Six years after… Matuling lumipas ang panahon, at sa loob ng anim na taon ay nakapagtapos na sa pag-aaral ang kapatid niyang si Kurt. Ngayon ay nagtatrabaho na rin ito sa ibang bansa bilang chef. Samantalang siya naman ay masuwerteng natanggap sa inapplyan niyang bagong trabaho sa Nature-al Travel Services. Isang kanto lang ang layo nito mula sa kanilang bagong bahay kaya pabor na pabor sa kaniya iyon. Dahil ibig sabihin lang nito mapupuntahan niya agad ang kaniyang ama kapag sinumpong ito ng kaniyang sakit. Kinailangan niyang isakripisyo ang trabaho sa kumpanya ng mga Samonte, dahil nagkasakit nang malubha ang kaniyang ama noong nakaraang tatlong taon. Kaaalis lang ng kaniyang kapatid na si Kurt, patungong Bahrain upang magtrabaho ng mga panahong iyon. Habang abala naman sa pag-aaral a