AODIE
"Aods!"
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Benj na naglalakad papalapit.
"Bakit?" tanong ko dito nang makalapit na s'ya.
"Pinapatawag ka ni Don Marcelino," saad nito sabay lahad ng kamay n'ya para maalalayan akong tumayo.
Agad ko namang tinanggap iyon at kumuha ng pwersa para makatayo.
Sabay kaming pumunta sa private living room ng Don at doon namin nakita na tahimik at mataimtim na nakaupo si Don Marcelino sa pang isahang upuan habang umiinom ng kan'yang tsaa.
"Pinapatawag n'yo raw ho ako," magalang na bungad ko.
Marahan s'yang tumingin sakin at tumitig sabay baling kay Benjie.
"Pwede mo na kaming iwan," marahang usal nito. Tinapik lang ni Benj ung balikat ko bago yumuko at nagpaalam. "Maupo ka, Aodie" utos nito kaya naman agad kong sinunod.
"Ano hong maipaglilingkod ko sa'yo?" tanong ko ulit.
"Puntahan mo si Cold sa resort na ito," utos nito sabay abot ng isang papel naglalaman ng address at pangalan ng resort na sinasabi nito.
Bigla din naman kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni Cold.
Isang linggo na din halos ang nakalipas matapos mangyari ang bagyo dito sa amin at matapos din ang gabing may kumuha ng iniingatan ko.
Malakas ang pakiramdam kong si Cold iyon.. ung haplos, hawak at halik sa katawan ko.. alam kong s'ya iyon pero paano ko mapapatunayan na s'ya kung gayong umaga pa lang ng araw na iyon ay wala na s'ya sa mansyon.
Gusto ko mang komprontahin mismo ang taong iyon ngunit nahihiya nga ako dahil wala akong matibay na pruweba.
Kinuha ko ang papel at nakita kong sa Batangas ang nasabing resort.
"Use our helicopter, para mapabilis ka sa transportasyon. Tell him, I need him tomorrow," habol pa nito kaya napatango ako.
Mabilis akong umalis sa harap ng Don at nag-ayos ng sarili ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kinakabahan ako na naeexcite.
Agad akong umalis ng mansyon matapos kong magpaalam kay Don Marcelino.
Sakay ng big bike ko, bumyahe ako papuntang open field kung saan nandoon nakapwesto ang mga sasakyan panghimpapawid ng Don.
"Aodie, you will be my co-pilot. It's urgent kaya naman hindi na ako nakahap pa ng iba pa," saad ng pilot na nakalaan para sa utos na ito.
"Sure, Captain!" sagot ko.
Agad naman n'ya akong binigyan ng helmet kung saan nakakabit na ang headset para marinig ko s'ya pati na ang safety goggles. Lumipad kami agad sa ere matapos ma inspeksyon ang sasakyan namin.
Halos maggagabi na nang lumapag kami sa private helipad ni Don Marcelino.
May nakahanda ng kotse doon para sakin kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras, agad akong nagpunta sa lugar na sinabi sa papel.
Nang makarating ako doon, mukhang may pagdiriwang na ginaganap. Dahil nakasarado ang buong resort.
"Sinong kailangan mo?"
Tanong ng isang lalaking nakaitim. Hindi s'ya mukhang goons o kalaban, more on security pero kahit ganon, kailangan ko pa ding maging alerto.
"Si Cold," kalmadong tugon ko.
Tinignan n'ya lang ako mula ulo hanggang paa bago s'ya nagsalita sa earpiece n'ya.
"You're clear! Just go to that hotel, use the elevator on the left side then press the 7th floor. May makikita kang mini bar. Nandoon si boss Cold," saad nito.
Naglakad ako nang dahan-dahan papunta sa tinuro nitong hotel at katulad sinabi nito, ginamit ko ang kaliwang elevator, pinindot ang 7th floor.
Bumukas ang elevator at agad akong naging alerto dahil ramdam kong maraming nakabantay dito sa palapag na ito. Hindi man sila nakikita pero mararamdaman mo naman ang presensya nila.
Naglakad ako sa sinasabing mini bar. Binuksan ko iyon at pumasok, sa 'di kalayuan nakakita ako ng limang lalaking mukhang nag uusap usap. Nandoon sa grupo na iyon ang pakay ko. Akala ko nasa States s'ya?!
Agad naman akong nakita nito kaya kahit hindi ko kita alam kong wala na namang ekspresyon ang mukha n'ya.
"Yes, Aodie? What's bringing you here?" tanong nito na katulad noon ay hindi ko mababakasan ng emosyon!
Nakakainis! Hindi ba talaga s'ya ung lalaking pumasok sa kwarto ko nung gabing iyon?! Ibig bang sabihin na ibinigay ko ang sarili ko sa iba!
Sinabi ko lang ang pakay ko sa kan'ya at muntikan pa akong makabaril ng isang lalaking manyak!
"She's not our property,"
I am your property! You already claimed me! O baka mali talaga ako..
"I'm no one's property," saad ko dito bago siya tinanong kung nong dapat kong sabihin sa Don.
Mabilis akong umalis sa lugar na iyon para makabalik agad sa probinsya.
'Ikaw naman kasi, Aodilaida! Bakit bumigay kaagad?! Haplos at halik lang iyon ng lalaking inaakala mong s'ya nga! Paano kung hindi?! Paano kung iba pala?!'
Madaling araw na nang makarating ako sa lugar namin.
Bahagya akong nagulat nang salubungin ako ni Gio, pagbaba ko ng big bike ko.
"Late na ah! Bakit gising ka?" tanong ko dito.
"Wala.. napansin ko lang kasi na umalis ka pala kanina kaya naman inaantay kita. Saan ka galing?" nakangiting tanong nito.
Matagal bago ako sumagot dahil pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba ung totoo.
"May inutos lang si Don Marcelino," tugon ko dahil iyon naman ang totoo.
Nakita ko naman na tumango-tango s'ya kahit hindi s'ya convince at parang may gusto pa s'yang malaman pero dahil siguro sa titig ko. Ngumiti s'ya at tinapik ako sa balikat.
"Hm.. ganon pala, sige na! Pahinga ka na. Mukhang pagod ka na sa inutos sa iyo," saad nito tapos tinulak ako papasok ng mansyon.
Weird!
Kinabukasan, tanghali na ako nagising dahil nasabi ko naman na sa Don kung ano ang pinapasabi ng bwisit na yelo na iyon.
I just did my daily routine na kasama si Benjie at katulad kagabi nakakaramdam ako ng kawirduhan kay Gio.
Simula nung lumabas ako ng kwarto at kumain. Nakasunod na s'ya sa amin ni Benjie. Katulad ngayon na nagkakasiyahan kami dito sa malawak na patag dito sa likod bahay, nandito s'ya sa tabi ko at nakaakbay!
Wala namang problema pero kasi iba ung mga galawan n'ya.
Hindi kaya.. si Gio ung pumasok sa kwarto ko? Hindi kaya s'ya ung lalaking kumuha ng una ko. Baka hindi talaga si Cold? Pero bakit komp-
Naputol ang pag iisip ko at tawanan ng mga kasama ko nang makarinig kami ng putok ng baril, kanya-kanya kaming hugot ng baril at tingin sa paligid. Dahil baka may mga kalaban na nagtatangkang pumasok o lumusot sa mansyon.
"Check the perimeter! Now!" utos ni Gio sa mga kasama namin.
Nagpalinga-linga naman ako sa mansyon dahil bigla akong may naaninag na anino o bulto ng tao o baka imaginasyon ko lang.
Tinignan ko ung tinamaan ng bala at muling binalikan ung direksyon ng tinitignan ko kanina, kung sa anggulo na ito, makikitang halos katapat n'ya iyon pero hindi dahil ang katapat talaga nito ay ang pwesto ni Gio!
Sh*t! Si Gio ata ang target ng bumaril?! Hindi kaya ito iyong traydor sa amin?! Pero bakit si Gio?! May alam ba si Gio sa nangyari?!
Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang mga naiisip ko. Hindi ko pa pwedeng ipagsabi dahil hindi ako sigurado.
Nagsibalikan ang mga kasamahan namin at pare-pareho ang ulat ng mga ito.
Wala silang nakitang kahina hinala pati na ang mga cctv sa mansyon parang pinutol pero malinis ang pagkakaputol.
Dahil naman sa nangyari, nagpapulong si Gio sa amin. Binigyan s'ya ng permiso ni Don Marcelino na ipulong kami para sa magpapatrol.
Salitan ang mangyayaring patrol para hindi mapagod ang lahat.. ayon ang akala ko! Akala ko lahat pero hindi pala.
"Aods! Hindi daw tayo kasali sabi ni Don Marcelino.. magpahinga ka na daw sa kwarto mo," saad ni Benjie kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit daw? Dapat 'di ba, kasali tayo?" tanong ko dito pero nagkibit balikat lang s'ya.
"Ayon ang utos, kaya naman magpahinga ka na daw at may aaralin ka pa daw bukas ulit," saad nito kaya kahit ayaw ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nagpaalam sa mga kasama namin.
Katulad ng napag-usapan, nasa kwarto lang ako habang may nagpapatrol sa labas. Mas hindi ako makatulog sa nangyayari.
Sino kaya iyong bumaril sa amin o kay Gio? Bakit n'ya gustong barilin si Gio?
LUMIPAS ang ilang bwan at muling napagpasyahan ng Don na tumulak kami sa Maynila.
Pero isang linggo bago kami muling pumunta doon, napagpasyahan kong umuwi muna sa bahay namin.
Gusto ko lang kumustahin sila mama pati na ang mga kapatid ko.
"Ate!!" masayang bati nila sa akin nang makarating ako sa bahay.
Agad din akong yumakap sa kanila kahit na bitbit ko pa ang mga pasalubong ko.
"Kumusta kayo? Si mama?" tanong ko sa kanila na unti-unti nang kinukuha ang mga dala ko.
"Nasa likod bahay at nagpipitas ng mga gulay doon at prutas! Ang dami na nga, Ate! Mabuti na lang talaga at binigyan mo si mama ng pagkakakitaan." saad ng babae kong kapatid na sumunod sa akin.
Dahil nga hinahayaan ako ni Don Marcelino na umuwi ng bahay namin, kalahati ng natanggap kong pera ay pinambili ko ng sarili naming lumapin kung saan nakatayo ang bahay namin, pangarap kasi ito ni papa pero hindi natuloy dahil nga nagkasakit s'ya at nabawian na ng buhay kaya naman ipinagpatuloy ko na lang.
Mas maganda kasi iyon dahil nga katulad nito. Nagkaroon ng sariling pinagkakakitaan si mama pati na ang mga kapatid ko ay nakakatulong.
Hindi nga lang nila alam kung saan galing ang perang pinambili ko dito. Basta ang sabi ko ay pinag-ipunan ko at malaki din ang kinikita ko sa pagiging assistant ni Don Marcelino.
"Tinupad ko lang ung pangarap ni papa. Tara na!" saad ko at inakbayan s'ya kaya sabay na kaming pumasok ng bahay.
Sakto namang pagpasok namin, syang pasok din ni mama.
"Oh! Hindi ka naman nagsabi na dadalaw ka pala! Mabuti na lang at may mga bago akong pitas na gulay at prutas! Meron din akong nakuha na passion fruit! Paborito mo iyon 'di ba? Dadalhin ko nga sana sa mansyon, mabuti na lang at umuwi ka," bati ni mama habang binababa iyong mga dala n'yang gulay at prutas.
"Salamat, ma!" masiglang saad ko at gusto kong maiyak dahil pagkatapos na naman ng araw na ito.
Ilang buwan na naman ako bago makauwi dito. Minsan hindi pa sigurado kung makakauwi ako dahil sa trabahong meron ako.
Isa lang naman ang pangarap ko simula nung mapunta ako sa puder ni Don Marcelino..
Ang makauwi at makasama sa araw-araw sila mama at ang mga kapatid ko.
Sa ngayon, susulitin ko muna ang araw na ito para makasama sila mama.
Sumapit ang hapon at kailangan ko ng umuwi sa mansyon dahil iyon lang ang paalam ko kila Don Marcelino. Lalo na wala akong kotse o motor na gamit dahil ayokong makahalata si mama.
"Ma, babalik po kami ulit sa Maynila sa susunod na linggo. Katulad po noon, baka matagalan bago ako makauwi dito.. mag-ingat po kayo palagi at wag mahihiyang tumawag kung may kailangan kayo..." bilin ko kay mama.
"Oo na at kanina mo pa binibilin iyan, akala mo naman ay hindi na tayo magkikita pa ulit," saad nito.
"Mas maganda na po iyon at least alam kong hindi ako nakalimot," saad ko dito at hinigpitan ang kapit sa kamay n'ya. "Ma, mag-ingat po kayo dito ah," ulit ko at tipid na ngumiti.
"Oo, anak. Ikaw din ay mag-ingat.." saad nito na ikinatango ko.
Matapos ang paalamanan namin nila mama. Dumeretso na ako sa sakayan ng tricycle bitbit ang mga pinadala ni mama, habang naglalakad ako, nakakaramdam ako ng mga nakasunod sa akin.
Alam kong hindi lang isa, kun'di madami.
Hindi ako nagpahalata na napapansin ko na sila. Marahan kong kinapa ang patalim ko sa hita ko.
Hindi ako nagdadala ng baril kapag umuuwi ako ng bahay dahil ayokong makita iyon ni mama o ng mga kapatid ko. Mabuti na lang at may patalim akong inilagay sa hita ko.
Umupo ako bahagya para kunwaring natanggal ung sintas ng sapatos ko, doon ko sapilitang pinunit ung pants ko kung saan nakalagay ang kutsilyo ko.
Nang maisagawa ko na ang dapat kong gawin muli akong tumayo ng tuwid. Itinago ko sa pagitan ng relo ko ung kutsilyo at nag-ayos ng buhok.
Muli akong naglakad kaya naman naramdaman ko ulit..
S'ya?
Bakit isa na lang ang nararamdaman ko?!
Agad akong lumingon sa direksyon kung saan ko naramdaman ung mga sumusunod sa akin.
Hindi ako pwedeng magkamali! Marami sila kanina! Ngayon isa na lang?
Agad kong kinuha ang kutsilyo sa kamay ko at hinagis iyon sa isang puno na alam kong nasa harap ng humahabol sa akin.
"Kung sino ka man! Tantanan mo ko!" singhal ko at mabilis na tumakbo papuntang paradahan ng tricycle.
Kung sino man ang sumusunod sa akin! Sana hindi n'ya nakita sila mama dahil iyon ang pinakakinatatakutan ko, ang mapahamak sila dahil sa kagagawan ko.
---------------------