Chapter 14.

2533 Words
Nasa sasakyan na ako pauwi nang tumawag si Zieg. He's asking me kung nasaan ako. Papunta daw sya sa bahay. I told him na pauwi pa lang ako at magkita na lang kami doon. Doon ko na lang rin sya kakausapin tungkol sa napag usapan namin nila Daena at Ahren. Ahren contacted the PNP Chief. They met through Ahren's father, who is the current Governor of Isabela. After nila mag usap sa telepono, ipapa check nya raw agad 'yung human trafficking syndicate na pwedeng sangkot sa nangyayari. I gave Zieg a spare key to my place at ganoon rin sya. Naabutan ko sya doon. Kakalabas nya lang ng shower when I arrived. "Nag shower na ako. I hope you don't mind." Agad na sabi nya. Tumutulo pa ang butil ng tubig sas katawan nya. Nakasuot lang sya ng isa sa mga oversize shorts ko at pinupunasan nya ng towel ang buhok nya. He looked so ravishing right now. Natulala pa ako sandali. Halos twenty four hours lang kaming hindi nagkita pero seeing him like this, kinilig ako. Mga ganitong pagkakataon ko na aappreciate kung gaanot ka fit, ka sexy at ka gwapo si Zieg. Halatang wala pang tulog si Zieg dahil sa itsura ng mata nya. Agad ko syang sinalubong ng yakap. "I was worried sick." "I know babe. I'm sorry hindi na ako ulit nakatawag. Everything's fine." He hugged me back and kissed my temple. Tiningala ko sya. "Kumain ka na ba?" I cupped his face. Pakiramdam ko ay pumayat sya bigla or I am just being o.a at this moment. "You look like shit." I lied. He still looked dashing kahit na halatang wala syang tulog. He chuckled. "Nagawa mo pa akong pagnasahan kanina and I look like s**t? You must be very in love with me." Biro nya pa. Napanguso ako. "Seriously! Magluluto ako, ano ba gusto mo?" "I'm fine, kumain na kami ni Bree bago ako dumiretso dito." Alo nya. He pulled me into the couch and we cuddled. "So what happened?" "Ang sabi, they received an anonymous tip about Dolce Maria. Tatlong tip na raw kasi ang natanggap nila for this week so they planned surveilance. They decided to raid the place when they saw two drunken clients argued outside. Wala silang warrant. Napakawalan naman kagabi lahat ng employees when I arrived but it wasn't settled yet dahil nasa Cebu si Ramon." Tukoy nya sa may-ari na si Ramon Agoncillo. "The police wanted to talk to Ramon, so hinintay namin sya dumating. Meanwhile, Bree's inraged. She wanted to sue the police. I talked her out of it. It's true that Dolce Maria's name will be tarnished with this, pero malaki rin ang chance na mas pag initan pa ng police ang Dolce Maria once we sued them." Nakikinig lang ako sa kanya. "Ramon arrived this afternoon. He was also mad, but he's scared. Gusto nya na daanin na lang sa pagkausap sa mga clients na nasa gobyerno but I also talked him out of it. Mas lalong mag mumukhang guilty ang Dolce Maria once may nakealam from the government. I am all about Dolce Maria's reputation and operation. When it comes to worse, I already talked to my cousin. He's a criminal lawyer and he can handle this better than me." Kahit papaano ay may relief na sabi nya. "Okay. So back to operation na ba ulit?" Agad na tanong ko. "Bukas pa. Ramon wanted to relax tonight. It was a circus. They even wanted Bree to give them their client list. That's when I threaten to sue them. They're fishing." Naiiling na sabi ni Zieg. "Damn it. They have been obsessed with the client list ever since." "Do you think may kinalaman sila Selina sa nangyari? You said na sabi ng police ay may nag tip sa kanila." Agad na sabi ko. Hindi agad nakapag salita si Zieg. "I don't know what she wants pero malakas ang kutob ko. Pati na rin 'yung sa nag send ng picture ko at note sa parents ko." Wala naman akong ibang maisip na pwedeng gumawa nito kung hindi si Selina lang, and she has ties with a syndicate! I keep my circle small. Bree and Daena are the only ones I talk to. My staff at Lush, we're also okay. Wala ring iba na may alam na nagtatrabaho ako before sa Dolce Maria. So it's just Selina. "There's a possibility. The NBI also already told me na pwedeng may kinalaman si Selina. They're still trying to locate her. Sabi nila baka na discover kay Selina ang bug at pwedeng pinatay na si Selina." I gasped. I hate the girl to the core pero ang pag-usapan ang possibleng pagkamatay nya ay hindi pa rin ganoon kadali. Pero paano nga? Poor girl. That's when I told him that I told Daena and Ahren talked to the PNP Chief. "This is getting out of hands. Dapat ay mahanap na si Selina or kung ano man sindikato ang kinabibilangan nya." Zieg sounds concern. "I hope so too." "Let me just call on my partners in the firm. Kaninang umaga pa sila tumatawag and I had to decline their calls dahil gusto ko na kumpleto na ang mga details kapag nakausap ko sila." He stood up and I just watched him go directly to the kitchen. I sighed. I texted Daena na nandito na si Zieg and that NBI already suspects that Selina might also be connected to this or the syndicate she belongs to. Daena then texted me back that she will inform me once na may balita na. I massaged Zieg before we sleep. I can feel the tension in his body. Thirty minutes into the massage and he's asleep like a baby. I woke up the next day to Daena's call. Alas sais pa lang at tulog na tulog pa si Zieg. Lumabas ako ng kwarto at hinayaan na matulog pa si Zieg. He's probably still really tired. Sinagot ko ang tawag ni Daena nang nasa kusina na ako. "Hello! What's up?" Magiliw na bati ko. "Hello. Okay, I'll be quick. Ahren received the call a few minutes ago. Selina might have been a member of Dollface syndicate. They recruit girls from provinces, hell they even have some from Sabah Malaysia. Pagdating rito, they sell them into beer houses or they hold them to work on their own beer houses. But they're expanding. The police think that they infiltrated Dolce Maria because they wants to take over the business." I cleared my throat. "Take over Dolce Maria? Are they crazy?" "The police think na kaya pinapasok si Selina doon and the other girls para tingnan how the operation works. And since lawyer ng Dolce Maria si Zieg, they can also get legal information through him. But the way that Selina looks at Zieg, mukhang na-inlove ang gaga kay Zieg kaya siguro nag try mag flip." Mabilis magsalita si Daena na parang may hinahabol ito. "You think so?" "Aba kung sa kwento mo lang eh talagang hindi lang utak ni Zieg ang gusto nya kung hindi si Zieg mismo. Just take care, okay? Baka balikan kayo, eh. That's my worry right now. Kasama mo si Zieg, hindi ba? Huwag na lang muna kayo mag hiwalay para mas safe." Ramdam ko ang pag-aalala ni Daena and I am really thankful that she's a friend. After talking to Daena, I called Bree. Hindi sya sumasagot. I wanted to warn her. She's Dolce Maria's manager and I think na baka nasa hit list rin sya ng mga member ng sindikato. This is just so frustrating. Kailan ba 'to matatapos? Matutulog na sana ako nang makareceive ako ng text message from Bree. Magkita raw kami sa condo nya at may sasabihin syang importante. I tried calling her again para tanungin sya kung tungkol saan. But unattended ang cellphone nya. Kaya nag response ako asking her kung tungkol saan ang pag uusapan namin. Bree: Basta pumunta ka na lang dito. This is important. Please. Nangunot ang noo ko dahil sa parang desperasyon ang tono ng text ni Bree. Ayaw ko sanang iwan si Zieg, but hindi naman ako papapuntahin ni Bree kung hindi importante ang sasabihin nya. And I can understand na baka stressed rin sya na kailangan nya rin ng makakausap. I left a note on the bedside table telling Zieg na magkikita kami ni Bree sa condo nya. Ayokong mag alala sya kapag nagising sya bigla at makita nyang wala ako. I had to drink an energy drink dahil medyo inaantok na ako. It's past ten in the evening right now and I booked an uber to bring me to Bree's condo. I would buy us something to drink but knowing Bree, malamang na full stock pa rin ang fridge nya. Kaya bumili na lang ako ng pizza at chicken. Nasa elevator na ako when I felt my phone vibrate. Bree sent me a text message na nasa kwarto lang daw sya at dumiretso na lang ako. The door was open kaya dumiretso na lang ako. I looked around tapos inilapag ko sa kitchen counter ang mga dala ko. I walked towards her room. Nakangiti ako na binuksan iyon pero agad na naglaho ang ngiti ko nang makita si Bree na nasa kama nya at may takip ang kanyang bibig, ang mga kamay at paa nya ay nakatali rin. Patakbo ko syang linapitan pero bago pa ako maka lapit ay may kung anong pumalo sa ulo ko at kasabay ng matinding sakit ay naramdaman ko rin ang unti unting pagkawala ng malay ko. I opened my eyes and I see nothing, just darkness that envelopes me. Mabilis akong gumalaw nang maalala ko ang huling nangyari at na realize ko na nakatali rin ang parehong mga kamay at paa ko. May busal rin ako sa bibig. I tried making noise para malaman kung nasa paligid si Bree, but no one answered. Sa bandang kaliwa ko ay nakarinig ako ng tunog. That’s when I saw a small sliver of light from an adjar door. May mga babaeng nag uusap pero hindi ko maintindihan. Gumapang ako para makalapit ako. I stiffened when I heard a familiar voice. “Eh mga gaga pala sila! Bakit ba ang tagal nila? Palagi na lang silang palpak!” The voice was much angrier and deeper, pero hawig iyon ng boses ni Selina. I swallowed. Kung anu ano na ang pumasok sa isip ko. I tried to move to free myself pero walang nangyari. Nasaktan lang ako dahil sa higpit ng tali sa akin. I started to tear up. I am all alone. Hindi ko alam kung nasaan ako. And if I am right na si Selina nga ang nagsasalita sa labas, I was just a little glad that she’s alive, contrary to NBI’s theory nab aka pinatay na sya dahil sa nakitang bug. Mas nakaramdam ako ngayon ng galit at takot para sa babae. “Boss, pabalik na raw sila Berna.” May nagsalita na isang babae. “Mabuti naman. Huwag kamo silang tatanga tanga. Business itong pinag uusapan natin! Aba!” The voice that sounds like Selina answered. Kung tama ang hinala ko na si Selina iyon, she was called ‘boss’ by the other girl. Does that mean si Selina talaga ang pinuno ng sindikato? That she’s not ‘an asset’ that tried to put down the syndicate but actually just playing the NBI and Zieg? “So paano itong jowa ni attorney?” Nangilabot ako nang marinig ko ang sinabi ng babae. Alam ko na ako ‘yon. So I just froze and listened to whatever she’s going to answer. I am also thinking about Bree. Nasaan kaya sya? “Hindi pa ba nagigising? Hayaan mong mamatay sa gutom.” Tapos humalakhak sya. It resonated inside me and I was scared for a moment. “Kapag nagkataon baka pwede mo nang makuha si attorney.” Masiglang sagot ng isa pang boses. That statement confirmed that it is indeed Selina. Sino pa baa ng ibang may interes kay Zieg sa kanila? “Sana nga. Nakakainis na pagka pakipot ni Zieg. Napakaloyal! Mga ganoong lalaki ang talagang masarap jowain.” And then she giggled wickedly. “Oo naman boss. Kung gusto mo idispatsa ko na ‘yang jowa ni attorney eh. Tapos ikaw ang mag comfort sa kanya. Sigurado mahuhulog sayo ‘yun!” I bit my lower lip. Lumakas ang tulo ng mga luha ko. They’re really planning on killing me! I have to leave this place. Kailangan kong makatakas. But damn. Paano? “Eh paano ‘yan boss, anong sasabihin mo kung sakaling babalik ka? Eh diba nagtago ka na?” Said another voice. Hindi ko alam kung ilan sila sa kabila ng pintuan na bahagyang nakabukas pero pulos sila babae. And the way they see it, they are cheering for Selina to get Zieg. Sa tingin nya ba ay makukuha nya si Zieg?! “Madali lang. Sasabihin ko na nalaman nila na nakipag usap ako sa NBI tapos binugbog ako pero nakatakas ako. Alam nyo, si Zieg, hindi lang ‘yun gwapo at macho. Mabait rin ‘yun. Kaya lalo ko syang nagustuhan. Kaya lang, ‘yung punyetang Ayanna na ‘yan, ang hilig manira ng mga moments namin.” She sounded pissed in a second. I clenched my fist. Sya pa ba ang may gana na sabihan ako ng panira? Bigla ay parang gusto ko syang sugurin at sabunutan. Dapat pala talaga ay sinaktan ko na sya ng bongga physically. Naawa pa ako sa kanya thinking na nalaman ng mga boss nya na may bug sya only to know na sya mismo ang boss? She’s calling the shots, obviously. At ang mga babaeng kausap nya, they are all patronizing her for some reason. “Magsabi ka lang boss, ididispatsa ko agad ‘yan.” I stopped myself from sobbing. God, where the hell am I? Who are these people?! “No, huwag muna. Pwede pa natin sya magamit.” Kalmado na sagot ni Selina. “Ang alam ko ay ayos pa ang cover ko. Walang kaalam alam ang mga gagong police at NBI na ako mismo ang namamahala sa inyo. Pero kapag nagkataon ay pwede natin magamit as hostage si Ayanna.” She sounds so sure of herself. Parang gusto ko sumabog, pero nakakainis na wala akong magawa. I slowly crawled back to the farthers part of the room kung saan ako nagising. Magtutulug-tulugan na lang muna ako para hindi ako mapilitan na makita sila. The moment I closed my eyes, I immediately felt the need to sleep and rest at agad akong nakatulog. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakabukas na ang pintuan, maliwanag na, at may tao na nasa harap ko. Sa gulat ay naitulak ko kung sino man iyon. “Ayanna, shhh. Let me help you.” A familiar voice whispered. Tinitigan ko ang mukha ng nasa harap ko. He’s removing the restraint on my feet and on my hands. I blinked a few time before I gasped when I finally saw his face. “Ikaw?!” Mariin at gulat na gulat na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD