LUMAYO ako sa kanya. Ngunit inisang hakbang niya lamang ako at sa isang iglap ay nahuli niya ang aking baywang. “Anong ginagawa mo? Bitaw nga!” Ngumisi lang siya at saka bigla akong binuhat kaya napatili ako. “Hoy, Gabriel! Ibaba mo ako!” Nagpumiglas ako ngunit nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang malambot sa aking likod. Ibinaba niya ako sa sofa dito sa sala ng bahay niya. “Nasaan ba kasi tayo? Bakit ayaw mong sabihin sa ‘kin?” “Hindi ka makakaalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano’ng ginagawa mo sa village na ‘yon.” “Wala kang pakialam. Wala akong obligasyon na sabihin sa ‘yo ang lahat. Gumising ka nga, Gabriel. Wala na tayo kaya tantanan mo na ako!” Sa isang iglap ay gusto kong pagsisihan ang aking nasabi dahil biglang dumilim ang kanyang mukha at nagtagis