“What’s up to you man?” Nasa opisina si Macky nang araw na iyon, dahil ito ang unang araw niya bilang OIC ng kompanya ng kaniyang butihing tiyuhin.
Training na rin niya iyon para kapag dumating na ang tamang oras, mapamahalaan niya nang maayos ang sariling negosyo ng kanilang pamilya. Hinarap naman niya ang buwisita niya sa opisina. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito ngayon.
“Arthur, what a surprise!” balewalang bati niya sa kaibigan at nakipagkamay rito. “Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?” nakangisi pa niyang tanong sa kaibigan.
“Wala naman,” sagot naman nito sa kaniya. Iminuwestra pa niyang maupo ito. “Anong meron at naka-maskara ka? Itinatago mo ba ang gandang lalake mo sa mga girls dito?” Nakakalokong tawa nito sa kaniya. Umupo ito sa gilid ng lamesa niya, imbis na sa upuan sa kaniyang harapan.
“Sira! It’s none of your damn business dude! Iyong totoo, bakit ka nga pala napadpad dito?” sumandal siya sa kaniyang swivel chair saka pinaglaruan ang stress ball na nadampot sa lamesa.
“Dude, nagyayaya si Kim mamaya. May problema yata ang loko,” sabi nito habang nilalaro-laro ang mga ballpen sa lagayan nito.
“Hmmm, pag-iisipan ko,” patamad na sagot niya rito.
Wala kasi siya sa mood, isa pa kakaumpisa lang niyang magtrabaho sa kumpaniya ng kaniyang tiyuhin. Tila hindi naman ito makapaniwala sa sagot niyang iyon. Nabaling pa ang tingin nito sa kaniya at pilyong ngumiti.
“Wooohhh, ngayon ko lang yata narinig sa isang Mark Ian Samonte, ang pag-iisipan pa ang pagsama sa bar. Kailan ka pa natuto niyan?” Interesadong tanong ni Arthur sa kaniya, habang hinihimas nito ang sariling baba.
“Kani-kanina lang,” nakangisi niyang tugon dito.
Ibinato pa niya sa kaibigan ang stress ball na pinaglalaruan niya. Tatawa-tawa lang itong sinalo ang bola at ibinalik iyon sa kaniya. Tatanggalin sana niya ang kaniyang maskara, nang biglang may kumatok at sumilip sa pintuan. Agad niyang inayos ang maskara nang makitang si Karen iyon. Sabay pa silang napalingon ni Arthur, nang sumilip ito mula sa awang ng pintuan ng opisina niya.
“Boss, pinapatawag mo raw po ako,” iritadong tanong nito sa kaniya.
Napangisi siya nang parang hindi maipinta ang mukha ng dalaga. Sinadya niyang ipatawag ang dalaga, at hiramin kay Mrs. Santos para maging personal secretary niya, kahit hindi naman talaga niya kailangan nito. Gusto lang niyang pag-tripan ang dalaga dahil natutuwa talaga siya rito.
“Come in Ms. Castillo,” pormal na tawag niya rito.
Pa-simple naman niyang itinulak ang kaibigan, at sinenyasang umalis na. Nanunuksong tingin naman ang ibinigay sa kaniya ni Arthur. Tumingin pa ito kay Karen at nagpa-cute. Tumayo ito at naglakad palapit kay Karen.
“Hi, I’m Arthur. What’s your…” Hindi na natapos ng binata ang pagpapakilala, nang tumama ang stress ball sa ulo nito.
“Awww! Dude, nakikipagkilala lang naman ako kay Miss na Cute!” Hinimas pa nito ang nasaktang ulo habang nakangiwing nakatingin sa kaniya ang kaibigan.
“Shut up and leave Arthur!” seryosong saad niya rito.
Ngingisi-ngisi naman itong lumayo kay Karen. Habang ang dalaga ay naguguluhang nakatingin lang sa kanila. Salubong ang mga kilay ni Karen habang pinagmamasdan sila ng dalaga.
“Oo na aalis na. I’ll call you later. You can’t say no!” sabi pa nito saka muling bumaling kay Karen na nakatayo pa rin sa pintuan.
“Bye Miss Cute!” Sabay kindat dito. Bahagya lang ngumiti si Karen sa kaibigan, kaya naman mas lalo siyang nainis dito.
“Arthur, shoo! Alis na kung hindi, hindi ko kayo sisiputin mamaya!” Nakakunot noong pagbabanta niya sa kaibigan.
Nakalapit na rin si Karen sa kaniyang mesa. Nakahalukipkip pa ito habang nakamasid lang sa kaniya. Narinig pa niyang humalakhak si Arthur saka mabilis na umalis. Nang makaalis ang kaibigan, binalingan niyang muli si Karen. Nakatayo lang ito sa harapan ng kaniyang lamesa, at tila hinihintay ang ipag-uutos niya.
“What are you still standing there? Ipagtimpla mo ako ng kape,” utos niya sa dalaga. Agad nalukot ang magandang mukha nito.
“Teka lang, hindi mo naman ako katulong ah! Magtimpla kang mag-isa mo!” masungit na sagot ni Karen sa kaniya. Naa-amuse na tinitigan naman niya ang dalaga.
‘Wow! First time na may naglakas loob na magsungit sa akin ah,’ sambit ni Macky sa sarili.
Nakapamulsang tinitigan niya si Karen bago nagsalita, “Ms. Castillo, let me remind you that I am your boss. Kaya susundin mo ang lahat nang sabihin ko. Is that clear?” nakataas pa ang isang kilay niyang paalala sa dalaga.
“Sabi ko nga eh. Ito na po mahal na hari, ipagtitimpla ko na po kayo,” sabay lakad nito patungong pantry.
Nagdadabog pa itong pumasok doon. Tatawa-tawa naman siya habang pinagmamasdan ito. Maya-maya’y lumabas ito na may dalang isang tasa ng kape. Nakasimangot pa rin ito kaya naman aliw na aliw siyang pagmasdan lalo ang dalaga.
“Ito na po mahal na hari!” nang-aasar na saad nito sa kaniya, sabay lapag ng mug sa table niya.
“Bakit may cream ito? I want my coffee black, no sugar. Palitan mo iyan!” kunwa’y masungit na saad niya rito.
Natutuwa siyang paglaruan ang dalaga. Sinamaan siya nang tingin ni Karen, na ikinataas naman ng kilay niya. Inaasahan na niyang sasagutin siya nito.
“Hindi mo naman po kasi sinabi!” nakabusangot na sambit pa nito sa kaniya.
Naaaliw talaga siya sa itsura nito. Kaya naman nakipag-asaran pa siyang lalo rito. Pinipigilan niyang mapangiti sa harapan nito, dahil baka kung anong gawin ng dalaga sa kaniya.
“Bakit nagtanong ka ba?” sarkastikong sagot naman niya rito.
“Oo na papalitan ko na. Black no sugar, kasing bitter mo! Coming up po!” saka kinuha ang kapeng tinimpla nito.
Akmang hahakbang na ito pabalik sa pantry nang magsalita siyang muli, “Saan mo dadalhin iyan?” Nilingon naman siya ni Karen at tinaasan ng kilay.
“Sabi mo palitan ko? Eh di, papalitan ko saka sa akin na lang ito, sayang naman kasi eh,” anito saka muling tumalikod sa kaniya at naglakad patungong pantry.
Hindi na siya nakaimik dahil nilayasan na siya ng dalaga. Pagbalik ni Karen, hawak na muli ng binata ang stress ball na ibinato nito kay Arthur kanina. Muling inilapag nito ang mug sa ibabaw ng kaniyang table.
“Ito na po ang kape mo. Mapaso ka sana!” mahinang sabi nito sa huling katagang sinambit nito.
“What? Are you saying something Ms. Castillo?” kunot-noong tanong niya rito.
“Bingi!” mahinang bulong uli nito. “Wala po sabi ko enjoy your coffee sir,” binigyan pa siya ito ng pekeng ngiti.
Tatalikod na lang ito nang muli niyang tawagin si Karen. Muli siyang nilingon ng dalaga na nakataas pa ang kilay, bago nagtanong, “May ipag-uutos pa po ba kayo Boss?” sarcastic nitong tanong sa kaniya.
“Where do you think you are going?” tanong niya sa dalaga, habang komportable siyang nakasandal sa upuan niya.
“Babalik na po sa trabaho ko,” balewalang sagot nito sa kaniya.
“Your table is right there!” Inginuso pa niya sa dalaga ang magiging table nito.
Dinampot niya ang tasa ng kape saka sumimsim doon, upang itago ang mga ngiti niya sa kaniyang mga labi. Tuwang-tuwa kasi siyang makita itong parang dragon, na umuusok ang ilong sa sobrang inis sa kaniya.
“Huh?” nagtatakang tinignan nito ang inginuso niyang mesa nito, saka muling tumingin sa kaniya.
“Yes, you heard me correct! That will be your table starting today,” nakangising wika ni Macky. Saka muling humigop ng kape. Kitang kita niya ang pagka-irita sa mga mata ni Karen, na labis niyang ikinatuwa.
“At bakit?” mataray nitong tanong sa kaniya.
Kung kausapin siya ng bulinggit na ito, akala mo hindi siya ang boss nito. Tumayo si Macky sa upuan niya, saka inilapag ang tasa ng kape sa kaniyang mesa. Naglakad siyang palapit kay Karen, na nakatayo lang sa harapan ng lamesa niya.
“Because I say so? I will remind you again Ms. Castillo, I am your boss until uncle comes back. Kaya kapag sinabi kong dito ka na sa office ko magtatrabaho, dito ka magtatrabaho. Do I make myself clear?” tanong niya rito.
“Oo na boss!” sagot naman nito sa kaniya na may diin pa ang pagkakasabi nito ng BOSS sa kaniya. “Bakit kasi sa dinami-rami mong tauhan, ako pa talaga ang napili mo. Kabago-bago ko lang naman dito at…” Dire-diretsong sabi ng dalaga na agad niyang inawat.
“Shhh… I don’t want to hear your complains. Ang liit-liit mo, ang daldal-daldal mo!” Tila nauubusan na siya ng pasensiya rito.
Agad naman itong nanahimik, at pinisil pa ang mga labing naglakad patungo sa itinuro niyang lamesa nito. Agad naman niyang napigil ang mapangiti sa ginawa ng dalaga. Sisipol-sipol pa siyang nagbalik sa kaniyang lamesa. Manaka-naka ang pagsulyap niya sa dalagang nakasimangot pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Napangisi na lamang siya sa nakikitang reaksiyong iyon ng dalaga.
Buong maghapon silang walang imikan ni Macky sa opisina. Binilisan rin niya ang pag-eencode sa mga ibinigay sa kaniya ni Macky. Kaya naman nag-inat-inat pa siya nang natapos na niya ang kaniyang trabaho. Napatingin siya sa orasan, at napangiti nang makitang alas sinko na pala ng hapon.
‘Hay salamat at uwian na! Makakalaya nang pansamantala sa kurimaw na lalakeng ito!’ tumayo na siya at naghanda sa pag-alis.
“Boss, uuwi na ako,” paalam pa niya rito, at saka isinukbit ang kaniyang bag sa kaniyang balikat. Umangat ang mukha nito at tinanguan lang siya nito. Napataas pa ang kilay niya nang hindi man lang ito umimik.
‘Naubos yata ang energy sa pakikipagtalo sa akin. Hmp!’ Napapangiti na lang siya habang tinutungo ang pintuan.
Nasa labas na siya nang maalalang naka-charge nga pala ang kaniyang cellphone, kaya naman naglakad siyang pabalik sa loob ng kanilang opisina upang kunin iyon. Bigla namang umikot patalikod ang upuan ni Macky nang makapasok siya roon. Nakita niyang nasa ibabaw ng lamesa ng binata ang maskara nito. Nagkibit balikat na lang siya at diretsong lumapit sa kaniyang mesa upang kunin ang kaniyang cellphone. Hinugot niya mula sa pagkaka-charge ang kaniyang cellphone, saka inilagay sa loob ng kaniyang bag. Paalis na sana siya nang magsalita si Macky.
“Next time knock before entering the room,” narinig niyang sabi pa nito na nakatalikod pa rin sa kaniya. Nag-make face naman siya bago sumagot dito.
“Opo boss!” sagot niya dito. “Bakit ba naman kasi naka-maskara ka? Ikinahihiya mo ba iyang mukha mo? Dapat ipinapakita mo iyan, kahit pa anong itsura niyan, ipagmalaki mo! Isa iyang biyaya. ‘Yong iba nga diyan proud na proud sa kanilang mukha kahit…” Hindi na niya naipagpatuloy ang sasabihin, nang sawayin siya nito.
“Napakadaldal mo talaga eh ‘no? Bakit ka ba kasi bumalik?” naiiritang tanong nito sa kaniya.
“Binalikan ko lang ‘yong cellphone ko. Sige boss uuwi na talaga ako. Sungit!” Sabay mabilis na tumakbo siya palabas ng pintuan.
Nahilot ni Macky ang kaniyang sintido. Sumakit yata ang ulo niya sa kakulitan ng kaniyang secretarya.
‘Kanino bang kasalanan iyan? Eh ginusto mo iyan eh,’ sita ng kabilang bahagi ng kaniyang utak.
Pero aaminin niyang masaya siyang kasama niya ito sa loob ng kaniyang opisina. Kahit paano nakakagaan pa rin sa pakiramdam. Iniligpit na lang niya ang kaniyang mga gamit, at saka nag-umpisang lisanin ang opisina. Nasa sasakyan na siya nang tawagan niya si Arthur, at alamin kung nasaan ang mga ito. Susunod siya sa mga ito para makapag-relax.
“Art, where exactly you at?” tanong pa niya sa kaibigan.
“We’re at Dreame Retro Bar,” sagot naman ng kaibigan sa kabilang linya.
“Okay I’m on my way,” iyon lang, at pinutol na niya ang tawag.
Bukas na ulit siya makikipagkulitan kay Karen. Sa ngayon, ang mga kaibigan muna niya ang aatupagin niya. Lalo ngayong isa sa kanila ang may problema sa kapusuan. Napabuntong hininga siya saka pinaandar ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at wala naman masyadong naiwang trabaho ang kaniyang tiyuhin.