Manhunt operation para kay Selina at sa ibang tauhan nya. Iyon ang sabi ni Ahren na ginagawa ng police sa ngayon. Matagal na raw pala talagang minamanmanan ang grupo nila pero wala silang lead. May nahuli lang na dalawang bagong member na wala rin masyadong alam sa mismong mga sangkot. Alam lang nila paano ang operation, pero hindi naman iyon masyadong nakatulong dahil wala namang maturo na tao.
Nakalabas na ako ng hospital kahapon. Pinauwi ko na sila Mama at Ariella dahil okay naman na ako. Nag-aalala sila dahil baka bigla raw akong gantihan kaya huwag raw akong mag stay sa apartment ko. Pareho kami ni Bree.
Ahren was quick to rent one unit in their building para doon na raw muna kami. God, sobra sobra ang pasasalamat namin kay Ahren at kay Daena dahil sila talaga ang tumutulong sa amin.
"Don't mention it. Papasok na ako but if you need anything, you can call Daena. Pinapakain nya pa si Skye pero mamaya aakyat na sila dito." Ang tanging sabi ni Ahren nang magpasalamat kami ni Bree.
We got settled in nang makaalis na si Ahren. It's a two bedroom condo unit. Binayaran raw for two months ni Ahren ang renta. Fully furnished na iyon at may malaking terrace na overlooking sa kalakgang Manila. Hindi biro ang halaga kahit na upa lang ang bayad dito.
"Maglaland na in two hours sa NAIA ang family ni Zieg. What do you want to do? Gusto ka raw nila makausap." Maya maya ay sabi ni Bree nang maiayos na namin ang mga gamit namin sa kanya kanya naming kwarto.
"I want to talk to them too, pero mas okay kung nakapag pahinga na sila. Kausap naman nila ang mga police, right?"
"Oo. Sige, sabihin kom mamayang gabi na lang? Sa Raffles Hotel sila magchecheck in."
"Pwedeng doon na lang kami mag usap. I can go to them, kung anong time nila gusto mamaya."
"Sige, sabihin ko." Kausap kasi ni Bree sa text ang boss ni Zieg na kausap naman ng parents ni Zieg.
Daena arrived with Skye on the stroller after thirty minutes. Agad naming pinaggigilan ang bata na bungisngis na at tuwang tuwa na kinakausap sya.
Kinarga sya ni Bree at linaro laro, kami naman ni Daena ay abala magluto sa kusina. Nauna kay Daena na pumunta ang isang kasambahay nila na may dalang mga grocery supplies, pinapadala raw ni Ahren.
Nagkatinginan na lang kami ni Bree. Ang swerte ni Daena kay Ahren. Wala akong masabi sa mag-asawa. Mabuti na lang talaga at hindi sila napaghiwalay ng Mommy ni Ahren na gustong ipakasal si Ahren sa iba for political purposes. They're destined to be together.
"Aya, binigay ng boss ni Zieg ang number ng Mommy ni Zieg. They want to communicate with you directly." Rinig kong sabi ni Bree.
Nagpunas ako ng basang kamay ko at mabilis na kinuha ang number ng Mommy ni Zieg. Mabilis rin akong nagtext para magpakilala, pero hindi sila agad nag response. Naka todo ang ringtone ng cellphone ko baka sakaling tumawag sila.
Bumalik ako sa kusina para tulungan si Daena.
Daena stayed with us until dinner. Doon na rin kumain si Ahren pagdating nya. Naaappreciate namin ni Bree na pilit kaming chinicheer up ng mag asawa sa kabila ng mga nangyari sa amin.
Hindi na rin muna pinapapasok si Bree dahil nga delikado pa rin para sa kanya.
"You can stay, babe. I'll bring Skye home." Ang sabi agad ni Ahren nang makita namin na tulog na pala si SKye.
"Are you sure?" Tanong pa ni Daena.
"Of course, sa akin ka pa rin naman uuwi." He teased.
Tumawa kaming lahat.
Dahil nagdala ng wine si Bree nang pinakuha kami ng mga gamit namin habang may naka escort na police sa mga bahay namin, inilabas nya iyon para pagsaluhan naming tatlo.
"Nako, sa sobrang bait ng asawa mo dapat gabi gabing may reward." Sabi ni Bree nang paubos na namin ang wine. May mga tama na kami at tawa na lang kami ng tawa.
"Ano ka? Sawa kaya sya." Namumula na sabi ni Daena.
Ang lakas ng tawa namin ni Bree.
"Talaga? Sige nga, anong ginagawa nyo?" Si Bree ulit. Trip na trip nyang pinagkukwento si Daena kasi hiyang hiya palagi si Daena pero nagkukwento pa rin. Lalo na ngayon at may tama sya.
"Ano..kapag tulog na si Skye at si yaya.. Sa ano.." Parang bata na hindi magkandatuto sa pagsasalita si Daena. "Sa kitchen minsan."
"Tapos saan pa?" Kinikindatan ako ni Bree.
"Minsan sa terrace." Lalong namula si Daena.
"Tapos saan pa? Na try nyo na sa public place?"
Pinalakihan ko ng mga mata si Bree. Baliw talaga itong babae na 'to!
Tumango naman si Daena. "Sa parking lot ng hypermarket. Sa sasakyan namin, semi tinted lang 'yung salamin."
"Holy s**t. You're getting more and more daring na, ha? That's good, Daena." Malapad ang ngiti na sabi lang ni Bree.
"Tumigil ka na nga. Ikaw naman kaya mag kwento." Singit ko naman.
Humalakhak si Bree. "Wala akong ikikwento."
Hinatid namin ni Bree si Daena dahil medyo tipsy na talaga. Hindi naman nagalit si Ahren, natawa na lang sya. Ngayon na lang daw kasi nakapag enjoy talaga si Daena, hindi na raw kasi ito lumalabas, laging nasa bahay na lang.
Bumalik rin kami agad at nakita ko na may text message na sa cellphone ko.
Hello Ayanna. This is Elena, Zieg's mom. We would like to meet you tomorrow for lunch here in Raffles Hotel Makati. Would you be free that time? Thank you.
Agad akong nagreply na pupunta ako.
Kaharap ko na sila Elena Alonzo at Ziegfried Alonzo Jr. na parents ni Ziegfried. Hawig na hawig ni Zieg ang daddy nya at kuhang kuha naman ni Zieg ang kulay ng mata ng mommynya.
"We are happy to meet you, Ayanna. Given the circumstances.." Malungkot na sabi ni Elena.
"A-Ako rin po. I wish na nagkakilala tayo sa ibang pagkakataon." Sabi ko rin.
Zieg's Dad cleared his throat. "Well, we would like to know everything from the start. But let's do it over lunch. I know, it will be an unpleasant story, but we want to eat with you, iha." Malumanay na sabi nya.
"O-Okay lang naman po."
Noong una ay nagtanong sila ng ilang bagay tungkol sa akin. Kilala raw nila ako dahil nagsesend ng pictures namin si Zieg sa kanila, and nagpopost rin daw si Zieg ng pictures namin. Ilang beses na rin daw akong nakekwento ni Zieg.
They also knew my past job, as a lap dancer in Dolce Maria. They told me that it will never be an issue for them, and that Zieg really love me and that it is more than enough.
Nang nagkukwento na ako ay parepareho na kaming naiyak nang umabot na kami ng sa ngayon. Ang tagal nila hindi nakita si Zieg tapos malalaman nila na nawawala sya.
Ayon sa police may nag tip sa isang warehouse na nakita ang tao na ka-description ni Zieg. Pero wala nang tao nang dumating doon, pero may naiwan na necktie. The police showed it to her this morning at na confirm nya na kay Zieg iyon.
He left it there para malaman namin, I am sure of that.
The urge to find Zieg never left. Lumipas na ang dalawang buwan, para na akong baliw na umaasa pa rin. Kahit na nagbibigay sila ng idea na baka wala na si Zieg ay alam ko kung gaano kabaliw si Selina kay Zieg. Alam ko na hindi nya papatayin o sasaktan si Zieg.
Wala pa rin nahuhuli kila Selina. Naatakas rin ang dating boss ni Craig. Craig became a witness, kinuhaan sya ng mag testimonies how the business works. Although walang alam si Craig sa mismong illegal part ng business ay nagka idea ang mga police at NBI kung paano nakakalusot sa batas ang mga illegal na gawain nila by using the legal side of the business.
Last month pa bumalik sila Tita Elena at Tito Jay. I promised to keep them updated. They wanted to stay hanggang makabalik si Zieg but there are uncertainties, at kung mag i stay sila ay magsasuffer ang kabuhayan nila.
We communicate constantly. Ako ang nagrerelay sa kanila ng mga reports kung mayroon man.
Hindi ko maipaliwanag ang relief ko tuwing nalalaman ko na hindi si Zieg ang nasa balitasa tuwing nanunuod ako. Iyon na lang kasi ang nagagawa ko.
"Stop being hard on yourself. Tinotorture mo ang sarili mo." Sabi ni Bree one time na nanunuod ako ng balita.
"Okay lang, at least malaman ko man agad kung sakaling.." Naiyak na naman ako at inalo ako ni Bree. Ito na ang routine ko.
I always wonder kung nasaan na si Zieg. Ramdam ko na buhay sya, no matter what they think. I will always wait.
Balik trabaho na si Bree, pero she's working remotely. Sa dalawang buwan namin dito ay ipinapahatid na lang kung may kailangan syang pirmahan. I communicate with my employees in Lush through phone. Si Shane ang pinagkatiwalaan ko na mamahala. Sa dalawang buwan namin dito ay tatlong beses pa lang ako ulit naka punta sa Lush at pinasamahan ako ni Ahren sa mga off duty na guards ng building.
Nandito pa rin kami sa condo na nirentahan ni Ahren. Sinabi namin kay Daena na kami na ni Bree ang susunod na magbabayad pero naextend na raw ni Ahren ng dalawang buwan pa at bayad na rin daw. At huwag na raw namin iisipin iyon, as long as safe kami.
Ang kasambahay na rin nila Ahren ang namimili ng supplies namin. Todo rin ang pasasalamat namin sa butihing matanda.
"So anong pagkaka abalahan natin ngayon?" Tanong ni Bree na humihikab habang nasa harap ng laptop nya.
"Matulog?"
She rolled her eyeballs. "I still have a few bottle of wines.."
"Alcoholic ka na," Pakli ko sa kanya.
She groaned in response. "Wala naman tayo ibang ginagawa."
"Kaya iinom na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa routine natin? Lalasingin mo ako tapos magdadrama ako at icocomfort mo ako?" Taas kilay na tanong ko.
It's one of those days na kahit papaano ay magaan ang pakiramdam ko. 'Yung bahagya kong hindi ramdam ang mga agam-agam sa isip ko. Parang normal lang. Those are my good days.
Kakatawag lang rin nila mama. Binigyan ko kasi sila ng pangpuhunan para mag tayo ng maliit na snack bar sa tapat namin. Maluwag ang lawn namin. Nagsesend sila sa akin ng pictures mula pa lang ng ginagawa hanggang sa kapag may mga customer na.
Hindi ko na kailangan itago ang pera ko mula pa noong kinita ko sa Dolce Maria. They all know now anyway. And they understood my reasons.
Palagi akong kinakamusta nila Mama. Alam nila kung gaano ako nahihirapan dahil wala pa rin balita kay Zieg. Palagi naman akong ina update ni Ahren dahil may direct contact sya sa PNP Chief. Laking pasasalamat ko talaga kay Ahren at kay Daena.
"Eh sa bigat ng dinadala mo sino ba ang hindi magdadrama. At hindi man lang tayo makalabas dito dahil sa lintek na Selina na 'yan! Kung hindi ko sana tinanggap 'yan edi wala tayo dito." Sinabunutan ni Bee ang sarili nya.
"You wouldn't know," Alo ko naman sa kanya.
"They wanted to know how Dolce Maria works tapos noong nakita na nila, gusto na nila kunin? Pati lawyer gusto rin ni gaga. Ang bait bait ko pa naman sa kanyang bruha sya." Okay, may mga moments rin talaga si Bree kung saan linalabas nya ang gigil nya kay Selina.
Lahat naman kasi dito ay apektado, lalo na at dinukot rin nila si Bree.
Halos four months na at wala pa rin balita.
Nanlulumo na ako. I can't function well. Palagi na lang akong nakatulala, sinisermonan na ako ni Bree at Daena dahil hindi na ako halos kumakain.
I used to imagine life with Zieg in the future. We were already going there, alam ko. But it was all taken away like this. Sobrang sakit.
Now, imagining life without Zieg feels like death.
Kasalukuyan kaming umiinom ng wine ni Bree nang biglang bumukas ang pinto at ang humahangos na si Daena ang bumungad sa amin.
"I have good news. They found Zieg. He's already in the hospital."
And just like that, umiyak ako ng sobrang lakas.