Ian POV
Nandito ako sa loob ng aking office. Busy sa pagpirma ng mga documents.
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?
Ringtone ng iphone ko. Chasing car ang title ng song. Kinuha ko ang iphone ko na nakapatong sa table .
"Yes?" patamad na sagot ko.
"Ian . Good news. I know her name and where to find her" masayang balita ni Mike.
"That's great!" masayang sabi ko. Parang gusto kong tumalon sa sobrang saya. Pero hindi pwede kasi isa akong CEO at bilang CEO kailangan seryoso ako.
I cleared my throat " Ahhh okay. Text me where she is and her name at papapuntahin ko ang secretary ko." Kunwaring seryosong sabi ko but deep inside I feel like dancing. Yes! hindi na ako lagot kay Kris. Makakatulog na ako ng maayos.
"Okay 'Pre" then he ended the call.
After 5 minutes.
Konna koto iina dekitara iina
Anna yume konna yume ippai aru kedo
Minna minna minna kanaete kureru
Fushigina pokke de kanaete kureru
Sora wo jiyuu ni tobitaina
"Hai! Takekoputaa"
An an an tottemo daisuki Doraemon
Message tone yan ng iphone ko. Info lang Doraemon song 'yan. Favorite ko si Doraemon eh kaya yan ang message tone ko. Walang aangal! Kanya-kanyang trip lang 'yan. Kahit naman adult na ako, mahilig parin ako sa cartoons.
Inopen ko ang message.
Fr: Mike
Name: Tammy Salcedo
Job: Dakilang alalay / ekstra sa soap opera at pelikula
Age: 20 yrs. old
Where to find: Sa taping ng "Ang Mundo mo'y Saiyo na" sa Building ng QWERTY Station in The Fort
"Yan ang nakasulat sa message.
Tinawag ko kaagad ang aking secretary sa intercon .
"Ano yon boss?" bungad na tanong nya. His name is Perry my secretary. Masipag at maasahan 'yan. And he is one of my classmate way back in college. Pinirata ko pa 'yan sa isa kong pinsan na CEO din ng isang telecommunication company. By the way hindi ko sya idedescribe baka sabihin nyo bakla ako. Kalalaki kong tao tapos iisa-isahin ko ang physical na itsura nya no way! Lalaking-lalaki ako! Hint. Gwapo sya pero masgwapo ako.
"I want you to go in this address and look for this Miss Salcedo ." ipinorward ko sa kanya ang text ni Mike. "Then pagnakita mo na sya tawagan mo ako . Kakausapin ko sya" bilin ko sa kanya.
"Yes boss" sagot nya.
"Sama mo na rin sina Frank " sila lang naman ang mga bodyguards ko. Importante kasi ang ipapakuha ko kaya dapat maasahan ang pag-uutusan ko. Baka hindi pa makuha yari nanaman ako.
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako ang makikipagkita kay Miss Salcedo no! No way! Masyado akong busy at isa iyong TV Station ibig sabihin maraming reporter don. At ayaw kong mayroong makakita sa aking reporter. I'm a very private person. Gusto ko pangalan ko lang ang alam nila sa akin as a CEO of hotels, malls and whatever business we had.
Kayang-kaya na iyan nila Perry.
"That's all , you can leave me now" taboy ko kay Perry. Umalis naman na sya.
Back to these documents. Basa then pirma.
Tammy POV
Sa taping ng Ang Mundo mo'y Saiyo Na
Nasa loob ako ng dressing room. Nakacostume ng pangsosyal na labas ang likod kasi ako na ang susunod na isasalang . Extra again ang peg ko. Dahil nga sunog parin ang likod ng gumaganap na Luisa kaya need to show again my flawless na likod.
Tok!Tok! May kumakatok sa pinto.
"Pasok" sigaw ko.
Bumukas ang pinto at pumasok ang limang lalaki. Para silang mga artista sa MIB. Naka coat at shades. Kasunod nila si Direk.
O__O ---> me. Gulat ako eh. Sino sila? Bakit sila nandito?
"Ah Tammy hinahanap ka nila. Inutusan daw sila ni Mr. Mackenzie" paliwanag ni Direk with a big smile in his face.
"Bakit daw?" naguguluhang at nagtatakang tanong ko. Teka Mr. Mackenzie? Sya ba ang bagong CEO ng Mackenzie Place. Bakit kaya ako hinahanap?
"May kailangan daw saiyo" mabait na sabi ni Direk. Mukhang masaya si Direk ah. " Hindi mo sinasabi sa akin kakilala mo pala si Mr. Mackenzie ha" bulong pa nya . Tapos binigyan ako ng makalaglag pangang ngite.
"Ahhh kasi---" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko , kasi kahit ako naguguluhan din.
"Kausapin mo silang mabuti then sabihin mo rin kung pwede silang magsponsor sa soap opera natin" bulong nya uli para hindi marinig ng mga MIB boy. Then he left.
Sinara ko ang pinto kasi marami ang nag-uusyuso, nandito pa naman sa set ang reporter na si Manay Chica ang no.1 na showbiz reporter. Ang lakas pa naman sa scoop ng baklitang reporter.
"Anong kailangan nyo?" tanong ko sa MIB boys.
"Pinapunta kami ni Mr. Mackenzie dito" paliwanag ng isa sa mga MIB boys. Infairness ang gwapo nya lalo na ng tinanggal nya ang shades nya.
"Bakit nga?" impatient na tanong ko. Atat na akong malaman kung bakit eh.
"Sandali sya ang makikipag-usap saiyo" seryosong sagot nya.
"Nasaan sya?" tanong ko. Sinilip ko pa ang likod nya baka kasi nakatago lang doon kung sino man ang sinasabi nya.
"Ahh tatawagan ko lang" nagpipindot na sya sa iphone nya. "Boss nandito na kami at nasaharapan ko na si Miss Salcedo" sabi nya sa kausap nya. "Kakausapin ka daw miss" inabot nya sa akin ang iphone.
Nagtatakang kinuha ko naman " Yes anong kailangan mo Mr. Mackenzie?" tanong ko.
"Mayroon kasi akong bagay na nasa iyo" baritonong boses na sabi ng nasa kabilang linya. Wow! Ganda ng timbre ng boses.
"Ano yun?" curious na tanong ko. Anong pinagsasabi nya?
"'Yung hoodie ko , remember .... sa eroplano na inabot ko saiyo ---"
"Sa eroplano? "putol ko sa sinasabi nya. Naalala ko na , sya yata ang nasukahan ko. Nakakahiya.
"Ikaw ba 'yung katabi ko?" tanong ko. Ramdam ko na namumula na ang mukha ko sa pagkapahiya. Gusto ko na sanang kalimutan ang nangyari sa akin ng mga panahon na iyon.
"Yes" sagot nya.
Sya nga. Nakakahiya naman " Ahh kung 'yung hoodie ang kailangan mo hindi ko dala eh."
"Hindi ang hoodie ang kailangan ko" sagot nya. Kung hindi ang hood ano kaya? tanong ko sa aking sarili.
"Sa bulsa ng hoodie nandoon ang engagement ring" patuloy nya.
"Ay! May nakita nga akong singsing ng nilabhan ko iyon" biglang naibulalas ko.
"Kailangan ko yung ring. Paki bigay na lang kay Perry, my secretary".
"'Yun lang pala eh. Sige and sor---" bago ko maipagpatuloy ang sinasabi ko biglang nawala na sya.
Ay ang bastos! Pinagbabaan kaagad ako. Hindi pa nga tapos ang sinasabi ko eh.
"Ang bastos naman ng boss mo hindi pa nga ako tapos magsalita ibinaba na" asar na sabi ko doon sa Perry . Ibinalik ko sa kanya ang iphone. The nerve talaga ng lalaking 'yon. Sabagay sa airplane nga suplado na sya. Ano pa ba ang dapat kong iexpect eh CEO pa pala sya. Langit sya at lupa ako. Pero sana man lang nakipag-usap sya ng maayos at tinapos nya ang pag-uusap namin ng maayos.
Lumapit ako sa may drawer kung saan nandoon ang bag ko at kinuha doon ang singsing.
"Oh ayan" ibinigay ko kay Perry ang singsing. Buti na lang nadala ko.
"Paki sabi sa antipatiko mong boss ipapadala ko na lang ang hoodie nya sa office nyo" sabi ko pa sa kanya.
"Thank you Miss Salcedo" paalam nya. Lumabas na sila at sumabay na ako sa kanila papunta sa labas. Kailangan ko ng sariwang hangin, naasar ako sa Mr. Mackenzie na iyon. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang hindi pa ako tapos magsalita tapos puputulin na ang tawag. Nakakabastos kaya iyon.
"Mam aalis na po kami. Salamat po " Nagbow pa sila sa akin at umalis na. Buti pa sila magalang samantalang ang boss nila bastos!
"Tammy sino ang mga iyon?" kausap sa akin ni Manay Chica. Nakakaamoy yata ito ng chika sa akin. "Ang lalaki ng katawan ha" pansin ko na naglalaway sya habang tinititigan ang mga MIB boys na papaalis.
"Ah mga inutusan ni Mr. Mackenzie" maikling sagot ko.
"Tammy juice oh" si Direk. Tama ba ito inaabutan nya ako ng juice?
Kinuha ko ang juice. Binigay nya eh at nauhaw akong bigla. "Salamat po"
"Nasabi mo ba ang pinapasabi ko?" tanong nya" Naku pagnagsponsor sya gagawin kitang artista"
O__O ---> me What! gagawin nya akong artista? Tama ba ang narinig ko. WOW! Matutupad na ang pangarap ko.
"Girl bakit ka pinapuntahan ni Mr. Mackenzie?" tanong naman ni Manay Chica. Halatang kumukuha ng scoop sa akin.
"AH ehh namiss ata ako" wala lang akong masabi.
"Bakit boyfriend mo ba sya?" tanong nya pa . Gulat na gulat ang itsura nya.
"Ha ah eh hin---"
"Tammy ikaw ha noong last time inis ka kay Mr. Mackenzie kasi hindi ka nakakain sa paborito mong restaurant dahil sa kanya then now pinapuntahan ka pa" si Marissa biglang sabat sa usapan.
"What ? Ang ibig sabihin nagkasama kayo sa isang lugar ?" si Manay Chika again.
"Tammy magkwento ka naman" si Direk naman.
Naguguluhan ako sa kanila.Hindi ko alam kung sino ang sasagutin ko. Bahala na nga sila sa mga buhay nila.
"No comment" sabi ko na lang. Parang tunay na artista lang ang peg. No comment ang sagot sa tanong na ayaw sagutin. Iniwan ko na sila. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanila.
***************
Salamat sa nagbasa nito.
Annah