DARK SERIES - JEOPARDY
CHAPTER 4
Sa labas pa lang ng opisina ni Chief kinakabahan na siya na parang nais niya rin matawa. Korny nga naman isipin na ang mga kasama niya sa madalas na paghahanap sa kanya at pag-aalala. Isama pa rito si Chief. Para silang mga bata kung kabahan kung nasaan ang nag-iisa nilang police woman officer. Parang tingin sa kanya ay bata. Na dapat laging nasa tabi lang nila, o kaya naman ay hindi dapat nawawala sa mga mata nila.
Minsan ay iniisip niya baka dahil sa pagiging babae niya. Kaya kung i-trato siya ng marami niyang kasamahan ay parang nawawalang kuting. Pero wala nga siyang kinakatakutan. Alam naman ito ng marami sa kanyang mga kasama. Kahit sino. Wala siyang sinasanto. Lalaban siya hanggang kaya niya at ayaw niyang mamatay siya ng hindi man lang nakalaban. Tulad ng nangyari sa kanyang ama. Hindi man lang nakalaban. Kundi pinatay ito ng walang laban. Nagngingitngit na ang puso niya ngayon na nakatayo siya sa harapan ng pinto ng chief nila. Sa Tuwing naalala niya ito. Ang puso niya masakit. Kumikirot. Hindi nawawala ang sakit. At hindi mawawala iyon hanggang hindi niya mahanap ang mga taong gumawa non sa kanyang ama.
Ang taong mismong pumaslang sa kanyang ama na hindi man lang hinayaang mabuhay at makasama pa sana niya ng matagal. Hahanapin niya kahit ano pang mangyari.
Galit siya sa taong nag-alis ng karapatan sa kanyang ama na makita siyang lumaki at magdalaga. At ngayon na pulis na siya. Gagawin niya lahat. Mahuli lang ang mga taong iyon.
Hindi siya natatakot sa paghahanap at patuloy na paghahanap sa mga murder suspect sa pagkamatay ng Papa niya. Isa lang ang kinakatakutan niya ngayon. Isang tao na madalas tuligsain ang mga desisyon niya sa buhay. Sa paghahanap niya ng hustisya sa kanyang ama. Sa mga desisyon niya na hindi pabor sa taong iyon. “Pumasok ka!" sigaw ng chief nila. Huminga muna. Kinabahan na agad siya.
Alam niyang galit ito dahil sa biglang pag-alis niya ng walang pasabi.
“Opo!" mahina niyang tugon. Pumasok na siya sa loob. Isinarado niya ang pinto. Nakita niya na tumingin ito ng mag-angat ng mukha at sa kanya diretso ang mga mata nito na bakas ang galit.
Hanggang sa labas ay naririnig ang pa-sigaw na utos ni Chief sa kanya na pumasok siya at isara ang pinto. Nagtatawanan ang ilan sa mga kasama niyang police sa labas. Pero dahil sa partner niya. Natahimik at napahinto sa pagtawa ang mga ito. Pinag babatukan kasi ni Ramil ang mga kasama. Mga nagsidaing sa sakit ang ilan. Hindi nakatawa. “Tumigil na kayo. Hindi nakakatuwa. Makita kayo ni Chief. Malamang na hindi lang batok ang aabutin niyo." pahayag niyang medyo hindi timbang. Tatawa, seryoso, inis, o pakiramdam na dapat ba siyang matuwa o magalit sa mga kasama niya.
Tinalikuran na lang niya. Umalis na siya sa harapan ng mga ito at saka pumunta sa kanyang mesa.
Ang dalagang babae nakatayo na ngayon sa harapan ng chief nila. Huminga muna ito ng malalim upang mapigilan niya ang kumawala ang nanganganib na malakas na tawa sa tuwa niya sa kanilang chief. Itsurang monkey kasi! Charr lang ulit adik ata ang nasa utak niya kung ano-ano lumalabas at iniisip.
Kahit natatakot siya dito once mag-umpisa na itong magalit at manermon. Hindi niya rin minsan maiwasan ang tawanan ito sa pagiging strikto. Pero kahit ganun. Malaking pasasalamat niya dito. Kaya naman, if kaya niyang daanin sa paglalambing. Or, minsan sa mga kalokohan, pagbibiro n'ya at pagiging sweet niyang anak-anakaan sa chief nila. Nakukuha niya maitaboy agad ang init ng ulo ni Chief. Matatawa na lang ito until na makalimutan na nito ang madalas niyang pagtakas-takas.
Si Chief ay matalik na kaibigan ng kanyang ama. Mentor niya rin ito at siyang umampon at nagpalaki sa kanya matapos mamatay ng kanyang ama. Wala itong anak. Walang pamilya maliban din sa kanya. Kaya ganun na lang din ang pag-aalala nito sa madalas na balitang nakararating ukol sa tuwing mawawala siya o hahanapin ni chief ang anak-anakan at mababalitaan niya naman na wala na ito sa station at kung saan muli nagtungo ng walang pasabi.
Madalas pa ang pagpatay niya rin sa cellphone. Ang siyang mas iki-nagagalit sa kanya ni Chief at ni Ramil. Dahil sa madalas na hindi siya malocate kung nasaan ba siyang lupalop o lugar, tumutungo sa tuwing umaalis siya ng biglaan.
Si Ramil ang matalik na kaibigan niya at partner sa trabaho. Bantay din. Dahil sa ito rin ang naatasan ni Chief na tumingin-tingin sa kanya lalo na ang bantayan siya sa oras-oras at wag tanggalin sa mga mata. Malapit niyang kaibigan ito mula pa ng mga bata sila. Sabay din sila pumasok sa serbisyo bilang police.
Bata pa lang siya ay nais na niya maging police. Idol niya ang kanyang Papa na namatay at isama pa ang kanyang ama-amahan. Si Chief. Ayaw sana nito pumayag sa pagpasok niya sa serbisyo. Lalo na bata pa lang siya ay bantay sarado na siya ng kanyang ama-amahan. Hindi nga maaari na matagal siya mawala sa mga mata nito. Mawaglit lang siya sandali sa paningin nito agad siyang hinahanap. Mabilis mag-alala ito dahil sa takot na baka matulad siya sa kanyang Papa.
Natatakot agad si Chief at hindi maalis sa isip na possible na baka malagay din ang buhay niya sa panganib. Tulad ng yumao niyang ama. Takot lang ang daddy chief niya sa mga banta ng panganib na maaaring mangyari sa kanya. Pero matapang siya. Siya ang kaisa-isang babaeng pulis sa grupo nila. Pero bukod tangi siya sa mga kasama niya.
Siya kasi ang pinaka magaling.
Siya din ang pinaka astig sa grupo.
Siya din ang may pinaka maliksing pangangatawan dahil sa ang kanyang mga kasama mga nag-silobo ang mga katawan. Kaya naman sa kanilang station. Kilala talaga siya sa mga kasama niya. Siya din kasi ang nakakaangat sa lahat at possible pang mapromote sa mas mataas na ranggo.
“Saan ka na naman ba pumunta?" tanong agad ni Chief.
“Diyan lang po sa tabi-tabi nagronda ako at nag-ikot."
“Nag ronda ng mag-isa? Kelan ko pa sinabi sayo na umalis ka ng mag-isa para lang mag ronda?" galit na tugon ni Chief sa sinagot niya.
“Sorry na!" natatawa niyang tugon.
“Ikaw na bata ka! Hindi kita binigyan ng sasakyan para magtungo sa kung saan-saan at mamasyal." pilosopo na sabi ni Chief.
“Chief naman!"
“Chief ka diyan. Bakit kasi hindi ka manahimik na lang dito sa station kung wala naman emergency response na gagawin ka 'yo. Dito ka nalang. Mas mapapanatag ang loob ko. O, baka gusto mong ipakasal na talaga kita kay Alfredo ng matigil ka nalang sa bahay at mapilitan kang umalis sa serbisyo?" galit na panenermon ni Chief.
Dire-diretso ang bibig nito sa paglabas ng mga salita. Halata niya na galit nga ito at mukhang seryoso sa sinabi. Binantaan na nga siya. Malamang na galit talaga ito sa ginawa na naman niyang pag-alis ng walang paalam.
“Chief naman wag ganun." pakiusap niya.
Lumakas ang kaba niya. Hindi na nga niya nakuha tumawa dahil sa na uulit na naman ang madalas na pananakot, ni Chief sa kanya.
Isa don ay ang madalas nito na pagbanggit sa pagpaplano nito na ipakasal siya sa inaanak nito na si Alfredo.
Hindi niya gusto si Alfredo at ayaw niya dito. Ang maging asawa nya pa kaya? Lalong ayaw niya na mangyari iyon. Maliban sa hindi niya mahal ito. Ayaw niya rin dito dahil sa ugali at itsura. Mukhang papatay ng maraming inosenteng tao ang pagmumukha nito. Kaya ayaw niya talaga.
Kahit anong sinasabi ng kanyang ama-amahan. Hindi niya pinakikinggan lalo na kung pagdating kay Alfredo.