Chapter 2

1261 Words
“Itay, ‘tay, yuhuuuu!!!” kapapasok pa lamang niya sa kanilang bakuran, ay tawag na niya sa kaniyang ama. Malapad ang pagkakangiti niya sa kaniyang mga labi, habang naglalakad papasok sa kanilang bahay. Agad niyang niyakap ang kaniyang ama, nang makita niya itong nakaupo sa sofa sa kanilang sala. “Oh anak ang saya-saya mo yata ah. Kumusta naman ang lakad mo?” tanong ng kaniyang ama habang nakayakap din ito sa kaniya. Saglit siyang bumitiw sa pagkakayakap sa kaniyang ama at umayos nang pagkakaupo. Humarap pa siya rito at hinawakan ang mga kamay nito. Nagniningning pa ang kaniyang mga mata na nakatingin sa kaniyang ama. “Tay, may trabaho na po ako!” Pigil na pigil niya ang kaniyang pagtili habang sinasabi iyon sa kaniyang ama. “Talaga anak? Magandang balita iyan! Masayang-masaya ako para sa iyo anak!” Bakas ang katuwaan sa mukha ng kaniyang ama. “Opo tay! Kaya po hihinto ka na rin po sa pagta-trabaho mo kila Mr. Tiongson. Ako naman po ang magta-trabaho para sa pamilya natin,” maramdaming saad niya sa kaniyang ama. “Salamat anak. Napaka-suwerte ko naman talaga sa inyong magkakapatid. Lalo na sa iyo anak, napakasipag mo,” maluha-luha pang saad nito habang nakangiti ito sa kaniya. “Aysus si tatay nagda-drama oh!” biro pa niya sa kaniyang ama. Pinahid pa niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata nito. “Basta ‘tay, simula ngayon, ako naman po ang magtatrabaho para sa atin. Hayaan niyo pong ibalik namin sa inyo ang lahat ng mga sakripisyong ibinigay niyo para sa amin,” nakangiti niyang saad sabay yakap dito. “I love you tatay!” bulong pa niya sa ama. “Mahal na mahal ko rin kayo mga anak,” ganting saad naman ng kaniyang ama sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Kinabukasan maagang nagising si Karen. Ganado siyang pumasok sa kaniyang trabaho, first day niya ngayon, kaya dapat maaga siya sa opisina. Naglagay siya ng manipis na make up, at inayos ang maiksi niyang buhok na bob cut. Maintain niya ang ganoong buhok, dahil tamad siyang mag-ayos ng sariling buhok.  Nagsuot siya ng itim na palda na hanggang tuhod ang haba, at tinernuhan iyon ng blouse na kulay baby blue, na itinuck-in niya sa kaniyang palda. At dahil hindi siya biniyayaan ng height, nagsuot siya ng two inches black shoes. Umikot pa siya ng isang beses sa harapan ng salamin saka siya matamis na ngumiti. Siya namang tawag sa kaniya ni Kurt, ang sumunod sa kaniya. “Ate, maganda ka na. Halika na at kumain ka muna bago ka pumasok.” Nilingon pa niya ang kaniyang kapatid, na nakatayo sa pintuan ng kaniyang silid. Nginitian niya ito saka nagsalita, “Opo kuya Kurt!” pabirong saad niya rito dahil parang kuya ito kung umasta. Masyadong over-protective. Isang taon lang naman ang tanda niya rito, at malapit na rin itong grumaduate sa kurso nitong HRM. Ito ang katu-katulong niya sa pag-aalaga sa kanilang ama, at bunsong kapatid na si Kelly. Sinundan na niya ito patungong kusina. “Ang mga gamit mo ba ate kompleto na ba? ‘yung cellphone mo baka makalimutan mo. Saka ipinaglagay na kita ng baon, kaysa bumili ka pa, sayang ang pera.” Natawa naman siya sa mga sinabi ng kaniyang kapatid. Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi. “Nakaayos na po ang mga gamit ko, at ang cellphone ko ay nasa loob na rin ng bag. Thank you sa baon kapatid!” Saka siya bumitiw nang pagkakayakap dito. “Basta ate mag-iingat ka sa biyahe. Saka kapag gagabihin ka, magsasabi ka para masusundo kita,” dagdag pa nitong bilin sa kaniya. Napaka-sweet talaga nito. Nakakatuwang may kapatid siyang ganito kalambing at kaalaga. Kumain na siya nang mabilis, saka nagpaalam sa kanilang tatay. “‘Tay, mauuna na po ako. ‘Wag ka pong magpapagod ha. Kelly, tutulungan mo ang kuya Kurt mo sa pagliligpit bago ka pumasok ha?” Bilin niya sa bunso nilang kapatid, bago pinaghahalikan ang mga ito. “Opo ate. Mag-iingat ka po,” tugon naman ng nakababatang kapatid niya sa kaniya. Inihatid pa siya ni Kurt hanggang sa may sakayan at hinintay na makasakay ng jeep bago ito bumalik sa kanilang bahay. Pagdating sa opisina, masigla niyang binati ang receptionist na nakausap niya kahapon. Nginitian naman siya nito at binati. Agad siyang sumakay sa elevator nang bumukas iyon, at dahil masayang-masaya siya, hindi na niya pinansin ang isang matangkad na lalakeng nakabangga sa kaniya. Kahit pa halos tulmalsik na siya sa kabilang panig ng elevator sa pagkakabangga nito sa kaniya. Ang bwiset na lalake, ni hindi man lang nag-sorry sa kaniya, at nagpatuloy lang sa pagdutdot ng cellphone nito.  ‘Lord masyado po akong masaya ngayon at wala akong planong patulan ang walang manners na lalakeng ito. Kaya kayo na po ang bahala sa kaniya,’ bulong na lang niya sa kaniyang sarili. Nang bumukas ang elevator, ay nagmamadali na siyang lumabas mula roon. Hindi na rin niya pinansin pa ang lalakeng busy pa rin sa pagdutdot sa cellphone nito. Dire-diretso siyang nagtungo sa opisina ni Mrs. Santos, kung saan siya mag-oopisina. “Good morning Mrs. Santos!” ngiting-ngiting bati niya sa ginang. “Good morning hija. Ang aga mo nga talaga. Magkape ka muna, may thirty minutes pa naman tayo eh.” Saka siya iginawa ng kape nito. Agad niyang tinanggap iyon, at kahit hindi pa oras ng trabaho niya ay binuksan na niya ang kaniyang computer, at sinimulang mag-explore sa mga files na naroon. Masyado na siyang lunod sa pagbabasa ng mga files sa computer, kaya naman hindi man lang niya namalayan nang may pumasok sa silid na kinaroroonan nila ni Mrs. Santos. “Who is she?” Naulinigan niyang tanong ng isang lalakeng nakatayo nang patalikod sa kaniya. Kaya ni hindi man lang niya nasilayan ang mukha nito. “She’s Karen Castillo, bago lang siya rito under probation.” Narinig naman niyang sagot ni Mrs. Santos sa lalake. Nabuhay ang curiosity niya at tiningnan ang dalawang nag-uusap. Ngunit bigo siyang makita ang itsura nang kausap ni Mrs. Santos. Kung ang pagbabasehan niya ay ang built ng katawan at tindig nito, masasabi niyang pogi ito. Nangalumbaba pa siya para pagmasdan ang likuran ng lalake.  ‘Hmmm yummy puwet!’ Napabungisngis pa siya sa kapilyahang naisip.  Nang parang lilingon ang mga ito sa kaniya, ay agad niyang ibinaling ang mga mata sa computer. Nagpanggap siya na nagbabasa ng kung ano mula roon. Napapakagat pa siya sa kaniyang ibabang labi dahil sa pagpipigil na matawa. ‘Shet na malagket, muntik na akong mahuli sa kamanyakan ko!’ Natatawa na lamang siya sa sariling kalokohan. ‘Ayan manyak mode pa more! Aga-aga Karen eh!’ sita pa niya sa sarili. Nagpatuloy na siya sa pagtatrabaho bago pa siya masita ni Mrs. Santos. Enjoy naman siya sa kaniyang unang araw sa trabaho, at hindi rin naman siya nahirapang mag-adjust. May mga naging kaibigan na rin siya roon, at kasama si Mrs. Santos na naging magaan ang trato sa kaniya. Kung tutuusin para na niya itong ina. Sobrang bait at magiliw ng ginang sa kaniya. Nalaman niyang nasa malalayong lugar ang mga anak nito, at tanging siya na lamang ang namumuhay na mag-isa sa bahay nito. Ayon pa rito, ilang taon na rin daw itong biyuda. Kaya naman parang anak na kung ituring siya nito. Wala na siyang mahihiling pa sa kaniyang trabaho. Bonus na lang na mababait din ang kaniyang mga kasamahan at boss. Kaya naman bawat araw na nagdaraan ay parang kay bilis lang na lumilipas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD