Nagluto si Tita ng nilagang baka. Because Zieg’s recovering, mainam daw na humigop sya ng sabaw. Tinulungan ko si Tita sa kusina habang si Tito Jay ay kausap si Martin sa likod. Aayain ko na sana kumain si Zieg pero pagpasok ko ay mahimbing ang tulog nya. We all decided na huwag na lang syang gisingin.
Pinasabay na namin si Martin sa pagkain.
Tumabi ako kay Zieg pagkatapos ko magpatunaw ng kinain ng kaunti. I hugged him from behind. I felt him squirmed a little, pero kagaya kanina ay hindi sya pumalag or hindi nya ako tinulak. I slept beside him with a smile on my face.
Mabilis akong napadilat nang maramdaman ko ang kakaibang pag-galaw ni Zieg habang naka yakap ako sa kanya. Napabangon ako at tiningnan sya. Parang nahihirapan sya na ewan. I was about to wake him up when he shouted.
“No! Ayanna!” Then tears started to run down his closed eyes.
Natigalgal ako sandal. Napatitig lang ako kay Zieg. He was squirming like he’s been having a hard time moving. Parang gusto nyang kumawala kahit wala namang nagrerestrict sa kanya.
“Please… Ayanna!” Lalong lumakas ang tawag nya at lumukot ang mukha nya na parang mas nahihirapan sya.
Binundol na ako ng kaba. Mabilis ko na syang ginising. Yinugyog ko ang braso nya while softly calling him.
“Zieg.. Zieg nandito ako..” Naiiyak na sabi ko. Naninigas ang katawan nya, he’s murmuring now at hindi ko maintindihinan. Mas linakasan ko ang pagyugyog sa kanya. “Zieg! Zieg wake up!”
Sobrang nagpapanic na ako kaya naisip ko na sampalin sya. I did, I made sure na malakas. De bale nang masaktan si Zieg basta magising sya. When Zieg opened his eyes, tinakpan ko ang bibig ko dahil naiyak na talaga ako.
He blinked a few times, tapos bumalikwas sya ng bangon at tumingin sa paligid na parang natatakot sya. When his eyes landed on me, I saw his eyes softened. Lumunok sya ng ilang ulit, tapos nakatitig lang sya sa akin.
Umiiyak na yinakap ko sya. “It’s okay, I’m here.” Pag-alo ko sa kanya.
Kagaya kahapon, hindi sya umiimik o gumagalaw. I kept on kissing his hair. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, but having nightmares meant there’s really something wrong. Something happened to him. I clenched my fist. Galit nag alit ako kay Selina at sa mga tauhan nya. Bakit hindi na lang sila mamatay?!
When I pulled away, nakatulala na lang si Zieg sa bintana. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Pero alam ko na mas kailangan ko pang maging matatag. Zieg should see na hindi ko sya susukuan.
When I camled down, inayos ko ang sarili ko. I just sat with Zieg habang nakatulala sya. Ayoko syang istorbohin. Habang nakaupo lang ako, I realized I need help to fully understand Zieg or to fully help him.
“Hindi mo ba talaga ako kakausapin?” Malambing na tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok nya.
He remained stoic.
“Let me help you, babe. I want you back.” Nagsimula na namang gumaralgal ang boses ko.
Unti-unti syang lumingon sa akin. Napangiti ako dahil sa wakas, kahit papaano ay tumingin sya sa akin, but his eyes were cold and lifeless. Parang may kung ano syang ayaw ipakita, he just stared at me for a few seconds tapos dahan dahan na syang bumalik sa pag higa.
Nang makatulog na sya, lumabas ako at kinausap sila Tita Ellen at Tito Jay about what happened. We wanted the same thing, gusto namin na may makausap na psychiatrist si Zieg. And although hindi namin alam kung paano iyon mangyayari, we will try to talk to him.
Nagwawalis ako sa bakuran nang makatanggap ako ng message kay Bree. Nangangamusta and hiningi raw ni Craig ang bagong number ko. Okay naman sa akin. Craig’s our hero, at ilang buwan na mula nang huli kaming magkita. Protektado rin kasi sya ng police kasi witness sya.
After a while ay tinawagan raw ng mga police si Tita Ellen, asking kung pwedeng makausap ulit si Zieg since nakalabas na sya sa hospital. Si Tita Ellen na ang kumausap kay Zieg dahil hindi naman sya sumasagot kapag ako. Pumayag raw si Zieg.
After dinner ay nagpa book na lang ako ng grab car para dumiretso na kami sa presinto. Kasama namin si Martin. He sat at the shotgun seat. Tita and Tito are in the middle at nasa pinaka likod na upuan kami ni Zieg.
Si Tita at Tito lang ang pinasama sa loob. I waited at the lobby of the police station. I was just hoping na sana ay matapos na ito.
Nagulat ako nang may tumabi sa akin tapos tinawag ako. Pagtingin ko ay si Craig iyon. I hugged him instantly tapos nagkamustahan kami. Mas nagkaroon sya ng laman ngayon and he looked okay.
“How are you? It’s been months!” Magiliw na tanong ko.
“Yeah. Okay naman. Although hindi pa rin ako sanay na palaging may naka sunod sa akin tuwing umaalis ako. So far, so good. Anong ginagaw amo pala dito? Kinausap ka rin ng mga police ulit?” Kunot ang noo na tanong nya.
Umiling ako. “Nope. I’m with Zieg and his parents. Kinakausap sya sa loob. Kaka discharge nya lang kasi kanina.. Ikaw?”
“As usual, kinausap rin ako. Baka may madagdag daw ako na information. I honestly just want this to end. Gustong gusto ko na mahuli na sila Selina and my boss. I hate fearing for my life most of the times. Kahit na may mga police sa paligid ko, nakaka paranoid pa rin kasi.” Sabi nya tapos napabuga sya ng hangin.
“I agree..” Mahinang sabi ko naman.
“Anyway, huwag na lang natin i-stress ang sarili natin. Maybe we can go out sometimes with Bree. Kain tayo sa labas. May mga bodyguards rin naman kayo hindi ba?” Maya-maya ay masiglang sabi nya.
Tumango ako. “Sure.”
“Or maybe we can go out of town kahit isang gabi lang. Let’s go to the beach!” Nagningning ang mga mata nya.
Tumawa ako. “That’s a good idea. Pakiramdam ko deserve naman natin mag unwind.” Naisip ko na kapag okay na si Zieg ay isasama namin sya. Sya ang pinaka kailangan mag unwind kung sakali.
Nag-usap pa kami about random things hanggang sa nagpaalam na si Craig. I stood up and we hugged. I thanked him again for saving us, pero nagulat ako nang may humila ng kamay ko at hinila ako palayo kay Craig.
Mahigpit ang hawak sa palapulsuhan ko. Mabilis akong napahiwalay kay Craig na malamang ay nagulat rin. Hindi na lang ako nakapag react nang makita ko na si Zieg iyon. Masama ang tingin nya kay Craig tapos humihigpit ng humihigpit ang hawak nya sa palapulsuhan ko.
“Z-Zieg..” Gulat na sabi ko.
Craig chuckled. “Uhm.. sige, Ayanna. I’ll see you soon.” Parang nahihiyang sabi na lang ni Craig.
Nang maka alis na si Craig ay sa akin naman napunta ang masamang tingin ni Zieg. Wala syang sinasabi pero kitang kita ko na galit sya. At hindi ko alam kung bakit!
“Let’s go?” Mula sa likod ni Zieg ay tanong ni Tita Ellen.
“Paunahin na muna natin sila. Dumaan muna tayo sa mall. We still need a lot of things in that house.” Sabi naman ni Tito Jay.
Sandaling nag isip si Tita. “Sige, kasama nyo naman si Martin.”
“Sige po, Tita. Ako na po bahala.” I assured them.
“Okay, bibilisan lang namin.” Sabi naman ni Tito Jay. Nauna silang lumabas, may mga taxi na sa tapat kaya sumakay na lang sila.
Tiningnan ko si Zieg na tulala na naman, but his expression is still grim. Hindi nya binibitawan ang kamay ko.
“Zieg.. m-masakit.” Sabi ko sa kanya.
Naramdaman ko na linuwagan nya ang pagkaka hawak nya pero hindi nya ako binibitawan.
“Magpapabook lang ako ng grab, okay? Tapos uuwi na tayo. May gusto ka bang kainin? Baka gutom ka?” Imbes ay tanong ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang hindi sya sumagot. We waited for the car. Nakasunod lang si Martin sa amin. Pinadaan ko sa drive thru ng Jollibee ang sasakyan, gusto ko kumain ng fries. Binili ko rin si Martin at Zieg. Nang ibigay ko sa kanya ang fries ay hindi sya gumalaw. So nag try ako na subuan sya, he opened his mouth and ate. Pero ilang piraso lang tapos ayaw nya na.
Papasok na kami sa gate ng bahay nang patigilin kami ni Martin sandali. He just needs to check the house kasi parang may hindi raw tama. Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Zieg sa akin at parang nag panic sya.
Oh, no. Please. ‘Wag naman ngayon.
I told Martin to just call the police or something tapos umalis na lang kami. Martin went around the house. Naka lock naman daw lahat. After five minutes, pumasok na kami dahil clear na daw ang area.
Damn it.
Dumiretso kami sa kwarto nya. I gave him the remote dahil wala naman syang ibang ginagawa kung hindi manuod o matulog. He doesn’t look the Zieg he used to be. He’s far from that. And while I like the ‘powerful’ vibes he gives off before, he’s vulnerable now and it makes me want to take care of him more.
“Babe, anong gusto mong ulam mamaya?” Para akong tanga na kinakausap pa rin sya.
He didn’t answer nor even look at my side. Nakaupo ako sa tabi nya, pareho kaming nakasandal sa headboard ng kama nya.
I got his hand and kissed the back of it. “If there’s something bothering you, pwede mo naman sabihin sa akin, eh.” Malambing na sabi ko pa.
I still waited hor his answer kahit na alam kong wala akong matatanggap.
“Anyway, anong sinabi mo sa police?” I caressed his hand. I missed being this close to him, to be skin to skin with him.
Syempre, hindi pa rin sya sumasagot.
My phone rang, and I got out of the bed. Nasa tokador ko kasi iyon linapag. Si Daena naman iyon, nangangamusta. Rinig ko pa ang pag-iyak ni Skye sa kabilang linya. Kakagising lang raw kasi. Nakiusap ako kay Daena na magtanong kay Ahren kung ano ang progress since pinatawag nga ulit ng mga police sila Craig at Zieg.
Bumalik ako sa kama pagkatapos. Ganoon pa rin ang posisyon ni Zieg.
For four days that I was there, ganoon ang routine. Hindi nya ako kakausapin o titingnan. Sumasagot sya kila Tita at Tito pero matipid at mahina lang. Kakain, matutulog o manunuod lang sya. Dalawang beses pa syang binangungot, at palaging ako ang binabanggit nya. He would always look like he’s having a hard time moving or he’s in restraint.
Every time that I see him like this, mas lalong bumabaon ang sakit.
When Tita Ellen finally had the courage to talk to Zieg about talking to a psychiatrist, hindi sumagot si Zieg. Tulala lang sya. But that night, si Zieg na mismo ang lumapit sa Mommy nya at sinabi na payag na sya.
It’s my fifth night here. Magkatabi kami matulog every night ni Zieg pero parang unan ang katabi ko. I can hug and touch him but he’s not hugging or touching me back. I can feel the loneliness. I feel rejected and sad. Pero iniinda ko iyon dahil kailangan kong intindihin si Zieg.
Tinawagan agad ni Tita Ellen ang psychiatrist na nirecommend ng Doctor sa hospital and the next day ay naka schedule na ng after lunch si Zieg. Pagkatapos kumain ay nakaupo lang si Zieg sa gilid ng kama at nakatulala na naman sa bintana habang ako ay busy sap ag-aayos ng gamit nya o ng susuotin nya.
“Okay ba sa’yo ‘to? Bagay sa’yo ang blue. Ito na lang suotin mo.” Magiliw na sabi ko at ipinakita ang light blue na polo shirt sa kanya.
Of course, hindi nya ako pinansin. Nasanay na lang ako na magsalita mag-isa.
“Tapos itong khaki shorts na lang ang iterno mo.” Ipinakita ko rin sa kanya pero ganoon pa rin, hindi nya ako pinansin.
Namili ako ng susuotin nyang sapatos. Itatanong ko sana sa kanya kung alin ang mas gusto nya nang bigla syang tumingin sa akin at nagsalita.
“Bakit kaba nagtatyaga sa akin?” Mariin na tanong nya.
Nawala ang ngiti ko at nakapurap ako dahil hindi ko inaasahan ang tanong nya.
“Zieg..”
“I am giving you your freedom, Ayanna. Iwan mo na ako. Maghanap ka ng ibang pwede mong mahalin.” His eyes are dead and cold while saying it.
“Z-Zieg ano bang sinasabi mo dyan?” I tried to laugh dahil heto na naman sya. I know he doesn’t mean it.
“Pwede ba, Ayanna? Huwag kang tanga. Don’t cling into me. Hindi na ako ‘yung dating Zieg. Marami nang nagbago sa akin!” He stood up, his fists clenched.
Napa atras ako dahil galit ang pagkakasabi nya.
“Hindi na ako ‘yung dati. Kaya iwan mo na ako.” Sabi nya pa ulit.
“Kasama ba sa nagbago sa’yo ‘yung nararamdaman mo para sa akin?” Mahinang tanong ko.
Hindi sya sumagot. Matiim lang ang titig nya sa akin, nakikipagsukatan na naman sya ng tingin and this time, hindi na ako magpapatalo. After a few days, he finally talked. Pero para paalisin na naman ako.
“Nagbago na rin maman ako, eh. Hindi na rin ako ‘yung dating Ayanna. Pero mahal pa rin naman kita.” Mapait na sabi ko.
“Sinasabi mo lang ‘yan. You don’t know what happened to me.” He said grimly.
“Then tell me! Kausapin mo ako. Sabihin mo sa akin.” Binitawan ko ang hawak kong sapatos tapos lumapit ako sa kanya. “Sabi ko naman sa’yo diba? Im here. You can talk to me. Sabihin mo sa akin kung anong nangyari.” My eyes starts to water.
Umiwas sya ng tingin sa akin.
“Zieg, please? Please naman, oh? Sabihin mo sa akin. I want to share your pain. Mahal na mahal kita, huwag mo naman ako itaboy.” I started sobbing.
Hindi pa rin sya gumagalaw.
“Kada sinasabi mo na umalis ako, palalim na ng palalim ‘yung sugat at sakit, eh. Hindi mo na ba ako mahal? Kasama bang nag-iba sa’yo ‘yung nararamdaman mo?” Nanghihina na tanong ko.
Paano kung sumagot sya ng oo? Paano kung makita ko na totoo iyon? Anong gagawin ko?
“What happened to us, lalo na sa’yo, isn’t easy. Mahirap, Zieg. Pareho naman tayong nasaktan at naghirap. Pero bakit tinataboy mo ako?”
He started shaking, nakayuko sya pero kita ko na tumutulo na ang mga luha nya.
Akmang lalapitan ko sya at yayakapin when he blurted “I was raped. They raped me.”
And it was like a bomb that exploded in my face.
Hindi ako agad nakagalaw. Unti-unting umahon at gumapang sa loob ko ang matinding galit at sakit.
Zieg slowly pulled his head up. “They used me like I was an animal. I was caged, I was bound.” Hirap na hirap na sabi nya. “Putangina, ginamit nila ako ng ginamit! And the f*****g worse of it, my body succumb to their wants. Tinitigasan ako, linalabasan ako. Gusto ko nang mamatay right there and then. I feel so disgusted and dirty!”
Hindi ako makagalaw. Damang dama ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Zieg. His pain was so deep it can hurt anyone who can feel it.
“Ilang buwan.. ilang buwan na ganoon ang ginagawa nila sa akin.” He continued. His tears are non stop pouring down from his eyes. “They kept me for that reason alone. They were laughing at me dahil sa kabila ng pagtutol ko ay tinitigasan pa rin ako. They can make me c*m. I was their f*****g s*x slave! All of them used me. Lahat sila dinumihan na ako. Madumi na ako, Ayanna. Do you understand?!” Dinuro nya ang sarili nya habang sagana ang pagtulo ng luha nya.
I wanted to hug him and tell him that it will be okay pero nang lalapit na ako ay umatras sya.
“Don’t touch me..” humihikbi na sabi nya. “Madumi na ako.. ayoko na nito. Ayoko na sa sarili ko. Diring diri na ako sa sarili ko.” He said in between his sobs. His arms roamed around his body like he’s scratching the surface of his skin.
Mabilis akong nakalapit para pigilan sya. “Zieg..stop it please!”
“Ayoko na! Ayoko na sa sarili ko!” He kept on shouting.
Bumukas ang pinto at nakita ko sila Tita Ellen at Tito Jay.
“W-what’s happening?” Gulat na tanong ng dalawa.
I smiled bitterly at them. It’s not my story to tell. “Tita.. M-maguusap lang po kami ni Zieg.”
I know they understood it very well. Pareho kaming umiiyak. So they went out and closed the door again kahit na nag-alala rin sila. Mabilis kong yinakap si Zieg.
“I don’t deserve you anymore, Ayanna. I’m a f*****g mess. I hate myself.” Mariin na sabi nya as he tries to push me away from him.
“No! Please, Zieg. Don’t do this to me. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari!” Pagmamakaawa ko sa kanya. Hinihigpitan ko ang kapit ko sa kanya as he still tries to push me away.
He stopped pushing after a few seconds. “Hindi mo ako iiwan?”
Tiningala ko sya. It sounded sarcastic.
“Selina’s already seven months pregnant before I got away.” Matigas na sabi nya habang nakatitig sa akin.