Chapter 19 Clara Pov Tuwang-tuwa naman si Margaret nang makita ako sa mga isinukat ko. Humarap ako sa salamin pakiramdam ko ibang-iba ang Clarang nakikita ko sa salamin. Bumabagay sa akin ang buhok ko na layer na lampas sa balikat ko. At ang suot ko ngayong dress na taas tuhod ko. "Ayan bagay na bagay sa 'yo. Ang ganda mo talaga, Clara. Magsisisi ang boyfriend mo na 'yon kung bakit pinakawalan ka pa niya," sabi naman ni Margaret. "Ayaw ko na siya pag-usapan pa o marinig man lang ang pangalan niya, Margaret,'' wika ko. ''Well, mabuti pa mag-bar na lang tayo. Simula ngayon tuturuan kita kung paano mo makalimutan ang lalaking iyon,'' ngiti pang sabi ni Margaret. ''Baka pagalitan tayo ni Francis kapag nag-bar tayo.'' ''Ede, hintayin natin siya. Mag-disco tayo para mabilis kang ma