Chapter 5

1416 Words
Xander Napabalikwas ako nang marinig kong may nambubulabog sa akin sa dis-oras ng gabi. Pagtingin ko sa aking cellphone ay nakita kong tumatawag si Jethro. Inis ko itong sinagot. "What the hell? Anong kailangan mo Nam?" naiirita kong sagot sa tawag niya. "You need to come to your office now. I’m already here. Someone broke in, and I can’t figure out who." Nagising ang aking kaluluwa at dali-dali akong lumabas ng aking bahay. Hindi na ako nagpalit at mabilis na minaneho ang aking sasakyan papunta sa ATHAN. Pagdating doon ay ang dami nang sasakyan ng mga pulis at nakita ko si Jethro na may kausap na mga pulis. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong kung ano’ng nangyari. "Good, you're here. We received an emergency call from your building." Kunot-noo akong napatingin sa kanya. “Pagdating namin dito ay sinabi ng mga security guards na may nakapasok sa gusali at nasa tapat siya ng opisina mo kaso hindi nila ito nahabol agad dahil tumalon ito palabas sa ika-dalawampu’t palapag at hindi na nakita.” "What?” Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Jethro sa kanyang sinabi. “Who would jump from a very high building without getting killed?” "Tama pero ang problema wala kaming makita ni anong bakas na may namatay o ano pero nakita namin na nakasingit sa pinto mo ang isang liham." paliwanag niya. Nagtataka akong napatingin sa hawak niyang liham at pagtingin ko ay isa nanamang threat ito. Noong unang beses akong nakatanggap ng ganito ay hindi ko ito pinapansin dahil ang akala ko ay biro lang ito ng kung sino man. Kaso ito na ang pangatlong natanggap ko sa isang linggo lang at nakapasok pa siya sa mismong gusali. Bumaling ako kay Jethro at sa isip-isip ko ay hindi na magandang biro ito. “Dude, why didn’t you tell me that you have been receiving threats?” tanong ni Jethro sa akin. “Tsk! I thought that it is from a person who can’t do anything that’s why I didn’t give any attention to it.” Umiling si Jethro. “This is serious, dude. How can you not give attention to it?” Napabuntong-hininga ako. Jethro adviced me to be extra careful every time I go out and be sure that I follow my original work schedule. Iwasan ko raw muna ang mag-over time dahil baka mamaya ay minamanmanan ako nang gustong manakit sa akin. Kahit may bantay akong guard ay hindi ako pwedeng maging kampante. Nang matapos ang pangyayaring iyon ay nagpasalamat ako kay Jethro at bumalik ako sa aking bahay. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng maligamgam na tubig para mawala ang sakit sa aking ulo. Nang gabi ring iyon ay sinubukan kong bumalik sa pagkakatulog pero hindi ko na siya magawa kaiisip kung sino ang misteryosong nagbibigay sa akin ng mga ganoong sulat. Kinabukasan ay maaga akong dumating sa aking opisina dahil wala na akong tulog simula kagabi. Habang pinaparada ko ang aking kotse ay nakarinig ako ng makina ng motor. Nang iparada niya ito sa tabi ng aking kotse ay nagtaka ako na isang Ducati ang kanyang motor. Kung sino man ang taong ito ay mayaman na nakabili siya ng ganyang motor pero napaisip ako dahil wala naman sa aking mga empleyado ang alam kong may ganyang motor. Ang ipinagtaka ko pa ay mukha itong babae dahil naka-skirt siya. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para panuorin at hintayin na alisin niya ang kanyang helmet para malaman ko ang pagkakakilanlan ng babaeng ito. Inalis niya ang kanyang helmet at agad na lumugay ang mahaba niyang buhok na kulay burgundy. Linagay niya ito sa kanyang motor at napalunok ako nang humarap siya sa aking direksyon. Laking gulat ko nang makita ko ang bago kong sekretarya. Inayos niya ng kunti ang kanyang damit saka naglakad papasok sa entrada ng aking gusali. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa papalayong likod ng babae. 'What the f**k?' Kung may Ducati siya ibig sabihin may kaya naman siya sa buhay pero bakit pinagtitiisan niya ang magtrabaho sa akin. Lumabas na ako sa aking kotse at linapitan ang kanyang motorsiklo. Hindi ako ganoon kagaling sa kotse pero alam ko namang mangilatis ng kotse kahit papaano. Sinuri ko ng mabuti ang Ducati ng aking bagong sekretarya at laking gulat ko nang makita ko na ito iyong pinaka-latest na labas na model ng Ducati. Ang alam ko hindi pa naman karami ang ganitong model. Hindi pa yata sila nagre-release rito sa Pilipinas ng ganitong klase. Saan naman siya makabibili ng ganitong latest na motor? Or maybe she has a connection with someone? 'What the hell? Who the hell is that woman?' Pumasok ako na nagtataka pero iniisip ko na maaaring regalo ito sa kanya ng kung sino man. Ngunit kung sakali ngang siya ang bumili, ano'ng ginagawa niya rito sa kompanya ko? Looking back, I didn't even have a background check about her. Dapat talaga sineseryoso ko ang pagkuha sa mga empleyado ko kundi baka makakuha ako ng kriminal. Pagpasok ko ay nakita ko ang aking sekretarya na busy nang nagtitipa sa kanyang computer. "Good morning Sir!" bati niya sabay kumaway pa na parang bata. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang akong pumasok sa aking opisina. Pagtingin ko sa aking orasan ay wala pang alas-otso. Hihintayin ko na lang si Linda. Napaangat ako ng tingin sa aking pinto nang may kumatok dito. Agad ko naman itong pinapasok at sumilip dito ang aking sekretarya. Ano na nga ulit ang pangalan niya? Tsk! "Sir, dinalhan ko po kayo ng kape. Sabi kasi ni Linda dapat po tinitimplahan kayo ng kape sa umaga." Linapag niya ang kape sa aking mesa. "Wala bang lason iyan?" Nagulat siya sa aking tanong at ganoon din ako. Ano bang tinatanong ko? Napaparanoid na yata ako dahil sa mga nangyayari. Napahagikgik siya. "Sir naman binibiro niyo naman ako. Wala hong lason iyan at kung gusto niyo ho uminom ako para mapatunayan na walang lason iyang kape." Umiling ako at pinaiwan ko na lang sa kanya ang tinimpla niyang kape. Lumabas na siya at ngingiti pa siyang lumabas. Ano ba'ng problema ng babaeng iyon? Nagsisimula na talaga akong maghinala na baka nga isa siyang kriminal. Nang dumating si Linda ay agad ko siyang pinatawag. Pinahanap ko sa kanya iyong resume ng bago kong sekretarya. Binigay niya ito sa akin at nagpasalamat sa kanya. Pagkabigay niya sa akin iyong resume ay nakita ko na ang pangalan niya ay Krysta Mejia. She's a published writer? Sinearch ko siya sa Google at may mga ilang gawa nga siya na naibebenta na sa iba't ibang panig ng mundo. If she's a writer, what is she doing here in my company? Buong araw kong sinearch ang pangalang Krysta Mejia at wala naman akong nakita na kakaiba bukod sa isa siyang writer. Wala na rin akong nagawang trabaho dahil iyon na lang ang inaatupag ko. Napapailing na lang ako sa aking ginagawa. Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras ang aking sekretarya? Hindi naman siguro siya masamang tao para paghinalaan ko siyang isang kriminal. Nagsimula nang nagsiuwian ang aking mga empleyado samantalang ako ay nandito pa lang sa aking opisina at hawak-hawak ang resume ng aking sekretarya. Nagulat ako nang bigla na lang kumatok si Krysta sa aking pinto. Tinago ko ang kanyang resume at agad na klinose ang Google kung saan ko siya sine-search. "Sir, hindi pa ba kayo uuwi?" tanong niya. "Why are you asking?" masungit kong tanong. "Nalaman ko ho kasi iyong nangyari kahapon." Ngumiti siya. Kunot-noo ko siyang tinignan. "Kung may mangyari man sa akin, it's none of your concern. Umuwi ka na." Nakita ko siyang sumimangot. "Sige ho. Ingat na lang kayo sir. Baka mamaya bigla hong may pumasok dito." Sinara na niya ang aking pinto. Agad naman akong napasandal sa aking upuan at nagpalabas ng hangin saka hinilot ang aking noo. I've been receiving threats and now I’m suspecting my secretary as a criminal? Ano naman kaya ang susunod kong matatanggap? Lumabas na ako ng aking opisina at nakita ko na naghahanda nang umalis si Krysta. Sinuot niya ang kanyang helmet at saka sumakay sa kanyang Ducati. Napalunok ako sa paraan ng pag-upo niya at nakaramdam ako ng biglang init sa aking katawan. Geez! Sinimulan niyang paandarin ang kanyang Ducati at mabilis na pinatakbo ito. Napailing na lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may Ducati ang bago kong sekretarya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD