“So, ayun na nga po. Pinauwi na kami ng school namin, dahil tapos na naman daw naming bunuin iyong hours of OJT namin. Natatakot kasi sila na baka raw maglagalag pa kami roon, maski tapos na ang OJT at mapahamak. Sayang nga ate eh, balak pa naman sana naming maglakwatsa kahit isang araw lang,” mahaba-habang salaysay nito sa kaniya. Nanghihinayang pa ito dahil hindi ito nakagala bago umuwi. Tinawanan naman niya ang kapatid sa sinabi nito. Pinapanood niya itong maganang kumakain habang nagkwe-kwento. Masaya siya para sa kapatid niya. Unti-unti na rin kasi nitong naaabot ang mga pangarap nito. “Hayaan mo na bunso, malay mo ‘pag nakatapos ka na nang pag-aaral ay makabalik ka ulit doon.” Pang-eengganyo pa niya rito. “Oo ate, for sure iyan! Gagayahin ko si kuya Kurt sa ibang bansa nagta-tra