Chapter 5

1146 Words
AODIE "You are 5 minutes late," mahinahon at malamig na turan nito habang nililinis ang baril na hawak n'ya. Mahinahon naman ang pagkakasabi n'ya pero pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko. Nalate kasi ako ng gising dahil anong oras na ako nakatulog kakaisip ng mga pwedeng training ko! Papahirapan n'ya ba ako o magiging brutal ba s'ya sa akin! "What are you looking at me? Start running, woman! Since you are 5 minutes late, 50 laps!" saad nito at binalingan ako ng tingin na halos ikanginig ng katawan ko. Matapang naman ako pero babae pa din ako at nakakatakot ung titig n'ya. Inayos ko iyong buhok ko at damit ko habang naglalakad papunta sa umpisa ng tatakbuhan ko. 50 laps?! Sinong tao ang kakayanin ang 50 laps?! Nagawa na ba n'ya iyon para sabihan ako ng gano'n! Ikaw naman kasi Aodilaida! Bakit late ka na nagising? "Tatakbo ka ba o tatanga ka na lang d'yan?" "Tatakbo na," tugon ko at mabilis na tumakbo para makalayo sa yelong boses ng lalaking pinaglihi ata sa North Pole ng nanay n'ya! Halos habulin ko na ang hinga ko nang matapos ko ang 50 laps na parusa ko sa pagkalate ko. Kanina pa ako hinihingal at sinubukan kong magpahinga pero ang bwisit na Cold na ito! Tinutukan ako ng baril at sinabing hindi pwede magpahinga! Mabilis akong naupo at kinuha ko ang tubig ko nang makalapit ako kung saan naroon ito! Nangangalahati pa lamang ako nang makarinig ako ng putok ng baril kasabay nang pagkaubos ng tubig ko. Hindi dahil naubos ko sa pag inom kun'di dahil natapon ito dahil kay Cold! Binaril n'ya ung tumbler ko! "Who said that you can drink water?" walang emosyon na tanong nito kaya pinanlakihan ko s'ya ng mata. Hindi ako makapagsalita dahil sa hingal ko pero pinakita ko na masama ang loob ko sa ginawa n'ya! Hayop na ito! Papatayin yata ako sa uhaw! "Stand up! Assemble that guns. That will be your rest," saad nito tapos tumalikod at pumunta sa isang lamesa na panigurado ay naglalaman ng mga baril na sinasabi n'yang aayusin ko. Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili ko. Tumayo ako at bahagyang pinagpag ang itim kong basang leggings at nagpunta sa lamesa kung saan naroon si Cold. Iba't ibang klaseng parts ng baril ang nandoon at hindi lang basta nandoon! Nakakalat ang mga bahagi ng mga baril! "Ano 'to?" inis na tanong ko dahil hind ko na mapigilan. Papahirapan ata talaga akong hayop na lalaking ito! "Assemble those guns in front of you using this scattered parts. Siguro naman alam mo kung ano ang mga bahagi ng mga iyan," saad nito at ngayon ko lang narealize na nagtatagalog pala s'ya. Ganda ng accent ng tagalog n'ya! Ay! Ano ba naman iyan! Bakit iyon pa ang naisip ko? Papahirapan lang naman n'ya ako! "Alam ko naman but pinahihirapan mo talaga ako? Pagkatapos mo akong parusahan ng 50 laps, hindi painumin ng tubig, bibigyan mo ako ng ganitong gawain! Akala ko ba rest?!" usal ko na mababakasan ng pagkainis. Mas nabubwisit ako kasi wala man lang s'yang reaksyon ang mukha n'ya! "Done with your tantrums?" tanong nito pero hindi ko s'ya sinagot at umirap lang. Tantrums! Hindi tantrums iyon! Napaka ng lalaking yelo na ito! Binalik ko ang tingin sa kan'ya dahil hindi na s'ya nagsalita pa pero laging gulat ko nang nakatalikod na ito at kampanteng naglalakad paalis dito sa training room! Bago pa ako makapagtanong, nagsalita na ito habang nakatalikod. "Get back to me if you're done with your tantrums and complaints. Ayoko sa mareklamo," saad nito. Sasagutin ko sana s'ya pero huli na dahil nakalabas na s'ya kaya ang tanging nagawa ko lang ay sumigaw! "BWISIT!" inis kong sigaw 'ska isa isang ikinabit ang mga parte ng baril na nakakalat doon. Aaminin kong medyo nahirapan ako sa paghahanap ng mga parte ng baril na nakahain sa harap ko kanina pero dahil determinado at gusto kong ipahiya ang bwisit na yelo na iyon, hindi ko ininda at pilit kong binuo ang mga baril na iniwan n'ya. Ipapakita ko sa kan'ya na kaya ko! Matapos kong ikabit lahat ng baril, naghanap ako ng isang bag na pwedeng paglagyan ng mga iyon at inilagay ang mga baril doon. Tumingin ako sa orasan at nakita kong halos dalawang oras din ang itinagal ko dito sa training room para doon sa mga baril na iyon. Bwisit talaga iyong yelo na iyon! "Aods! Ano iyang hawak mo? Bakit nakasabit iyang AK sa balikat mo? Hoy! Anong gagawin mo?" gulat na tanong ni Benjie nang makita n'ya akong paakyat ng 1st floor ng mansyon. Dahil hindi kasya ang mga baril, sinabit ko ung isa sa balikat ko at binitbit. "Nakita mo ang lalaking kamag-anak ni Elsa?" gigil na tanong ko sa kan'ya. Mukha namang nagtataka s'ya sa tanong ko habang patuloy pa din na sumasabay sa paglalakad ko. "Kamag anak ni Elsa? Sino iyon?" tanong nito. "Sino pa? Edi si Cold!" singhal kong sagot sa kan'ya. "Ah! Nasa dining, kumakain na, kaya nga kita pinuntahan doon kasi akala ko tapos na kayo, yayayain sana kitang kumain," saad nito pero hindi ko na pinakinggan ung iba at mabilis na nagtungo sa dining. Walang katok-katok akong pumasok sa loob ng dining at nakita kong nandoon si Cold, Giovani at si Don Marcelino. Tumingin sa akin si Don Marcelino at Giovani na nagtataka, marahil sa itsura ko. Yumuko lang muna ako sa kanila bago mabilis na lumapit sa lalaking hindi man lang ako tinapunan ng tingin at patuloy na kumakain. Pabagsak kong binaba iyong hawak kong AK sa gilid n'ya at katulad kanina wala pa din s'yang reaksyon! Kaya naman sa sobrang inis ko dahil inuubos n'ya ang pasensya ko! Bininaba ko iyong bag na pinaglalagyan ko ng baril sa lamesa at binuksan iyon. "Eto na ung mga baril na pinapaayos mo, boss Cold!" gigil na saad ko 'ska binaliktad ung bag at doon nagsilaglagan ung mga maliliit na baril na nagkasaya sa bag. Halo-halo iyon at wala na akong paki kung ano ang mga tawag doon. Itinapon ko sa gilid n'ya ung bag at tumalikod na dahil hindi ko na kayang pakitunguan ang napakayabang na lalaki na ito! Malapit na ako sa pintuan kung saan nakatayo si Benjie na nakangiwi sa akin nang magsalita si Cold. "It took you 1 hour, 46 minutes and 43 seconds to assemble all of them, you need to practice more," saad nito kaya hindi makapaniwalang hinarap ko s'ya. Mabilis kong kinuha ang baril sa tagiliran ni Benjie at walang sabing ipinutok iyon sa kamay ni Cold na hindi umiwas kaya naman tumagas ang dugo doon. "You're testing my not so long patience, Mr. Cold!" galit na saad ko at ibinagsak ang baril sa lamesa at lumabas ng dining. Nasagad na talaga ako ng husto at wala na akong paki kung parusahan pa ako ni Don Marcelino. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD