Maagang umalis at nakasakay ng jeep si Karen, kaya walang kamadali-madali sa mga kilos niya nang araw na iyon. Naupo siya sa may parteng may bintana para mabilis niyang makikita ang kaniyang bababaan. May katabi siyang isang estudyanteng ngumunguya ng bubblegum, at medyo naiirita siya sa paraan ng pagnguya nito. Masyado kasi itong maingay ngumuya, para itong kambing. Maya-maya nagbukas ito ng panibagong bubblegum at basta na lang itinapon kung saan ang kanina lang ay nginunguya nitong bubblegum. Isinubo nito ang panibagong bukas na bubblegum, at ngumiti pa sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at inignora ang estudyante. Tumagilid siya nang upo upang talikuran ang bata. Hindi pa nagtatagal ay narinig niyang nagsalita ito. “Ay, ma’am sorry po,” narinig niyang sabi nito. Parang nak