Dark Series 1 - Jeopardy
Chapter 5
Sa totoo lang isa talaga sa pinaka ayaw niya kay Alfredo ang pagiging mayabang nito. Mabait lang ito sa tuwing kaharap ang daddy chief niya. Magaling ito makisama at magpanggap sa tuwing dumadalaw ito sa bahay nila. Pero ang totoo. Pag nakatalikod na si Daddy Chief. Madalas siyang kutyain at asarin nito.
Minsan nasasaktan din siya sa tuwing papalag siya sa mga panyanyansing nito. Bastos si Alfredo at madalas siyang binabastos ng hindi alam ni Daddy Chief.
*****
“Hoy, bitawan mo nga ako. Kung ayaw mong mamatay!" Banta niya.
“Bitawan mo sabi 'ang braso ko!" pananakot niya. Hindi pa rin bibitawan ang braso niya ni Alfredo kundi mas higpitan lang nito ang pagkakahawak nito sa kanya. Nakangisi na titingnan siya sa mukha. Nakataas din ang isang kilay nito na matulis na nakatingin. Parang kutsilyo na mapurol ang talim ng tingin ang mga binabato madalas sa kanya. Sa tuwing nakakasama, o magka-salubong silang dalawa.
Naiinis siya sa mga laging ginagawa nito na pambabastos sa kanya. “Alam mo... Maganda ka! Kaya lang bulok ata ang utak mo. Kung bakit hindi mo mahulaan ang gusto ko sa 'yo." singhalan siya nito at sasabihin iyon. Habang nakatingin sa kanyang matambok na balakang. Gagalaw ang mga labi nito at babasain iyon ng gamit ang dila. Para itong baliw na naglalaway sa tuwing magkasama sila o kaya ay nagkaharap ng tulad ng nangyayari ngayon sa kanila.
Ang malas niya dahil sa hindi sinasadya ay napadaan siya sa isa sa mga lungga ng baliw na si Alfredo. Ngayon nagawa na naman nito maharangan ang dadaanan niya sana pauwi ng bahay.
Si Alfredo ang tanyag na manyakis sa school nila. Mayaman ito at maraming koneksyon sa mga gangster sa kanilang lugar. Kaya isang tawag lang nito. Utos. Tiyak na bugbog ang sino man na babangga dito. Wala din itong bagay na hindi nakukuha. Dahil sa dami ng pera ng pamilya niya. Isa lang ang hindi nito makuha kahit sobrang dami na nang pera niya. Si Crisanta.
Childhood crush ni Alfredo si Crisanta. Ngunit ayaw nito sa kanya. Kaya kahit anong pamimilit niya na ligawan o ariin si Crisanta, tulad ng mga babaeng inari niya na. Binayaran. Binantaan. At sinasaktan kung ayaw pumayag. Kahit magpapalag ang mga babae o sino man sa mga napagtripan at magustuhan nito. Na-gagawa niyang palambutin at pasunurin. Until mapapayag niya ang mga ito at mapaikot saka mapasunod sa kanyang mga pag-uutos. Isa na don ang mapaligaya siya sa tuwing kailangan niya ng mga serbisyo ng mga babae.
Minsan na rin nasubukan ni Alfredo ang makipagtalik sa lalaki. Trip niya lang. Dahil sa laki ng pagkakautang nito sa kanya at sa laki ng atraso.
But, si Crisanta naiiba sa lahat.
Hindi niya magawang mapasunod si Crisanta. Kaya para kay Alfredo ay super special nito. Yun nga lang 'talagang ay ayaw nito sa kanya at hindi niya mapilit, o mapwersa dahil sa anak ito ng kanyang Ninong Arniel. Ampon.
Kaya kahit kating-kati na siya na maidala sa kama si Crisanta. Hindi niya magawa na pwersahan makuha ito at mapaikot sa kamay. Dahil ang ninong Chief ang tiyak na makababangga niya sa huli at ayaw niya mangyari yon.
Isang napakalakas na sampal ang naglanding sa pisngi ni Alfredo. Halos tumilapon ang pagmumukha ni Alfredo na ikinasama ng tingin nito at halos pang gigilan si Crisanta ng mahawakan niya ito sa leeg.
Nakaangat ang magkabilang paa ni Crisanta. Nakatingkayad siya sa sakit ng pagkakahawak ni Alfredo sa leeg niya. Sinubukan niyang alisin ang isang kamay ni Alfredo na sinakal ang leeg niya. Ngunit masyado malakas ang pwersa ng kamay ni Alfredo. Dahil sa malakas niyang pagkakasampal kay Alfredo sa galit nito sa ginawa niya ay mas hinigpitan pa nito ang hawak sa leeg niya. Dalawang kamay na ni Crisanta ang pumipigil sa kamay ni Alfredo at sumubok na alisin ang kamay nito sa pagkakasakal nito sa leeg niya. Ngunit hindi niya maalis. Masyado malakas si Alfredo kahit anong laban niya ang gawin.
Hindi na makahinga si Crisanta. Naninikip ang dibdib niya at nauubusan na rin siya ng hangin sa sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa kanya. Wala na ring salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Tila namilipit na rin ang kanyang dila at pakiramdam niya nanigas. Kahit pilit niyang sinusubukan na ibuka ang bibig upang makiusap kay Alfredo na bitiwan na siya. Hindi niya magawa. At ayaw talaga ni Alfredo na bumitiw sa leeg niya. Mas nilapat pa nito ang kamay sa leeg niya na halos ikakapos pa lalo ng kanyang hininga.
Kahit ano rin ang gawin nyang panlalaban, nagpupumiglas man siya, mas humihigpit lang ang pagsakal sa kanya ni Alfredo.
Pilit na iniaangat siya ni Alfredo dahilan para mas lalo siya masaktan sa ginagawa nito at mawalan ng hininga.
Sinasadya iyon ni Alfredo upang tuluyan na siyang bumigay at mawalan ng malay sa mga kamay nito upang maisagawa nito ang hindi maganda na iniisip nito. “Ma-ma-ma" Hindi matuloy na salita ni Crisanta dahil sa sakit ng kanyang lalamunan. Bumabara. Halos natutuyo na ang kanyang lalamunan at magasgas sa pamimilit niyang makapagsalita. Hindi rin makapasok ang hangin dahilan para unti-unti na siyang napapikit. Ikinatuwa ito nang makita ni Alfredo. Pero pilit din nilalabanan ni Crisanta na wag tuluyan pumikit ang mga mata niya at mawalan s'ya ng malay. Naisip na niya at pumasok sa isipan niya na baka may mangyari na masama sa kanya once na mawalan siya ng malay. Alam niya ang hindi lihim na pagnanasa ni Alfredo na makuha siya tulad ng madalas na ginagawa nito sa iba.
Hindi itinatago ni Alfredo ang pagkagusto sa kanya at matagal na niyang alam iyon. Kaya lagi siyang umiiwas kung nasaan ito. Subalit dahil inaanak ito ng taong itinuturing na niyang ama. Wala siyang magawa na hindi ito makita.
Konti nalang at tuluyan na siya mauubusan ng hininga. Sinikap niyang makakuha ng kahit konti pang pwersa upang mailayo si Alfredo sa kanya at tuluyan siyang makalayo din dito. Naisip niyang tapakan ang paa nito o tadyakan gamit ang konting lakas niya. Pero bago pa man mangyari ito ay bigla nalang siya nabitiwan ni Alfredo. Isang grupo ng kalalakihan ang biglang dumating ng hindi niya rin nakikilala.
Mga kaaway kaya niya? naaninag niya ng bahagya ang mga itsura ng grupo pero hindi iyon pamilyar sa kanya.
Hinahabol niya pa rin ang kanyang hininga. Nahihirapan siya dahil sa tagal ng pagkakasakal nito sa kanya. Ni Alfredo. Humugot siya ng mga hangin para umayos ang daloy ng oxygen sa katawan niya. Napaupo siya sa sahig. Hawak ang leeg. Kahol siya ng kahol na parang aso. Sumasakit ang lalamunan niya.
Ilang sandali pa ay dumating ang grupo ni Alfredo. Nang makita ang ginagawa na pambubugbog kay Alfredo ng isang grupo. Mas tumindi ang gulo sa pagitan ng dalawang grupo.
Nagbakbakak ang mga ito. Tumilapon ang ilan sa mga tao ni Alfredo. Si Alfredo halos mabasag ang mukha sa mga suntok na natanggap sa lalaking nagligtas kay Crisanta.
Inaaninag ulit ni Crisanta ang mukha ng lalaki ngunit hindi niya talaga ito kinalala. Hindi n'ya namumukhaan. Pero malinaw sa mga mata niya ang buong itsura nito. Kaya tinandaan niya ang mukha nito kasama ng mga kasama nito.
Hindi pa man natatapos ang gulo. Tumaas ang isang paa ng kasama ng grupo na tumulong kay Crisanta at tumama ito sa lalaki na dapat ay lalapit kay Crisanta dala ang isang kahoy na ipapalo sana kay Crisanta. Buti na lang mabilis ang mga lalaki na katunggali ng mga grupo ni Alfredo.
Nahihirapan si Crisanta huminga.
Naninikip ang dibdib niya at pakiramdam niya ay babagsak na siya. "Tulong" mahina na bulong niya. Subalit tila walang makarinig sa kanya.
“Tulong" namaos ang boses niya dahil sa natuyo niyang lalamunan.
“Tulong" tumulo ang luha niya sa mata. Hindi na niya alam ang kasunod na nangyari after may isang malapad na hindi niya alam kung ano ang kinabagsakan niya ng tuluyan na siya bumagsak at nawalan ng malay.
Ano nga ba ang kinabagsakan niya? Ano ang malapad na siyang sumalo sa kanya bago tuluyan siyang tangayin ng antok at mawalan ng malay.