Chapter 3

2605 Words
Isang lingo na si Karen sa kaniyang trabaho. So far nagustuhan naman ng kaniyang boss ang kaniyang trabaho. Mabilis kasi siyang matuto sa mga gawain sa opisina. Well, hindi rin naman mahirap ang mga ipinapagawa sa kaniya. Most of the time encoding lang din talaga ang ginagawa niya. “Karen, pakidala naman nitong files sa office ni Sir.” Lumingon siya sa ginang, at atubiling lumapit dito. Iniabot sa kaniya ni Mrs. Santos ang mga files na dadalhin niya, sa opisina ng kanilang big boss. “Sige po Ma’am. Wala po ba akong kukunin doon para dalhin dito?” tanong pa niya sa ginang na ang tinutukoy niya, ay ang mga files na pinapirmahan nila noong isang araw. “Ah wala naman hija,” masuyong sabi nito sa kaniya. “Okay po Ma’am,” nakangiting sagot naman niya rito, bago naglakad patungong pintuan. Lumabas siya sa kanilang opisina at naglakad patungo sa opisina ni Mr. Samonte. Maayos na inilapag niya ang mga files sa table nito, saka pumihit palabas nang biglang may tumikhim. Bahagya pa siyang napatalon dahil sa gulat. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na ngayon ay mabilis ang pagkabog. ‘Anak ng towa’t baboy!’ Napalakas yata ang sambit niya rito, kaya tumawa pa ang kung sino mang nanggulat sa kaniya.  Agad niyang hinanap ang tumatawang iyon. Nakita naman niya agad itong prenteng nakaupo, sa mini sala ng office ni Mr. Samonte. Salubong ang mga kilay na tinignan niya ito. Ang antipatikong lalake kasi, ay tila tuwang-tuwa pa sa kaniyang naging reaksiyon kanina. “Ms. Castillo right?” tanong ng lalakeng naka-maskara. Hindi niya kasi napansing nakaupo pala ito sa mini sala ng office na iyon. Medyo tago kasi ang bahaging iyon ng opisina, kaya hindi masyadong pansinin ang pwestong iyon. “Pipi ka ba?” Untag pa nito sa kaniya, nang hindi siya agad nakapag-react sa tanong nito. “Ah-ahm, hindi po. Kayo naman kasi bigla-bigla kayong sumusulpot, at nagsasalita,” halos makagat niya ang dila sa pagsasalita. Bahagya pa siyang natigilan, nang muling tumawa ang lalake sa kaniyang harapan. Lalong nalukot ang kaniyang mukha nang sulyapan niya ang lalake. Sinamaan pa niya ito nang tingin bago muling magsalita. “Anong nakakatawa?” naiinis na tanong niya rito. Pinagtatawanan pa siya ng walang hiya! “Ikaw! Ikaw ang nakakatawa. Halos mawalan ng kulay iyang mukha mo kanina na parang bangkay. Sayang hindi mo nakita,” nakakalokong sabi pa nito sa kaniya. ‘Aba buwiset na ito! Teka lang,’ sabi naman niya sa kaniyang sarili. Bahagya namang nagulat ang lalake nang bigla siyang humalakhak. Humawak pa siya sa kaniyang tiyan, na parang sumasakit iyon sa katatawa. “Ahahaha! Ako nakatatawa? Eh ikaw kaya diyan ang nakatatawa. Naka-maskara ka pa diyan, bakit may ball ba? Or may mascarade party ba? Bakit hindi naman yata kami na-inform?” Nanahimik naman itong bigla dahil sa kaniyang ginawa.  ‘Akala mo siguro ha? Hmmpp! Makaalis na nga lang,’ sabay talikod niya rito. Hahakbang na sana siya patungo sa pintuan, nang muling magsalita ito. Nilingon niya ito na ngayo’y, nakatayo na malapit sa kaniya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito kaya medyo nagulat pa siya rito. “Hmmm, mukhang mag-eenjoy ako sa pag-i-stay ko rito.” Nilapitan pa siya nito ng husto, sabay ngumisi nang nakakaloko.  Bigla naman ang pagtahip ng kaniyang dibdib, dahilan para mapaatras siya. Hindi niya maipaliwanag kung para saan ang pagtahip na iyon ng kaniyang dibdib. Tiningala niya ito saka tinaasan ng kilay. “Tse! Tumabi ka na nga riyan at babalik na ako sa trabaho ko!” pagsusungit niya rito. Bahagya pa niya itong itinulak upang lumaki ang distansiya sa pagitan nila. Natigilan naman siya at napatingin sa mga palad na dumantay sa dibdib ng binata. Tila may kuryenteng dumaloy sa mga iyon patungo sa kaniyang katawan nang itulak niya ito. Agad niyang ibinaba ang mga kamay, saka taas noong lumabas ng silid na iyon. Napasandal pa siya sa dinding malapit sa pintuan ng opisina, pagkalabas niya mula roon.  ‘Ano bang nangyayari sa akin? Nababaliw na yata ako. Kasalanan ito ng lalakeng nakamaskara na ‘yun eh!’ Ipinilig na lang niya ang kaniyang ulo, saka nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang opisina.  Naguguluhan man ay pinilit na lang niyang iwaksi sa isip ang kaganapan kanina. Pero hinding-hindi naman niya maitatanggi sa sarili, na may epekto ang lalakeng iyon sa kaniya. Hindi pa niya mapangalanan sa ngayon. Pero natitiyak niyang may kakaiba sa lalakeng iyon, na dahilan nang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso. Macky POV… ‘Napaka-cute talaga ng babaeng iyon, lalo na kapag nagsusungit. Napapangiti pa ako habang inaalala kung paano ako sungitan ni Karen. Tinanggal ko ang maskarang nakuha ko sa mesa ng tyuhin ko. Isinukat ko kasi ang maskara kanina at hindi ko naman akalain na papasok siya rito sa silid, kaya hindi na ako nag-abalang tanggalin pa iyon. Mukhang mapapakinabangan ko naman ang maskarang ito, habang nandito ako sa kumpanya ng tiyuhin ko. Mukhang mag-eenjoy talaga ako sa paggiging OIC ko sa kumpanya ng tiyuhin ko habang nasa bakasyon ito, kasama ng asawa nito. Napangiti ako sa kapilyuhang naiisip kong gawin kay Karen sa mga susunod na araw.’ “Oh Macky, hijo, kanina ka pa ba rito?” tanong ng kaniyang tiyuhin na kapapasok lang ng opisina nito. Napalingon siya sa kaniyang tiyuhin, at agad na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Nang makaalis kasi si Karen ay naupo siya sa harapan ng mesa ng kaniyang tiyuhin. Sinalubong niya ang kaniyang tiyuhin saka nagmano. Malaki na siya, pero hindi pa rin nawawala sa kaniya ang pagmamano bilang paggalang. “Not so long Tito,” sagot niya rito. “Good. Are you ready to take over my position while I’m on vacation?” tanong namang muli ng kaniyang tito Roger bago siya muwestrahang maupong muli. Naglakad naman ang kaniyang tiyuhin patungo sa likod ng mesa nito. Umupo ito roon at saka pasandal na tinignan siya. Nakangiti naman siyang tumango sa tiyuhin bilang sagot sa tanong nito. “Yes. I’m ready! In fact, I think I will enjoy my stay here tito,” ngingiti-ngiti pa niyang sagot sa kaniyang tiyuhin. “Hmmm, good to hear that,” nakangiti ring saad nito sa kaniya. “By the way, I will have a meeting in thirty minutes. I want you to come with me, so that I can formally introduce you to the management,” dagdag pa nitong imporma sa kaniya. “Sure Tito, para naman makilala ko na rin sila, so that they will not be surprise tomorrow when I take over,” sagot pa niya rito. Nginitian siya ang kaniyang tiyuhin saka tumingin sa relong pambisig nito. Tumayo na ito at inayos ang coat nito. Tinignan muna nito ang ilang pirasong documents na nakapatong sa lamesa nito, saka isa-isang pinirmahan iyon. Matapos gawin iyon ay saka siya binalingan nito. “Let’s go Macky,” sabi nito saka nag-umpisang maglakad patungong pintuan ng opisina nito. Tumayo naman siya at sumunod sa kaniyang tiyuhin. Magkapanabay silang naglakad patungong conference room. Pagbukas niya ng pintuan, nakita niyang nandoon na ang lahat ng ka-meeting ng kaniyang tiyuhin. Nang maisara niya ang pintuan ay agad siyang naupo sa pinakadulong bahagi ng mesa. Nakinig lang siya sa meeting ng kaniyang tiyuhin. Hindi naman na rin bago sa kaniya ang mga ganitong tagpo. Bata pa lang siya ay isinasama na siya ng kaniyang ama sa mga ganitong meetings nito. Kaya nga siguro nagka-interest siya sa kanilang negosyo. Sila kasi ang nangungunang Textiles and Fabrics Company sa bansa. Ang Samonte Textiles and Fabrics Company, ang nagsu-supply ng mga tela sa mga kilalang fashion boutiques sa bansa. Actually they will start to export their products abroad, and that’s one of the reason sa pagbabakasyon nito sa ibang bansa kasama ang asawa nito. “Okay now, let me introduce my nephew, Mark Ian Samonte as my OIC, while I’m on leave,” narinig niyang sabi nito kaya naman tumayo siya at kumaway sa mga taong nasa loob ng kuwartong iyon. “Macky, come here, para mas makita ka nila,” tawag pa nito sa kaniya. Nagkamot naman siya ng kaniyang ulo, saka naglakad patungo sa unahang bahagi ng conference room. Nang makarating doon ay nakangiting humarap siya sa mga tauhan ng kaniyang tiyuhin. “Oh, are you not going to say something?” nakangising saad ng kaniyang tito Roger. Tumikhim muna siya bago magsalita, “Hello everyone, please just call me Macky. Not sir, not boss just Macky. Bata pa naman po ako eh, kay tito Roger lang bagay iyong Boss at Sir,” nakangising saad niya sa mga ito. Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng kuwartong iyon kasama ang kaniyang tiyuhin. “Kidding aside, please don’t hesitate to approach me if you need something or anything, except po sa pera. I don’t have that,” tatawa-tawang sabi pa niya ulit sa mga kaharap. Muli namang nagtawanan ang mga kausap niya. “Seriously, I want you all to be comfortable working with me. I’m just here to replace Tito for a while. I’m not here to criticize each one of you, I’m here to help. Nothing more, nothing less. My success is yours too. So please let’s help each other,” nakangiting sabi niya sa mga kaharap. Nagpalakpakan naman ang mga kausap niya. “Welcome Macky!” sabay-sabay pang bati ng mga ito sa kaniya. Yumukod naman siya simbolo ng pasasalamat sa mga ito, “Thank you!” sabi pa niya saka ngumiti. Tinapik-tapik naman siya ng kaniyang tiyuhin sa kaniyang balikat saka kinindatan. “So, I think this meeting needs to end. Thank you ladies and gentlemen. Have a nice day everyone!” pagtatapos ng kaniyang tiyuhin sa kanilang meeting. Nang makaalis na ang lahat sa conference room ay bumalik na sila sa opisina ng kaniyang tiyuhin. Nagbilin lang ito ng ilang mga bagay sa kaniya. Pagkatapos nitong magbilin ay nag-ayos na rin ito ng mga gamit nito. Siya namang dating ni Mrs. Santos, saglit na nag-usap ang kaniyang tiyuhin at ang ginang. Nang matapos silang mag-usap ay lumabas na rin ito ng opisina. Dali-dali niyang kinuha ang pinapirmahan ni Karen kanina at hinabol si Mrs. Santos. Isinuot pa niya ang maskarang kanina’y gamit niya nang makita siya ng dalaga. “Mrs. Santos!” tawag niya sa ginang ng nasa pintuan na ito ng opisina ng mga ito. Nilingon naman siya ng matanda. “Oh hijo, bakit?” magiliw na tanong nito sa kaniya. “Ahm, ibibigay ko lang po itong dinala noong bagong empleyado niyo kanina. “Ahhh, salamat hijo. Sana hindi ka na nag-abala pa. Puwede ko namang ipakuha na lang kay Karen ito sa opisina mo bukas,” sabi ng ginang sabay abot sa documents na hawak niya. “Gusto ko nga po sanang hiramin siya kung okay lang po? Sa office ko na lang po muna siya magta-trabaho,” nahihiyang saad niya sa ginang. Makahulugan namang tinignan siya nito. “Hmmm, sige. Sasabi...” hindi na nito natuloy ang sasabihin niya nang pigilan niyang magsalita ang ginang, “Ahm, bukas na lang po,” sabi niya saka nagkamot ng kaniyang batok. Natawa naman si Mrs. Santos sa kaniyang ikinilos, “Hay naku hijo, ewan ko sa inyong dalawa. Halika nang maipakilala na kita sa kaniya,” niyaya na siya nito papasok sa opisina ng mga ito. Agad naman siyang sumunod dito. Matiwasay na natapos si Karen sa kaniyang trabaho. Nag-inat pa siya bago tumayo sa kinauupuan. Wala pa rin si Mrs. Santos dahil isinama ito ng kanilang boss sa meeting nito. Naghahanda na siya sa pag-alis nang pumasok ang ginang. Kasunod nito ang lalakeng naka-engkwentro niya kanina sa opisina ng kaniyang boss. Inirapan niya ito at hindi pinansin.  ‘Bakit kaya naka-maskara ito? Siguro majonget ang face-lak nito,’ kausap niya sa kaniyang sarili. ‘Hmp! Keber ko naman sa masamang ugaling lalakeng iyan?’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. “Ah, Karen, Mabuti naman at nandito ka pa,” sabi ni Mrs. Santos nang makita siya nito. Napaangat naman nang tingin si Karen kay Mrs. Santos, kiming ngiti ang iginawad niya sa ginang. “Pauwi na nga ho sana ako eh. May ipapagawa pa po ba kayo?” tanong niya rito habang nakatayo sa kaniyang mesa. “Wala naman hija. Ipapakilala ko lang sana sa iyo ang bago nating boss. Pansamantala kasing mag-li-leave si Mr. Samonte.” Sumulyap pa ito sa binatang katabi. ‘Oh-em-ghee! For real? Magiging boss ko ang halimaw na iyan?’ tili niya sa kaniyang isip. “Karen, ito si Macky, our temporary boss.” Gustong hilingin ni Karen na lamunin na lang siya ng lupa ng mga oras na iyon. Ang lalake kasing iyon na sinasagot-sagot niya kanina, ay magiging boss pa niya ngayon. Ngumisi ang binata at tila naaaliw sa nakikita nitong reaksiyon niya. Lumapit pa ito sa kaniya at bahagyang yumuko, upang magpantay ang mga mukha nila. “Hi Karen. I will make sure that I will enjoy my stay here,” bulong pa nito sa kaniya habang nakangisi. ‘Ang bango naman ng bibig niya. Cool mint!’ tila wala sa sariling puri niya rito. Bago pa man siya makapag-react ay tumalikod na ito sa kaniya. Naiwan siyang bahagyang nakanganga, at natitigilan sa kaniyang lamesa. Tila parang biglang umurong ang kaniyang dila sa sinabi nito. “Mrs. Santos, pakisabi kay Ms. Castillo na puwede na niyang isara ang kaniyang bibig, baka kasi pasukan ng langaw.” Agad naman niyang itinikom ang kaniyang bibig nang marinig ang sinabi nitong iyon. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalakeng ngayon ay tatawa-tawa pa sa tabi ni Mrs. Santos. Ngani-nganing batuhin niya ito ng stapler na nasa mesa niya. Kung hindi lang dahil nandoon si Mrs. Santos, ay baka naibato na nga niya rito ang stapler. ‘Buwiset kang Macky ka! Makakaganti rin ako sa iyo,’ bulong na lang niya sa kaniyang sarili. Tumikhim muna siya bago magsalita, “Nice meeting you boss,” pekeng ngiti ang ibinigay niya rito sabay inirapan niya ito. “Mrs. Santos, mauuna na po ako sa inyo,” magalang niyang paalam sa ginang na ngiting-ngiti naman sa kaniya.  Kung tama siya ng iniisip, tila nanunukso pa ang ginang na nakatingin sa kaniya. Hindi na lang niya iyon pinansin. Bumuntong hininga na lang siya, at dinampot ang kaniyang bag. ‘Eh bakit ka naman niya tutuksuhin? Saka kanino? Kay Macky? Assumera!’ pangungutya ng kaniyang isipan. “Sige hija, mag-iingat ka ha?” magiliw na wika ng ginang sa kaniya. Ngumiti naman siya rito at deretsong naglakad palabas ng opisina. Dahil sa nakaharang ang bruhong lalake, ay tinabig niya ito saka nakangising humingi nang paumanhin. Pekeng ngiti pa ang ibinigay niya rito bago siya magsalita, “Ayyy, sarry Boss,” naka-peace sign pa niyang sabi rito, saka nagmadali nang lumabas ng opisina. Baka kasi makaisip pa nang igaganti sa kaniya ang lalake.  ‘Buwiset kang lalake ka! I will make sure that I will enjoy my stay here ka pa riyan. Hmmmppp…’ Ulit pa niya sa sinabi nito bago tuluyan nang lumabas ng gusaling iyon. ‘Tignan natin kung sino ang mas mag-eenjoy sa ating dalawa,’ nakangisi pa niyang saad sa sarili. Hindi siya puwedeng magpatalo sa damuhong lalakeng iyon. Kaya kahit anong mangyare, hinding-hindi siya patatalo sa Macky na iyon. Pero in fairness aaminin niyang yummy talaga ang pangangatawan nito, at mabango ang bibig. Pero ano nga kaya ang itsura nito? Kasing yummy rin kaya ng katawan nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD