Chapter 4

1555 Words
AODIE Nakangiti akong pumasok ng dining pero agad ding naglaho nang makita ko ang lalaking yelo! He's simply talking to Benjie na seryoso lang din na naghahanda ng pagkain naming dalawa. Tumingin sa akin si Benjie nang maramdaman n'ya ung presensya ko. "Bilis uy! Gutom na ko," saad nito at umupo sa tabi ni Cold. Naglakad lang naman ako sa kabilang side at doon naupo sa tapat ni Benjie. Habang nag-uusap sila about sa mga gamit na dapat ihanda ni Benjie, mga pabaon kung baga. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at umiinom ng kape na s'yang inihanda nitong kaibigan ko. Halos mamatay naman ako nang ituro ako ni Benjie kay Yelo ay I mean Cold pala. "Eto si Aodie! Magaling na sniper 'to, s'ya kaya nagamit ng mga ipinadala mong sniper gun dito.. s'ya pinagamit ko kasi maalam s'ya doon, though she's also good at close range at combat battle, mas mapagkakatiwalaan nga lang s'ya sa snipping.. pupusta ko isang daliri n'ya!" saad nito sabay subo ng kaning nasa kutsara n'ya. Hindi ko naman alintana ang tingin ni Cold sa amin nang batuhin ko ng baso itong si Benjie na natamaan naman sa gusto kong tamaan, pero imbis na magalit ay natawa lamang s'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero parang wala lang talaga sa kan'ya iyon. Tarantado talaga ang hayop na ito! Ibinenta ako! Bumalik sila sa pag-uusap ng seryoso nang matapos naming magtalo ni Benjie gamit ang mga tingin habang ako bumalik sa pagkain. Napatingin naman ako kay Cold nang magsalita ito at alam kong ako ang kinakausap n'ya. "You will be the sniper later, woman. Prepare yourself. Ayoko ng palpak sa gawin," saad ni Cold bago tumayo at lumabas ng dining. "Nakita mong kasimpatikuhan ng lalaking yelo na iyon! Nakakainis talaga! Gusto ko s'yang chopchopin tapos isako!" gigil na saad ko na may kasama pang-action kaya tawa nang tawa so Benjie. "Mabait si Cold, mas mabait pa s'ya sa mga taong akala natin mabait... trust me, Aodie.." natatawang saad n'ya sabay subo sa pagkain n'ya. Natapos kaming kumain kaya naman nagpunta kami sa under ground kung nasaan nandoon ang sanctuary ni Benjie. Ang mga baril at iba pang mga kagamitan na lagi naming ginagamit. Pumasok kami sa pinkadulo at itim na pintuan matapos n'yang pumindot sa kung saan. Pagpasok namin, hindi na ako nagulat na tumambad sa amin ang mga dekalibremg baril na mukhang kakadating lamang dito sa mansyon. "Pumili ka ng baril na sa tingin mo kayang kaya mo at syempre malakas na parang ikaw," saad nito at inabot sa akin ang isang baging knife. "Kayang gumilit ng leeg kahit dikit lang," saad n'ya na may ngisi sa mga labi. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ang bawat talim ng kutsilyong ibinigay n'ya akin. Isang ngiti ang sumilay sa akin at tumingin kan'ya. "Kaya din ba nitong gumilit ng leeg kahit pa yelo ang tao?" tanong ko. "G*go! Hindi mo pwedeng galawin si Cold! Baka unahan ka no'n.. hindi mo s'ya kilala, Aodie!" natatawang banta nito. Matapos naming pumili, lumabas na kami. Kasama ang mga pinili kong baril pati ang accessories nito. "Aods! Bumalik kang buhay," seryosong saad ni Benjie bago kami maghiwalay ng landas. Lagi n'yang sinasabi sa akin iyon tuwing may raid kaming ginagawa. Dalawang oras bago kami umalis, muli kaming nagpulong. Nakasuot lang ako ng all black! Itim na sando na pinatungan ng isang itim na jacket, black pants at black boots. Ipinusod ko ang buhok ko at may nakatago din akong facemask na black sa bulsa para pangtakip sa mukha. "All of you! Come back alive!" bilin ni Don Marcelino sa amin na s'yang tinanguan namin. Naghahanda na kami sa pag-alis nang tawagin ako ng Don. "Aodie, go back alive. Nag iintay ang pamilya mo sa iyo," saad nito. "Makakaasa po kayo, Don Marcelino," saad ko bago yumuko at magpaalam sa kan'ya. Dalawang puting van ang gamit namin papunta sa warehouse na ireraid namin. Habang nasa byahe, inihahanda namin ang mga patalim, granada at balang kakailanganin namin. Miski akong sniper ay naghahanda ng mga gamit ko. May kan'ya kan'ya din kaming suot na earpiece para naman marinig namin ang bawat isa lalo na ako dahil isa ako sa nasa taas. —------------ Nasa isang mataas na puno ako at nakatago habang binabantayan ang bawat kilos ng mga kalaban pati ng mga kasama namin. "Gio, 3 o'clock! 4 men" banta ko dito kaya naman tumigil sila. "Sa likod kayo nila dumaan, ako bahala sa dalawa," saad ko Mabilis naman nilang ginawa iyon at katulad nang sinabi ko, agad kong pinatumba ang dalawa at sila naman ang bahala pa sa dalawa. Nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos sa gubat kung nasaan ako nakapwesto. Tahimik akong makiramdam at hindi naman ako nagkamali, may apat na lalaking nandito at nag-iikot, mukhang daily routine nila ito kaya naman. Tumahimik ako at hindi gumawa ng kahit anong ingay. 'Aodie, check if there's an enemy in the perimeter area!' Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nung narinig ko ung boses ni Cold at binanggit n'ya ung pangalan ko. Malalim at paos ang boses n'ya. "I can't. There's an enemy in my posistion, 4 men," bulong kong saad sa earpiece ko. 'Damn it! Don't move!' balik nito. Segundo lang nakarinig ako ng palitan ng putukan kaya naman ang apat na lalaking armado ay mabilis na tumakbo papuntang warehouse. As soon as they were gone, I positioned myself again at sinuportahan ang mga kasama ko na nandoon sa warehouse. 'Aodie! Find all of their snipers now!' madiing utos ng lalaking yelo! "Kopya!" madiing saad ko din sa kan'ya. Ganoon ang ginawa ko at ilang mga snipers ang nabaril ko at tinapos ang buhay para sa mga kasama ko. Sa sobrang focus ko sa hindi ko namalayan na may kasama na pala akong nakabantay sa galaw ko. Huli na para lumaban dahil naramdaman ko na ang malamig bagay sa akin sentido. "Don't move, Ms. Sniper. Kung ayaw mong kumalat ang utak mo sa punong ito." banta ng nasa kaliwa ko na nakatutok sa sentido ko ang dulo ng baril na hawak nito. 'Aods! Don't do anything.. papunta na ako,' rinig kong saad ni Gio pero hindi ako sumagot dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay katapusan ko na. Nakatutok ang baril nilang dalawa sa akin habang pababa kami ng puno. Bitbit ng isang kasama nito ang baril ko habang naglalakad kami papuntang warehouse nila. Nasa gitna kami ng gubat nang biglang bumagsak ang lalaking hawak sa akin. Gulat man ako sa nangyari naging oportunidad iyon para makuha ko ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Benjie kanina. Pinaikutan ko ito at sinakal sa leeg, itinutok ko ang kutsilyong hawak ko at katulad ng sinabi ni Benjie, idinikit ko lang sa litid na nakakonekta sa pulso nito at wala pang isang minuto. Naramdaman ko na ang pagkawala nito ng buhay pati ang dugo nitong umaagos sa kamay ko pati sa katawan n'ya. Binitawan ko ito at hinayaang bumagsak sa gubat. Tinignan ko ang kaninang may hawak sa akin at nakita kong solid ang tama nito sa sentido. Naliligo na din ito sa sarili n'yang dugo. Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang ibang tao. Sinong may gawa nito? Naputol ang pag iisip ko nang marinig ko ang boses ni Gio, kasunod ng mga kasama namin, agad nilang tinignan ang dalawang lalaking nakahandusay sa lapag na naliligo sa dugo nila. Magsasalita pa sana s'ya pero hindi na natuloy dahil nag salita si Cold. "Let's go! Our mission here is done," expressionless na saad nito at nauna pang maglakad sa amin. Buong byahe akong tahimik at nag-iisip sa nangyari. Bakit pakiramdam ko, masyadong alam ang pwesto ko? Pakiramdam ko.. may nanlaglag sa pwesto ko kaya nalaman nila iyon. At sinong bumaril sa lalaking nakahawak sa akin? Nakarating kami ng mansyon at hindi man lahat dahil may mga nawala sa amin pero bilang lang sa daliri. Sinalubong ako ni Benjie na nagtataka sa itsura ko. Kita ko naman ang kaba sa mukha n'ya nang makita n'ya na may dugo ang kamay ko. "May tama ka?" nag-aalalang tanong nito. Umiling lang ako at tumingin sa mga kasama ko kanina. Napadaan ang tingin ko kay Cold na hindi man lang mababakasan ng pagkapagod o pagkabalisa sa nangyari. Ako kasi kahit halos lagi na namin itong ginagawa, nababalisa pa din ako lalo na at alam kong nakakapatay ako ng tao. Mabilis akong lumapit dito at hinawakan ito sa braso. Niligon n'ya ako na nakataas ang kilay.. ang ganda talaga ng mata n'yang abo.. "What?" malamig na tanong nito kaya naputol ang pagtitig ko kasabay ng pagbitaw ko sa braso n'ya. "Salamat," saad ko dito. Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong s'ya ang may gawa no'n. Hindi ito nagsalita at umalis na lang sa harap ko, pero huminto ito saglit at nagsalita. "Rule Number 2. Don't trust those people around you. Rule Number 3. Don't let your guard down," mahinang saad nito pero malinaw sa pandinig ko lahat. "Tomorrow, 5:30am. Underground Combat Training Room, I'll wait for you there. 10 laps per 1 minute late," dagdag nito habang naglalakad na. Ano daw?! "Umpisa na ng training mo kay Cold.. goodluck! Maligo ka na! Kadiri ung amoy mo!" bilang saad ni Benjie sa gilid ko. Training ko kay Cold?! Dapat ba akong kabahan? --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD