Kung baga sa kanta ni Rihanna, WORK WORK WORK WORK WORK.
'Yun ang ginawa ko kinabukasan. Wala akong tulog tapos iyak pa ako ng iyak kagabi so ang resulta, mukha akong zombie kinabukasan pagpasok ko sa Lush. Naiintindihan ko naman na hindi mapigilan ng mga empleyado ko na mapatingin sa akin dahil nga mukha akong zombie kaya kesa madistract sila ay nag stay na lang ako sa office.
"Ma'am, magpapabili po ba kayo ng lunch nyo?" Sumilip si Shane sa pintuan ng office ko.
Automatic na tumingin ako sa orasan. Pasado alas dose na pala. Hindi pa ako nakakaramdam ng gutom pero nagpabili na lang rin ako in case makaramdam ako ng gutom. Hindi ko na namalayan ang oras kasi ang goal ko for today ay makalimutan ko ang mga nangyari kahapon.
Naiiyak ako tuwing tinitingnan ko ang cellphone ko at nakikita na wala man lang message o tawag mula kay Zieg.
Gusto kong magsisi na pinaalis ko sya kagabi, pero mas lamang ang isipin na baka lumala lang ang pag aaway namin kung hindi ko sya pinaalis. Baka mas wala na akong aasahan na tawag o text mula sa kanya.
Pero sya ang dapat na mauna lumapit. Kahit mahal ko sya, I stand for my belief and instinct tungkol sa Selina na 'yon. Pero nag-aalala ako kay Zieg. Paano kung mapahamak sya dahil sa bruha na 'yon? Bakit naman kasi sobrang bait ni Attorney! Matatanggap ko pa rin naman siguro sya kahit sumama ng very light ang ugali nya.
Wala pa sa kalahati ng pinabili kong pagkain ang nagalaw ko. Itinabi ko na lang dahil baka mamaya ay magutom na talaga ako. Pinilit ko lang kumain dahil pancake at kape lang kinain ko kaninang agahan.
"Ma'am? May naghahanap po kasi sa inyo.." Kumatok muna si Shane bago nagsalita.
Nangunot ang noo ko. Ayoko umasa, s**t.
"Sino daw?"
"Ma'am.." Zieg.... "Hindi ko po kilala, eh."
Nawalan na ako ng pag asa nang sabihin iyon ni Shane. Kilala nya si Zieg kaya malamang na sasabihin nya na sya iyon kung sya nga.
I sighed. Tinanguan ko lang sya at tumayo na ako. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas at nakita ko na nakatayo malapit sa counter si Craig. 'Yung pinsan ni Bree.
Ngayon ko sya mas napagmasdan ng maayos. That night in Dolce Maria, the lights are dim and it's a little dark. Sobrang tangos pala ng ilong nya, thin lips tapos sobrang tangkad. I was more focused on Zieg that night kaya hindi ko masyado pinansin si Craig. But he's really nice, and he talk with sense.
He was wearing a little oversize and colorful polo na bukas ang unang dalawang butones, tapos chino shorts. Naka suot rin sya ng gray na baseball cap na nasa likod ang visor. He looked so cool. May hawak syang bote ng tubig sa kamay nya.
"Hi!" Lumapad ang ngiti nya nang makita nya akong papalapit.
Matipid akong ngumiti sa kanya. "Hey! What brings you here?"
"Wala lang, diba sabi ko one of these days dadalawin kita rito? I have some spare time and kahit na hindi ko sigurado na nandito ka, I still went."
Inaya ko sya na maupo sa pwesto na pinaka malapit sa counter. Tatlong table lang naman ang occupied at mamayang rush hour pa ulit dadagsa ang customers. Sinenyasan ko si Shane na dalhan kami ng inumin.
He put his arms into the table while smiling and looking at me like he'd never seen me before.
"What?" Natatawa na tanong ko.
"Nothing. I hope you're not busy." Kibit ang balikat pero nakangiti pa rin na sabi nya.
I chuckled. "Nope. Wala nga ako makausap." Which is true, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumutunog ang cellphone ko.
"Tama rin pala timing ko?" Bahagya syang tumawa. "Anyway, Bree's on the way. We're going to our cousin's homecoming and if you're not busy, we, especially me, would like you to come with us."
Hindi na ako nag isip at bigla na lang ako sumagot ng "Sure,"
Twenty minutes kaming nag kwentuhan ni Craig. Apparently, nag leave daw sya for a week dahil nga sa pagdating ng pinsan nila ni Bree. Isang buwan lang ang pagbabakasyon ng pinsan nila rito sa Pilipinas and they will travel together. Si Bree daw nag file na rin ng leave pero effective in two days pa. That time ay nasa El Nido na raw sila at si Bree ay susunod na lang.
"Traffic! Damn it," Nakasimangot na sabi ni Bree habang papalapit na sya sa amin.
I stood up at sinalubong ko sya ng yakap at halik sa pisngi.
"Mag aayos ka pa o tara na?" Mukhang nabadtrip na nga dahil sa traffic.
"K-kukunin ko lang bag ko."
Hindi ko naman na kailangan magpalit dahil maayos naman na ang suot ko. I really think na magandang opportunity ito para kahit papaano ay makapag unwind at mawala sa isip ko si Zieg. Kung nasaan man sya at ang Selina nya.
May dalang sasakyan si Craig so we used his car. Susunduin namin sa NAIA ang pinsan nilang babae, then didiretso kami sa hotel room na pinreserve nila para sa kanya pero hindi nya alam na nandoon na rin ang ibang pinsan nila at naghihintay para i spurprise sya.
"Kapag nakita mo si Gaile, hawig na hawig sila ni Bree. Mahaba nga lang ang buhok nya while Bree maintains her apple cut hair." Natatawa na sabi ni Craig.
Ako na ang pinaupo ni Bree sa harap, katabi nya sa likod ang tatlong bote ng Beringer Chardonay. Sabi nila ay paborito raw iyon ng pinsan nila. Craig and Bree told their cousin, Gaile, na sila lang ang makakasundo sa kanila dahil sobrang busy ang iba.
"Really? Kasing sungit rin ba sya ni Bree?" Natatawa na tanong ko.
Kita ko na nakanguso lang sa likod si Bree habang busy sa cellphone.
"Oh, she's nice. Si Bree lang ang medyo naligaw ng landas sa amin," Then Craig laughed.
"Shut up, Craig. Kala mo perfect ka? ikwento mo rin kasi kay Ayanna kung ilang beses kang na Principal's office at ilang sasakyan mo ang nabangga mo." Nakataas ang kilay na sabi ni Bree.
Lalo lang lumakas ang tawa ni Craig. Mukhang sanay na sanay na sa kasungitan ng pinsan.
"Hala, totoo? Palagi kang nababangga?" Natatawa pero gulat na tanong ko..
"College days. Ang tagal na noon, ah! Hindi ka maka move on, Sabrina?" Nakangisi na tanong ni Craig. Parang mas inaasar pa si Bree na kanina pa badtrip. Ni hindi ko pa nga sya nakita na ngumiti mula kaninang dumating sya.
Umismid lang sya kaya kami na lang ni Craig ang nag usap.
"I did went into three car accidents. Dalawa gamit mga sasakyan ko, tapos 'yung isa, kay Papa." Umiling iling sya. "College days, I was being pasikat."
Tumango tango ako.
"How about you? Any interesting college days story?" Palingon lingon sya sa akin at sa daan habang nagda drive sya.
Nag isip ako saglit. "Good girl ako nung college. Lately na lang ako naging medyo maldita." Nahihiyang sabi ko.
"May kailangan ka palang ikwento sa akin later," Biglang singit ni Bree.
Tiningnan ko sya sa likod at gumagalaw galaw ang mga kilay nya. I know na magtatanong sya tungkol kay Zieg at kung ano ang balita o balak ko.
Pasimple lang akong tumango bago ko ayusin ang pagkaka upo ko.
"You girls won't let me on in your secrets?" Nananantya na tanong ni Craig.
"Hindi ko alam na chismoso ka, dear cousin. At kung interisado ka malaman dahil crush mo si Ayanna, sorry." She moved forward to tap Craig in his shoulder. "She's taken."
Bigla akong nilingon ni Craig. "Really?" Parang gulat na gulat na tanong nya.
"Taken for granted." Biro ko tapos tumawa ako. Hindi ko na pinansin na hindi tumaggi si Craig sa pagkakasabi ni Bree ba crush nya ako.
Mabuti nang huwag na mapag usapan.
"Ayan, nababaliw na 'yan. Kaya gusto ko isama 'yan, eh. " Bree rolled her eyeballs before she sat back and went back to her phone.
"No, seriously? Are you with that guy the last time in Dolce Maria?" Binagalan ni Craig ang pagpapatakbo ng sasakyan at ilang beses na tumingin sa akin.
"Yes," Walang gatol na sagot ko. "But why are we talking about someone who's not here? Hindi naman sya gwapo para pag usapan." Umismid ako. "Let's talk about you." I grinned at him.
He giggled. "Segway," Biro nya.
I really liked talking to Craig dahil hindi awkward. Palaging parang may isasagot o sasabihin sya, meanwhile, si Bree naman ay hindi na nagsalita. We arrived at NAIA at smooth naman ang mga sumunod na pangyayari. Halos twenty minutes lang kami nag hintay at nakilala ko na si Gaile.
Magkakapatid ang mga tatay nilang tatlo.
"So where are we heading?" Tanong ni Gaile nang makasakay na kami sa sasakyan ni Craig. Magkatabi sila ni Bree sa likod at doon ko mas nakita ang resemblance. Same eyes, nose and face shape, mahaba lang ang buhok ni Gaile at mas makapal ang mga labi nya. Mas maputi rin kay Bree pero papasa sila na magkapatid, even twins.
"Hotel." Tipid na sagot ni Craig as he started driving.
"Can't we really go straight to your place, Kuya?" She looked confused. She moved forward para as makalapit sya kay Craig by pushing herself in between our seats in front.
"I told you, nagpapa renovate ako. Besides, we can't party there. My neighbors will curse me and I'd probably be kicked out dahil maingay ka." Tumawa pati si Craig.
Sumimangot si Gaile at muling umayos ng upo. "I'm stronger than before. Two years akong nag training sa California."
Napatingin si Bree sa kanya. "Hinahamon mo ba kami?" Bigla syang ngumisi.
"Ohhh. Triggered sya," Medyo kakaiba ang pagkakasabi ni Gaile dahil sa accent.
Tumawa kami ni Craig.
"Let's see how strong you are, Gaile. And remember, you'll be here for a month. Hindi ka lang isang beses iinom na kasama namin." Mayabang na sabi ni Craig.
Natatawa na lang ako habang pinagtutulungan nila Craig at Bree ang pinsan nila.
The surprise was success. Pinili nila Bree na sa Madison 101 Hotel + Tower mag check in dahil bukod sa malapit lang iyon sa condo nya ay lowkey daw kung baga ang lugar at carpeted ang floor kaya pwedeng pwede sila kahit sa sahig. Kahit daw kasi 'yung Presidential Suite ang kinuha nila ay trip nilang magpipinsan ang mag spin the bottle tapos truth or dare. Kaya mas lalo silang nagiging close.
Naiinggit ako the whole time na nagbibiruan sila. Malalayo kasi mga pinsan namin kaya hindi rin kami nagkikita ng madalas. Although sumasama naman kami minsan kapag halimbawa may birthday kapag pwede kami.
Kahit pinsan nilang mga bata pa ay sinama nila. Ganoon sila ka close. May dalawang kasamang yaya dahil may mga bata na edad six years old and eight years old.
"You having fun?" Inabutan ako ng isang bote ng beer ni Craig. Sinabi kasi ni Bree sa kanya na mas prefer ko ang beer.
Kinuha ko iyon mula sa kanya. Nagukwentuhan na ang iba habang tulog naman ang mga bata dahil naka kain na.
"Oo naman! Ang saya saya pala sumama sa inyong magpipinsan!" Bulalas ko. Wala kasing awkward moment, parang matagal na nila akong kilala agad. Game na game rin 'yung ibang pinsan nila. Sila Bree, Craig at Lian, isa pa nilang pinsan, ang mga pinaka matatanda. The rest are either teens or mga bata pa talaga.
Nahimasmasan na ako at nang magsabi na ako sa kanila na babalik na ako sa shop ay nag volunteer si Craig na ihatid ako. Ayoko na sana since kaya ko naman at mag-u-uber na lang sana ako but he insisted. Nagpaalam ako sa lahat at kay Bree na kahit papaano ay good mood na. One of these days ay kakailanganin na namin magkwentuhan.
Ang gaan na rin ng mood ko dahil nagpapatawa si Craig. Hindi ko na sya pinababa pero lumabas pa rin sya ng sasakyan para tingnan ang pagpasok ko sa Lush. Bago ako pumasok ay kinawayan ko sya at dumiretso na ako ng pasok. Halos three hours rin akong nawala pero nag enjoy ako.
Didiretso na sana ako sa office nang mapatigil ako dahil nakita ko na naka upo sa upuan na pinakamalapit sa counter si Zieg. Seryoso ang mukha at titig na titig sa akin. Nangatal ang mga labi ko. God, sobrang miss na miss ko na sya..
Unti unti syang tumayo at lumapit sa akin.
"Who was that? Saan ka galing?" Mahinang tanong nya. Lumamlam ang mga mata nya nang tumayo na sya sa harap ko. Hindi ako nakapagsalita dahil nakatitig lang ako sa kanya. Kinakabisado ko ang bawat sulok ng mukha ni Zieg.
Marahan nyang hinawakan ang isang kamay ko at pakiramdam ko ay nanghina ako.
"S-si Craig, p-pinsan ni Bree.." Ang nasabi ko.
"Can we talk?" Tanong nya sa parang napapaos na boses.
Tumango lang ako at marahan nyang hinila ang kamay ko papunta sa office ko. Nang makapasok na kami at maisara nya na ang pinto ay hindi nya pa rin ako binibitawan. Humarap sya sa akin.
"I'm sorry I left last night."
I bit my lower lip. Gusto kong sabihin sa kanya na nasaktan ako ng sobra sa ginawa nya pero hinayaan ko syang magsalita. I want to hear what he thinks, or what can he say about it.
"I'm sorry na umalis ako na hindi tayo nagkaka ayos. I'm sorry that I let you sleep without a peace of mind." Humigpit ang paghawak nya sa kamay ko. "Pareho tayong hindi magpapatalo kaya ayoko na sana lumaki pa."
Tumango ako. "I know.." Nahihiyang sabi ko. So ganoon rin pala ang iniisip nya.
"I'm sorry for all the times that I hurt you. I'm sorry if you think you're not on the top of my priority. I'm sorry because you felt that way. I never meant for everything to happen this way." His other hand cupped my face and looked at me tenderly. "From now on, araw araw kong ipaparamdam sa'yo kung gaano ka kahalaga."
Hindi ko mapigilan ngumiti. Pero naisip ko na hindi nya naman basta mapipigilan ang urge nya to help people, lalo na siguro kapag humingi na naman ng tulong ang Selina na 'yon sa kanya. Paano kung bigla na naman nyang piliin si Selina, the damsel in distress over me?
"S-sigurado ka? Paano si Selina kung halimbawa-"
"I love you,"
"Tumawag na naman sya sa'yo tapos..." Napatigil ako sa pagsasalita dahil parang may narinig akong sinabi nya. Napaawang ang mga labi ko.
"I love you." Ulit nya.
I froze. Napatingin ako sa mga mata nya. Did he just said that he loves me?
"I have fallen in love with you, Ayanna." Sabi nya ulit. Nakatitig lang sya sa akin. He's so close.
Napalunok ako. May parang kung anong sumabog sa loob ko na hindi ko maintindihan. Mahal din ako ni Ziegfried Alonzo III! Hindi ako nag iisa. Hindi lang ako 'yung nagmamahal dahil mahal nya rin ako!
"Babawi ako sa mga nagawa kong pagkukulang. Will you give me another chance?"
Para akong nalulunod sa paraan ng pagtingin nya at sa bawat salitang sinasabi nya. Totoo ba ito? Hindi panaghinip lang?
"Babe, say something.." May pagmamakaawa na sabi nya.
Napakurap ako. "Mahal mo ako?" I wanna hear it again.
"I love you." Mabilis na sagot nya.
"Hindi mo ako ipagpapalit kay Selina? Paano kung tumawag na naman sya tapos kailanganin ka na naman nya?" I really need to know his answer about this matter dahil ito ang issue na pinaka concern ako.
"I won't entertain her. Ikaw ang priority ko. I will never regret that I helped her but I regret making you feel like you're not my priority. Dahil ang totoo, ikaw lang. Ikaw lang naman talaga." He pulled me and hugged me. Yinakap ko rin sya.
I started sniffing. Naiiyak ako. Humigpit ang yakap ko at hinagod nya ang buhok ko.
"Sorry, babe." Sabi nya ulit.
"Promise mo 'yan, ha?" Ang kulit ko lang talaga, eh.
"Why are you with Bree's cousin again?" Imbes ay tanong nya.
Tiningala ko sya. "Inaya nila ako ni Bree mag unwind kasama ibang pinsan nila. Sumama ako kasi naiinis ako sa'yo. Ayaw kita isipin." I confessed.
"Did it work?" Amused na tanong nya.
"Not really." Nakanguso na sabi ko.
Halik ang isinagot nya sa akin. Hindi ko na kailangan itanong sa kanya kung namiss nya ako dahil sa paraan pa lang ng paghalik nya ay alam at ramdam ko na. And I know he can feel how I miss him too.
Humihingal kaming naghiwalay.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ko nang nakaupo na kami sa couch sa office ko. Nabuksan ko na rin ang air conditioner at unti-unti na ang paglamig ng office ko.
"Pumasok. Pupuntahan lang sana kita mamaya para makausap ka. But I can't concentrate and I needed to see you." He kissed my forehead. "Sabi ni Shane may sumundo daw sayo na lalaki."
Tumawa ako nang sumimangot sya.
"Bree's just cheering me up."
"Hindi nya ba talaga alam kung nasaan ka yesterday?"
"She knew.. I'm sorry. Magkasama kami sa condo nya that time. Ayoko lang talaga na makipagsagutan sa'yo so I hid."
Kung anu-ano pa ang pinag usapan namin habang nakahiga sya sa mga hita ko. I was playing with his hair and it felt so damn good having this kind of moment with him.
Nang mag ring ang cellphone ko, hindi ko alam na magkakaroon na naman ako ng problema.
Sinagot ko ang tawag ng kapatid ko.
"Ate..totoo bang dancer ka dati sa isang beer house?" Rinig at ramdam ko pa ang panginginig ng boses ni Albert sa kabilang linya.
Dumating na ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ko..