CHAPTER 2

2141 Words
DARK SERIES 1 - JEOPARDY Firedragon0315 CHAPTER 2 “Who are you?" isang tawag ang bumungad sa kanya habang naiwan siya mag-isa ulit sa kwarto niya ng kumuha si Tuti ng tubig na maiinom. Matapos na makalabas ni Tuti sa pinto. Tumunog naman ang kanyang phone. Nasa may maliit na center table lang iyon nakapatong. Nang kukunin niya nagtaka ang mukha nito. Confused siya ng dadamputin niya iyon at makita ang number sa kanyang phone. Sa ganung oras? Naisip niya kung sino pa ang tatawag sa kanya. And then, number lang at walang register name na lumabas. Kunot ang noo niya, nang sagutin niya ang tawag at pakinggan kung sino ang tao na tumawag sa kanya sa ganung oras. Super late na! Nang naalimpungatan siya nang dahil sa bangungot. Ang masarap niyang tulog. Naging madilim niyang bangungot. Nakakapang 'gimbal. Hanggang ngayon. Nasa utak at isip pa niya. Malinaw na nasa utak niya kung paano namatay ang kanyang magulang. But, because of this call. Nawala saglit siya sa kanyang pagmumuni-muni after he woke up. Naputol ang pilit niya pag-aalala sa putol niyang alaala. “Didn't want to speak? Ibababa ko na lang ito?" he said with warning. “If you don't want to speak. I think I need to end this call." he repeatedly asked and said. Ngunit tahimik lang sa kabilang linya. Wala siyang marinig mula sa kabilang linya kundi ang ugong mula duon. Maingay. Kunot ang noo. Na papakinggan niya ang mga iba't-ibang uri ng ingay. He thinks that the person who was calling him late at night. Is in an area with a lot of vehicles. On the road. Naisip niya na nasa kalsada ito. Gawa ng marami siyang naririnig na mga busina mula sa mga sasakyan. Masyado maingay at masakit sa pandinig. Nakakabingi. Bumabara. Masakit sa ulo at pandinig. One of the reasons why he wants to end that call. But, he thought na mas mainam na malaman niya muna if who's the person behind the call. Medyo mataas na ang boses niya ng muli siya na magsalita at magtanong. Mukha ata natakot ang tumawag sa kanya at bigla ito kumibo at nagsalita. “Sorry, I know it was too late ng tumawag ako. Did I wake you up? Naabala ko ba ang pagtulog mo? I am sorry if, yes. Hindi ko sinasadya na magambala, ang mahimbing mong pagtulog. But, I'll try to call. But, sinagot mo." paliwanag ng tumawag sa kanya. The person behind the call is a woman. Babae, nagulat siya, mas nagtaka pa siya at kumunot pa lalo ang noo niya. That voice. Hindi niya familiar. Hindi niya kilala ito. Lalong wala siyang idea kung sino ang babaeng ito. That's why, he says. Annoyed. Pakiramdam niya. She's trying to mess him up. Kaya ang sagot niya dito. Masungit. May pagkabuo, at galit na tono. “Palagay mo ba, sasagutin ko ang tawag mo nang natutulog ako? And, paano mo naman nasabi na sinubukan mo lang? Tumawag? Kung alam mong natutulog na yung taong tatawagan mo? Ang kitid ng utak." narinig niya pa ang buntong hininga nito na mabigat. Yung tense nito dahil sa galit n'yang tono at pahayag na opinyon. He heard from her a deep breath. And says, “I am so sorry. As I said, right now, no! Kangina pala." She stopped from explaining. Napahinto ito. Dinig pa niya ang mga hininga nito. Pina-pakiramdaman niya muna. He waits until she continues from what she explains. Umikot ang mata ni Jeopardy, habang kunot ang noo na nakatitig sa may dingding. Tulad ng babae napaisip din siya. “Sino kaya siya?" “Bakit hindi pa nya sabihin kung sino siya?" “Bakit, pinata-tagal niya pa?" “Why didn't she say anything, instead of telling her name?" “She says I am sorry? Ang gulo." “Nantitrip lang ba 'to?" Habang napahimas sa baba niya. He thinks already. “Nasabi ko na, right? Tulad ng nabanggit ko. I am trying to call you, yon lang. But I can't expect you to answer, as I did not expect that you would quickly answer my call. Malay ko ba na gising ka. Iniisip ko na natutulog ka na." It further explains. Pilosopo pa na pangatwiran na sagot ng babae sa pahayag nito. Jeopardy smirked. Gusto niyang tumawa matapos na marinig niya ulit ang sinabi ng babae. Tingin niya talaga niloloko siya nito. She was annoying him. Nagpapaliwanag pa ito. Pero, para talaga siyang niloloko. Sa pangangatwiran lang nito. Lumilitaw na agad na nantitrip lang talaga ang babae na yon. Ang kausap niya, nababasa n'ya sa mga sagot na pahayag nito na talagang naghahanap lang ito, nang maaari na mapagtitripan. Natural nga naman sasagutin niya. Gising siya. Hindi naman siya tulog. And he heard his phone ringing. What would he do? Instead of looking at his ringing phone, he answered his phone. Nagriring nga naman. Alangan na titigan niya lang ito. Nang hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng tumatawag ng dis-oras ng hating gabi. Hindi naman siya manghuhula. And naisip niya na baka emergency o isa sa mga kaibigan niya. O, kung sino man. Naisip niyang baka may reason bakit ito tumatawag ng ganung oras. Hindi naman niya siguro kailangan na i-paliwanag sa babae ang sagot niya sa pilosopo nitong sagot din sa kanya? Naisip niya, bakit niya ipaliwanag kung bakit gising siya ng oras na tumatawag ito? Tinatanong kasi ng babae. Seryosong natatawa na lang siya habang naririnig niya ang boses nito na nagtatanong sa kanya. Hindi na lang siya sumagot. Pero panay ang pangungulit nito at pagtatanong. “Sino ka ba?" “Ako?" tugon na pilosopo pa din nito. “Are you planning to annoy me? Silly!" He was answering her while he felt like she was annoying him. His head heats up quickly. But, he felt like the girl was crazy. Pinaka a-ayaw niya pa naman sa mga nakakausap niya yung tipo na pakiramdam niya ginagago lang siya. Pero pagdating sa babaeng kausap niya yamot niya para dito nawawala. Gusto ata nito ang tumawa siya, ipakita niyang natatawa siya, natutuwa siya sa pang iistorbo nito. At ang makulit nitong pagtatanong, sa kabila na umiiwas din ito sa mga tanong niya. Niloloko lang siya nito. Iniiwasan na sagutin bawat tanong niya at ang gusto. Siya ang sumagot sa bawat tanong nito. Hindi parehas! Mautak yung babae, magulang, ginugulangan siya nito. Obvious naman. Lalo ng maramdaman niya ang mahinang tawa nito. Saka nawala at naputol ang tawag nito. Binabaan siya. Nawala ito bigla ng matapos na kulit-kulitin siya. Ano yon? “Asar!" “Nakakaasar na babae na yon." Dismayado n'yang pahayag sa sarili matapos badtrip niyang hinagis ang hawak niyang phone. Nagulat pa si Tuti. Pagpasok niya. Sa kanya kasi humagis yung phone ni Jeopardy. Buti nalang. Bottled water lang ang hawak niya. Nalaglag niya yon, nabitawan masalo lang yung cellphone na binalibag ni Jeopardy. Para siya na hugutan ng tinga! Mali! Tinik sa tingin niya dahil sa kaba niyang baka tumama nga sa mukha niya yung hinagis ni Jeopardy. O, kaya naman ay sa pinto, sa pader o sa pagbagsak nun sa sahig. Mabasag ang cellphone! Sayang dahil Iphone pa naman ito at yung pinaka latest unit pa ang ibinalibag ni Jeopardy. Labis na nanghihinayang si Tuti. Ang mahal din ng bili niya sa cellphone na yon. Gawa ng ang dati nitong phone ay pinagtatadyakan hanggang sa mabasag at magka-durog-durog. Buntong hininga siya. Matapos na pumasok sa pintuan. Ito pa ang siyang sumalubong sa kanya. Nagulat talaga siya. Nung una ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Alin ba ang uunahin niya ang hawak niyang tubig, o yung inihagis na Iphone? Mamimili na lang siya sa dalawa. Muntik pa siyang mawala. Mawala sa isip niya alin ba ang mas mahalaga? Tanga nga lang! Dahil ang nabitiwan niyang tubig. Sa paa niya pa tumama. Ay! Ang sakit. Nasaktan yung paa niya, daliri ang binagsakan ng tubig. Napangiwi siya. Tila nangamatis ang mukha niya sa pag kakulay pula. Pigil ang paghinga niya na napatingin kay Jeopardy. Ang lalim ng iniisip nito. Hindi naman dahil sa binangungot ito. Kaya nagawa na itapon nito ang kanyang cellphone ng ganun nalang. Napaisip din si Tuti. Habang tinititigan ang kanyang kaibigan. Alam niyang mainit ang ulo nito. Nagtataka siya. Kangina lang nang iwan niya ito. Umiiyak, naluluha at takot na takot. Malakas ang kaba at ramdam niya yon. Nang lapitan niya si Jeopardy at tanungin bago niya naisipan na kumuha ng tubig sa baba. Pero ngayon na nagbalik siya upang ihatid ang tubig. Laking gulat nya. “Ano kaya ang nangyari sa kanya?" ang nakangiwi niyang mukha nagbago bigla. Confused siyang nakatingin at tinitigan mabuti si Jeopardy. Hindi pa siya nakikita nito. Habang nakatayo siya malapit pa rin sa may pinto. Tulala, tahimik at parang talagang masyado malalim ang pinaghuhugutan nito. Ang mukha ni Tuti habang hindi maalis ang kanyang tingin. “May problema kaya?" napalunok siya nang maisip. Iika-ika. Masakit pa rin ang daliri na nabagsakan ng tubig. Naalala niya tuloy ang minsan. Ang minsan magalit ito. Nagwala. Hindi niya ito mapigilan. Halos sumakit ang ulo at buo niyang katawan sa galit nito. Bigla na lang kasi nagwala ng hindi niya malaman. Yun pala! Babae ang dahilan. Kaya naman galit na galit ng mga panahon na yoon si Jeopardy. Maging siya nadamay sa araw na yon. Sinungitan kasi siya, nasigawan din siya nito ng magtanong siya. Masyado raw kasi siyang makulit. Mainit kasi ang ulo. Ganun ito. Si Jeopardy sa tuwing mainit ang ulo. Mahirap kontrolin at trobol ang kahihinatnan kung sakali na hindi makalma ito. Subalit sanay na rin si Tuti sa kanyang matalik na kaibigan. Halos magkapatid na nga ang turingan nila. Ganun si Tuti, start ng mawalay ang mga magulang ni Jeopardy ng pinaslang ang mga ito. Bata pa n'on si Jeopardy. Habang si Tuti, may ilang taon ang agwat niya dito. Anak ng Yaya ni Jeopardy si Tuti. At driver naman ng pamilya ni Jeopardy ang kanyang ama. Kaya halos lumaki sila ng magkasama. Kabisado na rin niya ang ugali ng kanyang kaibigan. At mas lalo pa siyang nasanay sa mga ugali nito habang mas tumatagal sila nagkasama. Lalo na't sabay na sila lumaki. Gawa ng sila ng pamilya niya ang kumupkop kay Jeopardy ng maulila ito. Ayaw naman kasi sumama sa iba nito. Lalo nang mabura ang mga alaala nito matapos ang insidente. Hindi lahat ng pangyayari. Naaalala ni Jeopardy. Ilan sa mga nangyari. Hindi na nito maalala. Lalo na ang mukha ng murderer na pumatay sa mga magulang nya. Kaya ang pamilya ni Tuti, siya. Inalagaan nila at kinupkop si Jeopardy dahil sa ang sabi ng mga doctor at ang psychiatrist na tumingin dito. He needs more attention. Yung mga tao na mas malapit sa kanya ang dapat na gumabay at mag-alaga sa kanya. Ganun na nga ang nangyari. Sila ng pamilya niya ang kumupkop. Malalim ang hinugot na hininga ni Tuti. Tahimik lang siya, nagmamasid. Hindi pa s'ya lumapit sa galit na mukha at hindi niya maunawaan na itsura nito. Wala naman kasintahan si Jeopardy sa pagkakaalam niya. Dahil ang babaeng pakakasalan sana nito. Hindi natuloy. Gawa ng bigla hindi umaayon ang panahon at kapalaran. Para sa kanila ng babae. Buntis pala ang babae at hindi siya ang ama. Umamin na lang ito ng huli na. Kung kelan hulog na si Jeopardy. Halos baliw na siya dito. Pero ng malaman ang sitwasyon ng babaeng kasintahan. Galit na galit ito. Paano nga naman siya ang magiging ama ng dinadala nung babae kung, kahit minsan ay wala pang nangyari sa kanilang dalawa. Yung babae. Masyado malihim. Hindi sinasadya na minsan ay may naka-inuman raw at duon ay may nangyari. Duon din nagsimula ang panloloko ng babae sa kanya. Galit na galit si Jeopardy. Sinampal niya at nasampulan yung babae. Ibang magalit si Jeopardy. Although, nag-iiba siya sa tuwing maalala ang pagkamatay ng kanyang magulang. Ang murderer na hindi niya matandaan ang mukha. Nanghihina siya sa ganung pagkakataon. Nawawala rin sa sarili. Pero, sa mga gaya ng sitwasyon nila ng dating kasintahan. Para siyang nilalamon ng apoy sa sobrang galit. Naabutan na lang ni Tuti, nung mga panahon na yon na umiiyak ang babae. Nakaupo sa sahig. Nagmamakaawa kay Jeopardy na patawarin siya at hindi nito sinasadya. Paano hindi ito magmakaawa ayaw siya panagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Pero, sinagad niya kasi si Jeopardy at sinira ang tiwala na ibinigay nito sa kanya. Halos mapatay niya ang babae. Buti nalang, napigilan ni Tuti. Ganun si Jeopardy. Parang evil. Pero parang angel kung matuto magmahal. Wag lang sagarin at gagalitin. Dahil mabilis siyang sapian ng kademonyohan. Gaya ngayon. Tinitingnan nalang ni Tuti si Jeopardy. Nang malapitan niya ito. Inabot niya ang tubig na pinulot niya matapos yumuko at dinampot ng mailaglag niya yon. “Salamat!" sabi ni Jeopardy. Hindi na muna nagtanong si Tuti. Tinitingnan niya lang muna ito. Nanunuod habang umiinom ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD