Krysta
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang routine ko pero nadidismaya ako sa aking sarili dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong lead kung sino ang gustong pumatay kay Xander ko. Habang sinusuot ko ang aking sapatos ay nakita kong naghahanda rin si Vernice para lumabas at mukhang may misyon siya dahil naka-gear siya.
“Mission?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya.
“Just the same old s**t. Killing a high profile man who is doing illegal things.” Sinara niya ang kanyang jacket at saka lumabas na ng aming condo.
Sumunod na rin ako at nakita ko na rin siyang sumakay sa kanyang motor. We like riding motorcycles especially if we are doing our missions. Mas madali kasi siyang patakbuhin at makaaalis din kami agad kapag nagawa na namin ang aming mga misyon. Isinuot ko na rin ang aking helmet at pinaandar ang aking Ducati. Nang makarating ako sa ATHAN Corp ay ipinarada ko ang aking motor sa parking lot ng gusali nang napansin ko na may tumigil ding sasakyan sa aking tabi. It’s a Jaguar car, but its not the bullet proof type. I like my cars to be bullet proof because of the work that we do. It’s for our protection as well. Inaayos ko ang pagparada sa aking motor at inalis ang aking helmet nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.
“Good morning Ms. Mejia.” Nakita ko na si Xander ko pala ang bumati sa akin.
Uy, ngayon niya lang ako pinansin ah? Pero grabe ang gwapo niya talaga at hindi ko pa rin maiwasang hindi tumitig sa kanya. Narinig ko na lang siyang tumikhim at napailing sabay naglakad papasok sa gusali. Dali-dali rin akong sumunod sa kanya.
“G-Good morning, sir,” nahihiya kong sabi sa kanya. “Sorry sir for not greeting you immediately.”
Hindi siya sumagot at dumire-diretso lang papasok sa loob ng elevator. Ako ang nahuli na pumasok sa elevator at kaming dalawa lang ang nandoon. Hindi ko alam pero kinakabahan akong nakatayo kasama si Xander ko. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako at hindi ako mapakaling tumayo. Nang magbukas ang elevator ay nakahinga ako ng maluwag at napatalon ako sa gulat nang biglang tumawag sa akin si Ms. Thorn.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa restroom pero bago ko sagutin ang tawag ay linock ko muna ang pinto nito at saka sinagot ang tawag.
“How’s your mission?”
“Mom—”
“Call me Ms. Thorn young lady. You are working, right?”
Napaikot ako ng aking mga mata sa pagiging strikto niya.
“And don’t roll your eyes at me as well.”
“Fine,” naiirita kong sabi. “Geez, why do you even know that? Anyway, ayos lang naman pero wala pa rin akong leads hanggang ngayon.”
“That’s understandable. I just received a call from Sir Montero that someone broke in at Sir Mostrales’ building last night.” Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil mukhang nalaman niya iyong ginawa ko kagabi. “Also someone actually sent a signal to the police?” Uh-oh! Ito na mapapagalitan ako sa ginawa ko. “Scarlet! Who told you to involve the police here? Remember that we do our jobs based on our clients’ request. Ano’ng gagawin mo oras na malaman ni Jethro Nam na isa kang assassin? Gusto mo ba’ng parusahan ka ng mas nakatataas sa ginawa mo? Alalahanin mong isang sikreto ang pagiging assassin natin at walang nakakaalam ni kahit sino.”
Oo nga at mali ang aking ginawa dahil hindi ko na dapat pa dinamay ang mga pulis dito. I accepted the job because it’s supposed to be confidential.
“Scarlet ayoko nang maulit pa ito. This is your last warning. Oras na gawin mo pa ang ganito magtatalaga ako ng gagawa ng trabaho mo.” I nodded and sighed.
“Yes, Ms. Thorn. Hindi na po mauulit.” Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na ang aking telepono at mabigat ang loob na lumabas ng restroom.
Nadatnan ko naman si Linda na may kausap na isang lalaki at mukha pa silang naglalandian. Napailing ako dahil buti pa siya may kalandian pero ako wala kasi iyong boss ko super sungit. Pag-upo ko sa harapan ng computer ay napatingin sila Linda sa akin.
“Oh, don’t mind me. Continue whatever you are doing there,” sabi ko sa kanila sabay napabuntong-hininga.
Nakita ko naman na pinalayas na ni Linda iyong kalandian niyang lalaki at umupo sa aking tabi.
“Bakit ang lungkot mo? Hindi ka nanaman ba pinansin ni boss?” tanong niya at tumango ako.
“It’s just frustrating,” malungkot na sabi ko.
Hindi na nagsalita si Linda nang makita namin na lumabas si Xander sa kanyang opisina at pumunta sa amin.
“I’ll have a lunch meeting. Linda, Krysta,” sabi niya at halos manginig ang aking kalamnan nang bigkasin niya ang aking pangalan. “Oras na may maghanap sa akin sabihin niyo na lumabas ako. My meeting might be for hours.”
“Yes, sir,” sagot ni Linda at ako ay napatango lang sabay nakatitig pa rin sa gwapo niyang mukha.
Umalis na si Xander at nakatunganga pa rin ako nang sikuhin ako ni Linda at doon lang ako natauhan.
“Grabe iyong tingin mo parang lava galing sa bulkan, nakatutunaw.” Napangiti naman ako at napatingin sa linabasang kwarto ni Xander.
Lumipas ang ilang oras hanggang sa sumapit ang pananghalian. I need to follow him because I might get some clues on who is his killer. Tinawag ako ni Linda na kumain sa labas pero sinabi ko na hindi pa ako nagugutom. Nang makalabas na siya ay naiwan akong mag-isa sabay nag-inat-inat kunyari. Nang sigurado na ako na wala nang tao ay mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot at sumakay sa aking motor. Pagkasakay na pagkasakay ko ay agad kong sinundan si Xander. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Diamanod Restaurant at pumasok na sa nasabing kainan. Agad kong tinanggal ang glasses at sumbrero ko at saka pumwesto malapit sa inuupuan ni Xander. Kakatitig ko kay Xander ay ‘di ko napansin na naghihintay na pala ang waiter sa aking order. Tumikhim ito at napatingin siya sa akin.
“H-Hi...sorry di pa ako nakapili eh.”
Umalis muna ang waiter samantalang ako ay hindi pa nag-o-order samantalang pagtingin ko kay Xander ay nagtitipa na ito sakanyang cellphone habang hinihintay ang kanyang pagkain. Napatingin ako ulit sa waiter dahilan para lumapit na sa akin ang waiter at nag-order na lang ng kahit ano. Habang hinihintay ko ang aking pagkain ay nagulat ako nang makita ko si Princess na papalapit sa akin.
“Hi Krysta! Kumusta ka na? Long time no see na ah?” Sinenyasan ko naman na huwag niyang lalakasan ang bunganga niya na kanyang ipinagtaka. “Ha? Bakit?” Napatingin ako kay Xander na mukhang hindi pa kami napapansin.
Tumingin din naman si Princess sa direksyon kung saan ako nakatingin sabay napa-ah ng tahimik. Tumango-tango naman siya at saka nagbeso-beso kami sabay nagkamusutahan na rin. Umalis na rin lang siya agad dahil mukhang nandyan na yata ang kanyang asawa sa labas.
“Labas tayo minsan ha?” tanong niya sa akin at tumango naman ako.
Pagkaalis niya ay tamang-tama naman na dumating na ang aking pagkain. Biglang kumalam ang aking sikmura at sinimulan kong lantakan ang pagkain na nasa aking harapan. I wipe my lips as I was done eating my lunch. It’s already 12:30, and I still have 30 mins before I go back to work. Nagbukas ang pinto at nakita kong pumasok ang isang babae na matangkad na parang halos ka-edad ko lamang at agad siyang dumiretso papunta kay Xander. Pinaningkitan ko ng aking mga mata ang babae nang mapansin ko na nagpapansin siya kay Xander. Pwes hindi ka naman uobra kay Xander ko dahil ayaw niya sa mga malalandi.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita kong tumayo at lumabas na ng resto si Xander. Agad akong lumabas at sumakay sa motor ko sabay sinundan ulit si Xander pabalik na yata sa kompanya. Pagdating ko ay nakita kong tumatawag si Vernice na agad ko namang sinagot.
“Hello girl! Oh, musta ang first day ng pang-i-stalk? Nahuli ka na ba?” Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya.
“Haha...funny. I’m just observing him from afar dahil tinitignan ko kung tama nga iyong mga impormasyon na binigay sa akin ni Ms. Thorn. Isa pa baka may malaman ako kapag sinundan ko siya ‘di ba?”
“Oo na. Napatawag lang ako dahil nandito ako ngayon sa harapan ng kompanya ng Xander mo. Napadaan ako pauwi dahil katatapos ng misyon ko at tamang-tama naman na nakita kita na magkasunod kayo ng boss mo.” Inikotan ko siya ng aking mga mata.
“Oo na. I have to get back inside. Bye.” Pagpasok ko ay nakita ko si Linda na nakabalik na sa kanyang pwesto at napatingin sa akin.
“Saan ka kumain?” tanong niya.
“Diyan lang sa tabi-tabi kasi hindi naman ako masyadong gutom.” Tumango naman siya at umupo na ako sa kanyang tabi.
Nang hapon na iyon ay nagpahuli akong umuwi dahil kailangan kong maghalungkat din sa mga gamit ni Xander at baka may makita pa ako. Nauna nang umuwi si Linda at ganoon din si Xander ko na hindi pa rin ako pinapansin. Nang sigurado ko na wala na sila ay mabilis akong pumasok sa mismong opisina ni Xander. Pagkapasok ko ay namangha ako sa linis ng buong opisina niya at sobrang ayos ng mga gamit nito. Hindi ako agad nagsayang ng oras at mabilis na naghalungkat sa mga gamit ni Xander.
Habang naghahalungkat ay nakarinig ako ng mga yabag sa mismong labas ng opisina ni Xander at pagtingin ko sa orasan ay nagtaka ako kung sino iyong babalik sa ganitong oras? Who is it this time? Dali-dali akong nagtago sa likuran ng makapal na kurtina ni Xander at hindi gumalaw. Pagpasok ng tao ay nakarinig ako ng mga kaluskos sa mismong table ni Xander. Sumilip ako ng kaunti at nakita kong bumalik si Xander at may hawak pa siyang isang papel. Napakagat ako sa aking mga labi dahil ang lapit niya sa akin. I am currently admiring him when I heard a loud curse from his mouth. Nagtaka ako bakit galit na galit siya nang makita ko ang hawak niyang papel. It’s very clear that it’s another threat because it was not folded neatly.
‘Another threat? Hindi nagsasayang ng oras ang suspect at sinisigurado niya na matatakot si Xander sa kanyang ginagawa. Narinig kong napalatak si Xander at saka linagay sa kanyang lamesa ang liham na kanyang natanggap. Lumabas siyang muli ng kanyang opisina at hinintay ko na muna ang ilang minuto dahil baka sakaling bumalik siya pero hindi naman na niya ito ginawa. Lumabas ako sa aking tinataguan at linagay ang liham sa isang malinis na plastic saka lumabas na sa kanyang opisina.
Pagpatak ng alas-sais ay dali-dali akong lumabas na ng gusali. Agad naman akong dumiretso sa opisina ng Order of Assassins at binigay ang liham sa aming fingerprint analyst. Pagkabigay nila sa akin ay tatawagan na lang nila ako para malaman ko ang resulta. Naabutan ko naman sina Venus at Mystique na mukhang kagagaling lang sa opisina ni Ms. Thorn.
“Hi Krysta!” bati ni Mystique sa akin habang nakasunod naman si Venus sa kanya. “Balita ko gwapings daw iyong bagong misyon mo ah? Ang swerte mo naman girl.”
“That is what you call destiny,” sabi ko sabay kindat sa kanya.
Pinalo naman ni Venus ang aking pwet at naglakad na ako palabas ng office ng OA. Ngayon na may lead na ako sa kung sino ang killer ni Xander ay panahon na para naman gawin ko pa ang isa kong misyon. Ang paibigin ang isang Xander Mostrales.