AODIE
Nakahiga na ako nang isang katok ang pumutol sa aking pagbabalak na matulog.
"Sino kaya ang hayop na gustong masaktan gamit ang mga kamao ko," saad ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa pintuan.
Marahan kong inabot ang hawakan ng pintuan at binuksan iyon.
Bumungad sa akin si Giovani na nakangiti at bahagya pang kumaway.
"Did I wake you up?" tanong nito na parang nahihiya.
Si Giovani Lopez, isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Don Marcelino pagdating dito sa Manila. Dati din siyang katulad ko na ipinambayad sa utang, pinag-aral ng Don, tinuruan at inilagay sa posisyon sa grupong binuo nila.
Gwapo ang binatang ito, makisig dahil sa mga training na ginagawa, makinis ang balat pero may mga peklat na paniguradong dulot ng pakikipag laban.
Kung tutuusin, boyfriend material na s'ya dahil masayanin din ito, hindi ko naman maitatangi na may paghanga ako ng unti sa kan'ya. Pero syempre dahil hindi ko naman talaga alam pa ang gustong mangyari sa akin ni Don Marcelino.
Kailangan kong pigilan kung ano itong nararamdaman ko sa ibang tao.
Naputol ang pag-iisip ko nang bigla itong tumikhim at ngumiti.
"Sorry! Hindi! Hindi pa naman ako tulog. Bakit pala?" tanong ko dito at bahagyang umiwas ng tingin. Nakarinig lang ako ng tawa sa kan'ya kaya napagtingin ulit ako.
"Pinapatawag ka ng Don," saad nito kaya bigla naman akong mas umayos nang marinig ko ang pangalan ni Don Marcelino.
"I'll just change my clothes, baba na din ako," saad ko dito at akmang isasara ung pinto.
"I'll wait for you then, sabay na tayo pumunta doon," nakangiti n'yang saad kaya naman tinanguan ko s'ya habang nakangiti.
Matapos kong magbihis ng simple itim na t-shirt at maong na hanggang tuhod, lumabas na din ako.
Pinusod ko ung mahaba kong buhok habang sabay kaming naglakad ni Giovani papunta sa private living room ng Don.
Malayo pa lang kami napapansin kong marami ang pumapasok dito.
"Bakit parang hindi lang ako ang ipinatawag?" tanong ko dito.
"Mukhang may mahalagang sasabihim ang Don sa atin," saad n'ya kaya napatango na lang ako.
Ano naman kaya iyon? Sabi ni Don Marcelino, bukas ng umaga ay uuwi na kami pero mukhang taliwas iyon sa mangyayari.
Pagpasok namin, agad kong nakitang nakatingin sa akin si Christine sabay irap. Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam na lang ako kay Giovani na lalapit ako sa Don.
"Aodie, ija.. come here," tawag sa akin ni Don Marcelino nang makita n'ya ako.
Agad ko naman itong sinunod at mabilis na lumapit sa kan'ya. Bahagya akong umuko bilang respeto.
"Pinatawag n'yo po ako?" usal ko dito na ikinatango n'ya.
"Yes, hindi matutuloy ang plano nating pag uwi sa lugar natin, Aodie. You need to go with them," saad nito sa akin sabay tingin sa mga tao sa likod ko. "You people will have a 3 warehouse to raid, Si Cold na ang bahalang magsabi sa inyo ng ibang details. He will be the one who leads you for this raid! Katulad noon, walang iiwan na kahit na sino lalo na 'pag nanlaban!" saad nito sa amin na ikinatango naming lahat. Tumingin s'ya kay Cold na tahinik na nakaupo sa isang silya. "I'll leave them to you," bilin nito.
"Don't worry, Sir. I'll take care of them but I don't want a burden in my group," malamig na usal nito at bahagyang tumingin sa akin. "I'm not a babysitter," habol n'ya pa.
Halos umusok ang ilong ko sa sinabi n'ya dahil pakiramdam ko para sa akin iyon! Hindi ako pabigat at lalong hindi ako pababy! Hindi ako alagain!
Napatingin naman ako sa gawi nila Christine nang marinig ko itong tumawa ng mahina.
Para akong tinakasan ng ulirat at agad kinuha ung baril sa tagilaran ko at itinutok iyon kay Cold. Wala akong pakialam kung sino s'ya o nandito si Don Mrcelino. Hindi ko nagustuhan ung sinabi n'ya!
"I'm not a baby for you to babysit!" madiing saad ko sa kan'ya.
Tumayo ito na walang reaksyon, sabay hawak sa dulo ng baril na hawak ko.
"Really? Then shoot me," malamig na pag hahamon nito.
Walang pagdadalawang isip ko namang kinasa ang baril na hawak ko habang nakatutok sa dibdib n'ya. Handa na akong kalabitin ang gatilyo ng baril ko nang magsalita ang Don.
"Enough with that! Aodie, will come with you tomorrow night! She's a good fighter and a shooter, she will never be a burden to you, Cold," saad nito.
Hindi naman natinag ang tinginan namin ni Cold, kahit halos mag yeyelo na ko sa malamig at seryosong tingin n'ya pinilit kong labanan iyon.
"Wag kang mayabang, Aodie! Baka mamaya mamatay ka n'yan sa mission nat-"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Christine at agad ko s'yang pinutukan ng baril sa paa nang walang tingin.
Isang impit na daing ang narinig ko sa kan'ya. Hindi ako nag-abalang tignan kung natamaan s'ya dahil base sa daing n'ya alam kong may natamaan ako.
"Aodie! Put that gun down, ija.." malumanay na utos ni Don Marcelino. "Dahilhin n'yo s'ya sa ibaba para magamot ang paa n'ya," rinig kong utos nito.
Katulad kanina wala pa ding reaksyon ang mukha ni Cold dahilan para mas magngitngit ang kalooban ko!
"Aodie.. put that gun down.. kung ayaw ni Cold na sumama ka sa group n'ya, you can come with our group,"
Agad akong napatingin kay Gio sa sinabi n'ya pero dahil din doon agad na naagaw ni Cold ung baril na hawak ko at ako na ngayon ang tinutukan n'ya ng baril sa sentido.
Ang kaninang matapang na Aodie ay napalitan ng takot dahil sa malamig na bagay na nakatutok sa ulo ko.
"Rule number 1. don't take your eyes off to your opponent," saad nito 'ska ikinasa ang baril.
OhGhad! Will he shoot me?
Dahil sa kaba, napapikit na lang ako dahil mukhang tutuluyan ako nitong lalaking malamig na ito.
Napadilat ako at sinamahan ng paigtad nang makarinig ako ng putok ng baril.
Hindi n'ya ako binaril pero ipinutok n'ya sa harap ko, sa paanan ko!
Binalingan ko s'ya ng tingin at katulad kanina ganon pa din ang mukha n'ya. Walang ekspresyon!
S'ya mismo ang nagbalik ng baril ko sa tagiliran ko at pagkatapos no'n ay muli s'yang umupo na parang walang nangyari.
Agad akong nilapitan ni Giovani at hinila palayo kay Cold.
Nakatulala ako doon at parang nawala sa ulirat. Kung wala lang dito si Don Marcelino, baka binaril na n'ya ako sa ulo.
"Enough with that petty. Pagplanuhan n'yo kung paano kikilos bukas. Mauuna na akong magpahinga. Balitaan n'yo ako," saad ni Don Marcelino bago naglakad papuntang pintuan at lumabas.
Matagal na katahimikan ang nagkaroon bago mismong si Cold ang nagsalita. Tumayo ito at pumunta sa lamesa kung nasaan ang sketch ng lugar na balak naming pasukin bukas.
Hindi ako nagsasalita at nakikinig lang sa malamig at nakakakilabot na boses ni Cold. Wala rin talaga s'yang ekspresyon na ipinapakita. Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa kan'ya.
Igrinupo kami at si Gio na ang nagsabi na sa kan'ya ako sasama. Bago matapos at maghiwahiwalay nag pahuling bilin si Cold.
"Tomorrow, just don't die," saad nito at isa-isa kaming tinignan.
Agad akong nag-iwas nang magtama ang paningin namin.
I won't! Papatunayan ko iyon sa'yo! Mr. Cold! Makikita mo!
Kinabukasan, maaga akong gumising para mag-ehersiyo at magtraining sa lahat ng aspeto ng mga nalalaman ko. From close combat, secondary weapon, lethal weapon, far range, close range and even snipping.. lahat sinanay ko para may mapatunayan sa lalaking ang pangalan ay Cold! Hindi ako mamatay ngayon!
Habang nakatutok ang baril kong hawak sa isa sa mga puno na mahigit kumulang sampung metro ang layo sa akin. Bigla na lang may nagsalita,
"Sobrang seryoso mo naman.. alam mo bang halos madurog ang buto ni Christine dahil sa tama ng baril mo,"
Agad kong nilingon si Benjie na nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko s'ya sa mata 'ska kinalabit ang katilyo ng baril na hawak ko.
"Mukha ba akong may pake sa sinabi mo?" tanong ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya.
"Sabi ko nga wala e," natatawang saad nito at umakbay sa akin. "Nabalitaan ko, nagkabangga kayo ni Cold kagabi sa pagpupulong?" pag-iiba nito sa usapan.
Bigla naman nagflashback sa isipan ko ang nangyari lalo na doon sa part na pinutukan n'ya ako ng baril sa paanan ko.
"That jerk! S'ya ang nauna! Paringgan ba naman akong pabigat!" singhal kong kwento sa kan'ya na ikinatawa lang nito.
"Ikaw naman! Alam mo naman na hindi iyon totoo, nagpadala ka na naman sa damdamin mo. Hindi ba bilin sa atin ni Don Marcelino na laging wag magpapadala sa bugso ng damdamin.. hayaan mo na lang iyon si Cold. Mabait naman iyon kahit mas malamig pa s'ya sa yelo," biro nito pero hindi ako natawa at naalala lang ang sinabi sa amin ng Don.
May tama nga s'ya, nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko.
"Hihingi na lang ako ng paumanhin sa Don pero hindi sa lalaking yelo!" saad ko na ikinatawa n'ya.
"Ayan nga ang dapat mong gawin, pero bago iyon! Maglinis ka na at sabay na tayo kumain ng agahan. Mamili ka na din ng baril at secondary weapon mo mamaya pagkatapos natin, nakapili na yjng iba pero syempre dahil malakas ka sa akin, tinabi ko ang magagandang klaseng baril para sa inyo ni Cold," saad nito na ikinangiti ko.
Bilin sa akin ng Don na wag masyadong maging malapit sa mga kasama namin dahil hindi maiiwasang magkaroon ng traydoran pero pagdating kay Benjie, he allowed me to be friends with this guy.
Sabay kaming pumasok at sinabi n'yang iintayin na lamang n'ya ako sa dining.
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Suot ang itim na sando, isang maong pants at puting tsinelas, bumaba ako para kumain ng agahan. Magaan ang pakiramdam ko dahil nakapag ensayo ako.
-------------