Alas siete ng umaga ng tumunog ang phone ko dahil sa incoming call. Ang agang tawag naman, naiinis na sabi ko ng magising ako. Pupungas-pungas pa at pikit pa ang mga mata. “Wake up sleepy head. I’m here at your door step.” “Ha? Ang aga mo naman. Inaantok pa ako,” sabay hikab “Bumangon ka na para makapag-almusal tayo at para maihatid na kita sa shop. Maaga rin ako dapat sa office ko. Open the door now,” malambing na sabi niya “Opo. Ayan na. Pababa na,” sabay off ko na ng phone ko Isang halik ang sa labi ang maagang pagbati niya sa akin kahit wala pa akong toothbrush at magulo pa ang buhok. Napangiti ako at nawala ang inis ko kahit sa maaga niyang paggising sa akin. “What’s this? Mukhang tapsilog.” “Galing ng pang-amoy mo ha.” “Why so early my love?” usisa ko “May ka-meeting ako s