Chapter 17.

2608 Words
Hindi ko napigilan ang paghagulhol ko nang makita si Zieg na nakahiga sa hospital bed. Mahaba ang bigote, balbas at buhok nya. Halos umabot na ang buhok nya sa kanyang balikat. Sa unang tingin ay hindi agad sya makikilala. He looked so different. Ayon sa mga nakausap ko na nurse at doctor ay tatlong araw na daw si Zieg sa isang hospital sa Bulacan kung saan may dalawang lalaki ang nakakita sa kanya at idinala sya doon. One attending nurse realized that he was the man she saw missing on TV a few months. Pumayat si Zieg at mahaba ang bigote at balbas but the nurse reported it. Agad naman daw na dinala si Zieg dito sa Manila. The hospital contacted the law firm first hanggang sa matawagan na sya ni Daena. I was crying the whole time. Sa isang tingin ay hindi mo aakalain na si Zieg ang nakikita mo. He lost weight, but aside sa paghaba ng bigote, balbas at buhok nya, he’s relatively clean. Pero imbes na matuwa na kahit papaano ay naalagaan si Zieg ay lalo akong nagalit thinking na inaalagaan sya ni Selina. Kakatulog lang raw ni Zieg nang dumating kami. It’s only been two hours at atat na ako na makausap sya, pero gusto ko na makapagpahinga sya. Natawagan ko na rin ang parents ni Zieg and they are booking a ticket to go back to the Philippines. “He will be fine. The doctor said, right? Wala namang relative na sugat or damage. He just needs rest to recover.” Kasama ko pa rin sila Daena at Bree. Nasa labas si Daena at kausap si Ahren kung may balita na tungkol sa sindikato nila Selina. Tumango ako. “I know. Nakakainis lang dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako na mukhang hindi naman sya sinaktan, pero sa kamay naman sya ni Selina for these past few months.” Para akong may asido na naramdaman sa lalamunan ko upon mentioning that woman’s name. May she rot in hell. Sana mahuli na sila. Hindi lang dahil sa ginawa nila sa amin, para matigil na rin ang pangbibiktima nila. Pati na rin sana ang dating amo ni Craig. Pinisil ni Bree ang kamay ko. “Let’s just be thankful na safe na sya. So, kailan raw makakauwi ang parents ni Zieg?” “Hindi pa ulit tumatawag, pero magpapa book raw sila agad.” Bumuntong hininga ako. “Sana naman mahuli na sila. This is getting out of hand.” “The police are doing everything they can.” Sabi na lang ni Bree. And while I want to believe in it, mukhang magagaling mag evade sa pulis sila Selina at ang grupo nya. Kailan ba matatapos ‘to? Never in my wildest dream that I imagined na possibleng mangyari ito sa akin. O sa mga tao na malapit sa akin. I can’t imagine myself going through that again. Sobrang ang hirap. Constant na pag-iisip at pag-aalala tungkol kay Zieg. I wasn’t functioning well. Isipin ko pa lang ay nanghihina na ako. But Zieg’s here now. Iyon na lang ang focus ko. Daena came back after a while. “I just talked to Ahren. The police says may mga tip daw pero sa ngayon ay hindi pa nila alam kung reliable. They will keep us posted.” Tapos ay tumingin sya kay Zieg. “He’s still asleep?” Tumango ako. “Yeah. Ni hindi pa sya gumagalaw.” “Kailangan nya talaga makabawi.” While waiting for Zieg to wake up, nagpa deliver na lang kami ng pagkain na sinalubong ni Bree sa lobby. We had snacks. Naiinip na akong magising si Zieg. I want him to know na nandito na ako, na safe na sya. After around five hours of waiting ay sabay sabay kaming napatayo when we saw his head moved. Sabay sabay rin kaming lumapit sa hospital bed nya at pareho naming nakita ang pag mula ng mata nya. I gasped. I cannot contain the happiness I am feeling right now. Bree and Daena hold my arms on each side. “Z-Zieg?” Umiiyak ako pero nakangiti akong nakatunghay sa kanya. He blinked his eyes for a few times and when his eyes landed on me, nakita ko na nagsimula syang maluha. Nakatitig lang sya sa akin and I am the same. Daena murmured na iiwan na muna nila ako ni Bree para makapag usap kami ni Zieg. I held his hand and squeezed it. “Babe..” I said sobbing. He was just looking at me with tender in his eyes while his tears are flowing. Wala syang sinasabi. I pulled his hand while I was holding and kissed it. “I missed you. So much.” Naninikip ang dibdib ko sa sobrang saya. He slowly got up at sinalubong ko sya ng yakap. Mahigpit ang yakap ko. Pero unti unti ko syang binitiwan when I realized he's not hugging me back. I looked at him and saw that his face is serious, at halos hindi sya tumitingin sa akin. "Zieg? What's wrong? M-may masakit ba sayo?" Iyon na lang ang naiisip ko na itanong. Umiling iling sya tapos malungkot na umiwas pa lalo ng tingin. May bumundol na kung ano sa dibdib ko. Hindi ba sya masaya na nandito ako? Why is his reaction like this? "I want to rest." Mahinang sabi nya lang. His voice is cold and uncaring. I froze with the coldness of his voice. Hindi ako nakagalaw o nakapagsalita. Unti unti syang humiga ulit at tumagilid patalikod sa akin. Biglang uminit ang mga mata ko at kusang tumulo ang mga luha ko. Bakit ganito ang reaction ni Zieg? Ang sakit makita na parang wala lang sa kanya na nandito na sya. O na nasa harap nya ako. "Zieg, may kailangan ka pa ba?" Imbes ay tanong ko pa. "Nothing. Go, I want to rest." Sabi nya na hindi pa rin tumitingin sa akin. I stood there like an idiot for a few seconds before I decided to leave the room. Nagtataka naman akong sinalubong nila Bree at Daena. "Bakit lumabas ka agad? What happened?" Agad na tanong ni Daena. Umiling iling ako. "I don't know.. S-sabi ni Zieg gusto raw nyang magpahinga." Hindi ko mapigilan a uminit ang mga mata ko. Naiiyak ako dahil nasaktan ako sa nangyari. Zieg doesn't seem to be happy that I am here. His reaction is cold. Nagkatinginan sila Bree at Daena. "Hindi kayo nagkausap? Ano ba namang klase 'yan?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Bree. Umiling iling ako at pinunasan ang mga luha ko na tumulo na. "Maybe he just really need to rest. Hindi biro ang pinagdaanan nya. Hindi rin siguro madali sa kanya na mag open up agad." I said it halfheartedly. Ako mismo ay duda pero baka ganoon nga. Mukhang na traumatize si Zieg. Maybe he just needs some more time alone. Masakit na parang balewala ako sa kanya pero wala ako magagawa. Parang mas lumaki ang butas sa dibdib ko dahil sa pangungulila sa kanya. Pero para kay Zieg ay gagawin ko. I waited a few more hours. Daena had to go, but Bree stayed with me. Nagcheck na ang nurse ng vitals ni Zieg pero pinasabi ni Zieg sa nurse na huwag raw magpapapasok ng kahit na sino. Nalaglag ang puso ko dahil doon. Ano bang iniisip ni Zieg? "What the hell is wrong with him?!" Hindi na napigilan ni Bree ang inis. "Anong problema nya?!" Hinawakan ko ang kamay ni Bree. "Baka nga kailangan nya pa ng time i process ang mga-" "Bullshit, Ayanna!" Bree cut me off. She looked really mad. "Hindi nya dapat ginagawa ito. We've been here since forever waiting for him to wake up tapos ganito?" She stood up and she was about to open the door to Zieg's private room pero hinila ko sya. "Bree, hayaan na muna natin si Zieg. Whatever it is, siguradong may reason. Ayoko rin naman na pwersahin sya. I can wait till he's ready." Masama ang tingin na pinukol ni Bree. "So ano, tatanga ka na lang dyan? I know na nasasaktan ka. Kung ayaw nya muna ng bisita, mabuti pa ay umuwi na tayo." Akmang hihilahin nya ang kamay ko pero pinigilan ko si Bree. "I'm okay, Bree. Sige na. you should go home. Ang laki na ng abala ko sa'yo. You have to rest. I'll stay tapos babalitaan na lang kita." Pinilit ko na ngumiti but Bree can see right through me. She pinched her nose. "I don't want to leave you here." "I can manage, Bree. Please? Hayaan mo na ako. Ilang buwan akong nakapag hintay na walang kasiguraduhan kung buhay pa ba si Zieg. Ngayon pa ba ako susuko na alam kong buhay at ligtas sya?" Kita ko ang frustration at awa sa mga mata ni Bree. I know how concern she is for me and I am thankful. Pero kung ano man ang gustong palabasin ni Zieg sa pagtataboy nya sa akin ay aalamin ko. Siguradong may reason. Tinitigan nya ako ng ilang segundo bago nya pinisil ang mga kamay ko at sa huli ay pumayag. We bid our goodbyes at sumunod na sa kanya ang security detail nya while mine stayed. Umupo ako ulit sa visitor's chair sa labas ng private room ni Zieg. I closed my eyes and massaged my temples. Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako. Nagising ako nang mag vibrate ang cellphone ko. It is Zieg's mother. On the way to the airport na raw sila. Nakakuha sila agad ng ticket at bukas ay darating na sila. I stood up, excited to tell Zieg about it pero napatigil ako nang bubuksan ko na sana ang pinto. Bagsak ang mga balikat ko na muling naupo. Oo nga pala, Zieg doesn't want anyone inside. Hihintayin ko na lang ulit na may pumasok na nurse o Doctor. Mabuti at matapos ang ilang minuto ay may dumating na nagdadala ng pagkain. Pinasabi ko na sabihin kay Zieg na papunta na ang parents nya at bukas ay darating. Nagtataka man ang babaeng maghahatid ng pagkain ay sinunod nya naman. When I asked what Zieg said, tumango lang daw ang lalaki bago nagsimulang kumain. Lalo akong nanlumo. Talaga bang titiisin nya ako dito? Ano ba kasing nangyayari? Naiiyak at nanghihina na napaupo ako ulit. After a few minutes ay nagpasya ako na bumaba sa cafeteria. Uminom ako ng kape at kumain ng tinapay. Dinner time na pala. Hindi ko na alam gaano ako katagal rito sa hospital pero maghihintay pa rin ako until pwede na akong makausap ni Zieg. Naka idlip na naman ako saglit at nagising na dahil sa gutom. Hindi sapat ang tinapay at kape na kinain ko kanina. Nananakit na rin ang likod ko dahil sa kakaupo pati ang mga hita ko but I really want to wait hanggang pwede ko nang makausap si Zieg. Kung ready na sya. Tumawag si Bree sa akin. I told her na nandito pa rin ako at hindi pa ako ulit pumapasok. “Umuwi ka na lang kung ayaw nya talaga.” Malamig na sabi ni Bree. “Bree naman. I want to talk to him.” “Eh paano nga? Ayaw ka naman kausapin. Ready or not, may karapatan ka. Just try again. Baka naman ready na sya this time?” Nahimigan ko ng sarcasm ang pagkakasabi ni Bree. “Okay, try ko.” “Kung hindi pa rin sya ready, aba! Hindi pwedeng dyan ka maghintay kung kailan sya magiging ready. Umuwi ka na rito. Magbilin ka na lang sa mga nurse dyan.” “You know I can’t do that. Walang ibang magbabantay kay Zieg. His parents, darating pa lang mamayang hapon.” Ayokong iwanan syang mag isa. I don’t want him to feel alone. Naka takas na sya and the last thing he needs is to be left alone. “He clearly doesn’t want you there.” Again, Bree’s voice is cold and uncaring. “I’m sorry, Bree. Pero I’ll try again. Tatawagan kita kung uuwi na ako.” Matapos ang pag uusap naming dalawa ni Bree ay inayos ko ang sarili ko bago ko binuksan ang pinto ng private room ni Zieg. Dahan dahan, tumingin ako kung anong ginagawa nya. Naka upo sya at nakatulala lang. When he felt that the door opened, kita ko kung gaano ka cold ang mga mata nya habang nakatingin sa akin. I felt a rush of painful feeling in my heart. Ano bang nangyayari? Bakit ganito si Zieg? Dahan dahan akong pumasok at naglakad palapit sa hospital bed nya. “Bakit nandito ka pa? I want to be alone.” Sabi nya tapos umiwas sa akin ng tingin. I hate that he can talk to me like this, na parang wala lang. Na parang hindi nya ako kilala or hindi ako parte ng buhay nya. “I just want to check on you. How do you feel?” Imbes ay sabi ko na lang. “I am fine. Please, gusto ko magpahinga.” Mariin na sabi nya, it was like he’s almost begging. And to me, it’s like he’s begging me to go, to leave him. Ano bang nagawa ko? “K-kung gusto mo talaga na umalis ako, I can do that. P-pero hihintayin ko na lang na makarating mamaya sila Tita Ellen at Tito Jay. Hindi kita iiwan mag isa.” Pinipigil ko ang sarili ko na gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na ako. Parang may naka dagan na mabigat sa dibdib ko. All I want to do is to talk to Zieg, to touch him and to be with him pero ayaw nya. Gusto ko sya alagaan. Hell, that’s what I have wanted to do ever since he became a part of my life. Bigla syang tumingin sa akin at natakot ako dahil matalim ang tingin na ibinibigay nya sa akin. “Hindi ka ba makaintindi? I said I want to be alone. Umalis ka na!” Napapitlag ako sa pagtaas ng boses nya. Bumilis ang t***k ng puso ko. “Umalis ka na! I don’t need you here! Just go! Huwag ka nang babalik. Ayoko na. Ayoko na sayo, okay?” Every word pierced through my heart like a knife. Nangangatal ang mga labi ko. “Zieg what a-are you saying-” “Matalino kang babae, Ayanna. You understand what I just said. Sige na. I want to sleep and rest in peace. Kung darating sila Mommy, darating sila. They can take care of me. Kaya hindi na kita kailangan. Alis!” He shouted the last word at nanginig ang mga tuhod ko. Bigla akong napa atras. Nanghina ako at kung hindi ako agad naka atras at napahawak sa seradura ng pintuan ay malamang na nabuwal na ako. My tears are falling nonstop and the pain’s just getting more painful by the second. Humiga na si Zieg patalikod sa akin na parang wala lang sa kanya ang ginawa nya. Para akong mauubos habang binubuksan ko ang pinto para makalabas na habang nakatingin sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata ko at nanginginig ako. I got out and when I closed the door, mabilis akong naglakad paalis hanggang sa ilang hakbang pa lang ay nabuwal na ako. Agad na lumapit sa akin ang mga tao sa palagid to check on me but I can’t say anything. I just cried and cried. Wala silang nagawa kung hindi buhatin ako at akayin para makaupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD