CHAPTER 3

1879 Words
DARK SERIES 1 - JEOPARDY Firedragon0315 CHAPTER 3 “Saan ka ba nanggaling? Kangina ka pa namin hinahanap. Hindi ka man lang makontak?" mula sa loob na tumakbo palabas ng police station si Ramil na tinanong ng nag-aalala ang kararating lang at kapaparada pa lang na sasakyan sa labas ng station. Nakakatawa siya. Dahil sa itsura nitong parang namumutla na sa sobrang pag-aalala. Hindi pa man ganap na nakalabas ng sasakyan ang babae ay panay pangungulit na agad at pagtatanong nito. Stressed! Stress talaga siya gawa ng sobrang kakaisip kung nasaan na ba ang isa sa mga kasama nila. Tapos ay hinahanap pa ito, nang kanilang chief at wala siyang maibigay, o kaya naman ay mahugot na maaari niyang maisagot sa kanilang chief. Kahit magpaliwanag nga ay hindi niya nagawa matapos siyang sigawan ng chief nila sa pag-uutos na mahanap niya ang kanyang kasama. Kaya naman kangina pa ito hindi mapakali sa kakaisip kung bakit hindi nila matawagan ang cellphone ng babaeng kasama nila. Patay ang cellphone. Inis niyang pabalibag na inihagis ang gamit niyang telephone sa pag kontak sa kanyang kasama. Naubos na nga rin nito ang ilang kape na naitimpla sa kanya ng kabaro niya sa station. Pinagtatawanan na rin siya ng ilan pa sa mga kasama nila dahil sa kakatadyak niya sa paanan ng mesa na halos matanggal at mabiyak sa kakatadyak. Pinanggigilan niya ang lamesa sa gigil na hindi mahanap at matawagan ang kasama. Nabato na rin niya ng hawak niyang notebook ang isa pa sa mga tao sa katapat niya na nagawa siya pagtawanan. Sa inis ay hinawakan niya ang isang notebook at mabilis niyang pinalipad pahagis sa tumatawa n'yang kalbong kasama. Nagtatawanan tuloy ang lahat dahil sa ginawa niyang iyon. Gumawa iyon ng napakalakas na tawanan siyang nagsilbing ingay sa loob ng police station. “Bakit ba ang hilig mong mag patay ng cellphone? Hindi ka namin madetect from the GPS. Dapat Hindi mo pina-patay ang cellphone mo. Paano na lang kung may mangyari sayo? paano ka namin malolocate? Huh! sumagot ka." umikot ang mata ng babae. Tinawanan lang niya ang nag-e-emote niyang kasamahan. Partner niya at kaibigan. Best actor sa actingan. “Masyado ka naman umasta. Boyfriend ba kita?" tila naputulan ng dila ang kasama niyang nagsisigaw na halos kung pagsalitaan siya ay para nga naman niya ito boyfriend. “Hindi ka makapagsalita?" umangat ang dala niyang bag. Nakatawa. Naglanding ang hawak niyang bag sa ulo ng kasama niya. Kinu-tusan niya ito sa ulo gamit ang kanyang dalang hand bag. Isang maliit na handbag lang ito. Pero malakas din ang naging impact ng tumama sa ulo ng kanyang kasama. Napangiwi nga ito. Nasaktan habang hinihilot ng mga daliri ang parte na tinamaan niya. “Grabe! Ang sakit n'on ahh!" bigkas na nagrereklamo. Tila na pilipit ang dila. Nakakunot ang noo na halos namumula nga naman ang natamaan ng bag. Napalakas ata ang palo niya kaya nasaktan. “Sadista ka talaga kahit kailan! Babae ka ba talaga?" ingos na tanong nito na-kangiwi pa rin ang mukha. “Kung kutusan pa kaya kita ng isa?" “Tama na! Masakit na!" ngiwing-ngiwi ang itsura na napaatras pa ng biglang taas muli ng isang kamay ng babae. “Wala ka naman pala talaga!" tawang-tawa na pinagtatawanan ang kapartner niya. Kararating 'nga lang naman niya ang ingay na agad ng kanyang ka-pareha. Sinalubong agad siya nito ng may pasigaw-sigaw pa. Tapos ay ang daming daldal ti-tiklop din pala. “Itikom mo iyong bibig mo kung ayaw mong tapyasin ko. Napaka daldal mo talaga! Kahit kailan walang tabas..." bumuga siya ng hangin na nakangiti. Pananakot niya din na ikinatawa niya din dahil sa naging itsura ng partner niya. Naging violet yung itsura. Parang kamote na magulang ang itsura nito. Pero joke lang! Dahil maging partner niya natatawa ng masalo ang kamao niyang tatama sana sa ulo muli nito. “Ikaw naman!" tawang-tawa nitong hirit. “Crush mo ba ako? Tapatin mo 'nga ako." tapatan niya na pagtatanong tanong. Curious siya. Mukhang seryoso, pero nagkamot ito sa ulo ang partner niya. Natawa. “Hindi!" sagot nito. “Bakit naman ako magka-crush sa isang tulad mong— amasona?" sabay tawa ng malakas na magbiro at sabihing isa siyang amasona. Tumaas naman ang kilay niya. “Bakit namumula ka?" biro niya nang ituro ng daliri ang mukha ng lalaking ngiting-ngiti habang nakikipagsabayan ng pang aasar sa kanya. “Sino?" nakasalubong ang magkabila nitong kilay. Tanong. “Ikaw!" sagot niya. “Napaghahalata ka talaga na may gusto sa akin. Aminin mo na! Matagal ka na talaga may crush sa akin, ano?" tudyong pamimilit niyang hayag. “Wala nga! Ang kulit mo?" napalakas nito ang boses na pilit nitong pagtanggi. Kaya lang ay malas nito ng matuwa ang babae na hinampas siya muli ng handbag na hawak. Dapat 'nga ay ang kamay niyang parang bakal ang lalanding sa ulo ng makulit niyang kasama. Inaayos niya sa pagkakaparada ng kanyang dala na sasakyan. Chineck niya muna ito bago niya iwanan. Matapos maiparada ng maayos ang dala niyang sasakyan. Bumaba ulit siya sa sasakyan dala ang kanyang backpack bag. Maliit lang iyon kapartner ng kanyang dalang handbag na lagayan niya ng ilang mga importante na gamit tulad ng cellphone. Ang bag na dala niya ay may palamuti at kulay ng tela ng pang army ang pag-kakayari nang bag. Favorite niya itong dalhin at kahil saan siya magtungo dala niya ito pareho. Napalingon siya sa may entrance ng station. Pagtitinginan na tuloy pala sila. Kaya tumigil na siya sa pakikipag kulitan sa ka-pareha niya. Umayos siya ng kanyang pagkakatayo sa harapan nito. Ni-lock niya ang kanyang sasakyan bago pa man maisip na pumasok sa loob ng station. “Halika na! Pumasok na tayo." manipis ang boses. Mababa pero astig na parang lalaki ang kilos at gawi. Sa paglalakad pa lang niya ay mababakas ang pagka-boyish niya. Kita sa mga kilos niya at kung paano siya makipag tapatan sa mga kalaban na kanilang mga tinutugis at hinuhuli. Nag number one nga siya sa training nila at siya ang nakakuha ng may pinakamataas na awards at maraming awards sa buong batch nila. Nung nag-uumpisa pa lang siya sa pag-aaral at pumasok sa training para maging ganap na pulis. Lagi siya nakakakuha ng mataas na marka. At papuri sa mga matataas na opisyal sa buong kapulisan kung saan siya ipinadala nung una para sa training. Tinapik niya sa balikat ang partner niya. “Sorry" pahayag niya. Sincere na tumawa. Napailing na lumakad papasok sa station. “Kita mo 'toh!" sigaw na naituro pa ng daliri ang partner niyang babae na tumatawa na iniwan na siya. “Saan ka 'ba galing? Kangina ka pa namin hinahanap. Kahit si Chief nakailang pabalik-balik na rito sa kakahanap sayo. Hindi ka na naman nagpaalam. Bigla ka nalang kung saan pumunta ng walang pasabi. Pinag-aalala mo talaga kami lagi, lalo na si Chief." sabi ng kanyang kasama din sa presinto. Ilan sa mga ka-trabaho niya nakatingin. Sinusundan ang paglalakad niya papasok. Bumaling ang mata niya sa kaliwa, kanan at saka siya bumaling sa likuran. Napahinto, napaatras ang ka-patner niya na nakasunod din sa kanya. “Bakit?" “Wala! Lumakad ka na at nang makapunta ka na kay Chief. Kangina ka pa nga— sinabi ko na sayo hinahanap ka ni Chief. Mauna ka na! Susunod nalang ako. Kausapin mo nalang muna sa office niya si Chief. And then saka tayo mag-usap. May mga bagay na pag-uusapan tayo later." “Okay!" Tila talaga lalaking naglakad at iniwan ang ka-partner niya at binaybay nito at papunta sa office ng kanilang chief. Sa presinto. Siya ang tila boss sa pag-asta na parang lalaki. Hindi hadlang sa trabaho niya ang pagiging isang babae. Nagagawa niya ang makisabayan sa mga lalaking kasamahan. Malaki at mabigat niyang inihahakbang ang mga paa niya habang itinatapak sa sementadong sahig. Maingay ang sapatos niya na gumagawa ng malakas na ingay para mapatigil ang mga ilan pang kasama niya at lingunin siya na may mga kunot sa noo. “Dahan-dahan sa paglalakad. Baka mamaya yung sahig mabasag sa lakas niyang suot mong sapatos. Sabi na wag mo na isusuot iyan. Nakakadistract at makakatawag pa ng simpatya sa maraming tao dito. Lalo na sa operation. Baka malayo ka lang ay naririnig na nila ang mga yabag ng sapatos mo." gumalaw ang mga mata n'ya at saka ito tumingin ng balingan niya ang nagsasalita. Si Major Gabriel nasa likod niya na pala ito. Si Major Gabriel ay malapit na kaibigan din ng kanyang ama na namatay. “Sorry po!" magalang niyang sabi. “Ayos lang! Basta sa susunod wag mo nang isusuot o dadalhin dito." “Opo! Mauna na po ako. Hinahanap na raw ako kanina pa ni Chief." paalam niya. “Oo, kangina pa talaga. Pinag-aalala mo na naman siya. Hindi mo pa ba nakasanayan ang lagi… Madalas n'on na pag-aalala sayo. Ikaw talaga na bata ka! Dinaig mo pang mga lalaki dito kung saan-saan na pupunta ng hindi nagsasabi. Pag-aalis ka kasi, magsasabi ka. Mano ba ang magpaalam ka lang kahit sa isa sa mga kasama mo. Nang hindi nag-aalala sayo once na hanapin ka na! Nagpapatay ka pa raw ng cellphone." Napailing ang ulo. “Pasensya na po." muli niyang tugon. “Sige po, mauna na ako at baka mas lalo pa mag-alala si chief." natatawa niyang salita na pabiro saka siya tumalikod para magtuloy sa paglalakad. Huminga agad siya ng malalim. Saka siya kumatok. “Pasok" narinig niya utos mula sa loob. Malaki ang boses ng kanilang chief. Ganung boses ang gusto niya na may pagka-sexy pagdating sa mga babae. Kaya lang ay wala siyang makita na tulad ng namatay niyang ama at ni chief. Ilang taon na rin ng mamatay ang papa niya. Limang taon na lang ay senior na rin si Chief. Nanghinayang siya na hindi man lang umabot sa ganun na edad, ang papa niya. Hindi man lang ito nabigyan ng pagkakataon na makita siya na lumalaki at nagdadalaga. Lalo na ngayon isa na siyang ganap na pulis. Sayang na hindi man lang din nito nakita. Hindi rin niya naranasan na ipagmalaki siya ng papa niya sa mga achievements na narating at natanggap niya sa mga pagsisikap niya. Ganun pa man ay nandyan si Chief. Ngayon na nagkaka-edad na rin si Chief. Madalas niyang sabihin dito na magretiro sa trabaho. Subalit ayaw nito dahil mahal nito ang trabaho at malakas pa naman. Hindi pa nito iniisip ang magretiro sa kanyang trabaho upang mapanatili niyang maayos pa rin ang mga trabaho ng kanyang team na maiwanan niya once kung sakali man talaga na mabuo na ang kanyang desisyon na mag-resign sa kanyang position as chief sa kanilang station. At tumigil nalang sa bahay tulad ng madalas na irequest ng kanyang anak-anakan. Ngunit ang madalas din na ireason ni Chief ay nais niya pang mabantayan siya sa trabaho. Lalo na at alam nito kung gaano siya katindi unawain sa trabaho. Matigas kasi ang ulo niya at hindi nagpapapigil. She took a deep breath bago niya pinihit ang seradura at buksan. Nakita agad niya ang seryoso na nakayuko pero nag-angat ng mukha nang tingnan ni Chief kung sino ang kumatok sa pinto ng opisina niya. Yumuko ang dalagang babae sabay sumaludo. “Chief, salute." “Pumasok ka!" matigas na utos na pagkasabi ni Chief sa kanya. Tumango siya. Tahimik lang na sumunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD