Chapter 12.

2580 Words
Lumayo ako agad kay Zieg nang marinig ko ang sinabi ni Albert sa kabilang linya. Sa lakas ng kaba ko ay parang gusto nang lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita dahil I was caught off guard. "May nagsabi kila mama at papa, ate. Sila nag utos sa akin na tawagan ka." Sabi nya ulit. Liningon ko si Zieg na kunot ang noo na nakatingin sa akin. Sumenyas ako gamit ang kamay ko na 'sandali lang' tapos lumabas ako ng office ko. "Ate? Ate diba hindi naman totoo?" Sabi ulit ni Albert. Mabilis akong naglakad papunta sa kitchen at palabas sa likod ng shop. Naiiyak na ako sa halong kaba at takot. This is the most dreaded situation na ayaw ko sanang mangyari; ang malaman ng pamilya ko ang totoo. I was lying to them for so long na sa isip ko ay totoo na rin ang mga sinabi ko. "S-sino nagsabi?" Nangangatal ang labi na tanong ko. Nanginginig ako at nanghihina. Gusto ko bigla maiyak. Who would know about my past job at sasabihin pa sa magulang ko? "Ate bakit hindi ka tumatanggi?" Malungkot na tanong ni Albert. "K-kakausapin ko kayo. Uuwi ako dyan bukas." Hindi ko na napigilan ang umiyak. One way or another ay kakailanganin ko rin naman sabihin sa kanila ang totoo. Mas maganda na personal na lang. But with a heavy heart. Masasaktan sila mama at papa pero ipapaliwanag ko na lang. Hindi nagsalita si Albert, pero alam ko na nandoon pa rin sya sa linya. Sumisikip ang dibdib ko knowing na nangyayari ito. "Albert.. I'm sorry.." Humahagulhol na sabi ko. "S-sabihin mo kila mama at papa, u-uwi ako bukas.." Hindi ko na hinintay ang isasagot nya at pinutol ko na ang linya. I put my cellphone on my chest and cried. Napaupo ako habang nakasandal sa pader. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayoko malaman nila mama at papa at ng mga kapatid ko ang lahat pero dahil nandito na, responsibilidad ko ang ipaliwanag sa kanila. I cried silently. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na ganoon. The back door opened at nag aalala na lumapit sa akin si Zieg nang makita ang sitwasyon ko. Inalalayan nya ako makatayo. Agad akong yumakap sa kanya kasabay ng pag lakas ng iyak ko. "Babe what happened? Okay ka lang ba?" Hindi ako nagsalita at umiyak lang ako. When I calmed down, inalalayan nya ako pabalik sa office ko. Hindi na lang kami pinansin nila Shane. Pinainom ako ni Zieg ng tubig. Ramdam na ramdam ko na nag-aalala sya. I wasn't talking and I was just crying the whole time. Natatakot kasi ako sa magiging reaction nila mama at papa. Hindi ko alam, baka itakwil nila ako. "Babe, please talk to me. Ano bang nangyayari? You're making me nervous. Talk to me." Naka akbay na tanong nya sa akin. I looked at him. "M-may nagsabi kila mama at papa tungkol sa pagiging lap dancer ko before.." Mahinang sabi ko. Napaawang ang labi ni Zieg tapos yinakap nya na lang ako ulit. "Anong plano mo? Hmm?" Malumanay na tanong nya. He kissed me on my temple. "U-uuwi ako bukas. I'll explain everything to them." "I'll go with you." Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon. "S-sigurado ka ba? Paano ang trabaho mo? Kaya ko naman mag isa.." "I'll take care of it. Basta sasama ako." Determinadong sabi nya at para akong natunaw dahil na appreciate ko naman iyon. We decided na sa bahay nya na lang kami manggagaling. Sinamahan nya ako sa apartment ko para kumuha ng mga damit at gamit tapos dumiretso kami sa bahay nya. He cooked our dinner, as usual. Sinigang na bangus ang ulam namin. Hindi pa rin ako mapakali the whole time dahil hindi ko mapigilan maisip ang magiging reaction nila mama at papa. Zieg's cheering me up the whole night. He's also assuring me that everything will be alright. Palagi nya sinasabi na nandoon lang daw sya para sa akin. Nasa bus na kami papunta sa Cabanatuan pero hindi pa rin ako mapakali. "Babe, calm down. We're almost there." Pinisil ni Zieg ang kamay ko. Halata kasi na kinakabahan talaga ako. This is the moment of truth. I'll explain my past job pero there's no sugarcoating being a lap dancer. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zieg. I am really happy na kasama ko sya ngayon. I would probably just be all over the place and will be a total mess. At least he's holding me down and encouraging me. After three hours, bumaba na kami sa terminal ng bus. Nag aaya na kumain muna si Zieg pero pinakiramdaman ko ang sarili ko. Para akong masusuka sa kaba kaya sabi ko ay sya na lang ang kumain. Hindi na rin sya kumain, bumili na lang sya ng taho nang may makasalubong kami. Habang papalapit na ng papalapit sa bahay ay bumibilis rin ang kaba ng dibdib ko. Nang bumaba na kami sa tricycle ay si Ariella ang nakita ko agad. Nagwawalis sya sa garden at nang buksan ko na ang gate ay tsaka nya lang ako napansin. Ngumiti sya nang makita ako at agad akong sinalubong. "Hi ate!" Yinakap nya ako. "Kanina ka pa hinihintay nila mama at papa." Tapos ay liningon nya si Zieg na kasunod ko lang. "Sya ba boyfriend mo?" She looks happy. Hindi ko alam kung alam nya na tumawag sa akin si Albert at na open ang dati kong trabaho o hindi. "Ariella, ito si Zieg. Zieg, bunso namin, si Ariella." Pagpapakilala ko. Kahit papaano ay nagsisimmer down na ang kaba ko seeing how Ariella looks like she's not mad or something. "Hi." Ngumiti si Zieg. "Hello, kuya! Pasok po kayo." Nauna pumasok si Ariella at narinig ko na tinawag nya sila mama at papa. Albert is probably at his work at this time. Liningon ko si Zieg. He smiled at me tapos sya na ang nag-initiate na pumasok na kami. Para akong nahihiya pumasok sa bahay namin. It has been months since the last time I went home and it feels a little different. Well, different naman kasi ang sitwasyon ngayon. Pumasok kami at nakita pa namin ang paglabas nila mama at papa sa kwarto. Nanigas ako pero si Zieg ay mabilis kumilos. Lumapit sya kila mama at papa at nagmano. Ngumiti sila mama at papa nang makita si Zieg. "Sumama ka pala, hijo. Wala ka bang pasok?" It feels weird dahil masigla ang boses at itsura ni papa, taliwas sa iniisip ko na dapat ay malamig na pakikitungo nila once na dumating na ako. "Mayroon po, pero gusto ko po samahan si Ayanna." Tiningnan ako ni Zieg. Doon pa lang ako nakagalaw at lumapit kila mama at papa. Nagmano ako at bahagyang nakangiti pa rin sila mama at papa. "Kumain na muna kayo. Ang aga ninyo. Anong oras kayo umalis?" Casual na tanong naman ni mama. Naglakad na sya papunta sa kusina. Si papa naman ay nakaharap lang sa amin. "Alas sais po." Zieg answered. Tumango si papa. "Wala naman bang traffic?" "Wala naman po, mabilis po ang byahe." Nakatayo lang ako doon at hindi alam ang gagawin. Lumapit sa akin si Zieg at inakbayan ko. He squeezed my shoulder to reassure me. "Kumain na muna kayo." Sabi ulit ni mama na naglalagay na ng mga utensils sa lamesa. Everything seems normal. Ibang iba sa inaasahan ko. Hindi ko tuloy alam kung maganda ba iyon o hindi. Again, si Zieg na ang humila sa akin papunta sa dining table. Sumunod si papa sa amin. Zieg pulled a chair for me as he sat next to me. "Tikman nyo itong ginawa ni Ariella. Pesto. Nahihilig kami sa pasta nitong nakaraan." Magiliw na sabi ni mama habang naglalagay ng pagkain sa isang bowl. Natakam tuloy ako pero hindi pa rin mawala ang kaba ko. Sinusundan ko lang sya ng tingin. Nakangiti sya the whole time. Hindi ko alam paano sisimulan ang pag eexplain ko pero tahimik lang ako. Si Zieg ang palaging sumasagot at nakikipag usap kila mama at papa. "Sige na, kumain na muna kayo. Tsaka na tayo mag usap pagkatapos. May pupuntahan lang kami saglit at babalik rin kami agad." Maya maya ay sabi ni papa. "Sige po, salamat po." Sabi ni Zieg. Ngumiti at tumango sa amin si papa. Tsaka pa lang ako nakapag relax nang makaalis na sila. It really feels weird. Bumalik si Ariella sa pagwawalis sa labas at naiwan lang kaming dalawa ni Zieg. "Are you okay? They doesn't seem to be mad. For sure maiintindihan ka nila." Sabi ni Zieg, breaking the silence. Napalunok ako. "Yeah. Pero kinakabahan pa rin ako, eh." Naiiyak pa rin na sabi ko. Ngumiti si Zieg. "It's okay. Sige na, kumain na muna tayo. Pagbalik nila, we can both explain. I'll help you since I know exactly what you do." Tumango lang ako. Linuwagan ako ni Zieg at sabay kaming kumain. Nang pumasok si Ariella ay pinuri ni Zieg ang luto nya na ikinatuwa naman ni Ariella. Tapos na kami kumain at naghihintay na lang kami sa kanila sa sala. Dumating sila after ten more minutes, may dala silang mga plastic ng prutas. Tumulong kami ni Zieg mag ayos ng mga pinamili nila. In the middle of doing so, I broke down and started crying. "I'm sorry ma, pa." I said in between sobs. "G-ginawa ko lang naman 'yun kasi gusto ko agad makapag ipon.." Tumigil silang lahat sa pag galaw, pati na si Zieg. Agad nya akong dinaluhan at yinakap. Nakita ko na nagkatinginan lang sila mama at papa. Inalo ako ni Zieg at pinaupo ulit sa sofa. Sumunod naman sila mama at papa. "H-hindi po ako nag dancer sa beer house. I was a lap dancer in a high end club. Alam ko po na iisipin nyo na hindi maganda ang naging trabaho ko pero gusto ko rin po ang naging trabaho ko. No one forced me to do it, and I make good money. Gusto ko po kasi maka ipon agad. Sorry kung nagsinungaling ako." "Nagulat kasi kami ng papa mo." Si mama na ang nagsalita. "May nagpadala pa ng litrato sa amin. Hindi namin alam kung saan galing." "May nagpadala po sa inyo?" Gulat na tanong ni Zieg. "Pwede po bang makita?" Tumayo si mama. "Sandali, kukunin ko. Walang nakalagay na kahit ano, basta may laman na sulat at litrato." "Ayanna, anak, bakit naman iyon ang pinili mong trabaho? Hindi naman namin kailangan ng malaking pera. Ano ba ang ginagawa mo doon?" Si papa naman ang nagtanong. "N-nagsasayaw lang po ako, papa. I swear. At mababait lahat ng kliyente namin. Mga disente sila. Exclusive po iyon at protektado kami. Wala silang pinapagawa na ayaw namin o hindi namin gusto. Hindi naman ako papasok sa isang trabaho na hindi ako ligtas." "Gaano ka katagal na nag trabaho doon?" "M-matagal rin papa. 'Yung kinita ko po doon ang inipon ko para maitayo ang Lush. 'Yung kulang po ay ipinahiram ng asawa ng kabigan ko na dati rin nagtatrabaho doon." Tumango si papa. "Hindi naman kami galit sayo. May tiwala kami ng mama mo sayo. Ang sa amin lang kasi ay nagsinungaling ka, at concern kami sayo." "Alam ko po papa. Sorry. Kaya ayaw ko masyado pag usapan trabaho ko dahil nahihirapan rin po akong magsinungaling sa inyo. Matagal ko na pong pangarap na magtayo ng business, nagkataon po na iyon ang dumating na opportunity at wala po akong nakikitang masama." Naka akbay sa akin the whole time si Zieg. Bumalik si mama na may dalang puting envelop. Inabot nya iyon kay Zieg. Zieg opened the envelope. Mayroon ngang note doon na nagsasabi na naging dancer daw ako sa beerhouse. The picture attached was an image of me while pole dancing. "This was taken inside the club. Bawal ito. Inspected ang mga clients na pumapasok." Kunot ang noo na sabi ni Zieg. "Baka may nakalusot? Pero bakit naman ako sisiraan ng kung sino man iyon? At inalam pa ang address namin dito?" Nagtataka rin na tanong ko. "Atsaka ang tagal ko nang wala sa Dolce Maria." Bigla ay parang sumakit ang ulo ko kakaisip. "Pwede ko po bang makuha ito? Titingnan ko po kung sino ang nagpadala. Ang totoo po nyan, ako ang laywer sa club na dating pinagtrabahuhan ni Ayanna. We met there." Sabi ni Zieg. Nagtinginan sila papa at mama. Tumango si papa. "Sige, hijo. Hindi ko gusto na may gustong manira kay Ayanna at idinaan pa sa amin." Tumabi sa kabilang side ko si mama at yinakap ako. "Proud pa rin kami sayo, anak." She said. "Alam ko na kung ano man ang ginawa mo noon, eh, hindi ka mapapasama. Nagulat lang talaga kami ng papa mo." "I'm sorry for lying, ma." Dahil nag suggest sila mama na doon kami matulog, hinintay na rin namin si Albert. Nagpaliwanag rin ako sa kanya. He's a little hesitant at first. Pakiramdam nya kasi ay binabastos daw ako ng mga lalaki doon dahil halos hubad na raw ako sa picture. Pareho kaming nag explain ni Zieg at ipinakilala ko na rin sya. "Sure ka ba na pwede ka na naman hindi pumasok bukas? I mean, maaga naman tayo aalis kaya lang hindi ka makaka abot for sure. Late na late ka." Nag aala na sabi ko. Kasalukuyan akong naglalagay ng bagong bed cover sa kama ko. Linilinis naman iyon nila mama habang wala ako pero hindi nila nilalagyan ng bed cover, tuwing uuwi lang ako. Ako na ang nag volunteer na maglagaya at tinutulungan ako ni Zieg. "It's fine. Don't worry too much." He assured me. Nilagyan rin namin ng mga pillowcase ang mga unan ko na pinlastic ni mama para hindi maalikabukan. How I miss my room. This time ay makakauwi uwi na ako na comfortable na sa pakiramdam dahil hindi ko na kailangan magsinungaling sa kanila. May gustong manira sa akin but it's actually a blessing in disguise dahil nasbi ko na ang lahat sa kanila. "I can imagine you going around in this room when you're still here." Nakangiti na sabi ni Zieg nang naka higa na kami. Malaki ang kama ko. Customized ang size nya, si papa ang gumawa. Kaya kasyang kasya kami ni Zieg. Nakaunan ako ngayon sa dibdib nya at nakayakap sa kanya. "Nako, magulo 'to dati. Madalas naman ako mag ayos o maglinis pero sobrang dami ko lang talagang gamit. Hirap ako mag let go ng mga gamit dati. Buti nga ngayon, kahit papaano hindi magulo sa apartment ko." "Ako naman sobrang minimalist lang talaga. I don't like a lot of stuff." "Halata nga, eh." I giggled. "Siguro 'yung ibang pumupunta sa bahay mo naiisip na nanakawan ka." Tumawa ako ulit. Tumawa rin sya. "Wala na sila mananakaw." Napatigil ang pagkukwentuhan namin nang mag ring ang cellphone nya. Tumayo sya at kinuha iyon sa tokador ko kung saan nya nilapag. Tinitingnan ko lang sya. Pulos "Yes, oo, hindi" lang ang sinasagot nya. Pero worried ang mukha nya. "What is it? May problema?" Bumangon ako nang tapos na syang makipag usap. "Nadiscover raw 'yata 'yung bug kay Selina. Hindi na sya ma trace. And the agent that I have been cooperating with is texting Selina at times at kuwari ay ako 'yung nagtetext. Hindi na rin daw nagreresponse si Selina, text or email." He joined me back in bed. "So mapupunta lang sa wala lahat ng pagod mo?" He groaned. "Let's not think about it now. Matulog na lang tayo." Pinatay nya ang ilaw ng lampshade at yinakap ako bago kami makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD