Hindi sya sumagot at mas binilisan nya lang ang pagtanggal ng mga tali sa kamay at paa ko. I was just looking at him with shock. Parang bigla akong naparalyzed and scary thoughts starts to swim on my head.
It doesn’t make sense.
“Anong kinalaman mo dito?” Nang sa wakas ay nagka lakas ng loob na ako magtanong ay iyon ang lumabas sa akin.
Hindi sya sumagot. Inalalayan nya na muna akong tumayo. Bahagya akong nawalan ng balance dahil nang ilagay ko ang bigat ko sa mga paa ko bigla kong naramdaman ang panghihina at panginginig ng mga binti ko. He pulled me closer to him and I tried to push him away.
“Ayanna, please. I will explain everything. I just want to get you out of here safely.” Seryosong seryoso at matigas na sabi ni Craig sa akin.
Nanuot sa akin ang intensidad ng pagkakasabi nya.
“But..” I want to ask him questions. I want to know what’s going on, or kung ano ang kinalaman nya rito. This is so f****d up.
“I will explain everything! Let’s go!” Hinila nya ang braso ko at napasama na ako. Nanghihina pa ako pero pinilit ko na makapaglakad na rin.
We went out to the room where I was held for about two days. Tanging tubig at tinapay lang ang binibigay nila sa akin na may kasamay pagsipa. They don’t want me to eat a full meal because they don’t want me to regain strength. I just let them tell me nasty things.
They have cursed me for the fact that Zieg loves me. Hindi ko maintindihan. Selina could have want any man and without knowing her illegal extracullicular activities, any men would want her. Pero bakit si Zieg ang piangdidiskitahan nya? I can only thank her for not hurting Zieg pero marami pa rin ang tanong sa utak ko.
I don’t know if I’ll still get any answers.
Tiningnan ko si Craig na sobrang focus sa pag-alalay sa akin. Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba. Everytime na may lilikuan kami ay parang malalaglag ang puso ko dahil baka may humarang sa amin. I don’t know how Craig got in here. Baka kasabwat sya.
Napapikit ako ng mariin, naalala ko bigla si Bree. I saw her with a gag on her mouth at naka tali ang mga paa at kamay nya. Where the hell is she?
“Si Bree..” Mahinang sabi ko. Masakit ang lalamunan ko dahil sobrang tuyo noon.
“I got her. Don’t worry.” Mabilis na sagot ni Craig na focus pa rin sa pag-alalay sa akin.
Mas lalo kong naramdaman ang panghihina ng mga tuhod at buong katawan ko. Naramdaman ko rin na unti unting nagsasara ang mga mata ko. I felt relief like knowing that Bree’s safe is what I was waiting for.
The only thing that I remember is Craig cursing as he slowly lifts me up.
The gush of wind felt refreshing on my skin and my face. Idagdag pa ang magandang tanawin sa paligid. The field is full of sunflower and grasses. Mas nakaka relax. The sun isn’t really hot, just the right heat that it trickles my skin, but it doesn’t burn me.
It feels like paradise.
I looked at my side and saw that there’s a coffee table full of food. Sweets and some drinks. I instantly dig in. Naglaway ako sa itsura ng mga pagkain. I reached for a chocolate donut and sunked my teeth into it. Ah, this is life.
I closed my eyes and let the air play with my hair.
“Ayanna?” A soothing but very familiar voice called me.
Binuksan ko ang mga mata ko at ang maamo at gwapong mukha ni Zieg ang bumungad sa akin. Ngumiti sya at tumabi sya sa akin. I offered him the food, pero tumanggi sya. Nakatitig lang sya sa akin na parang may gusto syang sabihin pero hindi nya masabi.
“What is it?” Nakangiti na tanong ko.
Zieg’s just wearing a plain white t-shirt and an acid washed pants. Napaka simple pero parang lalong na accentuate ang mga muscles at kagwapuhan nya. His hair’s a little longer than the last time I saw him. The wind’s also playing with his hair and it felt good just staring at him.
“Let’s break up.” Seryosong sabi nya.
Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ko. What the hell is he saying?!
Hinawakan ko ang braso nya. “What are you talking about, Zieg?” I tried to smile again, and I did, but full of bitterness. Hindi sya nagtangka na hilahin ang kamay nya. Nagkaroon ako ng pag asa.
“I’m sorry, Ayanna. This.. Whatever we have, it doesn’t work.” Malungkot na sabi nya. Para akong hinihigop ng lungkot sa mga mata nya. Pero bakit sya nakikipag hiwalay?
Dalawang kamay ko na ang ihinawak ko sa braso nya. “What are you saying?” I tried to laugh because I find this moment ridiculous. “We are perfect for each other! I love you and you love me. Hindi ba? Bakit ka nakikipag hiwalay?”
Yumuko lang sya. “I’m sorry.” Dahan dahan nyang inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa braso nya.
“Zieg! What are you..” I tried to reach for him pero unti unti syang lumalayo.
Unti unting dumidilim ang paligid, pati ang langit. I was reaching for Zieg while shouting for his name pero nawala na sya nang tuluyan. I started sobbing. Parang may tumarak na patalim sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit.
I looked up and saw nothing but darkness.
“Zieg!!” I screamed again.
Kasabay ng pag sigaw ko ay ang pagmulat ng mga mata ko at tumambad sa akin ang puting kisame. Ramdam ko ang paghingal ko. Itinaas ko ang mga kamay ko pero nanghihina ako. I am still panting like crazy.
“Ayanna! Oh thank God!” Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Bree na naiiyak sa tabi ko.
I swallowed. Tuyong tuyo ang lalamunan ko.
Lumapit sya sa akin. Tumutulo ang luha nya pero nakangiti sya. She’s wearing hospital clothes, magulo ang buhok nya at may sugat sya sa kanyang labi at noo.
“B-Bree..”
“ You’re safe, Ayanna. We both are.” Tuwang tuwa na sabi nya.
Lumunok ako ulit. Napansin nya na nahihirapan ako kaya mabilis syang kumuha ng tubig mula sa mga bote na nasa bedside table ko. Doon ko napagtanto na nasa hospital ako. May suwero ako sa braso ko.
“What happened?” Ang agad na natanong ko. I fainted after I learned that Bree’s okay, as per Craig’s words. “S-Si Craig!” I exclaimed.
Malungkot na tumango si Bree. “Yes, Craig helped us.”
I swallowed. “Anong kinalaman nya kay Selina? Sa sindikato? And where did they hold you?”
Bree licked her lower lip and sighed. Hinila nya ang stool at naupo nang mailapit nya na iyon sa hospital bed kung saan ako nakahiga. “Hinanap rin kita, but I didn’t see your nor hear anything about you. I was locked up in a tiny room. Hindi ko alam kung saan.”
“And Craig?”
“Nagulat rin ako nang makita ko sya. I was so mad at him kahit na itinatakas nya na ako. Walang wala sa isip ko na may possibility na involve sya. But when I was already safe, he explained na noon pa man, medyo duda na raw sya sa boss nya. He thinks he’s doing something illegal. But he let it go since mabait naman daw ito at wala naman evidence. And then three days ago, his boss is panicking, inutusan raw ng boss nya si Craig to bring a car into an address and don’t ask questions. Turned out, the address his boss gave him is my address.”
I gasped. I blinked a few times. “O-okay. What happened next?”
Bree nods. “Hindi raw nya alam ang nangyayari. He stayed in the car, tapos nakita nya na isinakay tayo sa likod ng van, we’re both unconscious. Namukhaan nya si Selina. Sabi ni Craig, iyon raw palagi ang pinipili na private lap dancer ng boss nya noon sa Dolce Maria. He assessed the situation. It’s a good thing that Craig isn’t hasty.”
“And Craig really doesn’t know anything about this?” Paninigurado ko. Magaan ang loob ko kay Craig, pero aminado ako na hindi ko naman sya ganoon kakilala kaya may duda talaga ako. But he saved me and Bree.
Umiling iling si Bree. “He swears na wala syang alam. He’s just the designated driver. Edi alam nya saan tayo dinala. Narinig nya naman raw na pinag uusapan nila na hindi tayo sasaktan at iisipin pa nila kung ano ang gagawin sa atin. The next morning, himingi sya ng tulong sa mga police. They assessed the place. That night, they went in. Unfortunately, dalawang tauhan lang ang nahuli nila. Selina’s not there, too. Ang alam ko lang, sobrang nanghihina ako. Craig carried me. Everything was groggy. Isinakay ako sa isang sasakyan and I woke up here. Nalaman ko na nandito ka rin when I woke up and I stayed with you.” He smiled bitterly and gave me a soft look.
I smiled back at Bree. “Thank you, Bree. Thank you rin kay Craig. Where is he?”
“He’s currently talking to his lawyer. He needs to defend himself para mapatunayan na wala syang alam sa mga nangyayari.”
Tumango tango ako, but speaking of ‘laywer’ ay agad na pumasok sa isip ko si Zieg and that damned dream of mine.
“S-si Zieg? Alam nya ba na nandito ako?”
Lumungkot ang mukha ni Bree at hindi ko iyon nagustuhan. May kaba na agad bumundol sa dibdib ko. This can’t be good news.
“I’m sorry, Ayanna. Huwag ka sanang mabibigla.”
I felt my heart skipped a beat with what Bree said.
“A-anong ibig mong sabihin?”
Tinitigan muna ako ng ilang segundo ni Bree at habang tumatagal ay parang nalalaglag rin ang puso ko mula sa dibdib ko.
“Ziegfried’s been missing since yesterday. Walang nakaka alam kung nasaan sya. Hindi ko sya ma contact. I called their office pero bigla na lang rin daw nag absent si Zieg na walang pasabi. I called everyone na pwedeng may alam pero hinahanap rin daw nila si Zieg.” No matter how softly Bree broke the news to me, ganoon pa rin ang epekto.
Napaawang lang ang labi ko at napatitig lang ako sa kumot na bumabalot sa lower part ng katawan ko. Para akong namanhid bigla pero ramdam ko ang mga mata ko na nag init at naluha.
“W-why? S-saan naman sya pupunta?” Nanginginig ang boses na tanong ko. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko.
Bree didn’t answer.
Hinayaan nya lang rin na umiyak ako for a few minutes. Silence engulfed us as I silently weep. Bree’s just there, looking out for me. Until the doctor came in and check my vitals. Ang sabi ay nag faint ako dahil sa dehydration at sa gutom na rin. I still have to stay a day para masigurado na babalik na ako sa dati. Wala naman daw ibang complications, rest and more water and food lang talaga.
Nagpasalamat kami sa doctor before he left.
“So.. anong plano mo?” Mahinang tanong ni Bree pagka alis ng doctor.
Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam.
“Tumawag sa akin kanina ang boss ni Zieg. Ang sabi nya, he already informed his family abroad. Protocol nila iyon kapag ganitong sitwasyon.” Sabi pa ni Bree.
Marahan lang akong tumango. I honestly don’t know what to do or say.
“And..I had to call your mother.”
Mabilis akong lumingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”
“I’m sorry. You need to have someone by your side. And as much as I want to be that person, pasyente rin ako, Aya. They wouldn’t let me. Nagpaalam nga lang ako na hihintayin man lang kita magising para makita mo na may kasama ka.”
I swallowed. Bree has a point. Hindi ko sya pwedeng asahan na mag alaga sa akin lalo na at mukhang mas grabe pa ang nangyari sa kanya kaysa sa akin. She has bruises and scars. And I am thankful for her. She really cares for me.
“S-salamat.”
“I hope hindi ka galit.”
I smilled at her. “No, Bree. Dapat pa nga ako magpasalamat sa’yo. Now, I just have to think what to say to them. Sino raw ang pupunta?”
“Mama mo at kapatid mo. Kanina pa sila umalis. They will be here in an hour or two.” Ginagap ni Bree ang kamay ko.
She asked me if okay lang ba na babalik na sya sa room nya and I told her to go.
After one and a half hour ay humahangos na dumating sila Mama at si Ariella. Mangiyak ngiyak sila nang makita ako. I explained everything. Ayoko nang magsinungaling sa kanila. I cried my heart out nang sabihin ko sa kanila na nawawala si Zieg at malaki ang chance na may kinalaman si Selina.
That woman has been a pain in the ass. Sya ang puno at dulo ng lahat ng ito. I hate that she’s very capable at mukhang loyal talaga sa kanya ang mga tauhan nya. I don’t know how she does it. Even an old picture of me dancing at the club, nakuha nya at naipadala kila mama! She’s probably a witch.
And now malaki ang possibility na sya ang kumuha kay Zieg.
Lumabas sandali sila mama at Ariella para mamili ng mga gamit at pagkain. Nanunuod ako ng tv nang mag ring ang cellphone ko. Si Daena!
Agad ko iyon na sinagot.
“I heard what happened! Thank God okay ka! Bree just called me. Hindi ako mapakali rito. Damn it.” Ramdam ko ang pag-aalala at gigil sa boses ni Daena.
Natawa na lang ako. “Hi. I miss you.”
“I miss you too!! Dadalaw kami mamaya sa’yo ni Ahren. Agnes is here, sya na raw muna ang bahala kay Skye.” Tukoy ni Daena sa bunsong kapatid ng asawa nya na si Ahren. She’s usually visiting them in the city kahit na naka based sa Isabela si Agnes,
“Talaga? Sige. Bukas pa naman daw ako pwede lumabas.”
“Okay. I’ll see you later.” Bigla ay naging giddy ang boses nya. Nawala na sa akin ang sabihin kay Daena ang tungkol kay Zieg. Sa personal ko na lang sasabihin