Araw ng Sabado, dahil wala naman silang pasok, naisipang dalawin ni Karen ang kaniyang ama. Kahit naman iniwan niya ito sa pangangalaga ng kaniyang ina, eh gusto pa rin niyang makatiyak na inaalagaan nga siya nito ng mabuti. Nadatnan niyang mag-isang nakaupo ang kanilang ama sa sala. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kanilang munting tahanan upang hanapin ang kanilang ina. Nang hindi makita ang ina, ay takang nilapitan niya ang ama. Doon lang niya napansing may mga luha sa mga mata ng matanda. “Tay, ano pong nangyari? Bakit kayo umiiyak?” nag-aalalang tanong niya rito. Agad siyang naupo sa tabi nito, at hinawakan ang kamay ng kaniyang ama. Awang-awa siya sa itsura ng kaniyang ama. Malungkot ang aura ng mukha nito, habang nakatingin sa kawalan. “Wala na ang nanay ninyo.