“Ms. Castillo, ipa-xerox mo nga ang mga ito sa printing department. Five hundred pieces each,” utos nito sa kaniya, sabay lapag sa lamesa niya ng mga ipapa-xerox daw niya. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang makisabay siya rito pauwi. At simula nang araw na iyon, palagi na siyang pinagtitripan nito. Walang araw na hindi siya ginulo ng sira-ulong boss niya sa kaniyang trabaho. “Lahat ito?” manghang tanong pa niya rito. Halos kasing kapal kasi ng isang libro ang ipapa-xerox nito sa kaniya. “Oo lahat iyan, five hundred pieces each,” nakangising sagot naman nito sabay talikod sa kaniya. “Teka, may xerox machine naman tayo rito ah. Ikaw talaga gusto mo lang akong pahirapan eh,” mataray niyang saad dito. “Sira ang xerox machine, kaya nga kita inuutusang ipa-xerox ang mga iyan eh