Chapte 18 Clara Pov Habang sinasabi ko kay Francis ang lahat ng nangyari ay hindi ko mapigilan ang mga luha na hindi pa rin nauubos sa pagpatak sa mga mata ko. Subrang maga na ang mata ko sa kakaiyak. ''Hindi ko ito matanggap, Francis. Parang mababaliw na ako. Hindi ko ito kaya. May mga namatay ng dahil sa akin,'' iyak ko pang sabi kay Francis. ''Shhh... Tahan na. Hindi mo naman sinasadya ang nangyari. Isa pa, aksidente ang nangyaring iyon. Kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo,'' ani Francis. ''Mamatay tao ako, Francis. Ang tanga-tanga ko kasi. Tama si Lance ang tanga ko. Kung hindi dahil sa katangahan ko wala sanang namatay, hohohoh..'' ''Hindi, hindi ka mamatay tao, Clara. Hindi mo sinasadya ang nangyari kaya huwag mo nang sisihin pa ang sarili mo. Dahil hindi mo ginusto ang