Isang lingo pa ang mabilis na lumipas at magaling na ang mga pasa ni Xandrie. Ngayon din ang araw ng blind date nito, kung blind date ngang matatawag iyon, dahil kasama nito sina Maggy at Jaspher sa date na iyon. Isinasama nga siya ng mga ito ngunit mariin siyang tumanggi sa paanyaya ng mga kaibigan. “Mga sis kayo na lang ang lumabas. Ayaw ko ngang maging scorer!” pairap pa niyang sabi sa mga ito habang pinapanood si Xandrie na mag-ayos. “Loka, bakit ka naman magiging scorer?” tatawa-tawa pang tanong ni Maggy sa kaniya. “Uyyy! Talagang nagtanong ka pa ha?” sagot naman niya kay Maggy. Humagikhik naman ito at tila nahulaan kung ano ang nais niyang sabihin. Siyempre silang dalawa may pakner, tapos siya wala? Anong tawag doon? Chaperon na scorer? Ganurn? “Siya sa office na muna ako, ma