NAPALUHOD ako semento habang pinagmamasdan mula sa malayo ang mga bahay sa kalye namin. Nagkakagulo ang mga tao. May dalawang truck ng mga bumbero na rumeresponde. Natumba ako nang masagi ako nang nagtatakbuhang mga kapitbahay, nagbabakasakaling may maisalba silang mga gamit. “Dalian n’yo!” Napatakip ako ng magkabila kong tainga habang tumatayo. Gabi na at nakapatay na ang mga streetlights, marahil dagil sa sunog. “Mama!” Kandatakbo ako sa kabilang direksyon nang maalala sina Mama at Tita. Muli akong nabunggo sa alon ng mga taong tumatakbo kaya muntik na naman akong matumba. “Mama!” Sinalakay ako ng matinding kaba. Diyos ko. Nasaan si Mama? “Armea!” Napalingon ako. Nakita ko si Yuri na humahangos na tumatakbo sa direskyon. Agad ko siyang niyakap nang makitang umiiyak siya. “