Chapter 2

1613 Words
ISANG itim na sasakyan ang pumutol sa pagbabalik tanaw ko dito sa balcony ng kwarto ko. 'sino naman kaya ang dumating na iyon?' tanong ko sa aking isipan. 'Di ko naman maiwasan na hindi titigan ang kotse na iyon dahil alam kong mamahalin at pang marangya ang model. Pumarada na ito kaya naman inaantay ko na lang din na mabuksan iyon at makita kung sino ang nasa loob. 'di naman nagtagal lumabas ang isang lalaking nakasuot ng itin na t-shirt na pinatungan ng itim na leather jacket. Nakasimpleng maong pants siya at itim na leather shoes. Clean cut din ang gupit ng buhok nito. Nakadagdag din ng lakas ng dating n'ya ung shades n'ya. Napansin ko na biglang nagsilapitan ang mga tauhan ni Don Marcelino at binabati s'ya, tanging tango lang naman ang sinasagot n'ya. Tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion kasunod ang iba't ibang mga tauhan nito. "Aodie! Let's eat!" rinig kong sigaw ng isang kasamahan namin kaya muling naputol ang pag iisip ko. "Coming!" balik kong sigaw dito 'ska tumayo at nag-ayos ng sarili. Bumaba ako ng dining area kung saan panigurado nandoon na si Don Marcelino at ang iba pang... sabihin na nating nakakataas ang rango sa grupo na meron kami. Wala akong rango pero si Don Marcelino mismo ang nagsabing lagi akong sasabay sa kan'ya. Hindi ko pa man nabubuksan ang pintuan nakarinig na ko ng mga formal na usapan. Napabuga lang ako ng malalim na hinga dahil doon. Another boring dinner! Hinawakan ko na ang door knob at inikot iyon, agad namang nabaling sa akin ang atensyon ng halos lahat maliban sa lalaking nasa tabi ni Don Marcelino. S'ya yata ung lalaki kanina. "Come here, Aodie. Serve yourself, ija" utos ng Don sa akin kaya naman tumabi ako sa kabilang gilid na upuan nito. Tahimik akong kumuha ng pagkain ko bago bulong si Benji sa akin na syang katabi ko pala. "Wag kang kain kargador ah, may bisita" Agad naman akong napalingon sa kan'ya. Tarantado 'to! Hindi naman ako kain kargador ah! Kita ko naman sumilay ang malademonyo n'yang ngiti nung nakita n'ya ung reaksyon ko. Magpasalamat s'ya at nasa hapag kainan kami dahil kung hindi baka tinutukan ko s'ya ng baril! To make it clear hindi lang ako ang babae sa grupo namin pero dahil si Don Marcelino ang may hawak sa akin, ako lang ang babaeng nakakasabay sa kanila sa pagkain. Muli kaming binalot ng katahimikan at tangin tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig, kaya minsan mas gusto kong sumabay kumain kila Jazen dahil doon may kwentuhan at lahat mag-uusap. Dito wala talaga! Naagaw ng isang tikhim ang atensyon naming lahat. Agad kaming tumingin sa Don nang mapagtanto namin na sa kan'ya galing ang tikhim na 'yon. "Many of you didn't know this gentle yet dangerous man beside me kaya naman I like to introduce you my right hand," pakilala n'ya pero hindi naman sinabi ung pangalan. S'ya pala ang kanang kamay na sinasabi nito kanina. Hindi ko maiwasang silipin ung lalaki na sinasabi ni Don Marcelino. Hindi s'ya tumitingin sa kahit na sino at pinagpapatuloy n'ya lang yung pagkain n'ya. Napayuko naman ako nang mag-angat s'ya ng tingin at nakita n'yang nakatitig ako sa kan'ya. Nakakatakot! Ang lamig ng tingin n'ya! Parang kada titingin s'ya nagbubuga s'ya ng icycles na tatagos sa buto mo. Gentle yet dangerous? Eh parang dangerous lang 'to! Sayang ganda pa naman ng kulay ng mata n'ya. "Go introduce yourself," utos ng Don sa kan'ya kaya dahan dahan n'yang binaba ung kubyertos n'ya, uminom ng tubig sabay punas ng bibig. "Just call me Cold," pakilala nito at bumalik ulit sa kan'yang pagkain. Walang nagreact sa amin, ang iba naman ay nagtinginan lang, ung iba naman alam na ata talaga nilang gan'to itong lalaking ito kaya parang wala lang sa kanila. Napabaling naman ang tingin ko kay Don Marcelino dahil sa mahina n'yang tawa. "Si Cold lahat ang nag-aasikaso ng mga transaksyon ko sa ibang bansa, s'ya ang namamahala ng mga grupo doon at iba pang negosyo. Minsan lamang s'ya umuwi dito sa Pilipinas para bumisita at mag bigay ng report," saad ng Don sa amin. "Si Cold din ang gumagawa ng training sa mga baguhan doon, s'ya ang may hawak ng mga baril, patalim at madami pang ibang malalakas na armas," biglang saad ni Benji. Kilala n'ya din pala 'to! Akala ko naman hindi. Wala man lang head's up na ibinigay sa akin itong lalaking ito! Madami pang sinabi sa amin ang ibang tao about sa kan'ya pero ang mismong si Cold ay walang sinabi. 'di nagtagal natapos kaming kumain, handa na akong bumalik sa aking silid para makapag pahinga nang tawagin ako ni Don Marcelino para samahan silang mag tsaa nitong si Cold na kasing lamig ng yelo sa Mount Everest! Kung titignan mukha may lahi si Cold, he has a gray eyes, maputi din kasing puti ng mga amerikano, tapos ung buhok n'ya parang mga koreanong mayayamang mafia, ganoon ung style kaya ang lakas makagwapo ng appearance n'ya, ung labi n'ya akala mo may inilalagay na lipstick pero totoong natural ung pagkapink ng labi n'ya pati ung tangos ng ilong n'ya. Nakakadagdag din ng appeal n'ya ung maliit n'yang hikaw sa kaliwa n'yang tenga. Maliit lang 'yon pero ang ganda talaga. Mas lalo s'yang gumagwa- "Stop staring at me, woman" naputol ang pag d-describe ko sa kan'ya dahil narinig ko ang malayelo n'yang boses. Malalim na sa sobrang lalim nakakanginig ng katawan at nakaka tindig balahibo. "S-Sorry," Ayon lang ang nasabi ko sabay tuon ng atensyon sa iniinom kong tsaa na hindi ko naman type! Yuck! "Her name is Aodie, I want you to train her in all you know, lalo na sa mga baril, combat battle and hacking system pero 'ska na dahil kailangan naming umuwi at alam kong may gagawin ka din, am I right?" saad ni Don Marcelino. "Yes, I have something to do here but first, I need to talk to you, Sir" he said then look at me then raise his perfect brows. "Alone" madiing n'yang habol kaya para naman akong tinakasan ng kulay sa mukha at nahiya bigla. Tinignan din ako ni Don Marcelino at tinanguan, kaya naman tumayo ako at yumuko sa kanilang dalawa. Nakabusangot akong naglalakad paakyat, ngayon ko lang kasi napansin na napakasungit n'ya at doon sa kung paano n'ya ako tignan nung sinabi n'ya ung 'alone'. Anong akala n'ya gusto ko doon?! Bwisit! "Mayabang!" malakas na saad ko sabay maktol na umakyat pero nahinto din 'yon at ibinalik ko ung mukha ko sa seryoso dahil nakita ko si Christine na nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Si Christine, nauna s'ya sa akin ng ilang b'wan at bukod doon, matanda s'ya sa akin ng apat na taon. Sa pagkakaalala ko, nakwento ng mga manang sa mansyon sa probinsya na s'ya ay binenta ng kan'yang ina para magbigay aliw sa Don, naalala ko nakikita ko s'yang lumalabas ng kwarto ng Don na maraming pula sa leeg n'ya. After ng isang taon, nawala s'ya sa mansyon at napag alaman ko ngang katulad ko ay ipinadala s'ya sa training para maging kasapi sa grupo namin. Malaki amg inggit nito sa akin dahil pakiramdam n'ya na itchapwera s'ya nung dumating ako sa buhay ng Don. Nagpatuloy akong naglakad ng seryoso at lalagpasan ko na sana s'ya pero nahinto 'yon dahil nagsalita s'ya. "Napakaswerte mo talaga, Aodie. Biruin mo, wala kang rango pero nakakasabay ka kumain sa mga nakatataas, nakakalabas pasok ka sa private living room ni Don Marcelino at lagi kang suportado ng Don. Ano bang gayuma ang ginamit mo? Ilang beses ka bang nagpapa angkin sa Don at laging na sa'yo ang pabor?" usal nito at mariringgan kong nangungutya ang tono n'ya. Lagi na lang talaga 'tong babaeng 'to! Atska anong? Inaangkin? Hindi ako prostitute katulad n'ya para gawin 'yon! Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko pero mas nangingibabaw ang inis ko kaya naman. "Hindi lang talaga nasarapan sa'yo ang amo natin kaya hindi ka na inulit pero sa akin natikman n'ya ang ikapitong langit kaya naman sa akin tumagal," nakangising saad ko. "Iba kasi talaga pag fresh at hindi pinagsawaan," dagdag ko pa 'ska naglakad ulit. Hindi ko na inantay ung sagot n'ya nabubwisit ako! Hindi naman ako ginagawan ng kahalayan ng Don, sa totoo lang matagal na n'yang gustong ipatawag sa akin ang salitang 'Lolo' pero hindi ko ginagawa dahil bukod sa hindi naman kami magkamag anak, Isa pa din akong katulong sa mansyon– bayad utang lamang ako kaya ikinatanggi ko 'yon. Ako lang din talaga ang nakakapasok sa kwarto at private living room ng Don, maliban sa may mga rango. Noong una din akala ko inaabangan lamang talaga ang tamang edad ko para ipakasal sa matanda ngunit hindi daw iyon ang intensyon sa akin ng Don kun'di mahalagang bagay kung ano'man iyon ay hindi ko alam at tanging si Don Marcelino lamang ang nakakaalam. Nakapasok ako sa aking kwarto at pabagsak na inihiga ang katawan ko sa malambot na kama. Kinuha ko ang phone ko at naisipan kong tawagan ang pamilya ko. Masaya ako na kahit papaano ay nakakausap ko sila. Noon akala ko kapag nandito na ako sa puder ng Don, magiging mahirap ang buhay ko dahil sa dami nang gagawin ko pero hindi. Kun'di tama si Nanay, magiging maganda at maayos ang buhay ko, naging matapang at nakapag-aral ako. Mali man ang ginagawa ko na hindi ko akalain na magagawa ko pero nagpapasalamat ako dahil may natapos ako at kung sakali man na matapos etong gawain namin, may profession akong pagtutuunan ko ng pansin. Hindi ko man alam kung kailan kami magsasama-sama ulit nila Nanay at least alam kong mangyayari iyon. —-------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD