AODIE
Matagal na akong nakatingin sa kisame nang muling bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Glad you're awake, are you going to kill yourself?" rinig kong tanong ng isang lalaking gumugulo sa isip ko nitong nakaraan.
Hindi ako umimik at tumingin lang sa kan'ya na naglalakad papalapit sa akin kasunod si Benjie.
Nang makita n'ya na nakatingin ako sa likod n'ya– agad n'yang nilingon si Benjie.
"Outside! I'm going to clean her wound," saad nito sa binata kaya naman nagtaka kami pareho.
"Balikat lang naman ung tama n'ya ah.. gusto ko makita," dahilan ni Benjie sabay lakad pero bahagyang napaatras nang tutukan n'ya ng baril ni Cold.
"Leave or Die? Choose one!" saad nito kaya naman ngumuso itong isa at padabog na naglakad palabas.
Parang bata!
"Possessive, hindi naman jowa–Ah! Eto na lalabas na!" sigaw ni Benjie at mabilis na tumakbo palabas dahil bigla s'yang pinutukan ni Cold ng baril.
"Too noisy!" reklamo nito nang mawala si Benjie sabay harap sa akin at nagtuloy-tuloy upo sa tabi ng higaan ko.
Sinipat n'ya ung balikat kong puno na ng dugo bago s'ya yumuko at may kinuhang kung ano sa ilalim ng kama ko.
Agad akong napaiwas ng tingin sa kan'ya nang umayos ito ng upo at derektang napatingin sa akin.
Nasa ilalim pala ng kama ko ung medicine kit sana pala si Benjie na lang ang pinagawa ko dito.
Napasinghap naman ako agad nang lumapat ang mainit na palad nito sa braso ko. Bukod sa parang naramdaman ko ung sakit biglang bumalik sa akin ang init ng pakiramdaman na naramdaman ko nung gabing iyon.
"Does it hurt so much?"
Napatingin ako sa kan'ya dahil sa tanong n'ya. Bakit kung pagninilay-nilayan ung sinabi n'ya para s'yang nag-aalala pero sa tono at itsura ng mukha n'ya, hindi! Baliw na ba ako o sadyang mahirap lang basahin ang lalaking ito?
"Wala ka ba talagang emosyon?" walang preno kong tanong.
"If I answer that question, will you answer mine?" balik nito sa akin na patanong din.
Wala naman akong pag-aalinlangan na tumango sa kan'ya. Nakita ko lang na bumuntonghinga s'ya.
"Later I'll answer that for now I need to treat that f*cking wound," saad nito na may gigil sa huling mga salitang lumabas sa bibig n'ya.
Hindi na ako umangal at hinayaan na s'ya.
Nanlaki naman bigla ang mata ko nang bigla n'yang gupitin ung damit ko sa parteng balikat.
"Hoy! Bakit ginupit mo?!" hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Why? You'd rather take off your clothes than rip it?" tanong n'ya habang patuloy na ginugupit ang damit ko.
Hindi naman ako nakapagsalita dahil tama naman s'ya. Mas okay na nasirain kesa maghubad ako pero parang gano'n din naman iyon, mas worst pa nga dahil itatapon ko na ito dahil sira na.
"And it's okay to be ripped because it's my shirt," habol n'ya kaya naman napatingin ako dito sabay tingin sa damit kong suot.
Kaya pala iba ang amoy at pakiramdam ko malaki sa akin pero teka! Ibig sabihin!
"Ikaw nagpalit ng damit ko?"
May halong paghihisterikal na tanong ko kaya naman bahagya din akong napangiwi.
"Yes and could you please calm down and shut up. Masyado kang maingay," saad nito sabay talikod para ayusin ung mga ipang gagamot n'ya sa akin.
Hindi na ako nagsalita ulit at hinayaan na lang s'ya.
Buong proseso ng paglilinis n'ya ng sugat ko at nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa may naalala ako kaya tumingin ako sa kan'ya na napataas ang kilay dahil sa biglaang pagtingin ko.
"Pwedeng magtanong?" tanong ko dito habang nakataas pa din ang kilay at seryosong nilalapatan ng lunas ung sugat ko.
"Spill," tipid na tugon nito.
"Kumusta ung mga kasama namin? Ung mga sugatan? Si Gio-Aray! Ano ba?!" daing ko dahil biglang nadiin ung bulak na pinapahid n'ya.
Halos maiyak ako dahil masakit talaga!
"Sorry, I didn't mean it, my hand moved on purpose when someone made a noise." malamig na saad nito na parang wala lang ung naiiyak kong itsura sa kan'ya.
Hindi na lang din ako nagsalita at pasimpleng pinunasan ang luha ko na lumabas dahil sa sakit.
"I'm really sorry. I didn't mean it, but to answer your question, they're okay and nothing to be worried about. Ikaw ang pinaka napuruhan sa inyong mga nabuhay." tugon nito kaya naman napasulyap ako dito.
"Kamusta ang Don? Nasabi ni Benjie, sinugod din kayo dito?" tanong ko.
"He's okay, we're here kaya naprotektahan. But he almost had a heart attack because of the shock," saad nito kaya nabahala naman ako na ikinangiwi ko din at sa 'di inaasahang pangyayari muling dumugo ung sugat ko.
Nakarinig lang ako ng mura galing kay Cold at malalim na buntong hininga ito.
"I know you're worried about them but can you put yourself first?! worse happened to you and you almost died! You have a family that is waiting for you in the province, right? Think about them!" madidiing saad nito na bigla naman akong natauhan.
Oo nga pala sila mama.. kapag may nangyari sa aking masama, sisihin no'n ang sarili n'ya dahil binigay n'ya ako dito.
Hindi na ako muling nagsalita at hinayaan na lang s'ya na muling linisin ung sugat ko.
Nang matapos ito. Tumingin lang ako sa kan'ya na naglilinis ng mga ginamit namin.
"Cold? Bakit Cold ang pangalan nabansag sa'yo?" tanong ko dito.
"Because of my cold treatment of others. I don't give a damn care to others." tugon n'ya sabay tingin sa akin ng diretso.
"What's your real name?" tanong ko ulit.
"Will you believe me if I tell you who I really am?" balik nito sa akin na patanong.
Bigla naman akong kinabahan dahil sa diretso at seryosong boses nito.
"Wag na lang pala.. ayoko nang malaman kung sino ka ba talaga," saad ko sabay iwas ng tingin.
Hindi naman ito nag salita kaya muli kong nilingon at doon ko nakita na naglakad na s'ya papuntang pintuan. Mukhang palabas na.
"You will know me soon, Aodie.. you will. For now, take care of yourself. Don't move too much it might bleed again," paalala n'ya at tuluyang binuksan ang pintuan at lumabas.
Agad na pumasok si Benjie nang makalabas si Cold.
Buong araw lang din naman akong binantayan nito at nalabas lang pagpapalitan ni Cold ung takip. Hindi na rin naman kami nag-usap ni Cold sa mga sumunod na paggagamot n'ya sa akin.
LUMIPAS ang halos isang buwan at ramdam kong maayos na ako. Actually 2 weeks ago, ramdam kong magaling na pero hindi ako pinayagan ni Cold at ni Don Marcelino na gumawa ng mga bagay-bagay dahil baka bigla daw bumuka ung sugat, gusto ko mang umalma sa sinasabi nila, sumunod na lang ako dahil dalawa sila na samahan pa ng alalay nila na si Benjie.
"Good morning, Aodie!" bungad sa akin ni Benjie.
"Good morning, kain na tayo! Nagugutom na ako," saad ko sabay akbay sa kan'ya.
"Tumakbo ka?" tanong nito dahil ayon ang ginagawa ko nitong makalipas nang maramdaman ko nang okay na ako.
Tumango lang ako dito bago kami nagpalit ng pinag-uusapan.
"Ow! Still alive?" rinig kong usal ni Christine sa hindi kalayuan.
Hindi naman kasi kami nagkikita nitong nakaraan dahil napag-alaman ko na may nireraid silang warehouse ulit.
"Ganon talaga kapag masamang damo, matagal mamatay. Tignan mo buhay ka pa," saad ko at naglakad ulit.
"Mag-ingat ka! Baka iyang kayabangan mo ang pumatay sa iyo!" rinig kong singhal n'ya pero hindi ko na pinansin dahil hindi nangyayari iyon hanggang may hangarin akong gustong matupad.
Nagpatuloy kami ni Benjie papunta ng dining para kumain dahil may gagawin pa kami.
May training kami ngayon kay Cold, kung dati ako lang mag-isa ngayon, marami na kami. Kasama ko na ang mga chararat na alipores ni Christine, mga bata ni Gio at syempre si Gio.
Speaking of Gio! Eto na nga s'ya at sinasalubong na kaming dalawa ni Benjie na masama na ang mukha.
Sa hindi naman malayong distansya, nakita ko si Cold na tahimik na kumakain ng agahan n'ya.
Naalala ko na naman ung pagdiin n'ya sa sugat ko nang mabanggit ko si Gio! Selos ata s'ya non, pero syempre alam kong hindi naman.
"Aodie, balita ko kasama ka na daw sa training ngayon?" bungad ni Gio na muntikan pang mawala sa isip ko na nandito pala.
"Oo! Namiss ko na magtraining." saad ko na ikinatawa n'ya lang.
Nagtatawanan pa kami doon dahil sa mga biro ni Gio nang makarinig kami nang marahas na pagtayo.
"Training room in 10mins!" saad ni Cold bago naglakad paaalis. "Every one minute of late, 10 laps," habol n'ya na ikinataranta naming lahat maliban kay Benjie na tahimik at masayang kumakain.
"Wait lang! Hindi pa ako nakain, magpapalit pa ako ng damit!" natataranta kong sigaw pero hindi naman ako pinakinggan ni Cold pati ng iba kong kasama.
"Sige na, kumain ka na. Ako na bahala magpaliwanag kay Cold."
Napatingin ako kay Gio na nakangiti sa akin. Hindi pa pala s'ya umalis sa tabi ko.
"Salamat ah.. magbibihis na lang ako," saad ko at bahagyang mgumiti.
"Sumubo ka na lang muna ng unti para hindi ka manghina sa training. Balita ko din kasi may sparing din ngayon kaya kumain ka na," saad nito sabay patong ng kamay n'ya sa ulo ko at binigyan ako ng ngiti.
Nakaalis na s'ya sa harap ko pero ako nakatulala pa din.
"Kumain ka na, kesa nakatulala ka dyan." rinig kong usal ni Benjie kaya bigla akong natauhan mabilis na lumapit sa hapag para kumain.
Halos mabilaukan ako sa mabilis kong pagkain ng agahan ko.
Mabilis din akong nagpaalam kay Benjie na tinanguan lang ako at sinabing susunod s'ya sa training room.
Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit pang training.
"YOU are 10 minutes late,"
Halos matahimik ang buong paligid nang bungad sa akin si Cold na malamig ang tinig.
Halos madapa na nga ako kakamadali! Bagong kain pa ako!
Napatingin ako sa paligid at nakita ko sila Christine na nakatingin sa akin habang may ngisi sa labi. Sarap tanggalin ng ngisi na iyan
Hinarap ko si Cold na wala pa ding ekspresyon ang mukha! Sabagay sabi n'ya ganyan na talaga s'ya.
"Kumain pa kasi ako tapos nagpalit ng damit," katwiran ko.
"Ako na lang sasagot ng 100 laps n'ya, Cold. Kawawa naman si Aodie kagagaling lang n'ya sa recovery stage," rinig kong saad ni Gio.
Sinulyapan lang s'ya ni Cold na nanlilisik ang mata bago bumalik sa akin ang tingin.
Tinignan lang naman n'ya ako mula ulo hanggang paa kaya na conscious ako!
Nakasando lang ako na army green at nakalegging na itim. Nakabun ang buhok para walang harang.
Nagulat ako ng hubarin n'ya ung training jacket n'ya habang umiigting ang panga at marahas na iabot sa akin.
"Wear that f*cking jacket and run, 20 laps!" saad nito at tumalikod. "Don't f*cking remove that jacket kun'di pababalikin kita sa kwarto mo," rinig kong banta n'ya kaya mabilis kong sinuot iyon.
Ang bango! Amoy na amoy ung lalaking pabango n'ya.
Bago pa ako malunod sa amoy ni Cold, agad kong pinilig ang ulo ko tapos tumingin kay Gio at nagsabi ng thank you.
pumuwesto ako sa pinakagilid kung saan ako tatakbo para sa 20 laps ko.
MATAPOS ko tumakbo, isang malalim na hinga ang pinakawalan ko at napahawak pa ako sa beywang ko dahil sa pagod.
Dahil alam kong pawisan ako, huhubarin ko sana ung jacket pero napatingin ako sa paligid dahil ramdam kong may nanlilisik na mata na nakatingin sa akin at hindi naman ako nagkamali!
Isang malamig pero nanlilisik na mata ni Cold ang nasalubong ko habang naglalakad s'ya papuntang arena kung tawagin kaya naman hindi ko na tinuloy ang paghubad! Bwisit na 'to!
"Assemble!" sigaw nito.
Mabilis kaming kumilos papunta doon at pinakinggan lahat ng sinabi n'ya.
Totoo nga ang sinabi ni Gio na magkakaroon kami ng sparing ngayon at pinagpapartner kami ni Cold.
Babae sa babae at lalaki sa lalaki. May tatlong round, ang manalo sa unang round ay lalaban sa second round kung saan ang kalaban ay ang mga mananalo sa unang round, dito wala ng babae babae, kung makatapat mo ay lalaki, dapat tatagan mo ang sarili mo para manalo at kung sino naman ang mananalo sa second round, matira matibay na sa third and last round.
"Aodie vs Christine!" anunsyon ni Cold kaya naman nakarinig ako ng pagsipol sa paligid.
Napatingin naman ako kay Christine na akala mo nanalo sa lotto.
Tss! As if magpapatalo ako sa kan'ya.
"Boss Cold, si Gio walang partner," may isang kasamahan kaming sumigaw sa bandang likod.
"I am," seryosong saad nito na mas ikinagulo ng mga kasama namin.
Pero parang lugi si Gio? Kasi parang malaki ung katawan ni Cold, kita kasi sa suot n'yang black fitted shirt. Hindi naman ganon kalaki pero masasabi mong batak sa training. Gano'n din naman si Gio pero parang mas build lang ung katawan ni Cold kesa sa kan'ya.
Bago pa mauwi sa tuksuhan ang labanan, nag umpisa na ang sparing. Lahat palaban at walang nagpapatalo kahit mga babae na akala mo ay mahihinhin, lumalaban at bumabasag ng mukha.
"Next match! Aodie and Christine!" sigaw ni Cold.
Naglakad na ako papunta arena at muli, akmang tatanggalin ko ung jacket pero sinamaan ako ng tingin ni Cold kaya inirapan ko lang s'ya.
"Go, Aodie!! Talunin mo ang linta!"
Agad nagkaroon ng tawanan nang sumigaw si Benjie ng gano'n, binigyan lang naman s'ya ni Christine ng isang malakas na mura na sinamahan pa ng pagtaas ng daliri.
"F*ck you!" gigil nito.
"Sure! Later!" bwelta nito sabay kindat kay dito.
Napailing lang ako sa ginawa ni Benjie, nang iinis na naman kasi iyan.
Napalingon ako kay Gio na palapit sa akin at mukhang nag-aalala.
"Ung balikat mo, ingatan mo. Baka mapunta ka na naman sa recovery stage.." saad n'ya.
Sasagot pa lang ako nang sumigaw na si Cold.
"Fight or be disqualified?"
Agad na akong pumasok nang marinig ko iyon. Lagi na lang tong si Cold na bubwisit kapag magkausap kami ni Gio!
Feeling ko tuloy nagseselos s'ya! Assuming! Syempre Hindi! Why would he be so jealous? Wala namang nararamdaman iyang si Cold.
"Aodie! Focus! Stop thinking of your boyfriend!"
Bahagya akong napatingin dito nang sumigaw ito sa akin. Boyfriend?! Hindi ko naman s'ya boyfriend ah!
"Ptcha! Wala akong iniisip at lalong wala akong boyfriend!" balik ko sa kan'ya.
"Good! Now focus!" saad nito sabay tingin kay Christine.
Lumapit kami sa gitna habang naghihiyawan naman ung mga nasa paligid, alam naman kasi nila na mortal kaming magkaaway ni Christine.
"As long as the opponent does not fall asleep or surrender, the fight continues," saad ni Cold kaya sumilay ang ngisi kay Christine.
"What if mapatay ko s'ya, is that okay?" malandi nitong tanong.
"try it and I'll kill you," saad nito sa malamig na paraan.
Bulong lang iyon na mukhang kami lang ang nakarinig kaya naman mukhang natakot si Christine at napaatras.
"Sorry,"
"You should!" saad nito. Huminga si Cold ng malalim bago ito itinaas ang kamay at sumigaw. "Fight!"
Agad na may lumanding sa aking suntok pagkatapos na pagkatapos nitong sumigaw. Napatabingi ang ulo ko dahil doon pero agad ding napangisi.
It's showtime!
--------------