Chapter 9

1653 Words
AODIE "TUMAKAS ka kagabi?" tanong ni Benjie na ikinatango ko. "Aods! Delikado iyong ginawa mo! Alam mong paggaling tayo sa paglusob, hindi dapat umaalis ng mansyon!" singhal nito sa akin. "Alam ko naman! Nag-aalala lang ako sa bahay namin pero hindi naman natuloy dahil doon sa bwisit na yelo na iyon!" saad ko tapos tinignan na ung mga papeles na nasa harap ko. Wala naman akong mapapala kung magrereklamo ako dito! Kaya kahit tamad na tamad akong magbasa ng mga business documents na ibinigay sa akin, binasa ko pa din at halos maduleng-duleng ako sa sakit ng mata nang mag-umpisa akong mag basa. Hindi ko pa nakakalahati ang isang folder nang may hindi ako maintindihan kaya naman hinarap ko si Benjie na busy sa pagkalikot ng isang bagong baril. "May alam ka ba dito? Tulungan mo naman ako," malungkot na saad ko dito. Ibinaba n'ya ung baril na hawak n'ya at tinawanan ako. "Baril ba ang mga nakasulat d'yan? Kung hindi. Wag ka na mag tanong dahil wala akong alam dyan," saad nito. "Si Cold ang lapitan mo, 'di ba iyon ang sabi ng Don?" habol nito na ikinatahimik ko. Binasa ko na lang ulit at wala talaga akong maintindihan kaya naman tumayo ako at lumabas ng kwarto kung nasaan kami kanina. Bawat sulok ng bahay ay hinanap ko si Cold pero hindi ko s'ya nakita, I even asked Gio kung nakita n'ya si Cold pero hindi daw kaya naman bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina at padabog na umupo. "Wala naman si Cold sa kung saang lugar!" inis kong usal na ikinatawa ni Benjie. "Para kang nagtatampong jowa! Baka nasa kwarto n'ya, puntahan mo na lang. Magkatabi naman ang kwarot n'yo." saad nito habang may kinakalikot na naman na baril. Magkatabi ang kwarto namin? Saan doon? Hindi ko na pinansin si Benjie at muling tumayo para hanapin si Cold. Umakyat ako sa palapag kung nasaan ang kwarto ko. May limang pinto doon, tatlo sa kaliwa at dalawa naman sa kanan. Nasa kaliwa ang kwarto ko at gitnang pinto.. So saan ang kwarto dito ni Cold? Balak kong katukin na lang ang dalawang pinto para sana malaman ko kung saan talaga. Pumunta ako sa kaliwang kwarto na katabi ng kwarto ko at akmang kakatok ako nang bumukas ang pintuan sa dulo ng pasilyo at lumabas doon si Christine na seryoso ang mukha pero nang makita n'ya ako ay nagbago bigla ang timpla. Ngumiti lang naman s'ya at bahagyang nagpunas ng labi n'ya. Nag-ayos nang buhok at parang umarteng pinapawisan s'ya. "Anong problema ng bagoong na iyon?" napatingin ako bigla sa side ko nang marinig ko ang boses ni Benjie. "Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko dito. "Eh kasi hindi ka naman nagtanong kung kaliwa o kanan ba, kaya pinuntahan kita para sabihin doon sa dulo iyong kwarto ni Cold," saad n'ya. Napatingin naman ako doon at inalala ung ginawa ni Christine kanina. Yuck! May ginawa ba sila? "Hayaan mo na, hindi na ako magpapatulong sa damuhong animal na iyon!" Saad ko at padabog na naglakad pabalik sa lugar namin ni Benjie. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko basta ang alam mo lang, naiinis ako! ILANG LINGGO na ang nakalipas nang makauwi kami dito sa probinsya. Nagkaroon na ako ng kontak kila mama pero katulad noon, hindi pa din ako pwedeng lumabas ng mansyon. Tanging tawag o text lang ang napapadala ko. Mabuti naman ang kalagayan nila doon kaya wag daw akong mag-alala sabi ni mama nung minsan kaming nakapag-usap. Napanatag din ang loob ko nung narinig ko iyon kaya naman kahit paano ay hindi ko na naisipang tumakas bukod doon ung secret passage ko ay pinasara na talaga ng tuluyan ng yelo na iyon! Patuloy pa din ako sa training ko kahit sobrang naiinis at naiilang ako sa kan'ya dahil naaalala ko pa din ung itsura ni Christine habang nagpupunas ng labi n'ya at bahagya pang pawisan! Actually nagagalit ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Gusto kong mainis dahil nandidiri ako pero gusto ko ding isipin na wala talaga silang ginawa baka acting lang iyon ni Christine pero ang mas nakakainis?! Anong pake ko?! Ano naman kung may ginawa sila?! Bwisit lang talaga! Naalala ko na naman tuloy! "Aargh!" inis kong sigaw sabay hagis ng kutsilyo sa harapan kong puno. Kinuha ko iyon at pinagsasaksak. Doon ko binuhos ang inis ko sa mga nakita ko at sa sarili ko. "Kawawa naman iyang puno," Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Gio na nakangiti sa akin. Napangiti na din ako at binalingan ang puno na kanina ko pa sinasaksak. May mga tulo na ito ng dagta at para na s'yang nagmamakaawa na tumigil na ako dahil nasasaktan s'ya. "May problema ka ba? You can share it with me," saad nito pero ngumiti ako at umiling sa kan'ya. Kahit naman galit ako kay Cold naaalala ko pa din ung rules n'ya na ibinigay sa akin. 'Rule Number 2. Don't trust those people around you' Pag-alala ko sa sinabi n'ya habang nakatingin kay Gio, hindi sa wala akong tiwala sa kan'ya. Siguro maganda na din talaga na nag-iingat ako. "Wala.. nagpapractice lang ako, kumusta?" tanong ko dito para maiba ang usapan. "Okay lang naman. Medyo naninibago dahil bagong environment na naman ngayon," saad nito kaya napatango ako. "Madaming tanawin dito pero dahil hindi tayo pwedeng lumabas, hindi tayo makakapag-ikot ikot. Sayang!" saad ko sabay ngiti. "Dito ka ba lumaki?" tanong nito na masaya kong ikinatango. "Dito ako lumaki, nandito din ang pamilya ko," nakangiting saad ko. "Paano ka napunta kay Don Marcelino?" Napatingin ako dito at inisip kung dapat ba akong magkwento pero dahil nakikita kong gusto n'ya talagang malaman, huminga ako ng malalim. "Malaki ang utang na naiwan ng namayapa kong ama kay Don Marcelino, hindi namin nakayanang bayaran kaya naman, ako ang ipinambayad ng ina ko," tugon ko sabay tingin muli sa puno. "Ginipit ka ba?" tanong nito kaya napabalik ang tingin ko dito. "Hindi, ang nanay ko ang mismong nagbigay sa akin," tugon ko. Tanggap ko naman na iyon dahil sinabi na iyon ni mama. S'ya mismo ang nagsabi na isa na lang sa anak n'ya ang ibabayad n'ya. "Mabuti pa kayo," sagot n'ya na may halong hinanakit. Magtatanong pa sana ako nang tawagin ako ni Benjie, kaya naman nagpaalam ako kay Gio at mabilis na lumapit kay Benjie na agad akong hinila paalis doon. Pumasok kami sa kwarto kung saan nandoon din pala si Cold. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko at parang hindi mapakali sa tingin ni Cold na malalim at para akong hinuhusgahan na parang hinuhubaran. "May sasabihin daw sa'yo si Cold, iwan ko na kayo," saad nito kaya naman para akong kinabahan at hinabol s'ya. "Saglit! Benjie!" tawag ko dito pero hindi ako pinansin at nag dere-deretsong lumabas. "Sit down," malamig na turan ni Cold kaya napabalik ang tingin ko sa kan'ya. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko na parang kinakabahan. Hindi s'ya sumagot at tumingin lang sa akin pailalim sabay lakad papunta sa kung saan. Pinagmasdan ko lang s'ya at tinignan lahat ng ginagawa n'ya. May inilabas s'yang mga needles na ginagamit pang tattoo kaya kinabahan ako. "Wait! Ayoko n'yan! Takot ako sa karayom!" saad ko dito. "You need this. Now, sit down and take your shirt off," seryosong saad nito kaya mas kinabahan ako. "Cold, takot talaga ako sa karayom.. ayoko.." saad ko dito na parang nagmamakaawa. Kaya kong makipaglaban, suntukan at barilan pero ang karayom! Utang na loob! Ilayo n'yo ako dyan! Nagulat naman ako nang biglang lumabot ang ekpresyon ng mukha nito na agad ding nawala iyon nang mapansin n'ya ang itsura ko. "Umupo ka na," mahinahon nitong turan. Sa gulat ko sumunod na lang ako. Nagulat ako na nagbigay s'ya ng ekspresyon kanina at nagulat ako dahil nagkaroon ng himig ung pangungusap n'ya. Magkatapat na kami ngayon habang inaayos n'ya ung mga gamit na gagamitin n'ya sa pag lalagay ng tattoo sa akin. "Turn around and take your shirt off," utos nito na ginawa ko naman. Tumalikod ako at inalis ung damit ko. Nagulat ako nang lumapat ang mainit na palad ni Cold sa bewang ko. Kung anong kinalamig ng ekspresyon n'ya s'yang kinainit naman ng palad n'ya. "Isandal mo sa sandalan ung katawan mo," saad nito habang iginagaya ung katawan ko payuko kaya ginawa ko naman. Naramdaman kong inusog n'ya palapit sa kan'ya ung upuan ko at inikot iyon para mapunta sa gawi n'ya ang kanang bahagi ng katawan ko. Napapikit lang ako ng magtama ang mga mata namin. Ayoko talagang tumatama ang mata n'ya sa akin dahil nanghihina ako bigla. Habang nakapikit ako, narinig ko ang machine na gagamitin n'ya. Kinakabahan talaga ako.. Nakarinig ako ng buntong hininga sa kan'ya kaya naman napadilat ako at nakita kong nakatitig s'ya sa likod ko na alam kong maraming peklat. Muli kong naramdaman ang mainit n'yang palad sa likod ko at parang tinanggal ung strap ng bra ko. Nang mabuksan iyon, pumunta ang kamay n'ya sa pinakagilid ng dibdib ko na matatakpan ng bra ko. "Relax," saad nito kaya naman ginawa ko at sa unang pagkakataon ngayon ko lang naranasan ang halos himatayin dahil sa ginagawa n'ya. Makalipas ang higit sa isa't kalahating oras. Naramdaman kong umayos na ng upo si Cold at pinunasan ung lugar kung saan n'ya ako nilagyan ng tattoo. "Done," saad nito. Biglang magbago ang kilos ni Cold, inalalayan ako at napabuntong hininga kaya napatingin ako sa kan'ya pero agad ko ding tinakpan ang hinaharap ko nang makita kong doon s'ya nakatingin at may palunok pa! "Manyak!" singhal ko at mabilis na kinuha ang t-shirt ko. Hindi ko pa man nakikita ang tattoo na inilagay n'ya sa akin, sinuot ko na ang t-shirt ko na medyo napangiwi dahil sa hapdi ng parte na iyon. Mabilis akong umalis sa kwarto na iyon na hindi man lang tinatanong ang dapat kong gawin. Nag-iba na kasi ang pakiramdam ko dahil sa mga titig at haplos n'ya. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD