AODIE
"WE need to stick to each other! Let's go back to the mansion together! Is that clear?!" sigaw ni Giovani sa amin habang nakasakay kami sa itim na van patungo sa isa na naman warehouse na ireraid namin.
Katulad nung nakaraan, sniper ulit ako at kailangan kong umakyat sa pinakamataas na building malapit sa warehouse.
Huminga ako ng malalim at binalingan si Cold na tahimik na inaayos ung baril n'ya. Tinignan ko iyong kamay n'ya na may gloves at alam kong sa likod noon may bendang nakabalot sa sugat na ginawa ko.
Tatlong araw na din ang makalipas nang maubos ang pasensya ko sa kan'ya. Ilang oras nga lang matapos no'n ay pinatawag ako ni Don Marcelino at pinagalitan. Pinarusahan din ako nito, hindi naman mahirap dahi sanay naman ako sa parusang ibinibigay n'ya sa akin. Matapos nga no'n sinabing meron ulit kaming mission na dapat gawin at eto na nga iyon.
"Aodie, be ready! Malapit ka nang bumaba," agaw atensyon sa akin ni Giovani kaya naman bumalik ako sa pag-aayos at pagkundisyon sa sarili ko.
Makalipas ang higit sa kalahating oras, nakarating kami sa dapat kong babaan kaya naman mabilis at tahimik akong kumilos. Bitbit ang baril na gagamitin ko bumaba ako.
"Careful."
Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na inabala ang sarili para tignan kung sino ang nagsabi no'n.
Agad din silang umalis at nagtungo sa warehouse.
Tahimik akong nakapasok sa building napupwestuhan ko nang may nakita akong tatlong taong tingin ko ay nag-aabang sa amin. They are also have the same gun like mine!
Agad kong hinugot ang .45 caliber kong baril at nilagyan ng silencer.
Tahimik akong pumunta sa isa sa mga kwartong tanaw ang mga anino nila.
Isa ito sa mga tinuro sa amin, ang kumilos sa dilim at tanging anino o kaluskos lang ang dapat na marinig.
Hindi ako makapagbigay ng warning kila Giovani dahil alam kong maririnig ako ng mga kalaban namin.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa tutok ng baril ko.
Nang makita kong gumalaw ang isa pakanan agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko at kitang kita ko ang pagkabahala ng mga kasama n'ya nang bumagsak ang ulo nito.
Hindi ko na pinatagal at agad kong sinundan ng isa pang pagkalabit para muling bumagsak ang isa.
"P*tang ina!" gigil na saad ng huling natitra sabay kuha ng baril nito sa tagiliran n'ya.
Hindi n'ya alam kung saan galing ang bala kaya naman para mapanatag s'ya at tumigil na s'ya sa pag-iisip. Ibinigay ko sa kan'ya ang pangatlong bala ng hawak kong baril.
Kasabay ng pagbagsak n'ya ang pagtayo ko at pagkausap sa mga kasama ko.
"Set up! Alam nilang lulusob tayo!" gigil na saad ko at mabilis na pumunta sa baril na nakahanda para sana sa amin.
Agad akong gumapa at hindi inalintana ang mga katawan na wala ng buhay sa tabi ko.
Sumilip ako sa x4 scope na nakalagay sa sniper gun na nakaset up at kitang kita ko ang mga kasama kong naghahanda sa paglusob.
[Aodie, back to the original plan! Cover us!] madiing utos ni Cold.
"Pero naset up tayo! Sa kaliwa mo!" sigaw ko at agad na binaril ang dalawa sa tatlong papalapit sa kanila.
[Just listen to my order! Now! Cover us!] gigil na saad nito.
Kitang kita ko na tinanggal n'ya ung earpiece n'ya at lumakad pasugod kasunod ang mga kasama namin.
Katulad ng original na plano namin, ako ang nagcover sa kanila sa lahat ng nakaset up.
Naging abala ako sa lahat ng sasalubong sa kanila at hindi ko na nakita ang iba.
Matapos kong patahimikin ang lahat ng nasa harap nila, isa isa ko silang tinignan at doon ko napagtanto na wala si Cold sa grupo namin.
Tumayo ako at nagbalak na lumipat sa kabilang kwarto nang may makita akong isang pigura.
Agad akong nagtago at inihanda ang baril ko.
Agad na bumungad sa akin ang dulo ng baril ng isang babaeng tingin ko ay kasama ng kabilang kampo.
Hindi n'ya alam nandito ako dahil kung alam n'ya iyon, kanina pa n'ya pa pinutok ang baril na hawak n'ya.
Tuluyan s'yang nakapasok sa kwarto kung nasaan ang mga kasama n'ya at ako naman ay dahan dahang lumakad palabas.
Tahimik lang ang naging galaw ko at muli akong nagpunta sa kabilang kwarto kung saan ako nakapwesto kanina.
Muli kong itinutok ang baril ko sa direction ng babae. Nakasentro na ito at handa nang iputok, ngunit natigil iyon nang makita ko ang isa pang pigura ng tao, lalaki ito panigurado.
Nagkita sila at parang nag-usap. Mahina lang iyon at hindi ko marinig pero isa lang ang nahihinala ko, may traydor sa grupo namin!
Napaigtad ako nang makarinig ako ng putok ng baril at nakita ko na lang ang pigura ng babae na bumagsak sa sahig.
Pilit kong itinago sa corner ng silid ang sarili ko para hindi ako makita. Gusto kong umuwi sa bahay namin, kila mama!
Naging tahimik sa paligid kaya naman muli akong tumayo at tinignan kung nandoon pa ang traydor pero wala na.
Mabilis ang kilos akong lumabas ng building para pumunta sa mga kasama ko. Inihanda ko ang mga bala na dala ko para sa baril na gamit ko. Kinapa ko din ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Benjie nung nakaraan. Nang masiguro kong handa na akong lumaban, ipinagpatuloy ko ang paglalakad, lahat ng madaanan kong kalaban ay binabaril o kaya ay ginigilitan ko agad sa leeg.
Nang makarating ako sa pwesto ng grupo ko, hinanap ko sila dahil paniguradong nasa paligid lang sila.
Hindi naman ako nagkamali dahil ilang minuto lang akong nakabantay sa van namin. Nagsidatingan sila ngunit may dalawang tao akong hinahanap at wala sila rito.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bumalik si Giovani gamit ang daan na tinahak nila kanina.
Sa 'di naman kalayuan natanaw ko ang isang lalaking ayokong paghinalaan pero tugma sa pigura n'ya ang nandoon kanina sa building.
Naglalakad s'ya na parang normal na tao at hindi man lang nababahala sa maaaring mangyari dahil naset up kami.
"Let's go, our mission is done here," saad nito nang makarating s'ya sa amin.
Naunang sumakay ang mga kasama namin bago si Gio, pasakay na sana ako nang may makita akong kumikinang sa 'di kalayuan.
Agad kong itinulak si Cold patalikod at ako naman ay nagtago sa kabilang puno. Isang putok ng baril ang nag kumpirma sa hinala ko na laser ang kumikinang na iyon.
"Stay here! Iikutan ko, cover me!" rinig kong sigaw ni Cold
Kahit pinaghihinalaan ko s'ya sumunod pa din ako sa kan'ya at ginawa ko ang sinabi n'ya hanggang sa nawala s'ya at nakarinig na lang ako ng putok ng baril.
Agad akong pumasok sa loob ng van nang makita kong pabalik na s'ya.
Tahimik ako buong byahe namin dahil sa mga nalaman ko at sa taong pinaghihinalaan ko.
Paano kung kaya umuwi si Cold dito ay para traydurin kami? Paano kung s'ya ang nagset up sa amin? Sino ba talaga si Cold?
Katulad noon, sinalubong ako agad ni Benjie at tinignan kung may mga tama ako.
Umiling lang ako at nagdere-deretso sa kwarto ko.
Hindi dapat ako magpahalata na may nalaman ako o na may pinaghihinalaan ako dahil matatapos ang buhay ko pag ginawa ko iyon. Kailangan ko pang umuwi sa bahay namin, inaantay pa ako panigurado ni mama.
--------------