Chapter 15

2087 Words
AODIE "Kailan tayo pupunta sa Maynila?" tanong ko sa kan'ya habang maglalakad na kaming dalawa papuntang kwarto ko. "Next week na tayo pumunta doon dahil iyon naman ang orihinal na plano, may importante kasi gagawin ang Don sa Maynila kaya nauna na s'ya doon," tugon nito na ikinatango ko lang. Nauna na pala kasi doon si Don Marcelino habang kami naman ay naiwan pa dito. "Aods.. you can tell me anything you want or kung ano man ang bumabagabag sa isip mo," saad nito nang makarating kami sa tapat ng kwarto ko. Kanina pa niya ako kinukulit kung ano ang nangyari sa lakad ko pero hindi ko naman gustong sabihin dahil baka mas lalong mapahamak sila mama. "Iniisip ko lang sila mama, aalis na naman ako at hindi ko alam kung makakabalik ba ako ng buhay dahil 'pag nagpupunta kami ng Maynila puro raid at mga kalaban ang kaharap namin. Hindi nila alam kung anong trabaho ang meron ako, kaya alam kong malulungkot sila, pag isang araw, hindi na ako umuwi ng bahay at mabalitaan na lang nila na patay na ako," tugon ko na ikinatango n'ya. Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. "Hindi hahayaan ng Don na mamatay ka. Ayon ang masisiguro ko sa iyo kaya uuwi at uuwi ka sa pamilya mo ano man ang mangyari," pagbibigay nito ng assurance sa akin. "Sana nga.. sige na, salamat!" paalam ko at hinayaan na lang n'ya ako pumasok sa kwarto ko. Una kong ginawa nang makapasok ako doon ay kunin ang phone ko at tawagan si mama. Napakalma ako nang marinig at malaman kong okay lang sila doon. Doon ko lang din narealize na, naiwan ko ung mga bitbit kong pasalubong sana dito sa mansyon. Naiwan ko ata sa tricycle! Tsk! Matapos kong makipag-usap kay mama, doon na ako nagbihis at naghanda ngga gamit na dadalhin ko papuntang Maynila. Mabuti nang handa agad kesa magahul ako. Lumipas ang isang linggo na nakakulong lang ako sa mansyon at hindi na binalak pang umalis o lumabas. Nasa training doom lang kami ni Benjie at nag-eensayo sa pagbaril at panghahack ng mga system katulad ng tinuro sa amin ni Cold. And speaking of Cold, unti unti na akong nawawalan ng pag asa na s'ya ang pumasok sa kwarto ko dahil sa mga galawan ni Gio na hindi ako nilulubayan. Mas naging malapit s'ya sa akin sa mga nagdaang buwan ng pananatili namin dito. Hindi ko lang gusto ung pagiging touchy n'ya in public, pero kung kami-kami lang, ayos lang naman. Pero iba pa din talaga ang hawak nung kumuha no'n sarili ko. Iba ung init at kagaanan. "Eto na lahat ng dala mo, Aodie?" malambing na tanong ni Gio. Ngumiti lang ako ng tipid at tumango. Kinuha n'ya ang gamit ko at inilagay sa kotse kaya naman lumapit na sakin si Benjie na seryoso ang mukha. "Anong problema mo?" tanong ko dito sa mahinang paraan. "Dapat tayo lang ang nasa kotseng 'to! Bakit kasama s'ya?!" mahinang tugon nito na parang nanggigil! Ngayon kasi ang alis namin patungong Maynila at ang usapan namin ni Benjie. Kaming dalawa lang sa kotse pinagkatiwala sa akin ng Don. Bulletproof ang kotse na ito at piling tao lang ang nakakaalam na bulletproof iyon. Sa pagkakaalam ko, pinasadya ang kotse na ito para sa Don. Marami talaga s'yang kotseng bulletproof pero hindi mapapansin kung hindi babarilin ang mga ito. "Hayaan mo na! Tinatamad din ako mag drive," bulong ko at ngumiti kay Gio na pabalik na. "Gio! Eto lang gamit ko, palagay naman din sa trunk! Salamat!" biglang pakisuyo ni Benjie dito. Hindi pa man nakakasagot si Gio, inabot na nya ito at bahagyang binitawan at pumasok sa kotse. Abnormal talaga itong si Benjie! Inis na inis talaga s'ya kay Gio simula nung dumikit ito sa amin. Wala namang nagawa si Gio kun'di kunin iyong gamit ni Benj at ngumiti sa akin. Nakasakay na ako sa back seat katabi ni Benj, nang biglang humarang si Christine sa daanan namin, kaya walang magawa si Gio kun'di ibaba ang bintana. Parang model na lumakad si Christine palapit sa amin at malanding ngumiti kay Gio. "Gio baby! Pwede bang dito na lang kaming lima sumakay? Puno na kasi sa iba, dito naman mukhang kayong tatlo lang ang nandito kaya kasya pa kami.. please.. we don't want to stay here, any longer," maarteng saad nito sabay kagat ng labi. Napakunot na lang ang noo ko, hindi ba s'ya marunong mag drive?! "Pwede naman! Ung tatlo sa trunk! O kaya sa bubong!" sigaw ni Benjie. Napatingin lang naman ako dito at mukhang hindi s'ya natutuwa sa ideyang iyon. "Si Aodie ang mag de-decide since s'ya ang katiwala sa kotseng ito," saad naman ni Gio sabay tingin sa akin. "Wag kang papayag!" madiing bulong ni Benjie. "You don't know how to drive or kahit sino sa inyo?" tanong ko dito. Alam kong gusto na n'ya akong tarayan at paikutan ng mata pero hindi n'ya ginawa kaya naman plastic na lang iyong ngumiti. "We forgot our driver's license.." saad n'ya at nakikita kong nagngingitngitan ang ngipin n'ya. "Driver's license should not be forgotten," makahulugan kong saad. "Sige na. Sumakay na kayo, kawawa naman ang lugar namin 'pag nahaluan ng pulosyon galing sa inyo," habol ko. Uupo na sana ako ng maayos nang biglang binuksan ni Benjie ang pinto sa side n'ya. Tinignan ko ito at parang nagtatanong kung bakit s'ya bababa. "Ayoko dito, magdadrive na lang ako ng sarili ko," saad n'ya at nagdere-deretsong lumabas, punta sa trunk at kinuha ung gamit n'ya. Napaayos naman ako ng upo. "Wait! Sama na ako sa'yo!" sigaw ko dito at mabilis din na bumaba, hindi ko na pinansin ung tawag nung iba basta pumunta ako ng trunk at kinuha ung bag ko. Sumunod ako kay Benj na malawak ang ngiti. "Ikaw ang magdadrive!" saad ko habang nakaturo sa kan'ya. Sumipol lang ito at kumuway sa mga kasama namin dapat sa kotse. Hindi na ako lumingon at pumunta na lang sa parking lot ng mansyon. Kampante na akong nasa passenger seat at si Benjie ang nagdadrive nang umalis kami. Since lumipat kami ng kotse, huli na kaming nakaalis sa kanila. Ilang oras ang lumipas at sabay kaming nagulat ni Benjie nang makarinig kami ng pagtama ng kung anong bagay sa kotse. Agad akong napatingin sa sasakyan naming sa unahan at nanlalaki ang mata kong nagulat dahil gumewang-gewang ito! "Ptcha! May nakaabang!" malakas na sigaw ni Benjie habang pilit na iniiwasan ang kotseng babangga sa harap namin. Agad kong kinuha ang baril ko sa bag at sa ilalim ng inuupuan ko. Nilagyan ko ito ng magazine at kinasa! "Pagsinabi kong buksan mo! Buksan mo!" sigaw ko kay Benjie na pilit iniiwasan ang balang natama sa amin. "Damn it! Aodilaida! Mag ingat ka!" sigaw nito habang lumilipat ako sa likod ng sasakyan, kasama ang mga baril ko at magazine. "Buksan mo!" sigaw ko kaya naman agad n'yang ginawa. Unti-unting bumukas ang itaas na bintana ng sasakyan. Agad akong lumabas at agad na pinaulanan ng bala ang sasakyang nasa likod namin. Agad akong pumasok sa loob nang muntikan na akong tamaan ng bala. Magandang bagay talaga na etong isang sasakyan na bulletproof ang ginamit namin at hindi ung ordinary na kotse! "Lumalaban na din sila Gio at ung iba!" saad ni Benjie at nakita ko ngang nakikipagbarilan na din sila Gio. Kaya naman lumabas ako ulit at muling pinaulanan ng bala ang nasa gilid namin na mukhang nagrereload na ulit. Hindi na ako nagsayang ng ilang bala at agad kong binato ng granada ang kotseng iyon. "BILIS!" sigaw ko kay Benjie na mukhang naintindihan ang ibig kong sabihin kaya agad n'yang tinapakan ang step ng gas at pinaharurot ang sasakyan. Hindi pa man kami nakakalayo gaano nang sumabog ang granada kaya ramdam namin ang impact at lakas ng pagsabog nito. Pareho kaming halos mabingi sa nangyari, muli kong ipagpapasalamat na ito ang kotseng pinadala ko sa kan'ya kaya hindi kami gaanong apektado. Pero dahil sa impact nagpagewang gewang pa din kami. "Aods! Okay ka lang?" tanong nito nang ihinto n'ya ang kotse. "Wag kang huminto! Hindi pa tapos!" singhal ko kaya naman muli s'yang nagmaneho. Hangga't hindi pa kami nakakalayo dito, hindi pa tapos dahil pwedeng meron pa ding kalaban sa paligid! Hindi nga ako nagkamali dahil nakarinig pa ako ng tunog sa labas ng kotse namin. Kaya naman kahit tuliro pa ako. Kinuha ko ulit ang baril ko at umangat sa itaas na bintana at muling bumaril sa likuran namin. Dahil nakafocus ako sa likurang kotse, hindi ko agad napansin na may nakamotor na biglang bumaril sa akin at kasamaang palad natamaan ako sa balikat pero hindi ako huminto, tinutok ko ang baril ko sa makina ng motor n'ya at iyon ang minuntirya kong barilin. Dalawang putok lang ng baril ko ay agad na itong sumabog. "P*ta! Aodie!" sigaw ni Benjie nang makita n'yang punong-puno ng dugo ang braso. "Just drive! Okay lang ako!" saad ko sabay kuha ng bag ko. Kinuha ko ung isang panyo ko sa bag at kinagat iyon para matali. "Aods! Pwede akong huminto!" nag-aalalang saad ni Benjie pero umiling ako. "Kaya ko! Magdrive ka lang palayo sa kanila," usal ko habang mahigpit na tinatali ang tama ko sa balikat. Hindi ko kayang linisin ung sugat ko, tinuro sa amin kung paano maglinis ng sugat pero iyon talaga ang hindi ko kayang gawin. Alam ni Benjie iyon kaya nga sinabi n'yang huminto muna kami pero hindi pwede dahil nasa gitna kami ng laban. Nakakaramdam na ako ng hilo at ng pagpikit ng mata dahil sa dugong patuloy na nawawala sa akin pero tinitibayan ko dahil naiisip ko sila mama. Pero dahil tao lang din ako, unti-unti na akong nakakaramdam ng bigat ng talukap.. "ma.." mahina kong bulong. "Aodie! Malapit na tayo! Just hold on!" rinig kong sigaw ni Benjie pero para akong nagdedeliryo dahil si mama at mga kapatid ko lang ang nakikita ko. Tuluyan na akong napapikit ng matagal at nang muling dumilat, isang mukha ng lalaking gusto kong makita ang bumungad sa akin.. "Cold.." tawag ko dito, tulad noon walang emosyon sa mukha n'ya kaya hindi ko alam kung imahinasyon ko lang din ba s'ya o totoo na, napapikit na lang ako at muling nilamon ng kadiliman. Napabalikwas ako at napahiyaw nang magising dahil biglang sumakit ang balikat ko nang tignan ko iyon may dugo sa gitnang parte ng benda. Benda? Doon biglang bumalik lahat ng nangyari sa amin kagabi ni Benjie at nung mga kasama namin. "Glad you're awake!" napabaling ang tingin ko sa may pintuan nang marinig ko ang boses na iyon. "Benjie!" tawag ko dito at sinubukang bumangon pero napaigik ako dahil kumirot bigla ang tama ko. Mabilis ka naman s'yang lumapit at inalalayan ako. "Kalma! Okay lang ako, ikaw ang hindi okay. Tignan mo, dumudugo na naman ung sugat mo!" saad nito sabay turo sa sugat ko. "Mabuti at mabilis na kumilos si Cold para lunasan itong tama mo," saad nito kaya napatingin ako sa kan'ya. "Si Cold ang gumamot ng sugat ko?" tanong ko sa kan'ya. "Oo! Masyado ngang possessive! Ayaw kang pahawakan sa kahit na sino! Kahit sa akin! S'ya lang mag-isa ang gumamot sa'yo! Hindi ka talaga n'ya iniwan hanggang hindi tumitigil sa pagdugo ung sugat mo!" kwento n'ya kaya napatingin ako sa sugat ko na may dugo. "Speaking! Tawagin ko lang s'ya! Bilin n'ya kasi sa akin, kapag nagising ka, tawagin namin s'ya lalo na pag dumugo ang sugat mo," saad nito sabay tayo. Pero bago pa s'ya makalabas, muli akong nagtanong. "Kumusta ung mga kasama natin?" "Sa anim na sasakyan na lumuwas papunta dito, tatlo lang ang nakaligtas. Sa tatlong sasakyan na nakaligtas, apat ang namatay, tatlo, kasama ka sugatan." malungkot na saad nito. "Madami ang nalagas sa atin, habang nakikipagbuno tayo sa kalaban kagabi, may mga armadong namaril dito sa mansyon," Napaangat ang ulo ko. "Kumusta ang Don?" tanong ko sa kan'ya. "Ayos lang s'ya. Mabuti at nandito sila Cold kaya walang masamang nangyari sa kan'ya," usal n'ya at ngumiti. "Sige na. Nadugo na ng sobra ung sugat mo, baka kung ano pa magawa sa akin ni Cold," saad nito at tuluyan nang lumabas. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ko at napapikit. Isang malaking pasasalamat ko na naunang umalis si Don Marcelino sa amin, dahil kung hindi baka may nangyaring masama sa kan'ya. Napapikit na lang ako at napaisip, sino nga kaya ang nasa likod ng nangyaring engkwentro kagabi pati na ang pamamaril dito sa mansyon? Kaaway nga kaya namin o kaaway namin na nagsasabing kakampi namin sila. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD