Naglakad na kami palabas ng event at papunta na sa sasakyan ni Eri. Hay, napaka slow talaga ng lalaking ito. Sinabihan ko na kanina na pwede akong ikiss pero kahit hawak sa kamay ay di magawa. Dati naman ay ginagawa niya iyon noong boss ko pa sya.” Pag-unlock nya ng kanyang sasakyan ay sumakay na ako sa tabi niya. “Ang slow mo talaga.” “Sinasabayan lang kitang maglakad.” “Hay ewan, matutulog muna ako. Hwag mo akong gagawan ng kalokohan ha kundi makakatikim ka ng sampal.” “Sige na matulog ka na dyan at gigisingin na lang kita kapag nasa bahay ka na mahal na prinsesa.” Napangiti lang ako at sa sobrang pagod ko ay agad akong nakatulog. Wala na ring traffic ng hating gabi kaya mabilis akong nakarating sa aking bahay ng di ko namamalayan. Nagising ako at naalimpungatan. Bukas na ang pin