Chapter 10

1776 Words
AODIE "AODIE! Tapos ka na?" tanong bigla ni Benjie nang nakita n'ya akong mabilis na paakyat ng hagdan. Huminto ako at masama ko s'yang tinignan tapos bumalik sa pag lalakad. Agad kong kinuha ung baril ko sa ilalim ng kama ko at mabilis na lumabas. Agad namang napatakbo si Benjie pababa nang makita n'ya ako at dahil itinutok ko sa kan'ya ung baril ko. "P*tang-in* ka! Bakit mo ako iniwan doon? At bakit hindi mo sinabi na iyon ang gagawin sa akin?!" sigaw ko sa kan'ya at mabilis s'yang hinabol palabas ng bahay. Akala ata ng mga kasama namin ay muli kaming naglalarong dalawa dahil minsan kaming ganito ni Benjie kaya naman ung mga kasama namin tinatawanan na lang kami! Nagtago si Benjie sa isang puno ng narra at doon bumalik ng sigaw. "Ako dapat gagawa no'n pero alam kong takot ka kaya hindi ko sinabi at si Cold din ang hiningan ko ng tulong para magawa iyon! Sorry na!" sigaw nitong tugon. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman pinutok ko na lang lahat ng bala ko sa puno kung saan s'ya nagtatago at nung naubos, ibinato ko sa puno na iyon at padabog na bumalik sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Cold na palabas ng mansyon, nakakunot ang noo n'ya at mukhang gustong alamin kung bakit maingay sa labas. Hindi ko s'ya pinansin at pinagpatuloy ang pagdadabog ko. Agad akong dumapa at umiyak sa kama ko nang makarating ako doon. "UY! MALAKAS daw ang bagyong tatama dito sa atin," saad ni Benjie habang ibinababa ung tray na may lamang pagkain at inumin. Tatlong bwan na ang lumipas simula nung nilagyan nila ako ng tattoo at nakabawi naman na ako kay Benjie kaya okay na kami at ngayon nga ay balitang may malakas na bagyong tatama sa lugar namin. Nag aalala ako kila mama pero sabi n'ya okay naman daw sila at wala dapat akong ikabahala dahil maayos sila at may stock silang pagkain, bukod daw doon nakapagharvest sila sa mga tanim namin nitong nakaraan kaya marami silang pagkain. "Oo nga daw, nakakatakot dahil tahimik ang paligid. Mukhang sobrang lakas talaga nito," tugon ko at tumingin sa paligid. Sabi kasi ganon daw iyon, pagtahimik, mas malakas. Dahil naman sa tinuran ko sa aking isipan biglang pumasok sa isip ko si Cold. Tahimik pero malakas.. magandang idescribe sa kan'ya iyon. Speaking of! Pareho na din kaming iwas sa isa't isa. Nagkikita na lang kami pagtraining pero ngayon hindi na lang ako mag-isa. Kasama ko ang iba kabilang sila Giovani at Christine. Medyo nakakabwisit nga dahil laging hinaharot ni Christine si Cold, kaya lagi din akong inaasar ni Benjie na nagseselos. Masama ba?! Nakakabwisit kaya! Training pero nakikipagharutan?! "Oh! Ano na namang iniisip mo?! Kawawa naman iyong cookies!" saad ni Benjie kaya binalingan ko ung cookies at kawawa nga dahil lasog lasog na ito. Lumipas ang oras at nag-umpisa na ang malalakas na hangin at ulan kaya nag stay na lang ako sa kwarto ko buong maghapon at doon na lang nanuod ng tv at gumawa ng kung ano anong bagay lalo na ang pagtulog. Dahil malakas ang bagyo, wala pa mang gabi pero madilim na ang paligid dahil sa madilim na ulap. I prefer to be in the dark also kaya naman hindi ko na binuksan pa ang malaking ilaw bagkus ang mga dim lights na lang ang ginamit ko pero agad ko din pinatay nang oras na para ako ay matulog. Katulad pa din kanina, malakas ang bugso ng hangin na parang tatangayin ang mga mahihinang klase ng bubong, sinasabayan din ito ng malalakas na patak ng ulan kaya naman wala maririnig kun'di mga sipol ng hangin at patak ng ulan. Agad akong napabalikwas sa pagtulog nang makarinig ako ng kaluskos galing sa kung saang parte ng kwarto ko. Pilit akong nakiramdam pero hindi ko maramdaman. Baka guni-guni ko lang at wala talagang tao? Pero naputol ang pag-iisip ko dahil naramdaman kong lumubog ang kanang parte ng kama ko. Malamig.. malamig ang pakiramdam ko bukod doon nakaka amoy ako ng dugo sa kan'ya! Mabilis akong humarap nang naramdaman kong hinawakan n'ya ang bewang ko. "Sino ka?!" singhal ko. Hindi ko s'ya maaninag at tanging pigura lang n'ya ang nakikita ko. Madilim pa din kasi ang paligid at malakas pa din ang hangin at ulan kaya walang naririnig kun'di ganon pa din. Hindi s'ya sumagot kaya naman magsasalita dapat ulit ako pero hindi na natuloy dahil agad n'yang siniil ng halik ang mga labi ko. Idiniin n'ya ako sa kamang hinihigaan ko. Kahit anong pagpupumiglas ko ay wala akong nagawa dahil mas malakas s'ya sa akin kahit pa pakiramdam ko may sugat s'ya sa kung saang parte ng katawan n'ya. Kusang tumigil ang pagpupumiglas ng katawan ko nang lumapat ang mga labi n'ya sa panga ko pababa ng aking leeg. Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto ko ang ginagawa ng lalaking mapangahas na pumasok sa kwarto ko. Parang panatag ako na s'ya ang gumagawa no'n sa akin, panatag ang puso at isipan ko. Parang pamilyar s'ya sa katawan ko. Nadadarang ako sa sarap ng mga halik na inilalapat n'ya sa akin. Kasabay ng malalakas na hangin na tumatama sa paligid ng mansyon, ang halinghing at impit na ungol kong pinapakawalan dahil sa haplos at halik nito sa akin. Hindi ko na namalayan na isa isa na n'yang pinunit ang mga damit na nakatakip sa katawan ko. Ang mga damit na bumabalot sa katawan ko sa panahon ng malamig. Ngayon ay malaya na n'yang hinahaplos ang bawat maseselang parte ng katawan ko. Dapat akong matakot dahil hindi ko kilala ang gumagawa nito sa akin pero hindi ko magawa dahil kampante ang puso ko. Bumaba ang halik nito sa aking pagk*****e at binigyan din ng magaan na halik. Ang lambot ng kanyang labi ang muling nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam at nagpamuo ng kung ano sa aking puson. Nag umpisa s'yang halikan na parang labi ang aking kaselanan na ikinaiigtad ko at napapasabunot ako sa kan'yang buhok dahil sa binibigay n'yang sensasyon sa katawan kong ngayon lang nakaramdam ng ganito. Isang pagdila pa at naramdaman kong meron lumabas sa parte kong iyon. Ang akala ko na tapos ay hindi pa pa dahil bigla n'ya itong hinigop kaya naman kahit ayoko ay malakas akong napaungol na agad din nitong pinigilan gamit ang kamay n'ya. Ramdam kong umungat s'ya kaya naman tinignan ko s'ya at doon ko nakita na unti unti na s'yang naghubad ng kanyang damit. Hindi ko man s'ya nakikita alam kong maganda ang build ng katawan n'ya. Matapos n'yang maghubad, muli s'yang pumatong sa akin at siniil ako ng halik habang ang mga kamay n'ya ay patuloy sa paglamas ng aking dibdib. Ramdam ko din ang kan'yang alaga na hindi ko man kita ramdam na ramdam kong mahaba at may kalakihan. Bumitaw s'ya sa halik naming dalawa at umangat, muli nitong sinalat ang aking kaselanan na nagpaigtad sa akin dahil kasabay ng paghaplos n'ya doon s'yang pagdampi ng kan'ya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagpasok ng ulo nito sa aking lagusan kaya naipikit ko na lang ang mata ko at ninamnam ang papasok na sakit sa aking kaselanan. Isang malalim at malakas na ulos ang ginawa nito kaya pareho kaming napasinghap, ako dahil sa sakit na naramdaman ko dahil sa pagkapunit ng bagay na humaharang sa loob ko. "M-Masakit.." mahinang daing ko na may halong pagluha. Hindi s'ya sumagot at hinalikan na lang ako nito habang muli n'yang nilalamas ang dibdib ko, pinaglalaruan ang dalawang tuktok ko habang unti unti n'ya pa ding isinasagad sa loob ko ang lahat ng alaga n'ya. Sabay kaming umungol sa loob ng bibig namin nang maramdaman kong nakasagad na s'ya sa akin. Sandali s'yang tumigil at tanging paghinga lang namin ang naririnig kasabay ng sipol ng hangin. Nang maramdaman n'yang unti-unti nang lumuwag ang loob ko doon s'ya gumalaw na nagbigay ng kakaibang kiliti sa aking katawan. Gumalaw s'ya ng mahihina at dahang dahang galaw hanggang sa unti-unti itong bumilis na nagbigay ng sarap sa kaninang nasasaktan kong kaselanan. Hindi ko namalayan na sumasabay na ang balakang ko sa ginagawa n'ya. Ang kaninang impit na ungol ko at napalitan ng di gaanong kalakasan na ungol at halinghing. Hanggang sa parehas naming naramdaman na malapit na kaming makaabot sa sukdulang kaming dalawa ang may gawa. Hanggang sa bumaba ang ulo n'ya at sumiksik sa leeg ko na bahagya n'ya pang sinipsip. Dalawang ulos at doon na pareho kaming impit na umungol dahil sa sabay naming pagpapalabas ng aming mga katas. Nanghihina akong yumakap sa kan'yang pawisang likod at habagyang hinaplos iyon habang unti unting dinadala ako ng antok at pagod. Ang tanging nabangit ko lang bago ako makatulog ay.. "C-Cold.." At tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Kinabukasan, nagising akong masakit ang katawan at ang ibabang parte. Pero ang napansin ko ay nakahiga na ako ng maayos at iba na ang damit ko, nakakumot na din ako at maayos ang pagkakahiga ko. Unti unti akong umangat sa pagkakahiga kahit na iniinda ko ang sakit ng kaselanan ko. Tinignan ko ang paligid ko. Madilim pa din dahil hindi pa din tumitila ang ulan. Tinignan ko ang sahig ng aking kwarto at hindi nakaligtas ang bakas ng dugo dito.. May sugat s'ya.. Sambit ko sa isip ko kaya naisip kong alisin ang kumot ko. Nakita kong may dugo sa gilid ng sapin ko pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang ilang mantsa ng dugo sa gitnang parte kung saan kami panigurado nakapwesto. Kinuha n'ya man ang iniingatan ko, bakit wala akong nararamdaman na inis o pagsisisi? Hindi matatawag na rape ang ginawa n'ya dahil hinayaan ko s'yang gawin iyon sa akin at bukod doon, nasarapan din ako. Pero s'ya nga ba talaga? Paano kung ibang lalaki pala? Pero hindi sigurado ako dahil kampante ang puso ko. Panatag at walang pagsisisi. Dahil aminin ko man sa hindi, may nararamdaman akong pagmamahal kay Cold. TAHIMIK akong kumakain sa dining kasama ang may mga rango sa grupo. Napatingin ako sa upuan ni Cold dahil hindi s'ya sumabay sa amin. "Nasaan ho pala si Cold, Don Marcelino?" tanong ni Giovani. Nagpunas lang ng bibig ang Don bago sumagot. Hindi ko pinahalata na gusto ding malaman kung nasaan ang lalaki. "Bumalik na sa Manila si Cold, nung umaga habang hindi pa malakas ang ulan at hangin. May inutos ako sa kan'ya. Marahil ngayon ay naghahanda na iyon pabalik ng states," tugon ng Don. Bahagya akong natigilan at parang binuhusan ng yelo, kung umalis si Cold nung umaga?! Sinong pumasok sa kwarto ko?! Bakit pakiramdam kong s'ya iyon?! I want to talk to him and confront him but how?! Kailan s'ya babalik?! ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD