggang kailan mo matatagalan ang pagtatago ng totoo?" seryosong tanong nya. " Ang isang kasinungalingan pagnasundan ng isa pa ay mahirap nang itama Kahit ang intensyon mo ay maganda. The bottom line is nagsinungaling ka pa rin" napapailing na sabi nya. Napaisip ako. Oo nga dapat umamin na ako kay Miss Salcedo bago pa lumala ang lahat. "Sige susubukan ko na magpakilala na sa kanya mamaya." Medyo natatakot ako sa magiging reaksyon nya. "Tama yan boss" pagsang-ayon nya. "Saan kayo magkikita?" "Sa Market Market" sagot ko. "Ano nga pala ang ibig sabihin ng unli?" naalala kong itanong sa kanya. "Unli short for unlimited" nakangiwing sagot nya. Nagtataka siguro sya kung bakit ko naitanong. "Bakit boss mo itinatanong?" Sabi na nga ba itatanong nya. "Wala lang" kibit ng balikat ko. Ayaw ko nang ipaliwanag pa sa kanya kung bakit. Pagtatawanan na naman nya ako eh. Kasalanan ko ba na matagal halos five years ako sa California kaya hindi ko alam kung ano ang unli? "So may date kayo?" basa ko sa mukha nya na nanunukso sya. Parang bata. "Hindi! May ibibigay daw syang raket sa akin" expressionless na sagot ko. "Bwahahahhahahah!" tawa nya. Gusto ko syang sapakin dahil sa tawa nya. "Ikaw bibigyan ng raket?" patuloy na tawa nya. "Gusto mo bang tanggalin kita sa trabaho mo?" pananakot ko sa kanya. Nakakainsulto kung makatawa eh. Bigla syang tumigil. "Boss I'm just joking. Pero ang swerte mo ha. Bibigyan ka ng trabaho ni Miss Salcedo." "Lumabas ka na nga. Pasalamat ka sinabi ko pa sa iyo" asar na sabi ko. Bwisit na Perry to. Parang hindi boss ang turing sa akin. Sya lang ang nag-iisang hindi natatakot sa akin sa buong opisina. Tatandaan ko nga na hindi na ako kukuha ng empleyado na kaibigan ko . Nawawala ang paggiging boss ko eh. "Joke lang naman" sabi nya na nakapeace sign pa. "Labas! Pasalamat ka talaga at good mood ako ngayon" asar parin na sabi ko. *************************** Till next update Annah
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD