CHAPTER 4

2069 Words
ISANG malakas na tikhim ang nagpatigil sa amin. Nang mapagtanto kong nakita pala kami ni Mama ay taranta kong itinulak si Gabriel. Ngunit dahil lasing siya’y kamuntikan na siyang matumba nang tuluyan sa lupa. Nabitawan niya ang bote ng alak na hawak niya kanina. Agad ko naman siyang sinalo. He’s murmuring words but I didn’t quite understand a thing. Kinakabahan kasi ako sa mga tingin ni ni Mama. Kinapa ko ang bulsa ng kanyang suot ngunit hindi ko matagpuan ang kanyang cellphone. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng alak sa kanyang hininga. “Nasaan na ba kasi ang cellphone mo?” tarantang untag ko. Kailangan kong tawagan ang kanilang driver o ang daddy niya para masundo siya rito. “Ma-hal na ma-hal kita, Armea.” Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa mga binubulong ni Gabriel. Halos hindi niya maitawid ang kanyang mga sasabihin at nakapikit na ang kanyang mga mata. Isinandal ko siya pabalik sa hood ng kotse niya. Parang may naghahabulang mga kabayo sa loob ng aking dibdib. Ramdam ko ang kirot doon. “Armea, papasukin mo ang nobyo mo.” Napatigil ako’t napabaling kay Mama. Seryoso ang kanyang mukha kaya’t napasinghap ako sa pag-aalala. I opened my mouth to say something, but I ended up closing it again when I didn’t find the right words to say. Natatakot ako na baka kung ano na ang iniisip niya. Hindi niya kailanman nakilala si Gabriel dahil hindi ko pa siya naipapakilala rito. Sa loob ng ilang buwang panunuyo sa akin ni Gabriel hanggang sa sinagot ko siya ay hindi ko siya kailanman naiharap kay Mama dahil natakot ako na baka katulad din siya ni Yuri na sasabihin sa akin na hindi kami bagay. Isa pa ay ayaw kong isipin ni Mama na pinapabayaan ko na ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. “Armea!” Napaigtad ako nang muling tinawag ni Mama ang pangalan ko. Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Isinampay ko sa aking balikat ang kabilang braso ni Gabriel saka ipinulupot ang aking kabila kong kamay sa kanyang baywang. Napaigik pa ako sa bigat niya. Patuloy pa rin siya sa pagbubulong niya ng kung anu-ano, ngunit ang tanging naintindihan ko lang ay ang aking pangalan na paulit-ulit niyang sinasambit. Lalong sumidhi ang aking kaba sa maaaring iniisip ni Mama. Nang maipasok ko na siya sa loob ng bahay ay halos masira ang sofa namin nang hindi sinasadyang pabagsak ko siyang napaupo. Sandali kong hinilot ang aking balikat dahil pakiramdam ko’y nagbuhat ako ng isang sakong bigas. Gusto kong isipin na sa gym tumira si Gabriel sa loob ng ilang taon dahil sa mabato niyang katawan. I sighed inwardly. Nang nilingon ko si Mama ay nakasandal na ito sa pinto ng kanyang kuwarto habang nakahalukipkip na nakatingin sa amin. “H—Hindi ko mahanap ang cellphone niya, Ma. Baka nasa loob ng kotse niya. Tatawagan ko sana ‘yong driver nila na sunduin siya rito.” Wala rin kasi akong kontak ng parents niya sa sarili kong cellphone kaya hindi ko sila matawagan. Sa kalagayan ngayon ni Gabriel ay imposibleng makauuwi pa siya. Siguro ay panay ang inom niya habang papunta rito. Sinalakay ako ng matinding konsensya. “Hayaan mo siyang mahimasmasan dito. Punasan mo siya at ipagtimpla mo ng kape.” My lips parted when I heard what Mama just said. Hindi ko mawari kung galit ba siya o pabor kay Gabriel. Ngunit blangko lang ang kanyang mukha. Napangiwi ako. “Ano pa ang tinutunganga mo riyan? Asikasuhin mo ang nobyo mo.” Agad akong tumalima at pumunta ng kuwarto para kumuha ng bimpo pagkatapos ay kumuha ng maliit na palanggana. Nang muli kong balikan si Gabriel sa sala ay nakapikit na ito. Halos kalahati lang ng kanyang katawan ang nakahiga sa sofa dahil sa laki niya. Saglit akong sinalakay ng kaba nang maalala kong nag-drive siya patungo rito ng lasing. Piping nagpasalamat ako’t walang nangyaring masama sa kanya. Sinimulan ko siyang punasan sa kanyang mga braso. Halos hindi ko pa mabuhat sa laki niyang tao. Parang may kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. He’s worn out yet he’s still handsome as hell. Kahit nakapikit siya’y nakikita ko pa rin ang pagod at sakit sa kanyang mukha. Noon ay ilang beses kong naitanong sa sarili ko kung paano siya nagawang iwan ni Gladys gayong halos nasa kanya na ang lahat. Nakakaramdam ako ng kakaibang emosyon habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Ang ilong niya na parang sadyang inukit para agad mapansin kapag tiningnan mo siya. Ang mahahaba niyang pilikmata at makakapal niyang kilay na minsan nang nagkasalubong sa tuwing hindi ako nakakasipot sa date namin. Pero masakit isipin na hindi ko na muling matititigan nang ganito kalapit ang kanyang mukha. Napalunok ako nang mapadapo ang aking kamay sa kanyang dibdib. His heartbeat is telling me how much I have hurt him. Pati ang kanyang paghinga ay parang ibinubulong niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ngunit sinayang ko lang ang pagmamahal na iyon. I stopped. Hinabol ko ang aking paghinga’t napahawak sa aking dibdib. Hindi ko siya kayang titigan nang ganito katagal at baka bawiin ko pa ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko na siya maaaring angkinin dahil hindi ako ang nararapat para sa kanya. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Kung darating man ang araw na makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya nang lubos at kayang ipaglaban siya ay sana kakayanin ko. Dahil iniisip ko pa lang na magmamahal siya ng iba ay para na akong sinasakal. “Kailan pa naging kayo?” Napaangat ako ng tingin nang biglang magsalita si Mama. Seryoso pa rin ang kanyang mukha ngunit hindi ko naman nababakasan ng galit o inis sa akin. Ibinaba ko ang bimpo sa palanggana saka mahinang umiling. “Huwag kayong mag-alala, Ma. Wa—Wala na kami,” mahinang tugon ko. Halos hindi ko narinig ang sarili kong boses. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay hindi pa rin sang-ayon sa puso ko ang naging desisyon ng aking utak. “Hindi iyon ang itinatanong ko, Armea.” Natahimik ako’t hindi nakasagot agad. Sinulyapan ko si Gabriel. Tulog na siya. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal kanina sa labas ng bahay habang tumutungga ng alak diresto galing sa bote. Siguro’y ay mahigit isang oras kaya gano’n na siya kalasing. “Hindi naman na siguro mahalaga na pag-usapan pa iyon, Ma. Tapos na kami. Tinapos ko na.” Tumayo ako’t tumingala para pigilan ang pagtulo ng aking luha. Huminga ako nang malalim saka dinampot ang palanggana para ibalik sa banyo. Pagbalik ko’y nando’n pa rin si Mama sa kanyang kinatatayuan. “Mahal ka pa niya.” Napatigil ako sa biglang sinambit ni Mama. Hinarap ko siya’t nakagat ang aking ibabang labi. Hindi katulad kanina’y nakikita ko na ang emosyon sa mga mata ni Mama. Malungkot? Hindi ako sigurado. Ang akala ko kasi ay magagalit siya kapag nalaman niyang nagkaroon ako ng relasyon sa isang lalaki nang hindi niya nalalaman. “Ma, may tanong ako.” Mama stared at me. Naupo ako sa sofa na katapat ng hinihigaan ni Gabriel. “K—Kung sakaling nasa isang sitwasyon kayo kung saan kailangan mong mamili sa dalawang taong parehong mahal mo at mahalaga sa ‘yo, sino ang pipiliin mo sa dalawa?” Kumunot ang noo ni Mama sa aking itinanong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Pang-isahan lang ang sofa kaya nakatayo siya sa gilid. “Anong klaseng tanong ‘yan, anak? May pinagdadaanan ka ba? Dahil ba iyan sa lalaking ‘yan?” Ngumiti ako nang malungkot. Mama combed my hair with her fingers. “Piliin mo lagi ang tama, anak.” Kumirot ang puso ko. Alam kong pinili ko naman ang tama, pero bakit ang sakit? Bakit kailangan pa naming pagdaanan ito ni Gabriel? “Kaya ba mas pinili ninyong lumayo at hindi magpakita kay Papa?” untag ko na ikinatigil ni Mama. Umiwas siya ng tingin. Noong bata pa ako ay naniwala akong patay na ang tatay ko, ngunit nang nagkaisip na ako ay naintindihan ko na bakit wala akong Papa. Noong nagtatrabaho sa abroad si Mama ay nagkaroon siya ng relasyon sa anak ng kanyang mga amo. Mabuti na lamang at patapos na ang kanyang kontrata nang malaman niyang buntis siya kaya nang umuwi siya rito sa Pilipinas ay hindi na siya kailanman bumalik doon. “Armea, ang akin lang ay ayaw kong maranasan mo ang naranasan ko. Ayaw kong maramdaman mo ang naramdaman ko noong mga panahon na napagtanto kong mali ang mga naging desisyon ko.” Yeah, right. Mama committed an affair with a married man. Hindi niya man sinasadyang mangyari iyon ay kasalanan pa rin ang nangyari sa kanila. “Kaya ko ang sarili ko, Ma.” Tinitigan niya ako na tila inaarok kung totoo ang sinasabi ko. Pagkuwa’y bumuntonghininga. “Anak, puwede mo ba akong kuwentuhan? Nag-aalala ako sa ‘yo. Bakit mo siya hiniwalayan?” “Dahil iyon ang tama, Ma.” Si Mama naman ngayon ang natigilan. Pareho naming tiningnan si Gabriel na ngayon ay humihilik nang mahina. “Huwag kang mag-alala, Ma. Okay lang ako.” I gave her a reassuring smile, but I can still sense the worry on her face. Sa loob ko’y ipinapangako kong ibabalik ko ang perang ibinigay ni Violeta Santillan. At sana kapag dumating na ang oras na iyon ay handa pa rin akong tanggapin ni Gabriel. Sa ngayon ay kailangan ko muna siyang pakawalan. Saglit na kumislot si Gabriel sa sofa kaya nagkatinginan kami ni Mama. Nakikiusap akong tiningnan siya. Nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya. Ayaw ko na rin namang kapain pa ang bulsa ni Gabriel para kunin ang susi ng kotse niya at baka ano pa ang makapa ko. “Matutulog na ako. Matulog ka na rin,”niya. Tumango ako. “Salamat, Ma.” “Mag-lock ka ng kuwarto mo,” paalala ni Mama. Nakakaintinding tumango ako. Naaawa ako sa posisyon ni Gabriel sa sofa ngunit hindi ko naman siya kayang buhatin para maihiga nang maayos sa kuwarto. Hiling ko lang na sana ay mahimasmasan kaagad siya para makauwi siya sa kanila. Nang makapasok na si Mama sa kuwarto niya ay pumasok ako sa kuwarto ko’t kinuha ang sarili kong kumot saka lumabas sa sala. Itinakip ko iyon sa katawan ni Gabriel. Muli akong napalunok nang mapadako ang tingin ko sa kanyang malapad na dibdib. Natatakot ako na baka araw-araw na siyang pumunta rito sa bahay nang ganito ang kanyang kalagayan. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na muling magkalapit ang aming mga landas. Habang hindi ko pa nababayaran ang dalawang milyon sa kanyang pamilya. Nang muli akong pumasok sa kuwarto ko ay hindi agad ako dinalaw ng antok kahit na pagod ang aking utak sa mga nangyari. Nagpabaling-baling ako sa maliit kong kama. Paano naman ako dadalawin ng antok kung nasa sala lang ang lalaking nagpapagulo ng utak ko? Napasabunot ako sa sariling buhok. Nang hindi na ako nakatiis ay lumabas ako ng kuwarto. Sinadya kong iniwang nakabukas ang ilaw kanina sa kusina para kahit papaano’y may liwanag pa ring nakakalusot dito sa sala. Tumingin ako sa kuwrato ni Mama. Tiyak na tulog na siya dahil ala una na ng madaling araw. Nilapitan ko si Gabriel na gano’n pa rin ang posisyon ng kanyang pagkakahiga sa sofa. Lumunok ako nang sunod-sunod. Huli na ito. I inhaled deeply before kneeling to level my face to his. I gulped very hard when my eyes landed on his slightly parted lips. “Mahal kita, Gabriel,” mahinang bulong ko. Bumalong ang luha sa aking mga mata. “I’m sorry,” I whispered once again. Yumuko ako para dampian ang kanyang mga labi. At nang tuluyan kong naramdaman iyon ay hindi ko na napigil ang pagdaloy ng aking mga luha. Ito ang tama. Paulit-ulit kong kinumbinsi ang aking sarili. Hindi dapat ako magpadaig sa bulong ng aking puso dahil lalo lamang masasaktan si Gabriel kapag ipinagpatuloy ko pa ang relasyon naming wala nang patutunguhan. Isa pa, ngayon ko lang din napagtanto na tama nga ang sinasabi ng Mommy niya sa akin. Hindi ang kagaya ko ang nababagay sa kanya. I will never be enough for someone as almost perfect as him. Muli ko siyang dinampian ng halik ngunit hindi ko iginalaw ang aking mga labi. I just wanted to feel him against my own skin. Or, perhaps, a goodbye kiss. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD