7 Years Later
AODIE
Nakatingin ako sa mga tauhan ni Leo dela Vega gamit isang x4 scope na nakakabit sa aking GOL- Sniper Magnum, kitang kita ko ngayon kung gaano sila naka bantay sa kotseng sasakyan ng kanilang amo.
"Mga bobo, walang kamalay malay na hindi lang iisang grupo ang nag aabang sa amo nila," nakangisi kong saad.
Agad kong inilipat ang tingin ko sa itaas ng building kung saan nandoon ang target ko.
Nakikita kong nagpapakasasa pa ito sa itaas ng babaeng binayaran n'ya para paligayahin s'ya sa kakarampot na oras.
Agad kong isinentro ang tutok ng sniper kong hawak habang nakikita kong malapit na itong makapunta sa ikapitong langit na gusto n'yang puntahan, hindi n'ya alam ngayon din ang araw ng pagpunta n'ya sa impyerno!
Kinalabit ko ang gatilyo ng hawak kong baril nang makita kong paangat na ang kan'yang ulo na muling nahulog dahil sa pagtama ng bala ng aking hawak.
"Mission done!" nakangising saad ko at mabilis na inayos ang ginamit ko.
Mabilis kong kinalas ang mga parte ng baril ko at inihanay kung paano ko sila dinala dito.
Inayos ko lang ang kwartong nirentahan ko at nagpunta sa isa pang kwarto malayo sa una kong pinasukan. Doon ko kinuha ang mga gamit na inihanda ko para sa alibi kong house keeper.
Mapayapa akong naglakad palabas ng likod ng building kung nasaan nakapwesto ang spare kong kotse. Papakuha ko na lang ung isa bukas.
Umuwi ako sa mansion ni Don Marcelino dito sa Maynila para magbigay ng report kung anong nangyari. Napangiti ako nang makita ko sa aking isipan ang mga nagkakagulong mga tauhan ni dela Vega.
"Mga walang silbi!" sigaw ko at bahagya pang natawa dahil doon.
Nakarating ako ng mansyon at agad ko ginarahe ang kotseng ginamit ko.
Agad naman akong nakakita ng mga lalaking nakatingin sa akin habang bumaba ako pero hindi ko sila pinansin at agad na naglakad papasok ng loob ng mansyon. Nakasalubong ko si Benji na papalabas kaya hinagis ko sa kan'ya ung susi.
"Compartment," maikling saad ko at alam kong alam na n'ya ang ibig kong sabihin.
S'ya ang nagbigay sa akin ng baril kaya paniguradong alam n'ya kung anong tinutukoy ko.
Tumungo ako sa private living ng room kung saan paniguradong nandoon ang Don.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko hinawakan ang door knob para mabuksan iyon.
"How is it?" agad na bungad sa akin ni Don Marcelino.
"Mission done! Panigurado hong nagkakagulo na ang mga tauhan ni dela Vega" Naglalakad kong tugon sa kan'ya.
"Mabuti kung gano'n. For sure Fuentes ang sisisihin ng mga dela Vega sa nangyari," natatawang saad nito. "Magpahinga ka na, ija. Maaga tayong babalik sa lugar natin bukas,"
"Babalik na ho agad tayo? Paano ho ang ibang transaksyon natin dito?" tanong ko dahil ang akala ko sa susunod na linggo pa ang balik namin.
"Hindi na kailangan. Nandito naman na ang kanang kamay ko, s'ya na ang bahala rito," saad n'ya kaya wala naman akong nagawa kun'di ang tumango at magpaalam na magpapahinga na.
Kanang kamay? Sino 'yon? Hindi ko alam na may kanang kamay pala ang Don.
Simula nang mapunta ako sa kan'ya nung ako ay kinse anyos pa lamang. Ni isang kanang kamay ay walang ipinakilala ang Don sa akin.
Simula din nang mapunta ako kay Don Marcelino, natuto ako ng mga bagay na hindi ko inakalang matututunan ko katulad na lamang nang paghawak ng iba't ibang dekalibreng baril, pakikipaglabanan para sa sarili kong buhay at makipaglaban sa mga kaaway na gustong wakasan ang buhay ni Don Marcelino. Natuto din akong kumitil ng buhay ng sinumang magtatangka sa buhay ko at sa buhay n'ya.
Pitong taon ang nakalipas at sa nagdaang taon na 'yon, nalaman ko ang iba't ibang negosyo ni Don Marcelino. Kung gaano karami ang legal na negosyo nito, mas marami ang illegal n'yang negosyo, mapasa Pilipinas at lalo na sa ibang bansa.
Noong una akala ko ang gagawin ko lamang dito ay maglilinis at magluluto lamang ngunit nang sumapit na ako sa aking legal na edad doon na ko nagsimula na turuan at ipaalam sa akin kung anong meron ang isang Don Marcelino kahit na ako noon ay nag aaral pa ng kolehiyo.
Pinag-aral ako ng college ni Don Marcelino dahil kailangan ko daw iyon.
"Maligayang kaarawan, Aodie" bati sa akin ng matandang Don.
Ngayon ay aking kaarawan at isa na akong legal na dalaga.
"Maraming salamat ho, Don Marcelino. Kung pahihintulutan n'yo ho sana ako, gusto ko ho sanang dumalaw sa aking pamilya ngayon," nakayukong paalam ko.
Minsan naman ay hinahayaan ako nitong dumalaw, lalo na sa mga nagdaang kaarawan ko din.
"Ayos lamang ngunit wag kang magpapagabi dahil bukas ng umaga meron tayong pupuntahan at doon muna tayo mamamalagi," saad nito kaya naman kahit nakayuko, agad sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Makakaasa ho kayo, kung ayos lamang ho. Ngayon na ho ako aalis para ho sana mas mahaba ang oras ko sa kanila," hingi ko ulit ng pahintulot at agad nag angat ng ulo.
Nakita kong tumango tango lamang s'ya. "Bweno, simulan mo nang maghanda at bumyahe. Mag-iingat ka sa daan, ija" pagpayag nito.
Agad akong umalis ng mansyon at umuwi ng bahay. Bumili ako ng pagkain para pasalubong para sa kanila kahit naman kasi nag-aaral ako at ako ang bayad sa utang ng pamilya namin, binibigyan ako ng allowance ng Don kaya naman may naiipon akong ibang pera.
Pag-uwi ko ng aming bahay. Agad naming pinagsaluhan ang mga pagkaing dala ko. Masaya ako dahil nakauwi ako ulit at alam kong mas matatagalan ang susunod kong uwi dahil mukhang mapapadalas ang alis namin ni Don Marcelino dahil sa pagkakatanda ko. Inaantay lamang ng matanda na ako ang tumuntong sa legal kong edad.
"Mauuna na ho ako, 'ma" paalam ko kay Mama na ngayon ay parang naiiyak.
"Mag-iingat ka sa byahe mo. Mag-iingat ka araw-araw," may ngiti n'yang saad ngunit mahihimigan ko ang lungkot sa kan'yang boses.
Marahil namimiss na din n'ya ako kaya gano'n na lamang tono n'ya.
Pagkatapos nang paalaman na iyon, bumyahe ako at umuwi sa mansion.
Kinabukasan nung araw na iyon, dinala ako ni Don Marcelino sa isang malawak na lugar ngunit maraming puno sa paligid at may mga target shooting range na nakasabit palibot sa mga puno nito. Nasa sasakyan pa lamang kami ay kitang kita na ang mga lalaki at babaeng gumagamit ng iba't ibang baril, maririnig mo din ang tunog ng mga ito kahit na may takip kami sa tenga.
Nakarating kami sa isang 'di ganoong kalaking bahay kaya naman maingat kong tinanggal ang takip ko sa aking tenga 'ska pumasok doon.
"Ihatid n'yo s'ya sa kan'yang silid sa tabi ng silid ni Bry," utos nito sa mga tauhan na s'yang kasama namin kanina. "Alam kong pagod ka, ija. But we have a lot to do and you need to learn. Change your clothes at get back here, may mga inihandang damit doon na gagamitin mo para sa iyong pagsasanay," saad n'ya sa akin kaya naman kahit hindi ko maintindihan iyong pagsasanay na sinasabi n'ya ginawa ko pa din ung utos n'ya.
Agad akong nagpalit ng kasuotan na tinutukoy n'ya nang makarating ako sa silid na nakalaan sa akin.
Sinuot ko ang isang army green t-shirt at isang maong pants, kinuha ko din ang isang sapatos na napakabigat at sinuot 'yon, mukha s'yang pansundalo. Pinusod ko na rin ang aking buhok para walang sagabal. Ano kaya ang pagsasanay na sinasabi ng Don?
Bumalik ako sa lugar kung saan sinabi ng Don na magkikita kami.
Nang makarating ako doon nakita kong may kasama s'yang isa din matanda at mukhang kaibigan n'ya. Sabay silang napatingin sa akin at bahagyang kumunot ang noo nito nung nakita ang suot kong sapatos.
"Sinong nagbigay ng sapatos na 'yan sa dalagang ito? Kung ang apo kong babae ang pasusuotin n'yan, sinisigurado kong babasagsak ngayon din ang tao na iyon," singhal ng matandang kasama ni Don Marcelino, s'ya pala si Senyor Klyde Vicente ang matalik na kaibigan ni Don Marcelino. "Palitan n'yo iyan at bigyan s'ya ng magaan na sapatos na babagay sa kan'ya," utos itong muli.
Agad na tinanggal ng isang lalaki sa paa ko ang sapatos na suot ko at binigyan ako ng tsinelas.
Tumingin naman ako sa Don na tinanguan lang ako nito na may tipid na ngiti.
Hindi naman na ako kinausap ng dalawang nag-uusap na matanda hanggang sa mapalitan ung sapatos ko. Magaan nga ngunit alam kong heavy duty ang sapatos na ito.
Niyaya nila akong pumunta sa sinasabing training room. Muling ibinigay sa akin ang takip ko sa tenga pati na din isang goggles para sa mata.
Agad bumungad sa akin ang isang silid na may pinturang itim sa bawat dingding. Bahagya akong nagulat dahil hindi lang pala basta basta ito silid. Isa din itong kwarto na puno ng mga baril, patalim at granada.
May tatlong lamesa ang nasa loob. Nasa isang lamesa ang mga dekalibreng baril na hindi ko alam ang tawag ngunit alam kong malakas ang mga iyon. Sa isa naman ay mga patalim na alam mong pagtumama sa iyo ay s'yang katapusan ng buhay mo. Sa kabilang mesa naman ay mga iba't ibang klaseng granada at hindi ko na alam ang tawag.
"Pumarito ka, Aodie" tawag sa akin ni Don Marcelino.
Agad akong lumapit dito at tumindig para sa mga iuutos nito. Bahagya naman akong nakarinig ng tawa sa matandang kasama nito.
"Take it easy, young lady. We just want you to look at the place here. Wala kaming ipag-uutos sa'yo," saad nito at ngumiti. "Pareho kayo ng apo kong babae, tahimik pero matalino. Nakikita ko sa'yo ang attitude na 'yon, ija" saad pa nito 'ska inilapat ang kanang kamay n'ya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
Nakayuko akong ngumiti dahil sa ginawa n'ya napakabait ng matandang ito kaya siguro sila magkaibigan ni Don Marcelino dahil pareho silang mabait.
Dahil strikto man si Don Marcelino, nasa loob naman ang kabaitan nito na lagi kong natutunghayan.
Hindi ko inaasahan na nung araw na 'yon ay agad akong hahawak ng baril, patalim at granada para sa training ko nung araw na iyon.
Natatandaan ko na agad akong isinalang sa isang battlefield kung saan mga totong baril ang hawak namin. Halos umiyak ako non dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung paano humawak ng baril hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa akin at tinulungan akong gamitin iyon.
Ang lalaki na iyon ay si Benjie.. actually, mukha siyang malambot na lalaki but he is a straight guy! Pero kahit ganoon na mukha siyang malambot, magaling iyan sa baril at sa paghawak ng mga ito. Kaya nga s'ya ang tinaguriang Tactical Man ng grupo namin dahil sabihin mo lang ang gusto, alam na agad n'ya ang ibibigay sa iyo.
Agad kong kinuha sa ilalim ng kama ko ang unang baril na nahawakan ko. Isa itong itim na .45 Caliber handgun, ito ang inabot sa akin ni Senyor Klyde nung araw na namimili kami ng baril ko.
Sabi nung mga nandoon ng araw na 'yon masyadong malaki at advance kung 'yon ang gagamitin ko pero sabi ni Senyor Klyde. Kakayanin ko ang gan'tong baril kaya hindi nila kinuha sa akin.
Hirap at pagod ang dinanas ko doon sa training place na sinabi ni Don Marcelino at Senyor Klyde. Nandoon ang halos malagutan ako ng hininga dahil sa pagod, uhaw, at sunod sunod na sparring. Madami akong peklat na natamo at hindi ko kinakahiya 'yon dahil hindi ako gan'to katapang at kalakas ngayon kung hindi ko kinaya ang pinagdaanan ko.
------------