CHAPTER 3

2181 Words
“ILANG araw kang nawala tapos babalik ka na parang wala lang nangyari? Are you kidding me, Miss Ramos?” Napangiwi ako nang biglang tumaas ang boses ng store manager. Namumula ang kanyang mukha sa galit. Pinigilan kong takpan ang aking tainga at baka lalo siyang magalit sa akin. “Ma’am, I’m sorry po. Wala po kasing magbabantay kay Mama sa ospital—” “Wala akong pakialam! E ‘di sana ginawan mo ng paraan!” Hinampas niya ang kanyang lamesa. Napaayos ako ng upo sa visitor’s chair dito sa loob ng kanyang opisina. “Pasensya na ho talaga.” “Pasensya? Maibabalik ba ng pasensya ko ang perang nawala sa atin?” Napayuko ako. Hindi ko man lang magawang maipagtanggol ang sarili ko dahil may punto naman ang mga sinabi niya. Isa pa, lalo lamang siyang magagalit kapag mangangatwiran pa ako. Sa tagal ng pagtatrabo ko rito ay kabisado ko na ang kanyang ugali. “Alam mo ba kung ano ang epekto ng pagkawala mo nang ilang araw? Hindi sila magkandaugaga sa kakaasikaso sa mga customers! Ang tagal ng waiting time! ‘Yong iba umalis na lang sa tagal ng paghihintay ng orders nila! Naiintindihan mo ba kung ano’ng nawala sa atin, Miss Ramos?” Halos duruhin niya ako sa sobrang inis niya. Piping nagdasal ako sa isip na sana matapos na siya sa kakasermon. Tiyak na rinig sa labas ang kanyang boses. Marahan lang akong tumango sa kanya. “Right! Nawalan tayo ng kita! Mababa ang sales nang ilang araw dahil sa ‘yo!” I wonder kung may megaphone bang nakakabit sa lalamunan ni Ma’am Janice. kasi kahit magkalapit naman kami ay ang lakas-lakas ng boses niya. Namaywang siya at saka hinilot ang kanyang sentido. Tiyak na buong maghapon na naman siyang bad trip dahil ang aga-aga masama ang timpla niya. Sana pala nag-AWOL na lang ako. I sighed inside my mind. Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho dahil maraming maintenance na gamot si Mama. At saka baka maubos ang natirang pera sa dalawang milyon na ibinigay ni Violeta Santillan. “Oh? Ano pa’ng inuupo-upo mo diyan? Lumayas ka na at huwag ka nang babalik kahit kailan!” Napapitlag ako’t direstong napatayo. “Ho?” “Bingi ka ba? Ang sabi ko lumayas ka na sa harapan ko. You’re fired!” Nanlaki ang aking mga mata. “Ma’am, hu—huwag naman po! Patawarin n’yo na ho ako. Hindi na ho mauulit ang nangyari.” Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at nagmamakaawang tumingin sa kanya ngunit pinanlisikan lang niya ako ng kanyang mga mata. “Talagang hindi na mauulit dahil simula sa araw na ito ay wala ka nang trabaho, Miss Ramos. Umalis ka na sa harapan ko!” Napaluha ako. Umikot ako’t pumunta sa harapan niya para sana lumuhod ngunit itinulak niya ako gamit ang kanyang paa kaya’t napaupo ako nang patihaya sa sahig. “Layas!” Laglag ang mga balikat na tumayo ako. “Ma’am, parang awa n’yo na ho, kailangan ko ang trabaho na ‘to!” Sinubukan ko siyang hawakan sa braso ngunit iwinaksi niya ako. “Hindi halata sa ‘yo na kailangan mo ng trabahong ito, Miss Ramos! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero sinagad mo ang pasensya ko. Umalis ka na! Hindi ka na kailangan dito!” Napaiyak na lamang ako’t nanghihina ang mga tuhod na lumabas. Paano na ako ngayon? Paano na kami ni Mama? Hindi ako puwedeng mawalan ng trabaho. Ngayon pa na kailangan na kailangan kong mag-ipon para maibalik ko ang dalawang milyong ibinayad ni Violeta Santillan. “Armea!” Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawad ng aking pangalan. Nang lumingon ako’y sinalubong ako ng naaawang mga mata ni Lucy, ang isa sa mga service crew na kasama ko rito. “Ano’ng nangyari?” Umiling ako’t pinahid ang luha sa ilalim ng aking mga mata. “Wala na, Lucy.” Bumuntonghininga siya saka pinisil ako sa likod ng aking kamay. “Grabe naman si Ma’am, hindi ka man lang pinagbigyan. Pero hindi na ako nagulat na sinisante ka niya kasi no’ng wala ka galit na galit siya.” Ngumiti na lang ako nang pilit. I guess, kailangan ko na talagang tanggapin na wala na akong trabaho. Bukas na bukas din ay maghahanap ako. “May alam ka bang puwedeng apply-an, Lucy?” mahinang bulong ko. Wala akong ibang naiisip ngayon ay kung paano ako magkakaroon ng mapagkakitaan. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng oras. Ang gulo ng lahat. Ang gulo ng nangyari, ngunit kailangan kong makapag-isip nang maayos. “Itatanong ko sa pinsan ko kung may bakante sa—” “Lucy, ano’ng ibig sabihin nito!” Pareho kaming natigilan nang biglang lumabas sa kanyang opisina si Ma’am Janice. Agad kaming lumayo ni Lucy sa isa’t isa. “Bumalik ka na sa trabaho mo, Lucy!” “O—Opo, Ma’am!” I painfully sighed. Nang magtama ang mga mata namin ni Lucy ay sumenyas siyang iti-text niya na lang ako. Tumango ako at agad na nagmartsa papuntang locker bago pa man ako mabulyawan ulit ni Ma’am Janice. Nadaanan ko iyong mga cashier sa counter, pati na rin ang ibang kasamahan ko. Nagtatanong ang kanilang mga mata at may kasamang simpatya. Ang laki ng panghinayang ko dahil above minimum wage ang pasahod dito. Mahirap din kasing makahanap ng trabaho na mas mataas ang sahod lalo na sa kagaya kong hindi pa nakapagtapos ng kolehiyo. Nang makuha ko na ang gamit ko’y walang buhay akong umalis ng coffee shop saka sumakay ng dyip pauwi. Napaka-unpredictable talaga ng buhay, sa isang araw lang ay hindi mo lubos maisip kung ano’ng mawawala sa ‘yo. Pakiramdam ko ngayon ay wala akong karapatang sumaya. Ito na ba ang isa sa mga parusa ko dahil sa ginawa ko kay Gabriel? Huwag naman sana. Gagawa ako ng paraan para maibalik ang perang ibinigay ng mommy niya. Kahit na wala na akong pag-asang maayos pa ang relasyon namin ni Gabriel. “Oh? Ang aga mo naman umuwi, Armea.” Si Yuri. Kabababa niya lang ng dyip. Halos magkasunod pala ang sinasakyan namin. Pauwi siya galing sa trabaho. Napabuga ako ng hangin habang sinasabayan siya sa paglalakad sa kalsada patungo sa bahay. Hindi na kami sumakay ng tricycle dahil malapit lang naman kami sa highway. “Nasisante ako, eh.” “Ha?” Mapait akong tumango. Agad namang rumihestro ang simpatya sa mukha ng pinsan ko. “Malamang masisisante ka, ilang araw ka ba naman kasing nawala.” Nasundan iyon ng isang mabigat ulit na buntonghininga. “May alam ka bang puwede kong apply-an?” “Eh ‘di sa call center. Hiring pa rin kami ngayon. Hindi naman tumitigil ang hiring sa call center, eh.” Agad akong napangiwi. “Naku, baka umiyak ako sa harap ng computer kapag nabulyawan ako ng irate customer. Isa pa, alam mo namang hindi ako fluent sa English, ‘di ba? Hindi rin ako technical.” “Sus, may training naman. Hindi mo naman kailangan maging fluent, ang kailangan mo lang basic English at saka confident kang magsalita.” Sa totoo lang ay matagal na akong kinukumbinsi ni Yuri na sa BPO mag-apply ng trabaho pero natatakot ako dahil maliban sa wala talaga akong experience ay wla rin akong confidence na magsalita. “S—Sige, kung sakaling wala akong mahanap na ibang ma-apply-an, susubukan ko. Sana kayanin ko.” Inakbayan ako ni Yuri saka pinisil sa balikat. Magkatabi lang ang aming bahay kaya lagi rin kaming magkasama. “Kaya mo ‘yan. Sabi mo lang ‘yan hindi mo kaya pero kapag nando’n ka na, magugulat ka na lang kaya mo palang gawin. May mga bagay talaga na akala natin mahirap kahit hindi pa naman nasusubukan.” Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Yuri. Nang pumasok ako sa bahay ay nanlaki ang aking mga mata nang makitang naglilinis ng sala si Mama. Agad kong inagaw ang walis at dustpan sa kanya. “Ma, ‘di ba kabilin-bilinan ng doktor na huwag muna kayong magbubuhat hangga’t hindi pa naghihilom ang operasyon n’yo? Ang dapat n’yong gawin ay magpahinga.” “Kaya ko namang gawin, anak. At saka hindi naman mabigat. Lalo akong magkakasakit kung hihiga lang ako.” “Ma, please?” She sighed in defeat. Naupo na lang siya sa sofa. Kahit na maliit ang bahay na ito ay medyo kumpleto naman sa pangunahing kagamitan dahil noong nasa ibang bansa si Mama ay naipundar niya ang mga ito. Naubos nga lang ang ipon niy sa pag-aaral ko. Hindi naman kasi kalakihan ang naipon niya. Isama pa ang gastusin namin sa pagkain araw-araw, pati na rin ang bill sa kuryente at tubig. “Ma, hindi n’yo naman kailangang mahiga maghapon. Manood kayo ng TV, o ‘di kaya makipagkuwentuhan ka kay Tiya at huwag na huwag mong kalilimutan ang pag-inom ng gamot mo. Baka mabinat ka at kung ano pa’ng mangyari sa ‘yo.” She stared at me apologetically. “Pasensya na, anak.” Tumango ako’t pupunta na sana sa kuwarto nang muli akong tinanong ni Mama. “Teka, bakit ka nga pala umuwi agad? Halos kaaalis mo lang, umuwi ka kaagad.” Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko na namang nawalan ako ng trabaho.Sana lang talaga ay may bakante sa pinapasukan ng pinsan ni Lucy, kung hindi ay sasama na ako kay Yuri sa call center. “Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng panibagong trabaho, Ma.” “Ha? Bakit?” Malungkot lang akong ngumiti kay Mama. Ayaw kong makita niyang masyado akong naaapektuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Baka mai-stress pa siya at mabinat. Mas mahalaga sa akin ang gumaling siya nang tuluyan. “Anak. . .” Niyakap ako ni Mama. I held my eyes close to supress my tears. Kakayanin ko ito. “Hayaan mo na ‘yon, Ma. Matagal na nga rin akong may balak na mag-resign doon dahil mababa ang sahod,” pagsisinungaling ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay mawawala ang mga bagay na mahalaga sa akin. Gano’n siguro talaga ng pagmamahal, kailangan mong magsakripisyo para maisalba ang mga mas mahalaga pa sa pansariling kaligayahan. Kinagabihan ay nagulantang kami ng nagsisigaw na boses sa labas ng bahay. Napabalikwas ako ng bangon. Sabay pa kaming lumabas ni Mama sa sala. “Sino ba ‘yon? Gabi na nag-iingay. Baka magising ang kapitbahay natin.” Kumalabog ang aking dibdib nang mabosesan ko ang tumatawag ng aking pangalan. Hindi ako maaaring magkamali. “Armea!” Nagkatinginan kami ni Mama. “Sino ang lalaking ‘yan, anak?” “Ako na ang lalabas, Ma. Dito ka lang.” Agad akong tumakbo sa pinto saka lumabas. Gano’n na lang ang pagsinghap ko nang bumulaga sa akin ang lalaking ilang araw ko nang iniisip. May bitbit siyang bote ng alak sa kanyang kamay habang nakasandal sa mamahalin niyang kotse. Gulo-gulo ang kanyang buhok at maging kanyang polo ay naka-untuck. Tabingi na rin ang suot niyang necktie. Gano’n pa man ay hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhan niya. “Baby, p—please talk to me. I missed you!” Agad ko siyang sinalo nang muntik na siyang matumba. Sinalakay ako ng konsensya at matinding takot. Diyos ko, paano niya nagawang ipag-drive ang sarili niya papunta rito gayong lasing na lasing siya? “Gabriel naman, bakit ka pa nagpunta dito?” Nanuot sa ilong ko ang magkahalong pabango niya at ang alak. Isinandal ko siya pabalik sa kotse dahil hindi ko siya kaya. “I missed you!” Suminok pa siya. Sinusubukan niya akong yapusin ngunit sa tuwing susubukan niya’y natutumba siya. Nag-init ang sulok ng aking mga mata. What have I done? “Gabriel, tapos na tayo.” May bumikig sa aking lalamunan. Namumungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ngunit maliwanag ang sakit na idinulot ko sa kanya kaya’t napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang masaksihan ang epekto ng nagawa ko sa kanya. “Kailan pa ba matatapos ang tampo mo sa ‘kin? I missed you already. I miss you really damn much!” Nakagat ko ang aking ibabang labi. I can't fall on my knees. “Tawagan mo ang driver n’yo at magpasundo ka, hindi ka puwedeng mag-drive nang ganyan ka,” untag ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Naestatwa ako nang dinala niya ang kanyang kabilang kamay sa aking pisngi. “See? You’re still worried about me. That means you’re really not serious about breaking up with me, right?” Tumulo ang aking mga luha ngunit agad ko iyong pinalis. “Please, Gabriel. Umuwi ka na. Akin na ang cellphone mo, tatawagan ko ang driver n’yo o ang daddy mo—” “I don’t want to go home,” matigas niyang sabi. Para akong matutunaw sa kanyang malalim na titig sa akin. Kaunti na lang ay bibigay na ako. “Gabriel,” I warned. A soft chuckle escaped his mouth. “You’re really so cute when you’re warning me like that.” Nahigit ko ang aking hininga nang bigla niya akong hinila. Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang mga labi kong sakop-sakop niya. ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD