Chapter 17 Clara Pov Nandoon naman si Margaret agad naman kaming sinalubong ng Girlfriend ni Francis. "Okay, ka lang ba, Clara? Maupo ka nga muna," wika naman ni Margaret sa akin. Naupo ako sa sofa at parang wala sa sarili. Hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. Parang hinahayaan ko na lang kung saan ako tatangayin ng hangin. Naupo ako at inabutan ni Margaret ng tubig. Uminom naman ako. " Kumain ka na ba?" tanong ni Francis. "Wala akong gana. Gusto ko na lang muna matulog," mahina kong sabi. "Sige, magpahinga ka na muna. Nagugutom ka magsabi ka lang ha?" ani Margaret. Tumango lang ako at sinamahan niya ako sa isang silid. Si Francis naman ay naiwan na napapailing. "Dito ka na lang muna sa kabilang silid. Kapag gusto mo magbihis ilalagay ko na lang ang damit mo sa upuan.